Saturday, March 22, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 135

♣ ♥ ♠ . . . Hindi na namin kinailangan magsalita ni Mark ng bumalik kami sa umpukan ng magkahawak ng kamay, for the instant alam na yata nila kung anong dahilan ng mga ngiti sa labi namin ni Mark . . . nang makita kami ng Tropa nagsimula ng maghiyawan sina Ian at Andoy na parang baliw kaya nagsisunuran narin yung iba . . at sa gulat namin kinuyog kami ni Mark ng yakap, kaya ang nagyari nagkaroon ng group hug at kahit na si Cath na galing yata sa loob dahil may inasikaso napatakbo ng makitang magkakayakap kami, kaya halos lahat ng bisita ni Cath nakatingin samin, siguro ang sabi " mga baliw to'ng mga batang to' " muntikan pa kong maiyak dahil nakita ko how happy ang buong Cyber's na nagkabalikan na kami ni Mark . .. . . ah oo! opo. ., when i kiss him kanina kahit smack lang he asking me kung para saan yun and i told him na I still love him and i think simula ng mag-away kami i feel that I still in love with him again . . . kung paano hindi ko alam basta simula ng maramdaman ko yung sakit na pambabaliwala sakin ni Mark, kahit na anong busy ko at anong ginagawa ko walang isang minuto na hindi ko sya iniisip kung galit pa sya sakin. . . kaya lahat ng sakit na nararamdaman ko noon kay Jan nabalin sa kanya . . inisip ko nun masyado akong naging secure sa pagmamahal ni Mark, secure na hindi nya ako iiwan kaya siguro na bore ako, at sa labis na pagpapakita nya how he loves me na kahit ako ang mali he always say sorry kaya siguro nawala yung passion, yung feelings na may thrill, yung kilig kaya when Jan came in my life madali nya kong nakuha and yet and still ganun parin si Mark he give all his effort, the love, his attention and care to me kaya siguro ng masaktan nya ako at ng maramdaman kong nasaktan ako ni Mark I think nagising ang puso ko, kumbaga nauntog dahil aaminin kong sa loob ng ilang linggo naming pag-aaway noon lang ako natiis ni Mark ng ganun katagal at sa unang pagkakataon sya pa ang nagsimula ng away, natakot ako kaya siguro hinanap ko sya at ng matagpuan ko at nalaman kong huli na ko nasaktan ako higit sa lahat napaaamin akong mahal ko parin sya, sa tagal na siguro na puro si Mark lang ang nagbibigay sakin ng lahat nagulantang yung puso ko na baka mawalan na sya ng chance na maibalik kay Mark yung pagmamahal na yun kaya ayun ng sabihin nya na mahal nya ako at di totoong nagkabalikan sila ni Jocielyn umu"oo" narin ako at masaya ako dahil ngayon alam ko na kung paano parehong mahalin at masakatan ng dahil sa isang Mark Christoffer Salviron!!!
>>>>>> After the group hug isa isang nagsabi ng congratz ang mga uluktong kay Mark, sabi nga ni Andoy " sa wakas pare nagbunga rin ang santol he he he" I know what Andoy means for that na sa wakas nagbunga rin ang paghihintay ni Mark . . and i admit masmasya ako ngayon kesa ng una kong sagutin si Mark, I feel the magic yun bang sinasabi nilang hindi mo inaasahang nararamdaman pala o hindi mo alam na may feelings pa lang ganun, kaya I think mas magiging okei kami ni Mark this time. . . sabi nga ni Ian hindi na daw " i always love you" ang theme song namin kungdi " Love in second time around" sabi ko kay Ian hindi ko alam na may kanta palang ganun sabi niya meron daw narinig nyang kinakanta ng lolo at lola nya. . . binatukan tuloy ni Mark si gago kasi ano ba daw akala ni Ian samin 70's . . but in the middle of all happenings I saw Ryan, hinatid yata yung isa nyang tropa, at sa di ko sinasadya napatingin ako sa kanya and I saw the sadness in his eyes na kanina puno yun ng kasiyahan ng magkasama kami. . . ewan ko but i feel sorry for that dahil alam ko hindi ko man sabihin ng personal alam kong alam na nya kung bakit nagkakasiyahan kami kanina. . and i know I hurt him . . . I whispher to Mark na kung okei lang nakausapin ko si Ryan, and I think na iintindihan yun ni Mark, so sinundan ko si Ryan dahil alam kong sa dulo lang ng karsada nya hinatid yung classmate nya. . at hindi ako nagkamali kasi i saw him there sa may kotse nila, wala na yung hinatid nya siguro nakasakay na at sa pagpihit nya pabalik sa bahay natigilan sya ng makita ako. . . lumapit ako sa kanya to say sorry.. . . and he said wala yun, sa una palang naman daw he know na kapag si Mark ang kalaban wala na syang laban, I say that's not true, pero Ryan told me na naramdaman na man nya na may feelings pa ko kay Mark at kung tutuusin daw sa nangyari palang sa resort dapat sumuko na sya . . bigla akong nagtaka kung ano ang sinasabi ni Ryan na nangyari sa resort dahil wala akong matandaan na nangyari sa resort na nakasali sya maliban na sya ang nagbuko sakin kayna Mercy at Cath. . . then Ryan start the story na sumunod sya sa resort the day na umalis ako ng walang paalam dahil itinawag sa kanya ni Cath na nandoon nga daw ako sa resort kaya sumunod sya kaya lang ng dumating sya nagkakagulo sina Ian at Mark dahil galit na galit si Mark ng malamang inihatid ako nina Ian kung saan . . . at kung nakakamatay lang daw yung tingin ni Mark ng malamang sumunod sya dahil nalaman nyang nadoon ako siguro matagal na syang nasa ilalim ng lupa . . so I know na kaya ganun nalang galit ni Mark sakin dahil nadagdagan pa ng selos kay Ryan ang pag-alis ko ng walang paalam. . but imbes na magtanong pa ako kay Ryan I just told him na sorry talaga dahil hindi ko sinsadyang paasahin sya nagkataon lang na ng dumating sya nag-uumpisa ng muling mahalin ng puso ko si Mark yung nga lang ngayon ko lang narealize yun. . . when i saw Ryan smile i know hindi pa man lubos ang ginawa kong pinsala sa puso nya at least I know na hindi sya galit sakin . . nang ilahad nya sakin an kamay nya habang sinasabing friends??, tinanggap ko iyon at niyakap ko si Ryan and i know kahit papano napagaan ko ang loob nya . . pero sinabi nyang kailangan ko nga kumalas bago pa may makakita samin at sugurin sya ni Mark . . magkasabay kaming bumalik sa loob pero dumiretso sya sa bahay after na tanguan si Mark na para bang sinasabing okei lang sa kanya ang lahat ng nangyari ako naman umupo sa tabi Sweet ko now I know kung bakit malaki ang selos ni Mark kay Ryan dahil he knows na makakatagpo sya ng kamtch nya. . . . nang itanong ni Mark na kung okei na daw i said yah! at alam ko mas magiging okei na ang lahat sa darating pang bukas . . . .


♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣


>>>>>>>Gabi-gabi na ang practise ng pilitensya dahil halos ilang lingo nalang magsisimula na ang sakripisyo namin, nung una sinabi ni Mark na wag na daw akong sumama pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan dahil hindi na ko pweding bumitiw sa SKSK dahil naumpisahan na namin. . . pero pinag promise nya ko na next year hindi na ko sasama dahil bukod sa mainit na ang paggagala namin, eh baka daw magkasakit pa ko dahil a puyat at pagod. . . Bukod sa SKSK inasikaso ko rin ang ilang requirements at projects sa school . . . kaya madalas sa telepone kami nag-uusap ni Mark sa gabi dahil minsan sya naman ang busy sa soccer nya. . . magsama man kami halos MWF lang na wala syang practise ng soccer, pero inuuwi nya agad ako dahil mahirap na daw na mapagalitan nanaman daw sa bahay . . . pero kahit na sa kukunting oras mas feel ko ang pagmamahalan namin ngayon ni Mark siguro dahil mas may time kaming ma miss ang isat-isa dati kasi halos araw-araw kaming magkasama kaya isguro nagkasawaan agad he he he he

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

>>>>> may meeting ang mga teachers kaya maaga ang uwi, gusto ko sanang pumunta sa Villages kaya lang alam kung wala si Mark doon dahil may practise ng soccer kaya naisip kong pumunta kyna Abet kahit na nagiisa ako, but i think that was not a good idea dahil ng dumating ako doon sa lahat ng hindi ko inaasahang makakasabay ko sa pagdalaw kay Abet eh yung tao pang labis kung iniiwasang makaharap . . Nagulat man ako ng madatnan ko doon si Jan hindi nalang ako umimik kesa naman umatras ako edi nagtinging ako ang talo. . . kaya sa labas lang kami ni Abet nag-usap dahil si Jan nasa sala nila at nanonood ng TV . . . . ipinakilala sakin ni Abet sina Richard, Rian at Christoffer mga bagong kaibigan ni Abet roon kaya kahit papano may nakakausap ako kapag pumapasok si Abet para asikasuhin naman yung isang bisita nya. . . pero maaga akong umuwi dahil na rin sa di ko kayang magtagal na nasa iisang lugar kami ng lalaking kinasusuklaman ko. . . .


♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

>>>>> Mark pitch me at school, friday kasi kaya may time kami together. . . . nakita pa nga kami ni Manuel pero hindi ko nalang yun inintindi I think like Jan history narin si Manuel ng buhay ko. . . . Mark and I watching TV sa room nya, habang ngkukuwentuhan. . . . then suddenly he asked kung kamusta na daw yung x bf ko when I sad i dont know and i dont care parang di naniwala si Mark, and he asking kung saan ako nagpunta kahapon, kaya naghinala ako na may laman kung bakit nya tinatanong sakin si Jan . . . umayos ako ng upo paharap sa kanya at sinabi kung kyna Abet and i know alam nyang isa si Abet sa mga kuya-kuyahan ko, nang hindi sumagot si Mark sinabi ko sa kanya na its better him to speak what on his head dahil kung inaasahan nyang mahuhulaan ko kung ano ang iniisip nya nagakakamli sya dahil hindi ako manghuhula . . then Mark asked me kung bakit pa ko nagpupunta sa pantok, i told him na dinadalaw ko ang kuya ko, and i dont think na may nakikita akong mali doon, pero nagseselos daw sya dahil kaibigan ng X bf ko ang sinasabi kong kuya-kuyahan pero itinama ko sya dahil ang sabi ko hindi lang si Jan ang kaibigan nina kuya kundi pati ako dahil bago pa maging kami ni Jan mga kaibiagan ko na sila. . . i think Mark get my point kaya niyakap ny ako patalikod at hinalikan sa leeg while he said sorry . . . . nang tanungin ko sya kung paano nya nalaman na galing akong pantok kagabi, sinabi daw kasi sa kanya ni Chris na nakita akong sumakay sa jeep pero papunta sa binangonan yung jeep at di pa taytay kaya naghinala syang galing ako sa Pantok . .. Humarap ako kay Mark at pinatong ko sa balikat yung dalawang braso ko saka ko pinagdikit yung mga noo namin then i told him " dont be jealous sweet, hindi na ko babalik sa kanya hindi ko na ulit gustong masira ang buhay ko" then we kiss . . . . simula ng magkabalikan kami ni Mark, there's some feelings na muling nabuhay sa puso ko para sa kanya at alam ko sapat na yun para maging masaya ako, at ng sinabi ko kay Mark na hindi na ko babalik kay Jan totoo yun sa puso ko, dahil tama sina Mercy, Cath at Lyca mula ng maging kami ni Jan nagulo ang mundo, samantalang nung kami ni Mark kahit patago parin ang relasyon namin ni minsan hindi ako nagkaproblema sa pamilya ko . . . if i have a power to back the time ibabalik ko yun sa panahon na kami pa ni Mark at sisiguraduhin kong di na ako dadaan sa GDR para di ko na muling makasalubong si Jan . . . . Niyaya na ko ni Mark na umuwi dahil alas-kwatro na daw, iyon kasi ang lagi naming usapan kapag nagkikita, hanggang ganung oras lang kami pweding magtagal pero after nun pagkahatid sakin tiyak tatawag na agad yun sa phone . . . . kung may hihiling man ako as of now sa buhay ko i hope and i wish hindi na magbago ang takbo ng buhay ko, ngayong ayus na problema ko sa family ko at masaya na ko sa piling ni Mark sana ganito nalang lagi, at kung may ibibigay SYANG pagsububok sakin sana wag NYA kong bibitiwan katulad ng di NYA pagbitiw sakin nung panahon na nasa crisis ang buhay ko . .
to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 134

♥+♥ . . . .MARCH 18, 3:00 ng hapon ako nagpasundo kay Ryan sa dulo ng GDR dahil hindi naman ako papayagan kung malalamang lalake ang kasama ko pagpunta kyna Cath . . . dumating naman sa oras si Ryan dala yung kotse nila. . . . Sa Sta. Lucia nalang kami naggala para sa regalo ni Cath, nagtaka nga ako dahil last year wala akong maalalang nagcelebrate si Cath ng birthday kaya ngayon ko lang nalaman na ka-birthday pala nya si Ate Lhen (Marrch 15) (ce-celebrate lang ngayon dahil may pasok last wednesday) hindi naman daw talaga nagce-celebrate si Cath ng Birthday dahil nagdidiner lang silang family sa araw nayun' pero ngayon pinilit daw ng mommy ni Ryan na step mom ni Cath na maghanda dahil 16th birthday ni Cath importante daw kasi sa mga nagdadalaga ang 16th birthday kumbaga sweet 16 he he he biniro ko nga si Ryan na nagdadalaga ba yung kapatid mo o nagbibinata . . . minsan nga daw gusto na nyang kutusan dahil ayaw mag-ayos ng sarili . . . pero alam daw nya hindi tomboy si gaga dahil kung hindi hindi daw yun maattrack sa mga male artist ng channel 7 . . . sabagay nga tama si Ryan dun dahil crush na crush ni Cath ang sumisikat na si Boby Andrew ng TGIS. . . . .
>>>>> I admit nag-enjoy ako sa company ni Ryan, habang nahahanap kasi kami ng pweding gift kay Cath puro kwento si gago ng katarantaduhan nila ni Cath nung mga bata pa sila at pati kapilyuhan nila ng mga kaibigan nya nung highschool pa sya . . . bigla ko tuloy na miss si Rico dahil sa totoo lang may personality silang pareho . .. na kung kilala mo lang sila sa salitang kilala hindi mo makikita ung ugali nilang palabiro at makwela . . ganun kasi si Rico tahimik kunwari pero kapag kaming dalawa nalang ang magkasama ahhhh babanat na yun ng mga katarandaduhang kwento . . . . katulad ngayon ni Ryan hindi ko akalain na may ugali rin palang ganun ang hudas na to' after naming malibot yata ang buong Sta.Lucia isang robber shouse na nike na new arrival ang nabali ni gago at ang nakakasar pa yung picture frame nabinili ko sa blue magic na gift ko kay Cath sya rin ang nagbayad kahit na nagmamaktol ako dahil parang sya narin ang nagregalo nun kay Cath pero sinabi nyang bayad nalang daw nya yun sa pagsama ko sa kanya pumayag narin ako . . . . napadaan kami sa department store kaya he asking me kung okei lang na tumingintingin muna kami dahil maaga pa naman . .. puyag ako dahil I know maaga pa talaga. . . siguro nakalimang t-shirt si gago na napili bago kami natapos kakaikot sa department store lang. . . pero hindi ako na bore kahit na piling ko nun bore ang magshopping kasama ang mga lalake. . . . kaya lang sa kakadaldal ni Ryan habang namimili kami ng T-shirt we didn't bother to take a look the clock kaya laking gulat namin ng 6:30 na pala. . . kaya agad-agad binayaran ni gago yung mga napili nya at umuwi na kami. . . sa kamalasan traffic pa sa junction kahit na sa high way pa kami nagdaan kaya halos 7:30 narin kami nakarating sa house nila . . . .
>>>>> Sa gilid ng karsada nalang pinarada ni Ryan yung kotse dahil naglagay daw ng habong salabas ang daddy ni Cath para sa mga magiging bisita . . . kaya sinigurado naming naka lock maigi bago kami sabay pumanik sa karsadang papunta sa house nila dahil paakyat yun. . . . nagkakabiruan pa nga kami habang naglalakad kaya kahit tanaw mula sa baba yung mga taong parating at yung mga tao mula sa bahay nila Cath pataas sa karsada hindi ko namalayan na kanina pa pala kami pinapanood ng buong tropa dahil nandoon sila sa sinasabi ni Ryan na nilagyan ng habong para sa mga magiging bisita. . . napatigil tuloy ako sa pagtawa sa biro ni Ryan dahil lahat ng Cyber's nakatingin samin na para bang nagtataka, hindi ko lang alam kung saan, kung dahil nandoon ako o dahil kasama ko ang step bro ni Cath . . .
>>>>> Nang tuluyan kaming makalapit ni Ryan sa kanila nag hi and hello lang kami, si Andoy lang ang bumasag ng katahimikan ng lahat ng sabihin ni gagong "no time no look ah! " kaya binatukan ni Janeth ang boyfriend dahil sa maling sinabi but i know Andoy just want some joke para maalis yung tensyon. . and thanks to him dahil nagtagumpay naman si gago dahil nakipagbalitaan na sakin sina Jen at Janeth pati si Lyca na kasama si Diaane na mula yata nung mag swimming eh lagi ng kakabit ng Cyber's. . . . nakisali narin sa kulitan sina Jaypee, Micheal, Chris, Randy at Ian pero sa mga nakaupong iyon tangging si Mark at si Vince lang ang napansin kong di umiimik hindi ko alam kung para saan ang tingin ni Vince sakin pero ang pag-iwas ng mata ni Mark kahit hindi sabihin o itanong alam kong ako ang dahilan kung bakit nakatungo si gago dahil nakapwesto ako sa harapan nya.. . . at iwasan ko mang masaktan hindi ko napigilang aminin yun sa sarili ko. . . . kaya nung sinabi ni Ryan na ipapasok lang nya yung dala namin sinabi ko na sasama ko dahil hindi ko matagalan ang prisensya ni Mark na parang hindi ako nakikita o kahit manlang naririnig. . . .
>>>>> Inilagay ni Ryan sa kwarto nia yung mga pinamili namin pati na na yung dala kong bag kaya naiwan ako kay Cath na tinutulungan sa paghahanda ang tita nya . . kaya nakitulong narin ako pag-aayos ng mesa . . she asked me kung saan daw kami galing dahil tumawag daw si Jen sa bahay namin at sinabing nasa birthday nya daw ako pero ng dumating sina Jen wala ako nagtatanong si Mark at si Vince kung nasan ako at sino daw kasama ko. .. . . hindi naman daw sya makapagsinungaling dahil alam nyang malalaman din na kuya nya kasama ko . . . halos magbulungan na nga kami ni Cath habang nagkukuwentuhan dahil mukhang mainit ang kursunada ni Mark kanina pa at natatakot si Cath na biglang pumasok ang tropa kaya she asked me kung anong nangyari ng dumating sila ng kuya nya . . sinabi ko yung totoo pati yung napansin ko kay Vince at Mark but Cath told me na wag ko nalang daw pansinin just enjoy the party . . kaya yung tinawag namin yung tropa para kumain sumama ako kay Cath dahil si Ryan may ginagawa sa likod bahay darating din yata yung mga katropa nya kaya naglalagay ng ilaw doon . . . . Mark, stare at me ng inabutan ko sya ng plato, pero wala yatang balak kuhanin kaya binawi ko nalang, I feel hurt pero bumuntong hininga nalang ako at kumuha ng sarili kong pagkain bago pa may makakita sa pagpapahiya sakin ni Mark . . I act normal kahit nahihirapan akong kumilos ng dahil sa kanya . . . ng magsibalikan sa labas ang tropa para doon kumain hindi ako sumunod, nagpaiwan nalang ako sa kusina at doon umupo, Vince told me na bakit nandoon ako pero hindi ako kumibo dahil alam ko namang alam nya kung bakit . . . .. . niyaya nya kong lumabas pero sinabi kong okei lang ako roon, mas maigi nang ako umiwas kay Mark dahil piling ko ang sikip sikip ng lugar nina Cath para saming dalawa . . . ng si Cath ang pumasok sinabi she asked me kung okei lang ako I told her kung anong nangyari kahit gusto kong umiyak pinigilan ko dahil I know hindi yun ang tamang time para roon . .. buti nalang tapos na si Ryan sa ginagawa nya kaya sinamahan nya ko sa kung saan ako kumakain at sabay kaming kumain . . . at kahit na gustuhin ko mang iwasan si Mark alam kong imposible dahil niyaya nina Micheal si Ryan na makisalo sa inuman kaya napilitan kaming lumabas at sa kamalasan sa dami ng pweding mabangkante sa tabi pa ni Mark o baka sinadyang doon may mabakante kaya napagitnaan ako nina Mark at Ryan. . . . dahil kundi baka magpambuno yung dalawa kung sila ang pagtatabihin ko . . . si Micheal ang tanggero dahil mutsos ang nabili ng Dad ni Cath kaya tagay at hindi pabaso ang naging inuman . . . pang-apat ako sa kaliwa ni Micheal after Ryan kaya Micheal asked me kung iinum ako pero na kay Mark ang mata ni gago kaya bago pa ako masaktan sa sasabihin ni Mark kinuha ko na yung baso at ininum ko . . and i know sa ginawa ko para ko naring inanunsyo sa buong tropa ang di namin pagkakaunawaan ni Mark, kung meron mang gustong magtanong alam ko napigilan o nagpigil lang para sa kaarawan ni Cath, kaya kahit ako nagpigil rin ng emosyon ko dahil sa totoo lang gusto kong sumabog dahil sa pangbabalewala ni Mark sakin . . . .itinuon ko nalang ang atensyon ko sa biruan nina Andoy at Jaypee pati narin sa asaran nina Ian at Cris ang tirahan nina Janeth at Jen sa isat-isa. . . alam kong bawat galaw ko may dalawang taong nakatutok sakin pero hindi ko inintindi dahil nasasaktan lang ako kapag inisip ko na nasa tabi ko si Mark pero piling ko I not exist sa kanya, siguro nga hindi lang ako sanay, pero anong magagawa ko masakit talaga. . . . sa pang limang mutsos namin may dumating na bisita si Cath o si Ryan din dahil mga classmate pala yun ni Ryan sa colleges, kaya napilitang tumayo yung mag-utol, nag excuse si Ryan sakin pero bumulong na babalikan nya ko. . . tumango nalang ako bilang sagot, nagkaroon ng space sa pagitan namin ni Micheal kaya umurong ako ng konti. Nagsimulang magtanong si Lyca sakin about sa nangyari after na makauwi ako, kaya nagkwento ako, pero pinakiramdaman ko rin si Mark dahil alam ko hindi man nya ko pinapansin at binabalewala alam kong nakikinig sya at interesado parin syang malaman yun. . . . pero nasa kalagitnaan ako ng pagkukuwento ng mag-excuse si Mark, kahit na hindi ko gustong isiping hindi nya gustong marinig yung kwento ko nasaktan ako dahil parang ganun rin yung lumalabas sa ginawa nyang pagtayo sa umpukan habang nagkukuwento ako. . . pero syempre hindi ko yun pinahalata, pero ng tumingin ako kay Vince I know he knows what I feel. . . . naiba lang yung usapan ng mapunta kay Diane yung topic kasi laging inaasar ni Randy na sabit, pero binibiro naming may crush si Randy sa pinsan ni Lyca kaya laging pinagtritripang asarin. . . . nagpaalam ako sandali para mag CR pero bukod sa panunubig gusto ring umiyak dahil napupuno na yung dibdib ko ng hangin dahil hindi ako makahinga sa sakit na ginagawa ni Mark, hindi ko man gustong gawin pero hindi ko napigilan ng pumasok ako sa CR, kusang nagsilabasan yung mga luha sa mata ko, ilang beses akong huminga ng malalim para mawala yung paninikip ng dibdib ko pero sa tuwing papasok sa isip ko yung ginagawang pambabaliwala ni Mark nagsisimula nanamang mapuno ng kakaibang sakit ang puso ko kasabay ng pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko . . . ilang minuto akong nagtagal sa CR bago ko inayos ang sarili ko, naghilamos na ko para lang hindi mahalata ang pagiyak ko, ng masigurado kong kaya ko ng humarap ulit sa Cyber's lumabas na ko at sa dami naman ng makakasalubong ko papasok sa bahay nina Cath si Mark pa kaya hindi namin naiwasang magkatinginan pero ako namismo ang umiwas ng tingin dahil natatakot akong mabasa nya ang nasa isip ko o makita nyang galing ako sa pag-iyak. . . . Hindi na nakabalik si Ryan sa umpukan ng Cyber's dahil nagsarili na sila ng tropa nyang dumating kanina. . . nagsabi nalang na tawagin sya kapag-uuwi na daw ako. . . nang bumalik ako kanina mula sa CR dahil my space na sa pagitan nina Micheal at Lyca doon ako umupo para kung sakaling bumalik si Mark hindi na kami magkatabi, ginawa ko nalang way ang makipagkwentuhan kay Lyca kahit na alam kong alam ni Lyca na ginawa ko lang yun para hindi makahalata o hindi maging halata sa tropa ang pagiiwasan namin ni Mark. . . sa ikawalong bote yata ng mutsos nakaradam na ko ng panghihilo pero kinuha ko parin yung tagay na binibigay ni Micheal. . . . . pero sa muling pag-ikot ng baso pinigilan na ni Vince na bigyan ako ni Micheal pahinga na daw ako dahil uuwi pa ko at baka maamoy ako samin magkagulo na naman daw. . . may bahid na katotohanan yung sinabi ni Vince kaya namulutan nalang ako. . . pero naisipan kong maglakad-lakad kaya nag excuse ako at ng tanungin ako ni Cath kung saan ako pupunta sinabi kong magpapaalis lang ako ng tama sa paglalakad dahil maya-maya uuwi na ko, pinigilan ako nina Ian dahil gabi na pero sumigi parin ako hanggang makababa ako ng karsada nina Cath, nakita ko yung kotse may poste sa tapat nun kaya maliwanag kay doon ko napiling sumandal, aaminin kong kaya ko gustong makaalis muna sa umpukan dahil gusto kong makapag-isa, gusto kong makapag-isip pero ng sumandal ako sa kotse kataka-takang walang pumasok sa isip ko, hungkad ang pakiramdam ko, tila nasaaid na ng umiyak ako kanina sa banyo nina Cath . . . kaya tumingin nalang ako sa langit, hindi ko alam kung bakit pero iyon ang pumasok sa isip ko na gawin. . . . pero napalingon ako sa gawing kanan ko ng makarinig ako ng yabag papalapit, and it was Mark, may hawak na isang basong tubig at iniabot sakin, hindi ko man gustong abutin kinuha ko narin pero hindi ko ininom, sabi nya pampawala daw ng tama yung binigay nyang baso ng tubig pero nilaro ko lang yung tubig sa baso, pinaikot-ikot ko yung tubig sa loob ng baso.. . . mahabang sandali bago magsalita si Mark, dahil ako wala akong balak masalita o kahit na kausapin sya. . . dahil s totoo lang masama yung loob ko sa kanya, masamang-masama . . .
" ihahatid na kita kung di mo na kaya" I heard that pero alam kong di iyon ang gustong sabihin ni Mark, kaya imbis na sagutin ko sya iniling ko nalang yung ulo ko habang pinagpapatuloy yung paglalaro ng tubig sa baso. . then Mark speak again medyo malakas kesa kanina dahil parang napikon sakin . . . ." kung ayaw mo akong maghatid sayo, sabihin mo kay Ryan ihatid ka na!!!" pero hindi parin ako umimik, hindi ko alam kung bakit may sinasabi ako sa utak ko sa bawat sinasabi ni Mark pero hanggang sa isip lang iyon, nanatili parin ako kung ano ang ginagawa ko, at siguro napikon na ng tuluyan si Mark sakin kaya inigaw nya yung baso ng tubig at galit naitinapon yun sa karsada na ikinagulat ko kaya tapatingin ako sa kanya at nagtagisan kami ng tingin habang nagagalit si Mark " ano bang problema mo Kathy? napipikon na ko kanina pa kita kiakausap dito pero para kong tangang nakiipag-usap sa wala, kung alam ko lang ganyan kang kausap hindi na kita nilapitan dito" imbis na maalis ang galit ko dahil sa wakas naiparamdam ko na rin kay Mark yung ipinararamdam nya sakin kanina pa, lalo lang akong nasaktan dahil pakiramdam ko napilitan lang si Mark na lapitan ako. . . kaya bumuntong hininga nalang ako bago ako muling sumandal sa kotse at umiwas ng tingin sa kanya at sinabi kong " okei lang ako, hindi mo naman ako obligasyon para ihatid ex girl friend mo na "lang" naman ako kaya dapat hindi mo na ko pinaakialaman" sinadya kong bigyang diin ang salitang "lang" at gamitin ang salitang sinabi sakin ni Mark ng huli kaming mag-usap sa kwarto nya after the resort issue. . . .alam kong natigilan si Mark sa sinabi ko pero ang inaasahan kong aamuin nya ko hindi nangyari dahil imbis na gawin nya yun naramdaman kong lumakad sya palayo kaya kahit na hindi ko man gustuhin at pigilang masaktan pero hindi ko napigilang umiyak, at dahil hindi ko yun inaasahan tila yata napalakas yung paghagulgol ko kaya napilitan akong takpan yung buong mukha ko habang umiiyak . .. . at dahil siguro sa pag-iyak ko ako nakatuon hindi ko namalayang bumalik si Mark at pinilit akong yakapin, na maslalong nagpaiyak sakin . . . Mark say "sorry" pinipilit nya kong pakalmahin pero puno na yata ang dibdib ko sa hinanakit kaya pilit ko mang pigilan ang pag-iyak kusa nang ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo . . . . ilang beses kong narinig si Mark na napa "shit" habang inaalo ako at alam kong para sa sarili nya yung murang iyon dahil hindi nya gustong makitang umiiyak ako ng dahil sa kanya. . . . . then I finally calm, sinubukan kong bawiin ang sarili ko sa pagkakayakap kay Mark, at ng tuluyan na kong makaalpas sa braso nya, sinabi kong okei na ko at babalik na ko sa bahay nina Cath para magpaalam at umuwi na, pero Mark say na maguusap kami, pero sabi ko "para ano pa, baka magalit ng yung girlfriend mo, saka okei lang ako masama lang pakiramdam ko kaya ganito ako" pero nagpumilit si Mark na kailangan naming mag-usap . . . pag-usapan kung anong nangyari mula ng umuwi ako galing sa resort,. . . pero nagmatigas ako dahil nun ipinaliliwanag ko sa kanya yun noon pero ayaw nya kong pakinggan at kanina habang nagkukuwento ako tinayuan nya ko kay ano pa para pag-usapan namin yun. . . ng sinabi ko yun kay Mark he said sorry, hindi naman daw nya intensyong saktan ako pero nasaktan lang sya dahil bigla nalang akong nawala sa resort ng di nya alam at ang masakit pa umalis ako ng mawala sya kya nasaktan sya dahil pilingvdaw nya after kong umiyak sa kanya wala na syang kwenta sakin, kaya gustuhin man daw nyang pakinggan ako nung madatnan nya ko sa kwarto nya naunahan sya ng galit dahil sa ginawa ko . . at kanina mas lalong nadagdagan yung galit nya dahil magkasama kami ni Ryan na dumating at parang baliwala lang daw sakin kahit ilang linggo ko syang tiniis na di makausap . . . inamin rin nya sakin na kanina pa sya nagpipigil na hamunin si Ryan dahil sa selos, kung di lang daw nasa tiretoryto nya si Ryan at nagkataong di birthday ni Cath baka kanina pa daw sya nag-amok dahil sasabog na daw yung dibdib nya sa selos . .. mahabang sandali ang lumipas bago ako makapagsalita dahil sa mga sinabi ni Mark himalang nawala ang ano mang pagdaramdam kong galit at tampo na kani-kanina lang umaaapaw sa puso ko. . I asked him kung bakit hindi nya tinanggap yung plato kanina . . sabi nya galit parin daw sya kaya nagdalawang isip syang tanggapin, pero ng magdisisyon synang kunin yung inaalok ko saka ko naman daw binawi. . . nang itanong ko rin kung bakit hindi nya ko pinigilang uminom, sinabi nyang " para naman daw magpapapigil ako, saka si Ryan ang dapat pumigil sakin dahil si Ryan ang boyfriend ko" sa huling sinabi ni Mark di ko maiwasang mapangiti, kaya napatingin si gago sakin kaya pinigilan ko yung labi kong mapangiti, dahil ang isiping nagseselos talga si tukmol sa pag-aakalang may relasyon kami ni Rayn ay sadyang nagpasaya sa puso ko, ewan ko kung bakit may isang bahagi sa puso ko ang naging masaya at kinilig ng malaman ko na nagseselos si Mark kay Ryan, kaya hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa iniisip ko pero nakita yata ni gago kaya nagsalita si Mark ng " sige pagtawanan pa ako, alam ko naman eh nakakatawa ako dahil ako nag-umpisa pero ako parin ang sumuko" sa sinabing iyon ni Mark i know what i need to do. . . kaya lumapit ako sa kanya at sinugod ko sya ng yakap, at di ako nabigo ng yakapin din ako ni gago, i told him na miss ko sya, dahil totoo namang namiss ko si Mark, at aaminin kong sa panahon na magkaaway kami I feel I'm not complete kahit na naging busy ako sa pag-aaral at sa pag-aasikaso ng pelitensya minsan sumasagi parin sya sa isip ko at dahil iyon ang pinakamatagal na away namin at sya pa ang nagsimula ng away kaya nasaktan talaga ako, hindi ko alam pero dahil sa ginawa ni Mark I feel na bumalik kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya noon. . . . Mark say " namiss ako ah kaya pala si Ryan ang date mo ngayun" napilitan tuloy akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya para magtama ang mga mata namin pero hindi ko inalis yung arms ko sa bewang nya . . " anong date ka dian" . . sabi ko " hindi no! nagpasama lang sya sakin na bumili ng gift for Cath, saka hindi mo naman sinabing gusto mo ikaw ang date ko, alam ko si Jocielyn ang date mo" at para iwasang makita ni Mark ang namumuong selos sa akin tuluyan na kong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod " Ano yan selos ha!" panguudyok ni gago dahil alam ko kahit itago ko yun alam nyang iyon ang nararamdamn ko, ewan ko kung bakit pero iyon talaga ang nararamdaman ko . . . " selos ka dian bakit naman ako mag seselos sa girlfriend mo" " ahhhh di ka nagseselos kaya yang nguso mo pwedi ng pagsabitan ng kaldero hmp" sabay hawak sa nguso ko at agad ko namang iniwas . . pero parang imbis na magtaka si gago sa inaasal ko dahil hindi naman ako dating nagseselos kay Joceilyn eh parang amuse na amuse pa si gago dahil nagtatagumpay syang pagselosin ako . . pero Mark was a certified jerks . . ahhhh kahit na nagseselos ako hindi ko nagawang tumutol ng hapitin nya ang bewang ko papalapit sa kanya at pagdikitin ang mga noo namin habang sinasabi nyang " dont be jealous sweety, dahil tapos na kami ni Joceilyn" nagulat man ako pero nakaramdam ako ng konting saya "pero sabi mo?----- " "sabi ko nga nasaktan lang ako at alam kong mapapanindigan ko yung galit ko kung gagamitin ko Jo to even you" " ahhhh ganun sinadya mo kong paiyakin at hinayaan mo kung umiyak ng umuuwi dahil dian sa ego mo" pinilit kong kumalas kay Mark pero sympre kunwari lang yun. . . . but Mark smile at me at sapat na yun para tigilan ko yung pagpupumiglas ko, " kaya nga sorry na diba! kung lam mo lang na gusto kong patayin yung sarili ko ng sinabi sakin nung maid namin na umalis ka na daw at tila umiiyak, gusto kitang sundan pero nakita kong sumakay ka kayna Andoy kaya nagpasya kong hayaan muna kita, akala ko kasi sa wakas ikaw naman yung aamo sakin pero wala eh ako din yung unang sumuko" " ang kapal mo bakit di ba kita sinubukang amuin" " hindi" "eh anong tawag mo kanina doon sa plato" " kathy, ganun ba kita amuin kapag inaaway mo ko" may bahid na katutuhan ang sinabi ni Mark dahil kung tutuusin naman talaga ni wala sa katiting yung ginawa ko kumpara sa effort na ginagawa nya kapag inaamo nya ko . . " wait are sure hindi kayo ni Ryan?" " teka may sinabi ba kong hindi kami ni Ryan?" pero sinabi ko lang yun para asarin si Mark, at nagtagumpay naman ako dahil bigla akong tinalikuran ni gago at balak walk out pero pinigilan ko sya. . . . at sa unang pagkakataon ako ang unang humalik kay Mark ewan ko kung paano ko iyon nagawa pero isa lang ang lam ko I back were I belong . . . where my heart belong to . .. .
to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 133

♣+♥+♠ . . . . Night before Mercy go back to Calgary, I call her I told her na good Luck sa magiging buhay nya roon dahil alam ko matatagalan bago sya makabalik dahil she stay there for good kasama ng mommy nya. Masakit man sa papa nya naibigay si Mercy sa mommy nya Tito thinks na makakabuti yun para sa kalusugan at kalagayan ni Mercy . . . . habang kausap ko sya sa phone mas lalo kung napatunayan na wala silang alam sa mga nangyayri samin ni Mark at ang tanging alam nilang rason kaya ako hindi nakakapunta sa Villages ay ang pag-aayos ko ng buhay ko. .. masakit mang-isipin na naghiwalay kami ni Mark in not good term at least I know na nakabuti yun para sa kanya minsan iniisip ko siguro sinadya ni Mark na masaktan ako para sa ganun hindi kami parehong mahirapan iwasan ang isat-isa . .. bago ibaba ang phone kinausap ako ni Cath na magtatampo sya sakin at isusumpa daw nya ako at ang buong angkan ko kapag di ako pumunta sa birthday nya sa isang linggo, kahit na alam kung biro yung pagsumapa sa buong angkan ko hindi ko naman mapapasawalang bahala yung banta ni gagang magtatampo sya sakin, kahit papano ang laki ng tulong sakin ni Cath kaya naiayos ko kahit papano ang buhay ko, kaya kahit suntok sa bwan umu " OO " ako. . . . may naisip na naman akong paraan para maiwasan yung ginagawa kong pagtakas-takas sa gabi. . . mabuti na yung nagpapaalam dahil tama sina lolo at lola kung ano man ang mangyari samin papagutan nila kami kay mommy kaya naisip ko kay mommy muna ako magpapaalam sa lahat ng lakad ko dahil kapag si mommy ang pumayag walang makakabali nun kahit na sino pangmabagsik na dragon . . . . .

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣

>>>>>> Kahit papano nalibang ako sa pag-aasikaso ng mga dapat gawin bago matapos ang school year kagaya ng project at iba pang requirements, nagkausap na rin kami ni Abet dahil alam ko kahit na ako ang lumagay sa sitwasyon nya matatakot rin ako sa tito police ko . . . kaya nga masaya ako ng pumunta kami nina Mhaei and Gerl sa Pantok ng maaga ang uwian dahil may meeting. Si Jon naman kasama ng mga classmate nya kaya hindi nakasama. . . ang sweet nga nina Gerl at Tony nakakainggit pero ngayon naiingit lang ako hindi na ko nalulungkot dahil wala akong kapartner dahil I'm happy being single, kaya nga sabi ko kay Ryan na patuloy nangungulit na gusto ko munang maging single, pero sabi naman nya makakapghintay naman sya. . . . well okei naman eh nakapag-move on na si Jan kaya siguro time ko naman para ako naman ang mag-move on sana katulad ng bilis na pag-ayos ng buhay ko ganun rin kadaling mag move on ang puso ko. . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

>>>>> pero bukod kay Ryan may mga nangungulit sakin si Bong na ah ewan ko ba kung anong napakain ko sa gagong iyon at ayaw akong tigilang pati ni Asher . . . hmp kaya ayun si Kuya Exor laging nakabantay, malapitan lang ako ni Bong alam ko na lalapit rin yun sakin o kaya naman papasukin ako sa loob ng bahay. . . pero syempre nanatiling sikreto kung ano man ang namagitan samin ni Bong dahil ayukong malaman ng kahit na sino na minsan isang araw lumabas ang toyo' ko sa ulo at sinagot ko ang isang BONG. . . . kaya kahit ilang beses kong sabihin na wala na kami at tapos na hindi pumapayag si gago sabi ko sa kanya bahala ka sa buhay nya he he he gusto nyang makipaglaro edi nakikipaglaro ako. . . .

>>>>> After ng practise ng SKSK nanood kami nina Veejay at Buwi ng practise ng AHO sa mga kasamahan ko sa pilitensya si Veejay at Buwi ang madalas kong kasama at kakwentuhan bukod sa sila ang matatanda sa grupo eh sila ang laging katulong ko sa mga dapat asikasuhin para sa samahan namin. . . . hindi ko maiwasang kilabutan ng si Jan na ang nagsasalita sa harapan at katulad noong isang taon iyon parin ang dialog nya kaya madalas iyon ang ginagawang pang-asar sakin nina Rocel at Punggay pero ngayon tinatatawanan ko nalang yun' pero habang naglalakad si Jan at binibigkas ang dialog nya di ko maiwasang manghinayang pero sympre pinigilan ko na ang puso ko bago pa muling masaktan, nangako na kong di ko na muling hahayaang tumibok ang puso ko sa maliking lalake dahil darating ang araw magmamahal ako sa isang taong kayang mahalin ako maging sino at ano man ako. . . . .


♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣

>>>>> Ryan call me para ipaalala yung birthday ni Cath bukas sabado ng gabi, kaya ng magpaalam ako kay Mommy sinabi kong sya na ang magsabi kyna lolo at lola dahil hanggang sa mga oras na yun' hindi nila ipinaaalam kay mommy ang nangyari sakin dahil mag-aalala lang daw si mommy. . . pinayagan ako pero kinakailangan kong bumalik bago maghating gabi kaya ng tumawag si Ryan na nagpapasamang bumili ng regalo para kay Cath pumayag ako na sunduin muna nya ako at magpunta kami sa Sta.Lucia bago kami tumuloy sa kanila para sa birthday ni Cath . . . Lumabas ako after makipag-usap kay Ryan may permiso naman kaming lumabas dahil biyernes ng gabi. . kanina pa tapos ang practise ng SKSK kaya ang mga kagrupo kong makukulit ayun nanonood sa AHO na sya namang naguumpisang mag-insayo ng peletensya . . . . nakihalubilo ako kyna Rocel at Punggay kasama sina Veejay at Ricky ( Ricky Del Monte). Nakita kong marami ding babaeng AHO ang nanonood kasama na si Odessa pero wala si Laarni ngunit hindi yun ang napansin ko kungdi ang pagdating nina Apple at Sandra . . si Apple na classmate ko at kakampi nina Josilyn Bisugo noong elementary at si Sandra na dating kapitbahay namin pero lumipat na ngunit hindi lang iyon ang problema dahil si Sandra ang x gf ni Bong at sa naririnig kong pag-uusap nung dalawa habang naglalakad palayo samin at papunta sa derection ng AHO hinahanap ni Sandra si Bong na galit na galit dahil sinabihan daw sya ng panikip butas at ang malala pa umiiyak sa galit si Sandra dahil sinabi daw na my new gf na si Bong, kaya bigla akong kinabahan pero bago pa ako makapag-isip ng kung ano-ano at umalis sa lugar na yun' bigla namang nagkaroon ng komusyon sa GDR napatayo tuloy kami nina Rocel at Punggay dahil biglang natigil ang pagprapractise dahil sa mismong gitna ng GDR nag-aaway sina Bong at Sandra ang malupit pa parang tanga si Sandra na nagmamakaawang kausapin sya ni Bong " anak ng tokwa ang daming lalaki si bong pa ang iniiyakan nya" ( bakit ikaw si JanJan) pero hindi naman ako tanga para umiiyak sa harap ng madaming tao pra kausapin lang ng hampas lupang katulad ni Bong. . . at sira ulo tong' si Bong talagang iniwasan pa si Sandra at tila gustong ipakita sa buong GDR na hinahabol sya ni Sandra ang gaga namang babae sinusundan naman si Bong at pinipilit na mag-usap sila kahit daw for the last time kaya ayun daig pa ang may shooting sa buong GDR. . . pero ang mas malupit ng pinagsigawan ni Bong na ayaw na nya kay Sandra dahil panakip butas ng daw ito at saka my new girlfriend na daw sya. . " anak ng tokwa kailangan ko ng umalis bago pa ko mapatay ni Sandra kung tama ang hinala kong ako ang tinutukloy ng dimonyong si Bong" pero bago ko yun' magawa itinanong ni Sandra na kung sino ba daw yung magaling na GF ni Bong kung totoo mang meron daw.. . . . . at kung maari lang lumubog ako sa kinatatayuan ko ng mga oras nayun gagawin ko dahil halos lahat ng mga mata ng mga taong nanonood ng peletensya at pati sina Rocel at Punggay daig pa ang natuklaw ng AHAS ng sabihin ni Bong yung pangalan ko sa harap ni Sandra pero ang tanging nasabi ko " wag nyo kong isasama sa katarantaduhan nyo ah" at dahil sa hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam kung papano ko ikakatuwa ang sinabi ni Bong sa paaraang paniniwalaan ako ng lahat hindi ko namalayang susugurin ako ni Sandra pero humarang si Kuya Exor sa harapan ko para matigilan si Sandra lalo na ng sabihin ni kuya Exor na " ahhhh wag ito ang pag-intirisan mo magkakasakitan tayo" pabiro mang sabihin yun ni Kuya Exor kay Sandra alam kong totoo yun' at mula yun' sa puso ni Kuya Exor dahil hindi talaga nun hahayaang masaktan ako ng kahit na sino lalo pa at ng isang tulad ni Sandra kaya ng sabihin ni Kuya Exor kay Bong na ilayo si Sandra na nagsisimula ng magwala at murahin si Bong pinapasok na ako ni Kuya Exor kasama sina Rocel at Punggay. . . . at kung may pagpapasalamat ako sa mga oras na yun wala doon ang mga kapatid ko at iba pang SKSK dahil kung nagkataon makakarating sa bahay kung ano man ang nangyari kanina. . . . pero kung nakaligtas ako sa mga kapatid ko kyna Rocel at Punggay hindi , dahil halos isumpa ako nung dalawa dahil sa ginawa ko pero ipinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at sa ayaw at sa gusto ni Bong alam nyang wala na kami at after ng lahat ng nangyari sa GDR nakakatwang isipin na lahat yata ng panget na salita ikinabit na nina Rocel at Punggay sa pangalan ni Bong dahil akala talaga nila seryoso ako sa gagong iyon. . . . .pero syempre naunawaan naman ako ng nung dalawa kaya ng makailang oras lumabas na ulit kami sa tambayan, wala ng AHO dahil tapos na ang practise kung meron man kaming nadatnan sa labas yun eh yung mga makukulit na bata na ginagaya ang pagprarctise ngmga nagpipiletensya . . . . hindi ko tuloy maiwasang matawa habang inaalala ko kung paaano ko lulusutan ang kahihiyan na dinala ni Bong dahil panigurado kaya wala kaming nakikitang AHO dahil kung di nagmemeting eh inilalagay si BONG sa kumukulong Tubig nina kuya. . . . . .

to be continue. . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 132

♠+♥+♣ . . . Tinanghali na ako ng gising kaya hindi narin ako nakapasok bisides pati yung mga uniform ko nasa gamit ko kyna Sheryl may dala man ako ilang perosnal ko lang gamit. . . . hindi parin ako makapaniwalang nasa sarili ko na akong kwarto dahil kyna kuya Jhun at Kuya Exor . . . sabi nga nila hindi lang naman sila ang nagkulang dahil pati ako nagkulang din ng pang-unawa sa kanila, hindi ko na isip na magulang ko sila at iniisip lang nila ang alam nilang tama para sakin. . . Pinapangako nga ako ni Kuya Jhun na hinding hindi ko na uulitin yun' dahil pangnagyari daw ulit na naglayas ako sila na ang magagalit sakin. . . . kahit kelan daw ang isang problema hindi nasusulosyunan ng isa pang problema. . . . kaya wag ko na daw uulitin. . . kaya kahit na I know hindi ko pa lubusang nabubuo ang sarili ko unti-unti akong nagkaroon ng pag-asang maibabalik ko ang dating Kathrina, ang Sodhel na minsan ko ng kinaligtaan na ako. . . .

>>>>> Thanks to have Kuya Jhun at Kuya Exor in my life siguro kung wala sila tuluyan na kong napariwara at syempre kyna Mercy, Mark at buong Cyber's dahil they make me realized kung ano ang mawawala sakin in case na pinagpatuloy ko ang pagrerebelde ko . .. .

>>>>>> Paglabas ko ng kwarto tanging sina lolo at lola lang ang pumapansin sakin bukod sa mga pinsan ko at dalawang kapatid pero naiitindihan ko naman ang mga Dragon sa bahay dahil kahit na sino magagalit sa ginawa kong paglalayas . . . . hindi ko nalang sila initindi kahit na ano pang sabihin nila importante sakin nakauwi na ako at naiintindihan ako nina Lola at Lolo. . . at ngayong araw na to' isa-isa kong pupulutin ang sarili ko, unti0unti kong ibabalik kung sino ang totoong ako. . . . Nagpaalam ako kyna Lola at lolo na kukunin ko yung mga gamit ko sa angono hindi rin lang ako nakapasok . . . .Nang dumaan ako sa GDR na kita ko si kuya Exor kausap si Jan sa harap ng bahay nila . . sa unang pagkakataon nakita ko si Jan ng wala akong kinikim na kahit na anong sakit kung meron man siguro paghihinayang nalang dahil lahat ng pangarap namin hindi na pweding mabuo . . . Kuya Exor asked me kung saan ako pupunta? kaya nagkatinginan kami ng lumingon ako kay Kuya, i told him na kukunin ko lang yung mga gamit ko, kaya ipinaalala ni Kuya Exor sakin na baka kung saan pa ako magsuot pagkakuha ko ng mga gamit ko. . . kaya sinabi kong hindi uuwi agad ako. . . . pero alam kong nagsisinungaling ako dahil after kong makuha kay She yung mga gamit ko kailangan kong puntahan si Mark dahil alam kong galit na galit na yun sakin dahil di man sabihin ni Mercy kagabi ng tumwag ako para ipaalam na uuwi na ko i know may namamagitang tensyon sa pagitan ng dalawang magkinakapatid . . . .

