Monday, March 17, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 122

♥+♥ . . . . I thought when the school begun kahit papano makakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko, but i was wrong mas lalo lang akong nasasaktan dahil nakikita ko si Manuel na ginagawa ang lahat para iwasan ako, ang laki kong tanga dahil nagawa kong saktan si Manuel para lang sa pag-asang magiging masaya ako dahil nasa tabi ko si Jan, pero ngayon nasan sya, gustuhin ko mang wag syang sisihin sa mga nangyayari hindi ko magawa dahil halos sa loob ng isang linggo after the nightmare madalas na syang nakikitang kasama ni Babby G kahit na hindi sabihin sakin ng kahit na sino nakikita ko sya habang ginagawa yung kwarto ko nakabukas yung pintuan namin at di lang iisang pagkakataon na ako mismo ang nakakakitang kasama nya ang dating girlfriend ng pinsan kong si Boylie..... kaya pati ang plano kong kausapin sya after mommy's left at magkaayos na ulit kami, , , , lahat iyon tila hindi ko na magagawa dahil sumuko na sya . . . Nagagalit ako sa kanya dahil ang bilis talaga nyang palitan ako, pero iniisip ko after all my families done and says to him kailangan ko pa bang umasang maibabalik namin ang dati ng ganun-ganun nalang. . . mas lalo akong nagalit sa families ko dahil hindi lang si Jan ang inilayo nila sakin pati sina kuya Jhun at Kuya Exor at si Abet. . . . . habang tumatagal lalo lang bumabalot ang galit sa dibdib ko kung di ba naman ako tanga bakit umasa akong maiintindihan ako ng isang taong halos buong buhay ko hindi ko man lang nakasama . . . . . wala syang kayang ibigay kundi material na bagay na syang pinangtatakip nya sa lahat ng pagkukulang nya saming magkakapatid kaya di na ko magtataka kung bakit habang tumatagal habang nanantili syang nagsisilbi sa iba at nagaalaga ng anak ng my anak kaming sarili nyang mga anak nang unti-unting nasisira . . .

>>>>>> Kasama kong umuwi si Jon, and Gerl hindi kasi pumasok si Mhaei, syempre kunwaring okei kami ni Mommy but Jon already know what happened after last christmas. . . naihinga ko na kasi sa kanya kaninang lunch yung sama ng loob ko buti nalang di pumasok si Rico dahil tiyak yun magtataka na naman kung bakit namumugto ang mata ko . . .
>>>>>> Nang inihatid ko yung dalawa kasama namin si Tony pero si Abet kahit na nandoon hindi sumamang maghatid, mas lalo tuloy akong nasaktan. . . . at alam kong sinadya ni Tony na wag bumanggit ng kahit na ano about Jan. . pero mas lalong masakit dahil ilang linggo nalang lilipat na sina Abet at tuluyan ng mawawalan ako ng isa nanamang kuya. . . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥

>>>>>> Sinubukan kong ibalik ang sigla ko sa school, sinubukan kong ituon ang lahat sa pag-aaral pero nabigo ako, hindi kayang kontrolin ng emotion ko ang utak ko . . kaya sa nakalipas na tatlong araw mula ng muling magbukas ang school wala na ko sa konsentrasyon at napansin yun nina Dado. . . pero syempre hindi ko sinabi sakanila ang totoo sinabi ko lang na may konting problema, at thanks hindi na sila nagtanong dahil hindi ko alam kung paano pagtatakpan ang baho ng pamilya ko kung sakaling piliin kong magtapat sa kanila. . . tangging sina Jon at Gerl lang ang pinagsabihan ko dahil alam kong alam na nila ang baho ng pamilyang meron ako. . .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣

>>>>>> Halos isang linggo pa na malagi si mommy sa pilipinas pero sa mga araw na yun' pinili kong ipakita sa kanya na okei na ako. . . na hindi na namin kailangan mag-usap dahil kahit papano anak parin ako at ayaw kong umalis si mommy na may iniisip . . . Kaya nang araw ng pag-alis nya hindi ako pumasok ng umaga para sama-sama kaming kumain ng tanghalian dahil narin sa hiling ni mommy, pero pinili kong pumasok ng hapon dahil ala-3 ang alis nya at ayukong makita na umalis sya . . katulad ny unang beses nya kaming iniwan. . . pero sa school ng pumatak ang 3pm umiyak ako sa CR dahil alam ko nakalipad na si Mommy at pag-uwi ko wala na sya. . . masakit sakin dahil lahat ng nangyari ay malayo sa mga bagay na nasa isip ko bago pa sya dumating . . masakit dahil ng umalis sya masama ang loob ko sa kanya. . . masakit dahil dinurog nya ang puso ko . . . .


♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

>>>>>> Friday night pero hindi karaniwang friday night dahil kung dati excited akong dumating biyernes ng gabi dahil may pagkakataon akong makausap at makita si Jan pero ngayong biyernes ang unang friday na wala si mommy kinakatakutan ko dahil alam ko hindi na ko titigilan ng mga pinsan kong hindi magkakwentuhan . . at di nga ako nagkamali dahil ang mga hinayupak kahit na natatakot sa mga lola at lolo ko mula ng mapagalitan sila dahil s pagtutulay sakin kay Jan ito nasa kwarto ko at pinupupog ako ng tanong . . hindi ko rin maiwasang hindi iiyak sa kanila ang sama ng loob ko kay Mommy at kay Jan pero after ng iyakan himalang napatawa ako ng mga bruha dahil nilalait yung babaeng kasama ni Jan. . . hindi nga daw nila pinapansin si Jan at ng sabihin nila sakin na may nililigawan na si Jan mas bumaon ang punyal na nasa dibdib ko at higit sa lahat bumangon ang galit ko kay Jan dahil hindi manlang nya hinintay kung ano ang magiging disisyon ko. . . basta nakinig nalang sya sa mga olds ko. . . . .

>>>>>> nakontento nalang ako sa panonood at pagbabasa ng pocketbook sa araw ng sabado at linggo, nabuhayan lang ako ng loob ng tumawag si Mark na nasa pilipinas na sila. . . kahit paano nakakita ako ng kakampi pero alam ko hindi ako makakapagsumbong kay Mark dahil sa mga oras nayun inaayos ni Mark ang relastionship nila ni Jocielyn at ayukong makagulo ako dahil i know makakagulo ako. . . .

