Sunday, March 16, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 118

♠♥ ♣ . . . . Even masama yung pakiramdam ko hindi man sa physical pero sa emotional dahil sa nangyari samin ni Manuel kangina pinilit ko pagaanin ang pakiramdam ko dahil bukod sa kailangan kong ipakita yun kay Jan, buong bahay naman excited sa pagdating ni Mommy kaya nga hindi napansin ng mga lola at lolo ko na nakatakas ako . . . .

. . . . Dahil hindi kami nagkita kahapon, ah nagkita pala sandali lang ni hindi kami nakapag-usap dahil nagkita lang kami sa mata ng tumambay sya at nakatambay ako . . . tapos kanina di ako nagising para magsimba. . . kaya ngyon lang kami nagkaroon ng time na mag-usap . . nasa gitna kami ng pinag-uusapan namin ng dumating si Kuya Exor .. nanjan na raw ang mommy ko, sa di ko malamang dahilan umalis agad ako kung saan kami naguusap ni Jan, hindi ko alam kung dahil sa excited na makita si Mommy o dahil natatakot akong hanapin ako sa bahay . . o kanina pa ko hinahanap kaya kahit walang sabi-sabi kay Jan tumakbo pauwi . . . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

♠+♥+♣ . . . .Nung una kong makita si Mommy I dont know kung ano ang gagawin ko, yayakap ba ako, hahalik o iiyak. Dahil ng pumasok ako sa loob ng bahay nakayakap na yung dalawang kapatid ko sa mommy ko at di ko man sabihin bigla kong na miss si Mommy, para nga akong baliw dahil kung kailan nasa harap ko na saka ko pa namiss ang mommy ko. . . pero syempre ng makita ako ni Mommy niyakayap din nya ako. . . hindi nga lang ako umiyak. . .
. . . . after maiayos ng konti ang bagahe ni Mommy lahat kami nag-jolibbe, , ang saya nga eh dahil bukod sa nabusog kami this is the first time na nakasalo namin ulit si mommy sa pagkain after almost three years, pero di ko maiwasang malungkot kahit sa sarili ko lang dahil naalala ko si Daddy, sana kasama namin sya ngayon, sya nalang kasi kulang buo na ang magiging pasko at bagong taon namin . . .
. . . . . After mag-jolibee yung bagahe naman ni Mommy ang inasikaso namin. . . at dahil sa dami ng mga iyon inumaga na kami sa pag-aayos pero ako nagsimba parin ako kahit na wala pang tulog . . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . this is the third morning mass pero ngayon lang ako nagsimaba kasama sina Ponggay, Rocel, Efel, Rose Anne and Janice. . . . sa simbahan na kami nagkita nina Jan at Garry. . . pero this year kakaiba yung simabang gabi dahil wala ng magugulo. . . bukod samin si Jan at Garry nalang ang AHOng kasama namin. . After kasi na masaksak si Yokyok at tito julio na halos ikamatay nila dahil sa trouble sa harap ng bahay namin last month mukhang naglaylaw ang AHO sa trouble dahil malalaki na daw ang kalaban nila halos pumapatay na talaga ng mga tao. . . kaya nga natakot ako ng mabalitaan ko yun dahil baka kasama sina Jan, kuya Jhun, kuya Exor o si Abet pero thanks God naman at nang mayari yun nakauwi na yung apat. . .
. . . . pero kahit na hindi ganun kasaya dahil ang tahimik namin pauwi masaya ako dahil magkahawak kami ni Jan ng kamay. . napag-usapan namin yung tungkol kay mommy pero sabi ko bumubwelo pa lang ako. . .
. . . . pag-uwi ko sina lola at lolo palang ang gising, yung dalawang unggoy kong kapatid sa kama ko na nakatulog dahil sa pag-aayos namin ng gamit nina mommy, pero si mommy sinundo na daw ni Tita Frecy dahil may dadalawin sa Cavite.. . .
. . . sa unang araw ni Mommy sa pilipinas hindi kami nakapag-usap ng masyado dahil pinuntahan muna nya yung may mga padala sa kanya katulad nung sa Cavite kaya gabi na sya umuwi kaya hindi narin kami nagkita ni Jan dahil bumubwelo na ko kay mommy para makausap ko tungkol samin. . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
. . . . hindi ako nakapagsimba ng Sunday morning dahil tanggali na ako nagising sa kakawentuhan with mom, kaya kahit hindi ko nakita si Jan sa ikaapat na simbang gabi masaya ako dahil i feel na mas malaki ang pag-asa namin ni Jan na maging normal yung relationship namin, kesa naman kasi sa alabas kami nag-uusap, nagtatago at kinakailangan pang tumakas, sa loob ng isang taon napapagod narin ako sa ganun, ipapangako ko naman kay mommy na di ako lalakpas sa limitansyong alam kong hanggang doon lang ako . . .
. .. umuwi kami sa Tereza, nang dumaan nga kami sa GDR may mga tambay isa na doon si Jan, ang mama nya at si Kuya nestor, bigla nga tuloy akong kinabahan dahil inalaska ako ni Kuya Nestor akala ko magtatgo si Jan pero hindi, pero todo talaga ang kaba ko. Buti nalang di nagreact si Mommy pero napatingin sya sakin, at aaminin kong umiwas ako sa mata nya dahil sa mga oras nayun' may bumangong takot sa dibdib ko para sa relasyon namin ni Jan na ewan ko kung bakit. . . .
. . .. . Nagkataong may Binyagan sa mga tita Nene ko, binyag ng anak ni kuya Entong kaya malamang matatagalan kami. . yung dalawa kalaro ng mga kuya ko sa loob kaya ako naboboring., tinawagan ko nalang si Punggay nasa labas daw, kahit si Kuya Jhun nasa GDR daw kaya si Mercy ang tinawagan ko sana di pa sila nakakaalis. . . pero sa malas wala na nakaalis na daw sabi ng Maid nila. .. . Buong Cyber's yata busy next week b4 christmas lilipad sina Mark and his family papuntang L.A para ihatid ang kuya na doon magtatrabaho sa mga auntie ni Mark, tuloy narin sila sa vacation kaya di pweding di sumama si Mark, after new year na ang balik nila. . sina Mercy, Mitch, Jen and Janeth uuwi ng Davao kasama ng Papa at kuya Kevin ni Mercy doon din sila maghoholiday mukhang kasama si Vince dahil nagkakaigihan na yata yung dalawa ni Jen at si Andoy na BF ni Janeth .. yung ibang Cyber's dito nga lang pero hindi naman ako ganun ka-closed kayna Cath, and Lyca, sina Randy, Micheal at Jaypee lalo na si IAN ano naman ang sasabihin ko sa mga iyon at pagkukuwentuhan eh puro babae at kotse lang alam pagusapan ng mg ayun. . . ewan ko ba kung bakit biglang nanamamlay ako . . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
. . . . Nagsimba kami ni Jan dating mga kasama mga pinsan ko with Garry . . nandoon nga si Papa pero sa iba kami pumuwesto. . . Pag-uwi habang naglalakad kami sinabi kong may pasok ako dahil Teachers day tapos bukas naman Christmas party hindi ko rin alam kong magkikita kami bukas . . pero basta daw magsisimba sya . .. may trabaho rin daw kasi sila ni Tato sa likod ng Caltex, sinabi ko rin sa kanya na baka di ako maglalabas hanggang nanjan si mommy, pero hindi ko sinabi sa kanaya ang nararamdaman kong takot at bigla gusto ko na lang wag ipagtapat kay mommy yung tungkol samin. . . dahil ayaw ko syang mag-alala . . .
. . . pagdating sa school, binigyan ko sina Dado, Ricky at Joey ng chocolate, pati sina Trace, Carol at Tereza at syempre si Rico at GEKAJOM tapos yung iba sa mga classmate ko at bukod syempre yung kay mam Gabriel . . hinanap ko si Manuel at inasahan ko papasok sya pero malamang dahil may program lang kaya hindi narin pumasok, pero sana pumasok sya para kahit papano makapag-usap kami ng maayos dahil ayuko namang magpasko ng ganito at magsimula ng bagong taon na may sama sya ng loob sakin. . pero hindi ko sya nakita kahit ng mag-uwian. .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
. . . Sinubukan ko paring magsimba dahil iilang araw nalang tapos na yung 9 morning mass . . kaya kahit na may Christmas party kami mamaya pinilit kong magsimba. . . ngayon sabay na kaming pumunta sa simbahan pero syempre nagkita kami sa Victoria, ayuko munang magpadalos-dalos hanggang di ako nakakasigurong nasa panig namin si mommy hindi ko isusugal ang relasyon namin ni Jan na halos pinaghirapan kong buuin isang taon. . . paguwi nga dahil sa dami ng kwento nalakpasan na namin yung bilihan ng puto-bungbong kaya bumalik pa kami . . . pero masayang masaya ako ng araw na yun' wala akong pinagsisihan sa mga naging disisyon ko, sana nga wala, sana nga tuloy-tuloy na ang saya namin, sana pro ligaya nalang . . . .
to be continue . . .

No comments: