Saturday, March 22, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 134

♥+♥ . . . .MARCH 18, 3:00 ng hapon ako nagpasundo kay Ryan sa dulo ng GDR dahil hindi naman ako papayagan kung malalamang lalake ang kasama ko pagpunta kyna Cath . . . dumating naman sa oras si Ryan dala yung kotse nila. . . . Sa Sta. Lucia nalang kami naggala para sa regalo ni Cath, nagtaka nga ako dahil last year wala akong maalalang nagcelebrate si Cath ng birthday kaya ngayon ko lang nalaman na ka-birthday pala nya si Ate Lhen (Marrch 15) (ce-celebrate lang ngayon dahil may pasok last wednesday) hindi naman daw talaga nagce-celebrate si Cath ng Birthday dahil nagdidiner lang silang family sa araw nayun' pero ngayon pinilit daw ng mommy ni Ryan na step mom ni Cath na maghanda dahil 16th birthday ni Cath importante daw kasi sa mga nagdadalaga ang 16th birthday kumbaga sweet 16 he he he biniro ko nga si Ryan na nagdadalaga ba yung kapatid mo o nagbibinata . . . minsan nga daw gusto na nyang kutusan dahil ayaw mag-ayos ng sarili . . . pero alam daw nya hindi tomboy si gaga dahil kung hindi hindi daw yun maattrack sa mga male artist ng channel 7 . . . sabagay nga tama si Ryan dun dahil crush na crush ni Cath ang sumisikat na si Boby Andrew ng TGIS. . . . .
>>>>> I admit nag-enjoy ako sa company ni Ryan, habang nahahanap kasi kami ng pweding gift kay Cath puro kwento si gago ng katarantaduhan nila ni Cath nung mga bata pa sila at pati kapilyuhan nila ng mga kaibigan nya nung highschool pa sya . . . bigla ko tuloy na miss si Rico dahil sa totoo lang may personality silang pareho . .. na kung kilala mo lang sila sa salitang kilala hindi mo makikita ung ugali nilang palabiro at makwela . . ganun kasi si Rico tahimik kunwari pero kapag kaming dalawa nalang ang magkasama ahhhh babanat na yun ng mga katarandaduhang kwento . . . . katulad ngayon ni Ryan hindi ko akalain na may ugali rin palang ganun ang hudas na to' after naming malibot yata ang buong Sta.Lucia isang robber shouse na nike na new arrival ang nabali ni gago at ang nakakasar pa yung picture frame nabinili ko sa blue magic na gift ko kay Cath sya rin ang nagbayad kahit na nagmamaktol ako dahil parang sya narin ang nagregalo nun kay Cath pero sinabi nyang bayad nalang daw nya yun sa pagsama ko sa kanya pumayag narin ako . . . . napadaan kami sa department store kaya he asking me kung okei lang na tumingintingin muna kami dahil maaga pa naman . .. puyag ako dahil I know maaga pa talaga. . . siguro nakalimang t-shirt si gago na napili bago kami natapos kakaikot sa department store lang. . . pero hindi ako na bore kahit na piling ko nun bore ang magshopping kasama ang mga lalake. . . . kaya lang sa kakadaldal ni Ryan habang namimili kami ng T-shirt we didn't bother to take a look the clock kaya laking gulat namin ng 6:30 na pala. . . kaya agad-agad binayaran ni gago yung mga napili nya at umuwi na kami. . . sa kamalasan traffic pa sa junction kahit na sa high way pa kami nagdaan kaya halos 7:30 narin kami nakarating sa house nila . . . .
>>>>> Sa gilid ng karsada nalang pinarada ni Ryan yung kotse dahil naglagay daw ng habong salabas ang daddy ni Cath para sa mga magiging bisita . . . kaya sinigurado naming naka lock maigi bago kami sabay pumanik sa karsadang papunta sa house nila dahil paakyat yun. . . . nagkakabiruan pa nga kami habang naglalakad kaya kahit tanaw mula sa baba yung mga taong parating at yung mga tao mula sa bahay nila Cath pataas sa karsada hindi ko namalayan na kanina pa pala kami pinapanood ng buong tropa dahil nandoon sila sa sinasabi ni Ryan na nilagyan ng habong para sa mga magiging bisita. . . napatigil tuloy ako sa pagtawa sa biro ni Ryan dahil lahat ng Cyber's nakatingin samin na para bang nagtataka, hindi ko lang alam kung saan, kung dahil nandoon ako o dahil kasama ko ang step bro ni Cath . . .
>>>>> Nang tuluyan kaming makalapit ni Ryan sa kanila nag hi and hello lang kami, si Andoy lang ang bumasag ng katahimikan ng lahat ng sabihin ni gagong "no time no look ah! " kaya binatukan ni Janeth ang boyfriend dahil sa maling sinabi but i know Andoy just want some joke para maalis yung tensyon. . and thanks to him dahil nagtagumpay naman si gago dahil nakipagbalitaan na sakin sina Jen at Janeth pati si Lyca na kasama si Diaane na mula yata nung mag swimming eh lagi ng kakabit ng Cyber's. . . . nakisali narin sa kulitan sina Jaypee, Micheal, Chris, Randy at Ian pero sa mga nakaupong iyon tangging si Mark at si Vince lang ang napansin kong di umiimik hindi ko alam kung para saan ang tingin ni Vince sakin pero ang pag-iwas ng mata ni Mark kahit hindi sabihin o itanong alam kong ako ang dahilan kung bakit nakatungo si gago dahil nakapwesto ako sa harapan nya.. . . at iwasan ko mang masaktan hindi ko napigilang aminin yun sa sarili ko. . . . kaya nung sinabi ni Ryan na ipapasok lang nya yung dala namin sinabi ko na sasama ko dahil hindi ko matagalan ang prisensya ni Mark na parang hindi ako nakikita o kahit manlang naririnig. . . .
>>>>> Inilagay ni Ryan sa kwarto nia yung mga pinamili namin pati na na yung dala kong bag kaya naiwan ako kay Cath na tinutulungan sa paghahanda ang tita nya . . kaya nakitulong narin ako pag-aayos ng mesa . . she asked me kung saan daw kami galing dahil tumawag daw si Jen sa bahay namin at sinabing nasa birthday nya daw ako pero ng dumating sina Jen wala ako nagtatanong si Mark at si Vince kung nasan ako at sino daw kasama ko. .. . . hindi naman daw sya makapagsinungaling dahil alam nyang malalaman din na kuya nya kasama ko . . . halos magbulungan na nga kami ni Cath habang nagkukuwentuhan dahil mukhang mainit ang kursunada ni Mark kanina pa at natatakot si Cath na biglang pumasok ang tropa kaya she asked me kung anong nangyari ng dumating sila ng kuya nya . . sinabi ko yung totoo pati yung napansin ko kay Vince at Mark but Cath told me na wag ko nalang daw pansinin just enjoy the party . . kaya yung tinawag namin yung tropa para kumain sumama ako kay Cath dahil si Ryan may ginagawa sa likod bahay darating din yata yung mga katropa nya kaya naglalagay ng ilaw doon . . . . Mark, stare at me ng inabutan ko sya ng plato, pero wala yatang balak kuhanin kaya binawi ko nalang, I feel hurt pero bumuntong hininga nalang ako at kumuha ng sarili kong pagkain bago pa may makakita sa pagpapahiya sakin ni Mark . . I act normal kahit nahihirapan akong kumilos ng dahil sa kanya . . . ng magsibalikan sa labas ang tropa para doon kumain hindi ako sumunod, nagpaiwan nalang ako sa kusina at doon umupo, Vince told me na bakit nandoon ako pero hindi ako kumibo dahil alam ko namang alam nya kung bakit . . . .. . niyaya nya kong lumabas pero sinabi kong okei lang ako roon, mas maigi nang ako umiwas kay Mark dahil piling ko ang sikip sikip ng lugar nina Cath para saming dalawa . . . ng si Cath ang pumasok sinabi she asked me kung okei lang ako I told her kung anong nangyari kahit gusto kong umiyak pinigilan ko dahil I know hindi yun ang tamang time para roon . .. buti nalang tapos na si Ryan sa ginagawa nya kaya sinamahan nya ko sa kung saan ako