>>>>> I heard na tumawag si Mommy thats the first time call after she left . . . i heard when she talk to Lola, hindi ko man naririnig ang sinasabi ni Mommy I know ako ang topic nila dahil sinabi ni lolang nakabuti yung magkakroon ko ng sariling kwarto dahil lagi daw akong nakakulong doon at nagbabasa ng pocket book at natututo na daw akong mag-ayos ng sarili kong gamit . . I admit na totoo ang sinabi ni Lola dahil kahit noon paman i want some privacy para magawa ko ang gusto ko. . . . . when Mom talked to me wala akong nasabi kung di okei lang, ayus lang ako, but I know she feel that i still mad at her, kaya ng sinubukan nyang magbukas ng tungkol doon i told her i'm okei at kaya ko ang sarili ko after noon ibinigay ko na sa kapatid ko ang phone. . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
>>>>>> Its was MONDAY morning . . . dati pinanabikan kong pumasok ng maaga but since when my heart not function like before nauunahan pa ko ni Jason na dumating dahil dati mas maaga ako ng isang oras bago mag flag ceremony pero sa nakaraang mga araw halos naguumpisa na ang Flag ceremony saka palang ako dumarating kaya binigyan ko ng kopya si Jason ng susi ng room dahil C.O sya maaga sya laging pumapasok para kung mahuli man ako hindi kailangan araw-araw sirain ang padlock ng room . .
>>>>> Rico starting to worry about me, dahil pati mga quizes ko bumama this week and i know he notice ang pagiging tahimik ko sa discussion lalo na sa science . . he asking me if my problema ako but i told him nothing i dont want to give Rico another problem dahil I know may sarili pa syang problema about his Mom kaya nga sa isip ko kahit sa problema mag bestfriend kami ni Rico parehong mommy namin ang problema namin. . . . tinigilan narin ako ni Rico when he knows di ako magsasalita. . . kahit naman gusto kong magasalita sa kanya I know hindi yun makakabuti dahil makakadagdag lang ako sa pasinanin ng mahal kong bestfriend . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
>>>>>> Its Kuya JHUN Birthday kaya lang the Party was happen today, ngayon daw kasi ang balihan kaya ngayon ginanap . . . mas lalo tuloy akong na sad dahil last year that was the most memorable day for me and Jan. . . at noon paman marami na kaming plano para sa araw na yun but now it is impossible na mangyari lahat ng planong yun . . .
>>>>> Kung di ko kasama si Gerl ng umuwi malamang nagmumukmok ako sa bahay. . dahil monthsarry nila ni Tony kahapon ngayon lang nakapunta si Gerl dahil ngayon lang sya my time para tumakas sa kanila . . . hindi ko nga maiwasang di mainggit kayna Gerl and tony kahit katulad namin sila ni Jan "NOON" na abnormal ang relastion dahil halos hindi araw-araw nagkikita at kinakailangan pang tumakas masaya parin sila hanggang nagyon pero kami ni Jan after one year na lumaban, iniwan nalang ako bigla sa laban after na makaharap yung mga taong kung tutuusin hindi pa gaanong malakas para maging dahilan ng pagsuko nya. . . Pero siguro pinatunayan lang sakin ni Jan na hanggang doon lang nya ako kayang ipaglaban and sad to say hanggang ngayon lumalaban ako pero nag-iisa naman, ni hindi ko alam if may pinaglalaban pa nga ba ako. . . . .
>>>>> Nang hinatid ko si Gerl sumabay na sina Tony at Asher kay Gerly papunta narin naman daw sila kyna Kuya Jhun and when I know ni Kuya Jhun ang lahat ng mga kuya ko i was excited to talk them lalo na si Kuya Exor . . . . I greet Kuya Jhun, before anything else actually nasa house nila ako kanina with Gerl pero nagdala lang ako ng Gift pero umalis din kami agad ni Gerl dahil i know nasa work pa si Kuya, sinabi naman nya sakin yun kahapon. . . . I feel happy when I talk to him kasi kahapon halos nagkasalubong lang kami ng umuwi ako kaya nasabi ko yung tungkol sa gift nya . . . piling ko after a week na nagiisa ako nakahanap ako ng masasandalan kasi even nasa Villages na ulit ang Cyber except Mercy na naiwan sa Davao hindi ko parin masasabing may kakampi ako dahil hindi ko masabi kung ano ang nasa loob ko . . .pero syempre wala akong binanggit na kahit ano kyna Kuya lalo na ng makausap ko si Abet dahil I know sya ang unang taong makakapagsabi what happened to me and Jan pero hindi yun ang pakay ko ng tumawag ako, i just want to talk to them dahil i miss them so much. . . . . and thanks God dahil kahit sila iniwasan nilang bangitin si Jan even i heared his voices sa back ground na lalong nagpasakit sa nararamdaman ko dahil kahit papano umasa kong gagawa sya ng paraan para makausap ako dahil halos ibigay ko na sa kanya ang pagkakataon na gawin yun. . . but sorry to my self dahil nangangarap ako sa isang bangungot dahil until i said good bye to kuya Exor na syang huling taong kinausap ko he never hesitate na agawin manlang ang phone at kausapin ako. . .
to be continue. . . . .

No comments: