"I was finally getting over you and actually believing I didn't need you. I was finally accepting you had another boy. Then you smiled at me and ruined it all."
˜ Mark ˜
♥+♥ . . ... . . Hindi ko alam kong paano magpapaliwanag kay Dado, grabe kahit ano yatang sorry ko kay hindi ako matahik pero sabi naman ni Dado wala yun hindi ko daw kasalanan. Kahit kay Rolly, Joey, Ricky at miski kay Abe nagsorry na rin ako. Sabi ni Abe baka daw mainit lang ang korsunada ng mga tao samin ng araw na yun dahil hindi naman daw ganun ang nangyari nung una silang nagpunta. . . Buti nalang malawak ang pangunawa nina Dado dahil kung di ewan ko nalang kung ano ang magagawa ko sa AHO, baka ipakulam ko silang lahat . . . Pati si Gerly lalo na si Jon galit na galit si Mhaei hindi ko alam kung anong reaction nia medyo kasi tila lumalayo si Mhaei dahil kay Nerry mukhang pati si Mhaei na brainwash ng kumakalat na chismis about me and Rico, pero ewan ko bahala sya paniniwala nia yun hindi ko hawak ang utak nya. . .
. . . 10am ang uwian dahil may Seminar ang mga teacher kaya nagyaya sina Rolly at Dado sa kanila para manood ng CD movie... Kaya sumama kami ni Jon pero hindi si Gerl even Mhaei mukhang may kanya silang lakad. Before we go nagcleaner pa sina Jon at Rolly kaya nagkwenthan muna kami nina Dado sa labas ng room. Iniwan ko lang sila dahil nagpaalam si Rico. Nagusap kami sandali dahil kinukulit ko sya about Nerry pero ayaw talaga ni Rico. . . after beso-beso umalis narin sila ni Billy at Regie. Pabalik na ko kayna Dado ng maksalubong ko si Granth sinabi nya kung uuwi na ko then i tell him na may pupuntahan pa kami nina Dado.
. . . Grabe ang layo pala ng bahay nina Dado, sa high way pa pero sa sabungan ng Angono kami bumama tapos naglakad kami pababa ng Hi way, pero okei na man cute nga bahay nila. Magkatabi lang pala ang bahay nila nina Icad, si Rolly naman sa taas pa at si Manuel daw malapit sa Car wash . . .. maganda yung action movie na pinanood namin kasama sina Rolly, Icad, Manuel at sympre si Jon at Dado. Nang matapos yung movie bumili kami ni Icad ng meiryenda nalaman ko doon din pala nakatira yung classmate namin na si Abigail. . . kaya pala may crush kay Dado eh malapit lang pala yung bahay nila. . . he he he lagi nga naming ginagalit kay Dado si BY (Abigail) un kasi ang bansag sa kanya ng prof namin. Pano ba naman ang taray pero pagdating kay Dado ang bait-bait. . . . .
. . . . 2:3o na kami natapos kakadaldalan kaya inihatid namin si Jon alas 3pm na hindi na sumama si Rolly sa pagpunta sa bahay at si Icad dahil may trabaho raw. Kailangan kasing magpunta nina Dado, Joey at Ricky sa bahay para dalhin yung kulang na tela . . . saka ok na naman hindi nanaman siguro uulitin nina Jan kung ano man ang nangyari noong biyernes . .
. . . Pero yun ang akakala ko. Nasa dulo palang kami sinalubong na kami nina Granth at Kuya Exor sa ibang daan ko na lang daw padaanin sina Dado dahil mainit daw ang ulo ni Jan " aahhh akala ko ba tapos na to' . . Kaya bumili muna kami ng tela sa paramdam baka sakaling makaiwas kami sa gulo, pero sa totoo lang umaakyat na ang dugo ko sa galit, unti-unti nang nagiinit ang ulo ko kaya sabi ni Dado easy lang daw ako hindi naman daw sila mapapahamak dahil kaya nila ang sarili nila. Pero responsibilidad ko sila. . . . Sa Victoria na kami dumaan pauwi at anak ng puta nagkalat ang AHO piling ko ng time na yun ah grabe tila susugod sila sa gera. . . Sa dulo ng Victoria nakita ko na nakaabang sina Jan, kaya ako na ang umuna inalayo ko si Jan kayna Dado pero nakita kong uupakan ni Ian sa likod kaya napabalik ako sa tabi nila at binantaan ko ang mga nasa likod ko at ang buong AHO na oras na may mabanatan pa sa kasama ko ako na amg makakalaban nila,. pero lalong nagalit si Jan kaya nagumpisa ng kumilos ewan ko kung paano ko naawat si Jan kaya sabi ko kay Dado pindutin na yung door bell namin buti nalang may mga tumulong sakin sa pagawat sina Nesly at Jesica , , mga babaeng AHO . .. Buti nalang binuksan agad ng lolo ko yung pinto kaya nakapasok agad sina Dado, Joey at Ricky pero syempre hindi nakaligtas sa mga tita at lolo ko yung mga nangyari kaya ayun nalaman nila na pinagtritripan ng AHO sina Ricky, Dado at Joey napilitan narin akong magsalita pero hindi ko na sinama si Jan kahit papano naman natatakot rin ako sa pweding mangyari dahil alam ko susugurin ng tito ko ang AHO lalo na at mga dayo sina Dado samin.
. . . . hindi nga ako nagkamali dahil sabi ng mga pinsan ko at kapatid lahat daw ng AHO pinaghahamon ng tito ko kung sino ang lalamban si Tony nga daw pinitsarahan dahil sumasagot pa. At binalaan ng tito ko na kung may mangyari sa sino mang bisita ko mananagot ang lahat ng AHO. Ewan ko ba pero parang nahahati yung isip at puso ko sa mga oras nayun. Alam ko galit ang AHO lalo na si Jan pero tama lang naman ang ginawa ko responsibilidad ko sina Dado, Ricky at Joey dahil tropa ko sila, dapat nga katulong ko sya sa pagprotekta dahil boyfriend ko sya pero ano sya tong' pinaguumpisahan ng lahat . . . .
. . . . Nang umuwi sina Dado, Joey at Ricky kasama kong naghatid si Tito para masiguradong walang mangyayari kaya nakauwi ng safe sina dado. Ni isang AHO wala akong nakita, kahit na nga yung bahay nina Abeth saradong sarado.... yung tatlo namang kasama ko nakuha pang magbiro daig pa daw nila ang Presidente may escort pa he he he bigla tuloy nawala yung inis, galit at pagaalala ko dahil parang walang nangyari kanina kung magbiruan yung tatlo habang naghihintay kami ng jeep... hay buhay bakit ba hindi ko matutuhan ang sayaw at galaw mo. . .
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . . Hindi na ko lumabas kinagabihan alam ko namang galit sakin ang buong GDR pera nalang yung mga pinsan ko na syempre kampi sakin he he he. . . . kaya kinabukasan kahit na maaga ang uwi dahil may seminar nga hindi muna ako umuwi, pero si Jon alam daw sa kanila ang uwian dahil yung kapit bahay nila sinabi sa nanay nya kaya uwi agad sya. Sina dado naman may practise. Si Rico may lakad yata sila ni Billy pero inihatid muna ako sa sakayan bago sila umalis dahil sina Gerl at Mhaei nauna narin. . . Kaya yung pagpunta ko sa Villages ngayon ko na ginawa pero syempre tumawag muna ako kung may dadatnan ako roon or what. Si Janeth ang nakausap ko sabi punta nalang daw ako dun dahil baka mamaya rin nandoon na si Andoy pero nagtry muna ako kung nasa House si Vince mukhang sinuswerte dahil walang pasok si gago kaya doon muna ako tumuloy. . . nakipagkwentuhan ng knoti, pati nga yung nangyari kayna Ricky, Dado at Joey naikwento ko buong akala ko nga sasama ang loob ni Vince dahil syempre kahit na anong sabihin kalaban parin nila ang Part Movers pero sabi nga nila sa stages lang magkakalaban ang mga dancer pagtungtong ng paaa nila sa lupa magkakaibigan parin sila. .. hindi man nila kilala ang isat isa he he he . . . sana ganyan din ang paniwala ng mga AHO..... ah ewan ko bahala na.. . . Pinilit kong kapain yung sarili ko kung may nararamdaman ba kong takot na baka pagmulan to' ng break up namin ni Jan pero wala nagulat mga ako dahil sabi ng utak ko mas maigi yun para hindi na masaktan ang puso ko. . . ang puso ko naman namanhiod na yata kaya wala man lang akong maramdaman kahit na anog emotion . . . .
♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . Hapon na nang magyaya si Vince sa Villages, tumawag kasi si Ian at sinabing na kayna Mark sila at nandoon rin si Jaypee kaya nakakita ng pagkaktaon si Vince na kausapin ng tropa si Jaypee. Pinatawagan niya kay Janeth ang iba hindi ko alam kung bakit sa kabila nang lahat ng nangyayari samin ni Jan at ng AHO sa mga oras na yun masaya ako at may kung anong humaplos sa puso ko dahil kung titingnan mo napaka solid ng samahan ng CYBER's parang magkakapatid na talaga sila. Kunting problema ng isa lahat kailangan nandoon para makiramay. . .
. . . . halos isang bwan ko ring hindi naitapak ang mga paa ko sa lugar nayun, sa bahay nina Mark dahil mula ng suprise birthday sakin pinilit kong iwasan si Mark, magkita man kami noon sa okasyon lang na alam kong di nya ko masosolo. . . hindi ko alam kung gulat ba o ano ang nakita kong expression sa mukha ni Mark nang pagbuksan nya kami ng pinto ni Vince, isang hi lang ang sinagot nya sakin ng maghello ako. sumunod agad ako kay Vince para di kami makapagsolo ni Mark, napahawak pa nga ako sa braso ni gago para makasabay sa paglalakad nya. nang sumilip kami sa lanay nandoon na ang lahat siguro talagang di nila inaasahan na kasama ako ni Vince kaya kahit sina Ian, Micheal, Randy, Cath, Jen, Mitch pera nalang sina Andoy at Janeth eh nakita kong nagulat nang makita ako. pero sandali lang yun dahil si jaypee na mas gulat yata dahil bukod sa nandoon ako eh nakahalata yatang may dahilan kung bakit nanroon ang buong Tropa maliban kay Lyca, malamang nasa maynila pa, sina Jen at Mitch kasi wala rin daw classe may welga daw . . si Cath, Ryan, Andoy, Ian, Randy at Micheal dahil may seminar nga natural katulad ko maaga rin ang uwi. Kaya alam ni Jaypee na sya ang puntirya ng araw na yun. . . Sinadya kong sa tabi ni Vince umupo at ni Jen para iwasan si Mark, hinintay muna naming maihanda yung mieryenda bago nila isinalang si Jaypee sa kumukulong mga tanong, ewan ko ba kung paanong kapangyarihan meron ang Cyber's na nagagawa nilang maging madali para sa isang tao ang paaminin sa mga problema nito ng hindi na o-offened at hindi nakikitaan ng kahiyaan. Jaypee was so brave man, inamin nya na hindi sya masaya sa school na pinagaaralan nya pati sa course na pinapakuha sa kanya kaya nagloloko sya sa pagaaral, he try to make his own world pero laging nakikialam ang Mamu nya dahil sya ang bunso at wala na yung kuya Ted na na dating minamandohan ng mamu nya kaya nalipat sa kanya ang gawin mo to' at gawin mo yan na attitude ng mamu nya. Jaypee is half chinese and Half filipino. Ang mama nya pure ang pagka intsik at ang papa naman nya ay isang Filipino Chinese kaya hindi maiwasang may ugali ngang pasunurin ang mga anak nila kahit na ayaw . . . But of course hindi matatapos ang lahat kung walang nakikitang solusyon, katulad ng always na sinasabi nila why not na kausapin ni Jaypee yung parents nya na gusto nyang maging ARCHITECT at di doktor, Japee told us na wala rin naman daw mangyayari dahil kung ano ang gusto ng Family nya yun ang masusunod, pero kung hindi susubukan ni Jaypee wala ngang mangyayari saka sarili lang nya ang sisirain nya lalo na at sa fraternity na bubuyo si Jaypee, Natatakot sina Vince na baka daw bukas makalawa addict narin sya pero nasabi yun ni Vince na hindi makakasakit sa loob ni Jaypee. . . wala mang naging solusyon sa problema ni Jaypee that time i know ang laki nang naitulong ng Cyber's para kahit papano gumaan ang pakiramdam ni Jaypee. . . Kaya ng magumpisa ng magbiro si Andoy wala na lahat ng serious na usapan naglaho ng parang bula pero maaliwalas na yung mukha ni Jaypee siguro katulad ko nung nagusap kami ni Vince nakahinga narin si Jaypee kahit wala pang sulusyon yung problema nya . ..
. . . .4;30 nagpaalam na ko sabi ko hatid na ko ni Vincent kasi hapon na masyado. Nauna kong lumabas dahil hiniram pa ni Vince yung isang helmet kay Mark dahil maaga pa baka mahuli kami ng police. Akala ko si Vince na yung narinig kong dumating sa likod ko kaya lumingon ako pero nagulat ako dahil si Mark pala . . " O iiwas ka na naman " hindi na ko nagulat sa sinabi ni Mark i know alam nia na kanina ko pa syas iniiwasan. . . " lalabas na yun, kinakausap lang ni Ian..." umupo si Mark sa motor ni Vince at sa ibang direction tumingin " may dapat ba kayong sabihin sakin ni Vince" may himig ang boses ni Mark na di ko aintindihan kaya kinailangan ko pang itanong ulit sa kanya kung ano ang ibig nyang sabihin " bakit kailangan daw na si Vince pa" teka lang mukhang alam ko na ang tinatakbo ng usapan ah, akala yata ni Mark may relasyon kami ni Vince, wew masyado naman yatang mahaba na buhok ko . . . . " okei na sana malapit na sana kong makalaimot, natanggap ko na na hindi ka na sakin, na may iba ka ng mahal pero kanina...- " hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ng time nayun, habang sinasabi ni Mark ang mga salitang iyon parang bumigat ang dibdib ko . . lalo na nang bitinin nya yung sinasabi niya at humarap sakin. Mark try too captured my eyes at hindi sya nabigo sa pagkakataong iyon dahil kusang nagtama ang mga mata namin, nakita ko nanaman kung paano ko nasaktan si Mark, kung pwedi lang sana na akuin ang sakit dahil alam kong hindi nararapat si Mark para pasakitan . . . " pero kanina nang makita kita ginulo mo ang lahat . ." Mark continue to expresses his feeling, "yung ilang linggong pagpipigil ko na puntahan ka para makita, yung mga oras na pigilan yung sarili ko na tawagan ka para kahit manlang boses mo marinig ko. . lahat iyon Kathy, sinira ng isang sigundong makita kitang malapit sakin, hibang nga siguro ako dahil inisip ko na kaya ka narito dahil sakin, pero ng makita kita kung paano kayo kalapit ni Vince - " " Hey kung ano man ang iniisip mo nagkakamali ka" pinigilan ko na kung ano man yung sasabihin ni Mark kasi alam ko mali na paghinalaan nya kami ni Vince. Lumapit ako kay Mark at hinawakan ko yung kamay nya, alam ko mali dahil mas lalo ko syang papaasahin pero iyon lang ang alam kong paraan para gumaan ang loob ni Mark. . " sorry kung iniwasan kita yun lang kasi ang alam kong paraan para makapag move on ka, at kung pagpunta ko dito ang magiging paraan para masira mo ang lahat ng pinaghirapan mo para makalimutan ako sige this will be the _" "no, wala akong sinabing ganyan " piling ko biglang kinabahan si Mark na baka bigla akong mawala sa harapan nia ng time na yun kaya napahikpit yung hawak nya sa kamay ko di ko tuloy naiwasang mapangiti. . " OA ka naman nagsasalita palang ako akala mo naman mawawala na ko agad- agad" hindi ko alam kung paano ko nasabi yun pero ang alam ko hindi ko gustong malungkot ng araw na yun, kung may mali man sa nangyayari alam kong binigyan ko nanaman ng maling pag-asa si Mark. . . I saw Mark smiling kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko, I feel some peace in my heart, hindi ko maipaliwanag basta masaya ko dahil nakita ko ulit ngumiti si Mark ni hindi ko inalala na may problemang naghahantay sakin sa GDR. . . i lend my hand to Mark and say " friends " i know its a short word pero malaki ang kahulugan nun para samin ni Mark . Mark get my hand and say " friends" hindi ko maiwasang di ngumiti dahil sa para kaming tanga ni Mark sa halos isang taon naming pagiging magkaibigan at sa apat na bwan naming naging magkasintahan ngayon lang namin naalok ang isat-isa na maging magkaibigan.. kung saan man tutungo ang lahat ng mga nangyayari i think bahala na si LORD basta ako susunod nalang sa agos ng buhay. . mahirap na labanan ang tadhana mas lalo ka lang napapahamak . . . .
. . . Si Vince parin ang naghatid sakin sa bahay, kahit na nagpupumilit si Mark i told him na hindi agad ako nagpapahatid sa taong ngayon ko lang naging kaibigan, tinawanan lang ako ng gago alam ni Mark kung ano ang mensahe ko kaya hindi na sya nagpumilit. . . . i hope may kahihinatnan kung ano man ang gnagawa ko , , , ,
To be continue . . . .