>>>>> iksaktong lunch break ako nakarating sa house nina She kaya hindi ko na kailangn puntahan sya sa school. .. . i asking She kung anong nangyari sa school wala naman daw kakaiba mukhang wala paring alam sina Dado dahil wala na mang nagtatanong maliban kay Rico kung bakit absent ako, alam naman kasi nina Dado na di ako makakapasok dahil sabi ko nung saturday uuwi muna ako sa Teresa. . . nag thanks ako kay She at sinabi kong pahiramin ako ng mga notes bukas pagpasok sa school . . . . After kayna She nagpunta ako sa Villages, pero kyna Mercy ako tumuloy para iwan muna yung bag ko dahil baka pagnakita ni Tita Dorothy yung dala ko baka kung ano pa ang sabihin. . . . sa kamalasan wala si Mercy nagpacheck-up daw sina Jen at Janeth nasa school pa kaya imposibleng nandoon sina Andoy at Vince kaya sinabi ko sa maid na iwan ko muna yung things ko at pumunta ako kyna Mark . . . . paalis si tita Dorothy ng pinapasok ako ng maid nila ang sabi parating narin maya-maya si Mark kaya kung gusto kong hintayin pumanik nalang ako sa kwarto para di ako mag-inip . . . . gusto ko sanang sabihin na babalik nalang ako kapag nanjan na si Mark pero bukod sa nagmamadali si Tita nagdalawang isip ako dahil hindi ko alam kung kailan ko pa ulit magagawang pumunta sa Villages after that dahil paniguradong madami akong kailangan gawin para makabawi sa mga grades na napabayaan ko kaya nagpasya nalang akong magstay . . . . una nag-stay muna ako sa sala nagbasa-basa baka kasi dumating narin si Mark dahil mag-aala una narin naman pero ng mangalahating oras ako nainip ako kaya sinabi ko sa maid nila na tataas nalang ako sa kwarto ni Mark dahil sanay na naman sakin yung maid nila Mark tumango na lang at sasabihin nalang daw nya kay Mark na nasa kwarto ako at naghihintay . . . .
>>>>> pagpasok ko sa room ni Mark, una kong naisip mag playstation nalang, kahit na hindi ako masyadong marunong ng mga nilalaro ni gago kundi super mario lang, ewan ko ba kung bakit hindi ko type ang maglaro ng mga katulad ng pinagkakaabalahan ng maraming kabataan ang playstation o kahit na ang nauusong PC games na counterstrike, pagsearchin mo nalang ako sa computer okei pa pero maggames naku malabo. . . . pero hindi ang play station ang nakakuha ng pansin ko kundi yung picture namin ni Mark na nasa ibabaw ng TV nya . . . hindi parin pala nya inaalis yun, ngayon ko lang napansin dahil mula ng magbreak kami pumunta man ako sa kwarto nya sandali lang at para lang mag-usap kami at iyakan ko sya kaya wala na akong time noon na mapansing walang binago si Mark sa ayos ng kwarto nya maliban sa yung dating kurtina ibinalik na binishan blind . . . nandoon parin yung baseball cup na iniregalo ko sa kanya noong last Birthday nya, wish nya sakin yun nung kami pa pero ng maibigay ko sa kanya yun hindi na kami dahil kami na noon ni Jan . . . ni minsan hindi ko pa nakikitang suot ni Mark ang sumbrerong iyon pero tingnan mo si ulok tong' imbis na isuot hinahayaang naka display lang iyon kasama ng iba nyang collection ng cup. . . lumaki mang spoiled si Mark masinop parin yun sa gamit, when I look up to the particular picture kinuha ko iyon, sumampa ako sa kama ni Mark at nag-injan seat . . mas lalo akong napangiti dahil yung picture namin na katulad ng sinunog ng mga lola ko nakita ko parin sa side table ni gago malapit sa kama . . . inisip ko nga di kaya araw-araw sila nagaaway ni Jocielyn dahil kahit na may picture na solo si Jocielyn sa side na yun eh nandoon parin yung picture namin higit sa lahat yun pa yung magkadikit yung nguso namin ni Mark . . . but I wonder kung ilang bese lang nakapanik si Jocielyn sa kwarto ni Mark dahil balita ko hindi magkasundo yung dalawa ni tita Dorothy, the last time na may maikwento si Mark sakin galit daw ang mama nya kay Jocielyn dahil natututo daw syang di umuwi ng bahay dahil nga sa apartment sya ni Jocielyn naglalagi . . . hindi ko naman masise si Tita dahil kahit may pagkaleberal din sya at open minded na iba na ang kabataan ngayon hindi naman yun papayag na hindi uuwi si Mark dahil mahal na mahal nun ang unico Iho nya. . . while I look the picture naisip ko kung magiging okei na ang lahat at hilingin ni Mark na maging kami ulit I took the chance malay mo kami pala ang may second time, but i have a second thought dahil baka hindi na katulad ng dati, dahil I know Mark wants na maayos uli yung relationship nila ni Jocielyn kahit na sinabi nyang they separate in good terms. . . . . nasa ganun akong pag-iisip ng marinig ko na dumating si Mark kaya ibinalik ko na yung pic sa dating lagayan at ibabalik ko na sana yung isa sa ibabaw ng TV when Mark arrive but when I look at him gusto kong bawiin yung smile sa mukha ko dahil mukhang badtrip si gago dahil nakakunot ang ulo. . . . but I know how to handle the symtoms of that jerk, kaya after kong ilagay yung pic sa TV lumapit ako kay Mark, pero mukhang may "sometimes" nga, dahil inawasan ako at inilagay yung gamit nya sa study table sabay tanong na " anong ginagawa mo rito" at first hindi ko masyadong initindi yung sumpong ni gago minsan ganun talaga si Mark lalo na kapag maiinit ang ulo basta nalang nagsasalita pero kahit na nanakasakit sa kanya wala lang iyon. . . " wala lang, magsosorry lang saka I want you to know na nakauwi na ako" umupo ako sa gilid ng kama pero nakatingin sa kanya, napatungo ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mata ni Mark dahil parang galit na di ko maawari kung bakit. . . kaya ng di sya sumagot dinaan ko sa biro ang lahat katulad ng usual kong ginagawa para maalis ang ulo ni Mark but when i asking bakit ang init ng ulo nya mukhang talagang mainit, hindi lang mainit kundi nagiinit pa. . . " nakapagsorry ka na, so ano pa ang kailangan mo" in that world hindi ko na alam kung si Mark pa yung naririnig ko kaya tumingin ako sa direction nya at nang magtama ang mata namin I know that he mad, kaya I try to explain kung bakit kinakailangan kong umalis kahapon pero bago palang ako nangangalahati sa sasabihin ko he said stop, dahil wala na daw syang pakialam kung anong gusto kung gawin sa buhay ko dahil wala naman daw syang karapatang makiaalam o hindi naman daw dapat sya nakikialam dahil Ex girlfriend "lang" naman daw nya ko. . . in a couple of seconds hindi ko alam kung ano ang uunahain kong iisipin kung totoo bang si Mark ang nagsasabi sakin ng mga salitang iyon o kung totoo ba sa loob ni Mark ang mga binitawan nyang salita. . pero alin man sa dalawa nasasaktan ako, at di ko mapigilan ang hapding naguumpisa ko ng maramdaman, pero pinilit kong intindihin si Mark dahil I know ako ang may kasalan kung bakit sya nagagalit sakin dahil iniwan ko sya kahapon ng walang paalam, kaya tumayo ako sa kama at sinabi kong saka nalang kami mag-usap kung malamig na yung ulo nya pero mukhang disidido si gagong saktan ako kaya bago pa ko tuluyan makalabas ng pinto ng kwarto nya may sinabi syang tuluyang humiwa sa puso ko "Wag na Kathy kung pwedi lang sana, okei na kasi kami ni Jocielyn at aaminin ko sayong hindi nya gustong nakikita o nalalaman na nagkakasama pa tayo o naguusap man lang . . ." hindi ko alam kung paano ako nakatango sa sinabi ni Mark pero bago pa lang ako makababa ng hagdan tumulo na yung luha ko . . . hindi lang dahil sa ibiga sabihin ni Mark kundi ang marealized kong hindi lang kung anong meron kami ang gustong putulin ni Mark kundi pati yung pagiging magkaibigan namin. . . . kaya kinailangan ko pa munang kalmahin yung sarili ko bago ko tumawid sa kabilang bahay dahil nakita kong nasa tapat yung motor ni Andoy at malamang nasa loob na sina Janeth at di ko gustong makita nila ako sa ganung ayos. . . Ilang beses akong bumuga sa hangin para maalis yung bikik sa lalamunan ko at yung sakit na untin-unting bumabalot sa buong pagkatao ko . . . Ngumiti ako kay Andoy at Janeth ng makita kong nasa sala. . . ng magtanong sila sakin kung anong nangyari sa pag-uwi ko pinilit kong ikwento lahat kahit gusto ko ng umalis ng mga ora nayun' after nun sibabi ko kay Andoy na kung pwedi akong ihatid sa sakayan pero nagpumilit yung dalawa ni Janeth na ihatid ako hanggang sa bahay . . . Nang nasa loob na ako ng kwarto at inaayos yung mga damit ko hidni ko alam kung bakit ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak, aaminin kong ang saki-sakit ng mga sinabi ni Mark, pero binigyan ko naman sya ng katwiran na dapat nga hindi lang ganun ang ginawa nya sakin dahil sa dami ng sakit na ibinigay ko sa kanya kulang pa ang nararamdaman kong pambayad . . . . saka ko lang narealized yung unang tanong nya sakin na kung "ANO ANG KAILANGAN KO" doon palang dapat alam ko nang may ibig sabihin si Mark . . . at sa palagay ko tama lang na wag muna akong makipagkita sa kanya at kahit sa CYBER's malamang kinakailangan ko naring dumistansya . . . pero pagnaiisip ko kung ano ang pinagdadaanan ko gusto kong tanungin si Mark kung bakit ngayon pa nya ko naisipang bitawan, bakit ngayon pa kung kelan kailangan ko sya at ang Cyber's, pero naisip ko sobra naman ako, di pa ba sapat yung mga ibinigay na tulong sakin ng ni Mark ang ng tropa nya, kung tutuusin sobra-sobra pa nga dahil kahit hindi na kami ni Mark hindi parin nila ako itinuring na iba lalo na si Mark. . . siguro kailangan ko lang talagang harapin mag-isa ang lahat ng consequences ng lahat ng ginawa ko at isa na siguro
sa mga consequence na yun ay ang mawala si Mark sa buhay ko . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
>>>>>> I face all the consequence ng lahat ng pinaggagawa ko sa loob ng ilang bwan, until now hindi ako pinapansin ng mga dragon sa bahay lalo na yung pinaka-bata na mabagsik pero I dont care hindi sila ang concern ko kundi sina lolo at lola, I promise to myself na hindi na ako gagawa ng kahit na ano na makakasakit sa lolo at lola ko. . . . hindi ko pinakinggan kung ano mang sermon ang laging pinaririnig sakin ng mga dragon kuing meron man yung pangaral lang nina lolo at lola ang ipinapasok ko sa isip at sa puso ko . . . basta ginagawa ko kung ano man ang obligasyon ko sa bahay, katulad ng dati nagluluto, naguurong at minsan utusan sa palengke . . . Hindi ko man maibalik yung dating ako dahil alam kong madami ng nagbago basta alam ko kung may natutunan ako sa lahat ng nangyari ganun rin sina lolo at lola dahil hindi na nila ako madalas higpitan. . . siguro dahil kinausap din sila ni Tito police katulad ko. . . kaya muli kong ibinalik yung goal sa buhay ko na hindi ako magpapaapekto sa kung ano ang sinasabi at ginagawa sakin ng iba basta ang mahalaga masaya ako at di ko sisirain ang buhay ko para lang sa kanila dahil papatunayan ko na ako ang unang membro sa pamilya namin ang makakapagtapos at magkakaroon ng pinakamalaking stado sa pag-aaral, papatunayan ko sa kanila na hindi man ako kasing talino ni Ate Lhen, kasing talento ni kuya Nover at di man ako laging may Honor katulad ni Ashlee at Cheenee ipapakita ko sa kanila na ako ang unang apo at pamangkin nila na uuwing titulado at gagawin ko yun sa ngalan ng daddy ko . . . . ,.
>>>>>> kung hindi naging madali ang pagbalik ng pakikitungo sakin ng mga dragon sa bahay ganun naman kabilis ako nakahabol sa school, sabi ni mam kaya ko pang habulin dahil mahahatak naman daw yung mga nagbabaang grades ko nung last grading sa mga grades na na panatili kong mataas. . . hiniram ko lahat ng notes nina Gerl, Mhaei at Jon sa mga teacher na pareho kami at pati kyna Sheryl at Carol . . . I admit unti-unti ko ng naibabalik ang passion ko sa pag-aaral lalo na sa science na napabayaan ko dati. . . hindi man bumalik yung turingan namin ni Manuel dati sa isat-isa masaya na kong di na kami nag-iiwasan at kung di sinasadya nagkakatinginan at nagngigitian nalang . . . naging busy ako sa mga nagdaang araw kaya kahit na yung nangyari samin ni Mark hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin muli ko lang naalala ng magkaslubong kami ni Chris at kinamusta nya ko kung okei na ako dahil naikwento daw sa kanya ni Ian yung nangyari sa resort. . . naging okei naman yung pagkukwentuhan namin pero nabahiran ng konting lungkot when he said na nagkabalikan na pala daw sina Jocielyn at Mark lagi nga raw nasa Villages yung dalawa . . I know hindi alam ni Chris kung ano ang nangyari samin ni Mark after ng mga nangyari sa resort nina Jaypee and mybe pati buong Cyber's walang alam sa kung anong sitwasyon meron kami ni Mark at this moment kaya hinayaan ko nalang isipin ni Chris that I'm happy for Mark, pero totoo naman happy ako kay Mark dahil I know noon pa nya gustong balikan si Jocielyn un nga lang pati friendship namin kailangan isakripisyo para sa kaligayahan na yun but Its okei sa dami ng hirap at sakit na dinanas ni Mark sakin I think he deserved to experience that happiness he have now . . . . bago matapos yung pag-uusap namin ni Chris I told him na ikamusta nalang nya ako kyna Mercy saka lang pinaalala ni gago sakin na sa linggo na daw ang alis ni Mercy sabi ko tatawagan ko nalang si Mercy bago sya umalis . . .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
>>>>>> Unti-unti ko ng naibabalik sa dati ang lahat, may mga konting bagbabago pero tinangap yun dahil alam ko kasama yun sa conseqeunces ng ginawa ko. . . pero at least kahit papano sa lahat ng nangyari natutunan ko na hindi lang sila ang nagkamali kundi pati ako, sabi nga ni kuya Jhun at Kuya Exor hindi lang dapat sarili ko ang laging intindihin ko kapag nasasaktan ako dahil kung minsan kinakailangan daw masakatan ang isang tao para matuto' at sa lahat ng pagkakamali doon natin nakukuha ang tama at dapat gawin . . ( ang lalim noh pero totoo ng sinabi nila sakin yan piling ko nga si ATTY Ligarda ang kausap ko O si Mam Charo Santos ng maalaala mo kaya!!! he he he) but kidding aside ang laki talaga ng tulong sakin nina Kuya dahil kundi sa mga pangaral nila siguro tama ang sinabi nilang matutulad ako sa ibang mga baabe sa GDR na sinisira ang sarili dahil sa kanilang kakitiran ng isip sa pag-iintindi sa mga ginagawa sa kanila ng magulang nilang paghihigpit . . . kung may kinalulungkot man ako siguro yun yung pagkawala ni Mark sa buhay ko. . . pati narin siguro ng Cyber's dahil mas lalong mawawala ako ng dahilan na makasama sila bukod sa babalik na si Mercy sa Calgary eh magsasara na ang classes sa loob ng tatlong linggo . . . . ahhh sa dami ng nagdaan sakin sa mga nakaraang bwan hindi ko na napansin isang taon nalang tapos na ko ng highschool at sa di kukulanging limang taon colleges graduate na ko . . . . at kapag dumating yung time na yun' sisiguraduhin ko hinding hindi ko kakalimutan ang mga nangyari sakin sa panahong ito' masakit man at madaming di magandang pangyayari alam ko gugustuhin ko paring balikan dahil doon ako natuto' para magpatuloy lumaban . . ...
to be continue . . .

Friday, March 21, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 131

♠+♥+♣ . . . pinalipas namin ang mga oras sa paglalaro ng kung ano-ano, cards, scrable, snake and ladders pati nga truth and consequence pinagtripan. . . . kaya kahit papano naaliw ako. .. yung mga lalake halos umiinom pa pera nalang sina Mark at Andoy dahil si Andoy ayaw ng painumin ni Janeth my limits pala ang pag-inum ni gago, si Mark naman ayaw na dahil magdridrive pa daw bukas pababa ng palengke, kaya sabi ni Ian ng marinig yung katwiran ni Andoy kung bakit di na sya tumatagay " kaya ayaw kong magjo-jowa eh ang hirap ang daming limits" sinagot naman ni Lyca na " eh bakit sakin wala kang limit all the way iyung-iyo ayaw mo parin! " kaya nagtawanan lahat lalo ng inasar ni Jaypee at Micheal bakit daw namumula si Ian . . . ngayon ko lang nalaman na kaya hindi sinama ni Lyca si Ben sa outing dahil matagal na palang may alitan sina Ben at Ian dahil sa basketball pero ang hinala daw nina Cath dahil kay Lyca dahil alam daw ni Ben na matagal ng love of my life ni Lyca si Ian yung nga lang mukhang ayaw ni Ian na sya ang inililigawan . . . kaya kahit na may intires si Ian kay Lyca eh hindi makahirit inuunahan daw kasi ni Lyca. . . di ko tuloy maiwasan maalala sina Joey at Carol, mas lalo ko tuloy na realized ang laking kong tanga dahil sinayang ko yung mga time na imbis na nagsasarili ako at inilulubog ko yung sarili ko sa alak at bisyo sana mas nakilala ko pa yung mga kaibigan ko tulad nina Lyca at Cath. . dahil di man sabihin I realized ako ang naglayo sa sarili ko sa kanila dahil I thought iba sila sakin pero mali ako at ngayon I promise babawi ako . . . after kong ayusin ang lahat i make it up to all the times na pinagkait ko ang sarili ko hindi lang sa CYBER's kundi sa lahat ng mga kaibigan ko . . .

>>>>> 3:30 to 4 am na yata ng magkayayang magsitulog pera lang kay Mercy na kanina pa natutulog dahil bawal ang magpuyat saka yung gamot yata nya may halong pampatulog para sa health nya. . . . kaya kanya-kanya ng pasok sa room. . . syempre magpa-partner tabi-tabi yung walang partner sial-sila magkakasama. .. joke lang sina Lyca, yung pinsan nyang si Diane, si Mitch, Mercy, Cath at Anne sa pinakamalaking kwarto magkakasama, then yung mga kolukoys nagdalawang kwarto yata dahil sa maliit sila napuntang room di ko lang alam kung sino-sino ang magkakasama . . . yung dalawang kambal syempre kasama yung dalawang jowa nila pero magkahiwalay ng kwarto ha!. kami ni Mark doon sa room na pinagtulugan ko kanina. . . si Micheal nga yata kasama nya doon kagabi dahil may kinuhang gamit si Micheal bago kami pumasok ni Mark . . siguro dahil narin sa pagod at puyat konting kwentuhan lang nakatulog narin kami ni Mark. . . but before i sleep buo na ang pasya kong umuwi pero kailangan ko munang makausap sina kuya Jhun at kuya Exor kaya pipilitin ko si Mark na kyna Abeth muna ako iuwi kahit na samahan pa nya ko bahala na!!!

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

>>>>> sikat na ang araw ng magising ako . . . . . nakita kong may takip na towel yung binatanang nasa haapan ng kama, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti alam ko si Mark ang may gawa nun dahil yung bintana sa kwarto nya dati pinapalitan nya ng kurtinang white dahil yung binishan blind na dating nakakabit doon tumatagos yung sikat ng araw nagigising daw kasi ako kapag nakikita ko ng pumuputok ang araw, nahalata yun ni Mark ng isa o dalawang beses akong nakatulog sa kanila mula sa swimming noong kami pa . . lagi nga akong namumura ni lola nun dahil ang paalam ko birthday party lang aalis ako ng alas 3 sabi umuwi ako ng maaga pero umaga na daw ako umuuwi kaya after two or three times na payagan ako ayun hindi na naulit he he he . . at dahil nga di pa naman fully punish yung resort nina Jaypee kaya wala pang kurtina o ano mang ilalagay doon sa window glass eh nilagyan muna ni Mark ng towel . . pero sira ulo yun ah di man lang ako ginising. ., iniwan akong mag-isa sa room . . . after kong ma-ayos sa sarili hinanap ko si Mark sa labas pero sina Mercy at Jen ang nadatnan ko sa patio ng cottages umalis lang daw sandali sina Vince kasama si Mark at yung ibang babae para mamalengke sa baba . . . laking gulat ko ng may umakbay sakin mula sa likod . . . si Ian pala pero imbis na good morning ang sabihin sakin tila nakakalukong ngumiti at sinabing " hows your dream wild cat" yung una hindi ko ma-gets yung ginabi ni Ian pero nung batukan ni Mercy si Ian at habulin ng pamalo sa ulo sinabi sakin ni Jen kung bakit . . . hindi nga maiwasang matawa ni gaga dahil ayaw tigilan ni Mercy si Ian sa kakahataw and she said "wag ko daw pansinin si Ian nasa mood lang daw mang-asar dahil kanina daw nakita nila yung kalmot ni Mark sa leeg kaya napagkatuwaan na alaskahin si Mark" . . .,. at di man direktang sabihin ni Jen kung anong koneksyon nun sa pagtawag sakin ni Ian ng wild cat alam ko na kung bakit at kung anong iniisip ni Ian o ng lahat ng taong nakakita sa kalmot ni Mark sa leeg. . . hindi ko tuloy alam kung paano ako titingin kay Mercy at kay Ian ng bumalik na sa tabi namin ni Jen. . . pero nagsorry naman si Ian biro lang daw yun. . . sabi ko okei lang pero ipinaliwanag ko na di naman yun dahil sa iniisip nila kaya may kalmot si Mark. . . sabi ni Mercy alam naman nila yun, wag ko daw pansinin si Ian baliw lang talaga daw yung gagong yun . . . pero bigla akong may naisip kung wala si Mark pwedi na kong umalis at pumunta kyna Abet dahil kung si Mark ang maghahatid sakin panigurado sa malamang hindi papayag yun. . . so i talked Mercy privately dahil alam ko sya lang ang makakagawa ng paraan o makakintindi sakin na makaalis ng wala si Mark. . . alam kong ikakagalit ni Mark ang gagawin ko pero importanteng makausap ko yung tatlong kuya ko dahil hindi ako makakauwi sa bahay ng wala sila . . . after i said to her lahat ng dahilan kung bakit gusto kong gawin muna na pumunta sa pantok bago umuwi, ilang beses mang hindi pumayag si Mercy sa huli naunawaan rin nya ako. .. . kaya walang nagawa si Micheal at si Ian na ihatid ako, dahil si Andoy di naman pweding magdrive . . . sabi ko kahit hanggang sakayan lang ng jeep pero binilin ni Mercy na ihatid ako hanggang pantok. . bilin din nya na tumwag ako kung nandoon na ko para alam nila kung okei ako . . kaya labag man sa loob nina Ian at Micheal na ihatid ako dahil paniguradong mapapatay sila ni Mark wala silang nagawa dahil sa utos ni Mercy . . . kaya litanya ng litanya yung dalawa habang nagdridrive si Ian sabi ko ibaba nyo na ko kung pulos lintanya sila ng lintnya . .
>>>>>> Kahit na anong pilit nina Ian at Micheal na ihatid ako sa mismong bahay nina Abet para daw kung hanapin ako ni Mark may masasabi sila hindi ko yun' pinayagan kaya hanggang sakayan lang ng tricycle ako nagpababas sa kanila . . hinintay ko munang makaalis sila saka ako sumakay ng tricycle dahil natatakot akong masundan ng dalawang uloktong . . . dahil malamang na pilipitin yun ni Mark mamaya matunton lang ako. . . . Pagdating ko roon laking pasasalamat ko dahil mukhangwalang alam si Abet sa mga nangyayari sa GDR kaya hindi muna ako nagsilata, , , hahanap pa ko ng tiyempo, kung kinakailangan na doon muna ako habang nagiisip ng hakbang kung paano ako makakuwi sa bahay. . pero sa lahat naman ng madadatnan ko roon si bebe pang kaptid ni Jan. . . pero syempre wala naman kasalanan sakin yung utol ni Jan kaya kung ano yung pakikitungo ko sa kanya nung kami ngkuya nya ganun parin ang pakikitungo ko. . . niyaya pa nga akong pumunta sa sapa dahil naglalaba doon si Abet at habang nihintay kong matapos maglaba si Abet nakakwentuhan ko si Bebe, kung di ba naman isa akong malaking tanga sa isang libo at isang gaga nagawa ko pang tanungin si Bebe kung kamusta na ang kuya nya. . . " ayun daw laging nasa bahay nila yung gf kaya lang asar daw sya kasi ang takaw lagi daw nagpapabili ng soft drinks sa kuya nya, pati nga daw si mama nya ayaw doon kasi laging nasa bahay daw nila" hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan, matutuwa dahil hindi pabor ang mama ni Jan kay Laarni o masasaktan dahil ni minsan hindi ko narasan na ibili ako ni Jan ng softdrinks kapag nasa kanila ako. .. ahhhhh gaga ko talaga noh??? pero totoo naman yun' kahit na kabaliwang sabihing maliit na bagay lang yung softdrinks ang laking kaibahn yun para sakin dahil ni minsan hindi ginawa ni Jan yun nung kami pa. . . .
>>>>>> Nang bumalik kami sa bahay laking gulat ko ng makita ko sina Kuya Exor, Bornok, Jason at Lole kasama si Tony at sa pagkita palang sakin ni Kuya Exor alam ko alam na ng nanay ni Abet ang tungkol sa paglalayas ko kaya kinausap nila ako kasama si Kuya Exor. . . ng sinabi ko namang talagang uuwi na ko kailangan ko lang makausap si Kuya Exor at Kuya Jhun kaya ako nagpunta sa kanila eh natapos na rin ang usapan pero sabi ni kuya exor hindi pa kami tapos kaya hinayaan muna naming mawala ang mga tao kyna abet dahi bababa sa bayan ang mga nanay at tita ni Abet dahi my patay daw, ang masakit lang si Abet na akala ko makakatulong sakin iniwan rin ako. . . kaya ang sama-sama ng loob ko kay Abet ng araw na yun' . . . . Nang kami nalang nina Kuya Exor at Lole ang nasa bahay kinausap na ako ni Kuya Exor kung ano ba daw talaga ang problema . . . kaya ulit umiyak ako habang naglalabas ng sama ng loob after kong maglabas ng sama ng loob sinabi ni Kuya Exor na uuwi ako kasama nila dahil pati daw tito police ko hinahanap na ako at pina-blather. . . . pero sinabi ko kay Kuya Exor na sasama lang akong umuwi kung makakausp ko si Kuya Jhun at si Kuya Jhun ang mag-uuwi sakin, dahil alam ko kahit papano makikinig ang mga lolo at lola ko kay Kuya Jhun dahil alam nilang ginagalang at tinuturing ko si Kuya Jhun na matang kapatid . . .
>>>>> Pumunta muna kami sa house ni Kuya Jhun pero naunang umuwi si Lole para pauwiin si Kuya sa house pero nainip kami kaya nagkasalisi pero nagkita rin kami sa dulo ng GDR ng malamn ni Kuya Jhun ang lahat after kaming magusap sinabi nya na sya muna ang pyupunta sa mga lolo at lola ko. .. then we wait for kuya Jhun, pero hindi si Lolo o si Lola ang sumundo sakin kundi si Tita Itsa pero sinigurado sakin ni Kuya Jhun na okei na lahat. . . pero hindi kami sa GDR dumaan dahil marami daw tao kaya sa Victoria kami naglakad pauwi. . . nang dumating kami sa bahay pinapasok ako ni Kuya Jhun sa kwarto at sya na raw ang bahala na kumausap sa mga tito at Tita ko dahil sina lolo at lola ang unan nyang nakausap kanina. . . ahhhhh hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa mga nangyayari pero kung kelan ako nakaramdam ng takot saka wala namang nangyari kaya parang gusto kong maguilty dahil magkasunod na pumasok sa kwarto ko sina lolo at lola para tanungin ako kung kumain na. . . kahit na gusto kong umiyak pinigilan ko, mas lalo akong naguilty ng sabihin ni lolo na magpahinga na daw ako. . . ahhh hindi ko alam kungano na ang ginawa ko sa buhay ko pero ipinangako ko sa sarili ko na babawi ako. . . .
to be continue . . . .

Thursday, March 20, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 130

♥+♥ . . . Nang makaalis sina Mark at Vince kasama sina Randy, at yung dalawang lalaking sinasabi nilang master ng 3G na sina Marlon at JayJay, inumpisahan na ang paglalatag ng inuman nina Cath at nung sinasabi kong preskong lalaki na ang pangalan pala ay Archie . . . pero syempre hard ang iniinum nina Jaypee, Andoy Ian at Micheal kasama yung Archie wala si Chris dahil kalaban ng gangta nina Chris ang 3G kaya di sya pweding sumama, samin Red horse ang iniinum namin nina Lyca, Cath, Diane, Mitch, Jen at Janeth (ofcourse di pwedi si Mercy). . . uminum narin ako kahit na hindi pa sabihin ni Cath dahil alam ko namang di papayag si gaga na hindi ako makainum, kaya nga siguro tuwang tuwa si gaga ng utusan ni Mercy si Mark . . . pero buong akala ko dahil lang sa alak kaya gumawa ng way sina Mercy na mapalis si Mark dahil alam nilang kapag nakainum na ko wala ng magagaw si Mark magwala man sya ,. . . Nang magyayang lumusong sina Lyca sa pool matapos mangalahati yung mga iniinum nila at halos nakakadalawa na kami ni Cath ng bote ng red horse kinabahan ako ng hindi tumayo sina Cath at Mercy at sinabing doon muna daw kami . . . napilitan tuloy akong bumalik sa pagkakaupo dahil akala ko lulusong din kami sa tubig . . . pero sa ibang tubig pala kami lulusong, sa mga luha ko . . .
>>>>> Cath start the interrogation sa pagtatanong kung saan ako galing, when i told them na sa swimming ng mga classmate ko I saw them na nagkatinginan kaya lumakas ang hinala ko na may alam yung dalawa o ang buong tropa sa nangyayari sakin dahil kung sila lang hindi makikiayon sina Lyca para bigyan kami ng space na makapag-usap .. . . Cath says na alam nilang naglayas ako dahil tumawag daw si Ryan sa bahay kaninang tanghali at kinausap si Ryan ng tito ko kung may alam kung nasan ako pero dahil marunong makisakay si Ryan he didnt tel daw na alam nya. . . napatingin ako kay Cath dahil imposibleng alam ni Ryan kung nasan ako, pero parang nabasa ni Cath ang tanong sa utak ko then she said na ang akala ni Ryan kasama nila ako ng magpunta sa resort but sad to say ng tumawag si Ryan sa resort at nalaman na di ako kasama pati sila nagpanick kung saan ako nagpunta kaya nga daw kung di ako darating hanggang mamaya they have a plan na i-pack-up ang celebration at pumunta sa bahay namin . . i feel so guilty dahil sa mga ginagawa ko sa sarili ko tuloy pati ibang tao nadadamay . . . I asking them kung alam ni Mark ang alam nila pero sinabi ni Cath na kung sakali daw bang alam ni Mark na naglayas ako did i think ba daw na makakarating pa ako sa resort edi inuwi na daw agad ako nun o baka kanina pa nun hinaloghog ang buong Rizal mahanap lang ako . . Alam kong may bahid na katotohanan ang sinabi ni Cath dahil kung kanina pa alam ni Mark na naglayas ako sa bahay no second asked iuuwi ako nun ano man ang dahilan ko. . . . pero Mercy finally speak and asking kung ano ba daw talaga ang nagyayri sakin, kahit sya hindi na nya ako maintindihan, habang nasa Davao ba daw sya may nangyayari ba daw na hindi ko sinasabi sa kanya o sa "FRIEND" nya. . . I told her not to blame his "friend" dahil wala syang kinalaman sa mga nangyayri sakin because if they have isa parin yun sa mga tututol sa mga ginagawa ko . . I start to apologies to them dahil sa pag-aalala nila sakin at higit sa lahat sa pagsisinungaling ko na okei lang ako . . I was cry when I told him lahat, mula sa umpisa hanggang sa nangyari kagabi at kanina, how I hate my families and Jan, how i feel so alone that time, hanggang sa magising ako isang araw na hindi ko na alam kung sino ako at kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko. . . sa paglilitanya ko wala kahit isa man kyna Cath o Mercy ang nagsalita, lumapit lang si Mercy para hagurin ang likod ko at si Cath para bigyan ako ng tissue . . . they dont say anything, even a single words basta nakinig lang sila hanggang matapos ako sa pagtatanong sa sarili ko kung ano na ba ang nagyayari sakin? Cath say na ako lang naman daw ang nagpapakahirap sa sarili ko dahil sinisira ko ang sarili ko ng dahil sa ibang tao . . . . she also says na hindi daw ako nag-iisa dahil nandoon sila ako lang daw ang naglalayo sa kanila ng sarili ko dahil hindi ko sinasabi sa kanila ang problema ko. . . wala akong masagot kay Cath ng mga oras nayon' dahil totoo naman lahat ng sinabi nya pero ginawa ko yun dahil nahihiya na ako sa kanila. . . ano naman daw ang silbi nila kung mahihiya ako sa nila sabi ni Mercy. . . pero sa lahat ng nangyari ng gabi yun tila ngayon lang ulit ako nakahinga ng maluwag . .. at natapos ang usapan na yun' sa isang biro " kasi naman bakit nagstastaga ka s ugok na lalaking yun eh masgugustuhin ko na yung killjoy na si Mark kesa naman ganyang pinapaiyak ka o gusto mo doon ka nalang sa kuya ko para kapag pinaiyak ka may katulong ka sa pagganti" bigla tuloy akong napangiti nayakap ko tuloy si Cath ng di oras at nakisama na samin si Mercy nasa ganun kaming ayos ng magsidatingan sina Lyca mula sa pag-ahon sa pool kaya nag group hug kami buti nalang puro kami girls he he he . . at bago pa kami makita at masabihan ng mga hudas na lalake na nagdradrama eh nagpatuloy nalang kami sa kwentuhan at inuman. . . then I thanks for all of them dahil di ko man alam kung lahat sila may alam sa totoong nangyayari sakin I know they help me a little way para unti-unti kong marealized na may mali ako and i need to fix that before its to late . . . . at ng gabing yun, I open my life hindi lang kyna Cath at Mercy kundi sa buong Cyber's kaya alam na nila ang buhay ko kahit pakunti-kunti lang. . . nag trip si Jaypee kaya nagpatugtog ng sayaw. . . then nagsitayuan sila para sumayaw pera lang ako pero hinatak ako ni Arechie at di pumayag na di ako sasayaw " hindi daw totoo ang kasabihnag parehong kaliwa o kanan ang paa ng isang tao lahat daw ng may paa marunong magsayaw" siguro dahil nakaka-apat na bote narin ako ng red horse ayun napasayaw ako ni gago kahit na nung una naprepreskuhan ako. . He take the lead for the step kaya sinundan ko naman sya dahil mukhang may sarili syang step kaya naging interesado sa sa galaw nya sina Lyca at sumunod narin . . . pero nakita yatang nahihirapan akong i-pick-up ang step kay pumunta saya sa likod ko at hinawakan yung dalawang kamay ko to lead the step mula kamay, galaw ng katawan at papa. . . . I admit kahit papano nakasunod ako sa step kay aparang nag-enjoy ako, kaya ko rin palang sumayaw . . . nasa ganon kaming ayos when Vince and company came pero patuloy parin ang kasayahan kaya lang nakita ko kung gaano kadilim ang mukha ni Mark, at nakita ko kung paano hinarang ni Vince at pigilan si Mark na makalapit sakin pero tila yata hindi yun napansin ng iba kaya tuloy parin ang sayaw lalo na ng taong nasa likod ko dahil tuloy parin ang pagtuturo sakin ng step kaya nawala kay Mark ang mata ko. . . ng muli akong tumingin sa derektion ni Mark wala na sila roon nina Vince at Randy dahil yung dalwang 3G na kasama nila nakisali narin samin. . . I wait to finish the music para hindi mahalata o magtaka sila saka ako nagbalik sa upuan kung saan kami nakaupo kanina. . . nandoon na sina Vince at Randy pero wala si Mark so I asked Vince kung nasan si Mark, may kinuha lang daw sa cottages . . . maya-maya nga halos kasabay ng mga nagsasayawan bumalik si Mark pero hindi sa tabi ko umupo kundi sa harap ko lang. . when I look at him kahit tumingin rin sya sakin wala naman akong mabasang emotion at higit sa lahat binawi rin nya agad yun at tumingin sa ibang derection . . . kung meron man nakapansin ng tensyon sa pagitan namin ni Mark sina Vince lang yun . .. but admit nasaktan ako sa ginagawang pambabaliwala ni Mark lalo na ng bigyan ako ni Cath ng isa pang bote pero hindi man lang sya nagreact kahit na tingnan lang ako . . pati yata si Cath na kahalatang may ibang nangyayari kaya nagparinig na " wala abang magrereact dian" pero sa kasamaang palad imbes na magreact tumungga lang si Mark ng alak . . . kaya kahit na gusto kong tanggihan yung binibigay ni Cath dahil palagay ko may tama na ko sa apat na boteng naubos namin kanina, nagsalin parin ako sa baso ko at uminum para pigilin yung emotion ko.. . . . . pero hindi na ko nakisali sa kwentuhan. . . nakikitawa nalang kung kinakailangan tumawa at tila ganun rin ang ginawa ni Mark. . . until magkayayaan na namang lumusong sa pool. . . bago pa ko maiwan inunahan ko na ng tayo sina Mercy dahil alam ko na katulad kanina strategy lang yun para maiwan kami ni Mark . . . pinigilan man ako ni Mercy na tumayo hindi ako nagpapigil siguro dahil may tama narin ako kaya naiisip ko kung ayaw rin naman akong makasama ni Mark at pansinin di wag . . . kaya walang nagawa si Mercy ng sumunod ako kyna Jen sa pool, nakisaya ako, kahit na imbis na gumaan na kanina ang pakiramdam ko feeling ko bumalik yung bigat dahil sa kagagwan ni Mark . . . .nang mapagod ako kakalangoy umahon ako at umupo sa gilid ng pool yakap yung tuhod ko . . . pinigilan kong wag umiyak pero hindi na yata kaya ng mga mata ko yung bigat ng kanina ko pa pinipigalang kuha kaya kusa na yung tumutulo kahit anong pahid ko, then Jen approach me kung okei lang ba daw ako, sabi ko oo they told me na babalik muna sila sa cottages kaya tumango nalang ako, isa-isa rin nag-ahunan yung mga tao sa pool at ng mapansin kong nag-iisa na ko saka ko tumayo para sumunod pero I saw Mark stand near me and stare at me . . . pero dahil galit ako sa kanya kaya umiwas ako pero pinigilan ako ni Mark, , , ngunit nagmatingas ako kaya pinilit kong kumalas sa pagkakahawak nya sa braso ko pero sinabi ni Mark na hindi nya ko bibitawan hanggat di kami nag-uusap pero nagmatigas parin ako at pinilit kong makahulagpos sa kanya na halos yakapin na nya ko para lang wag makawala at sa di ko sinasadya sa isang pagsinghay ng kamay ko tumama ang mga kuko' ko sa leeg ni Mark nagkurting kalmot yun' at nagsugat pareho kaming natigilan dahil naramdaman ko ang pagtuklap ng balat nya sa kuko' ko at siguro nakaramdan sya ng sakit kaya nalaman nya na may sugat sya . . . .. Im feel scared hindi dahil sa nakikita kong nagdudugong sugat ni Mark kundi dahil baka kung anong gawin sakin ni gago, but i took a risk na hawakan sya at subukan paampatin yung dugo sa sugat nya habang nagsosory, pero sa gulat ko hinawi lang nya yung kamay ko at iyon lang yung unang pagkakataon na ginawa sakin ni Mark yun' kaya kahit alam kong ako ang may kasalanan nasaktan parin ako, at di ko napigilang umiyak. . . kaya after I say sorry iniwan ko sya doon sa pool at pumunta sa cottages. . . nagtataka man sina Mercy kung bakit umiiyak ako ng itinanong ko kung saan dinala ni Mark yung gamit ko hindi ko nalang sila pinansin . . . pumunta ako sa tinurong kwarto ni Mitch at hinanap ko yung gamit ko, Mercy try to speak me pero sabi ko okei lang ako. . . kailangan ko lang ng pahinga kaya iniwan na nya ako . . . . naligo ako sa banyong nakita ko roon at nagbihis dahil ang balak ko papahatid na ko pauwi, pero kung uuwi na ako saan naman ako uuwi? di nga naglayas ako? kaya lalo tuloy akong napahagulgol habang inaayos ko yung damit ko sa kama . . . . hindi ko tuloy napigilang tumungo para kahit paano walang makarinig na umiiyak ako, ano ba naman kasing ginagawa ko sa buhay ko, lahat-lahat na lang yata sinira ko na. . . pati yung nagiisang lalakeng nagpapakita ng pagkalinga sakin at pagmamahal nasasaktan ko na, hindi lang emotionally pati narin physically " . . ahhhhhhhh kathrina sodel cruz anong ginagawa mo sa buhay mo" . . . .
>>>>> hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pag-iyak . ., siguro dahil sa pagod, puyat at sa ininum ko . . . . naalimpungatan ako ng maramdaman ko sa pagkilos ko hindi na yata yung bag ko ang yakap-yakap ko katulad ng yakap ko bago ako makatulog. . . ng umulat ko ang mata ko . . . sa dibdib pala ni Mark ako nakaunan at nakayakap. . . alam kong naramdaman na ni Mark na gising na na ko pero nanatinling sa kesa me lang sya nakatingin at di parin gumagalaw. . . ang lalim ng iniisip at alam ko isa ko sa mga laman nun . . . . kaya kumilos ako at tumayo na nakaupo patalikod sa kanya . . . halos sabay pa kaming nagsabi ng "I'm Sorry" tapos sabay ding tumahimik. . . then i was the one who break the spell. . . .
" uuwi na ko" . . i said mahina pero alam ko sapat na yung lakas para marinig ni Mark
" saan ka naman uuwi" naggulat ako dahil mukhang may alam na si Mark at may bahid na galit ang tono nya kaya patingin ako sa kanya at nakatingin din pala sakin kaya nagtama ang mata namin pero hidi ko yun natagalan kaya ako na unang umiiwas. . . . " anong ginagawa mo sa buhay mo Kathy?"

" Mark, please not now"

" bakit? kelan pa"

" I need some space"

"some space Kathy? gaano ba kalaking space ang gusto mo, na pati buhay mo gusto mong sirain? hindi mo ba alam na pati pag-aaral mo pweding masira sa ginagawa mo?"
" alam ko, pero anong gawin ko, anong gusto mong gawin ko Mark, ha? akala mo ba gusto ko tong' nakikita ko sa sarili ko, tong ginagawa ko. . . kung lam mo lang kung gaano kasakit para sakin ang makitang nasisiara ang sarili ko, hindi mo sasabihin sakin yan . . . nahihirapan narin ako" i starting to cry alam ko wala na kong maitatago kay Mark . .

" kung alam mo naman pala bakit mo pa ginagawa?"

"dahil hindi ko na sya kayang kontrolin, hindi na kaya ng isip ko, ng puso ko ng buong pagkatao ko na kontrolin sya, Mark if I know kung paano ko to' malalampasan sana una pa lang bago ko masira ang lahat ginawa ko na!"
" tara na iuuwi nakita" Mark stand pero hindi ako kumilos, oo kanina disidido akongumuwi pero hindi sa bahay kung saan hindi ko alam, kung paano bahala na! . . . When Mark see that I not moving where I am, kinuha nya yung bag ko at hinatak yung kamay ko pero hindi ako kumilos, natingin lang ako sa kanya at umiling . . .
" iuuwi kita sa ayaw mo sa gusto!?" hinatak ako ni Mark pero nagpumiglas ako at nakalayo sa kanya papunta sa dulo ng kama. . . . hindi ako natatakot umuwi pero kung ngayon ako iuuwi ni Mark mababaliwala lahat ng ginawa ko simula kanina o kagabi dahil magaalas dose na ng umaga . . . alam kong gagawin ko lang kung ano ang ginawa ko ngayon kung hahayaan kong makauwi ako ng di ko nahahanap ang dapat kong mahanap . . . I embrace myself kasama ng dalawang tuhod ko sumandal sa dingding ng kwarto at doon ako umiyak ng umiyak . .. katulad kanina hinayaan lang ako ni Mark, naramdaman kong umupo sya sa kabilang gilid ng kama at tiyak galit na galit kung di man sakin alam ko na kung kanino . . . Mark start moving papalapit sakin after a minute na matapos akong humagulgol . . . ng hawakan nya ko at pilit nya kong niyakap I start crying again. . . wala na nga yata akong ginawa kung di ang umiyak mula ng dumating ako sa lugar na yun' Mark didn't say anything maliban sa "hindi kita iuuwi ngayon, pero bukas sasama ka samin pauwi at sa ayaw mo at sa gusto iuuwi kita . ." hindi ko na sinalungat si Mark dahil alam ko mangyayari yun s ayaw o sa gusto ko. . . . Kinalas ni Mark ang pagkakayakap namin, hinawakan nya ako sa baba para magsalubong angf mata namin. . " stop crying sweety, hindi sya karapatdapat na iyakan . . . . diba sabi ko sayo when i saw you cry again mahal mo man sya o hindi babawiin kita sa kanya . . remember that?" bilang sa sagot tumango ako . . paano kong di maalala yun kung iyon ang unang rason kung bakit ayaw kong malaman nila nina Mercy kung anong kalagayan ko ngayon. . . . " Mark, you dont have too, dalawang bwan na kaming wala ni Jan, actually he has a new girl na" pinilit kong sabihin ang mga iyon kay Mark kahit na halos bawat letra ng mga sinasabi ko ay humihiwa sa puso ko . . . at that point muli akong napaiyak dahil naawa na ko sa sarili ko nasasaktan pa ako dahil sa loob lang halos wala pang bwan napalitan ako ni Jan after a one year na pinagsamahan namin. . . umiwas ako ng tingin kay Mark dahil alam ko nagtatanong sya kung bakit ngayon ko lang sinabi sa kanya yun. . . . humiga ako sa hita ni Mark, parang doon ako makakakuha ng lakas dahil piling ko habang nalalaman ni Mark ang lahat ng dahilan kung bakit ako nagkakaganun nanghihina ako dahil nahihiya ako sa kanya, , , sino nga bang hindi after na iwan ko sya para kay Jan, ilang beses ko syang inayawan at itaboy nasan ako ngayon, eto nasa kanya para umiyak ng dahil sa lalakeng naging dahilan para masira ang samahan namin. . . . . ako na ang kusang nagsalita at nagkwento kay Mark ng mga nangyari, hindi ko na sya hinintay magtanong. . . . pero kanina habang kinukwentoko yun kyna Cath at Mercy umiiyak ako but this time hindi na, nakahinga na siguro ang puso ko o wala na kong luha dahil kanina pa ko umiiyak. . . nang matapos ko ang kwento katulad rin nina Mercy at Cath walang nasabi si Mark, no any single word. . . ang tangging nagawa nya hilahin ako mula pagkakahiga at yakapin, , , , I felt i need to cry pero pinigilan ko na dahil sabi ko sa sarili ko tama na ang pag-iyak walang mangyayri sakin kung iiyakan ko lang lahat . . . i need to move on kung si Jan nakapag-move on na why me not? dahil masyado kong ikinulong ang sarili ko sa illusyong I can't leave without Jan pero ang totoo nasanay lang akong nanjan sya pero kaya kong mabuhay ng wala sya. . . . at papatunayan ko yun di lang sa sarili ko kundi pati narin kay Jan . . . nang iharap ni Mark ang mukha ko sa sarili nya and our eyes meet, nakita ko kung gaano sya kaapektado sa nararamdaman ko. . . " back home Kathy, ayusin mo lahat kaya mo pa yun' remember sabi nun You want your dad be proud of you? paano sya magiging proud kung ngayon palang sumusuko ka na? Kathy, back home hindi lang sa bahay nyo kundi pati sa sarili mo, yung dating ikaw, yung totoong Kathy na minahal ko at minahal ng lahat. . . dont say or think na iniwan ka na ng lahat dahil alam mong hindi dahil nandito kami, ikaw ang umalis at ikaw ang lumayo, hindi ko alam kung anong ginawa nya sayo dahil hindi ko na kilala kung sino ang Kathy na sinasabi mo kanina pero alam ko ngayon ikaw na ulit yan' my sweety, my angel . . . . my only greet love. . . kaya alam ko you can do it, magagawa mong maibalik ang lahat, , , , its too late para sa iba pero hindi sa lahat. . . try to understand your family, lalo na ang mommy mo, siguro tama yung sabi nila mother's know best for they're child, kung minsan nga lang sumasablay pero ginagawa lang nila yun dahil mahal nila tayo. . . hindi ko alam kung paano mo iintindihin ang lahat ngayon but alam ko malawak ang isip mo, alam ko Kathy hindi man ngayon, bukas o sa darating na araw maiintindihan mo rin sila, open your heart sweety, not only yor mind" then mark captured my lips, dampi lang yun pero ang laki ng epekto sakin dahil pagkatapos nun at yakapin nya ko lahat ng sinabi nya, lahat ng pangaral nya tumimo hindi lang sa utak ko at sa puso kundi sa buong pagkatao ko . . . " prove them they wrong at ipakita mo sa lalaking iyon that you can leave without him, be strength and be grave sweety" after namin mag-usap he asked me kung gusto ko ba daw matulog ulit o sumali sa mga naglalaro ng cards sa labas. . . alam kong di na ko makakatulog agad kaya yung huling option ang pinili ko. . . pinag-ayos lang ako ni Mark ng sarili dahil baka daw patayin sya nina Mercy kapag lumabas kaming ganun ang itsura ko, ( gulo-gulo ang buhok) after nun lumabas kami ng cottages na magkahawak kamay, pero bago kami makarating sa pupuntahan namin i stop walking at tumingin si mark sakin i hug him ang saying "thanks you" he asking why? pero sinabi ko lang na for every thing! and he say your welcome. . . then we continue to walk while holding hands. . . I feel better kahit papano masasabi ko napulot ko na ang ilang bahagi ng buhay ko at ng sarili ko na ilang bwan ko ring hinayang magpatapon tapon. . . . .
to be continue . . . . .