kumakain at sabay kaming kumain . . . at kahit na gustuhin ko mang iwasan si Mark alam kong imposible dahil niyaya nina Micheal si Ryan na makisalo sa inuman kaya napilitan kaming lumabas at sa kamalasan sa dami ng pweding mabangkante sa tabi pa ni Mark o baka sinadyang doon may mabakante kaya napagitnaan ako nina Mark at Ryan. . . . dahil kundi baka magpambuno yung dalawa kung sila ang pagtatabihin ko . . . si Micheal ang tanggero dahil mutsos ang nabili ng Dad ni Cath kaya tagay at hindi pabaso ang naging inuman . . . pang-apat ako sa kaliwa ni Micheal after Ryan kaya Micheal asked me kung iinum ako pero na kay Mark ang mata ni gago kaya bago pa ako masaktan sa sasabihin ni Mark kinuha ko na yung baso at ininum ko . . and i know sa ginawa ko para ko naring inanunsyo sa buong tropa ang di namin pagkakaunawaan ni Mark, kung meron mang gustong magtanong alam ko napigilan o nagpigil lang para sa kaarawan ni Cath, kaya kahit ako nagpigil rin ng emosyon ko dahil sa totoo lang gusto kong sumabog dahil sa pangbabalewala ni Mark sakin . . . .itinuon ko nalang ang atensyon ko sa biruan nina Andoy at Jaypee pati narin sa asaran nina Ian at Cris ang tirahan nina Janeth at Jen sa isat-isa. . . alam kong bawat galaw ko may dalawang taong nakatutok sakin pero hindi ko inintindi dahil nasasaktan lang ako kapag inisip ko na nasa tabi ko si Mark pero piling ko I not exist sa kanya, siguro nga hindi lang ako sanay, pero anong magagawa ko masakit talaga. . . . sa pang limang mutsos namin may dumating na bisita si Cath o si Ryan din dahil mga classmate pala yun ni Ryan sa colleges, kaya napilitang tumayo yung mag-utol, nag excuse si Ryan sakin pero bumulong na babalikan nya ko. . . tumango nalang ako bilang sagot, nagkaroon ng space sa pagitan namin ni Micheal kaya umurong ako ng konti. Nagsimulang magtanong si Lyca sakin about sa nangyari after na makauwi ako, kaya nagkwento ako, pero pinakiramdaman ko rin si Mark dahil alam ko hindi man nya ko pinapansin at binabalewala alam kong nakikinig sya at interesado parin syang malaman yun. . . . pero nasa kalagitnaan ako ng pagkukuwento ng mag-excuse si Mark, kahit na hindi ko gustong isiping hindi nya gustong marinig yung kwento ko nasaktan ako dahil parang ganun rin yung lumalabas sa ginawa nyang pagtayo sa umpukan habang nagkukuwento ako. . . pero syempre hindi ko yun pinahalata, pero ng tumingin ako kay Vince I know he knows what I feel. . . . naiba lang yung usapan ng mapunta kay Diane yung topic kasi laging inaasar ni Randy na sabit, pero binibiro naming may crush si Randy sa pinsan ni Lyca kaya laging pinagtritripang asarin. . . . nagpaalam ako sandali para mag CR pero bukod sa panunubig gusto ring umiyak dahil napupuno na yung dibdib ko ng hangin dahil hindi ako makahinga sa sakit na ginagawa ni Mark, hindi ko man gustong gawin pero hindi ko napigilan ng pumasok ako sa CR, kusang nagsilabasan yung mga luha sa mata ko, ilang beses akong huminga ng malalim para mawala yung paninikip ng dibdib ko pero sa tuwing papasok sa isip ko yung ginagawang pambabaliwala ni Mark nagsisimula nanamang mapuno ng kakaibang sakit ang puso ko kasabay ng pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko . . . ilang minuto akong nagtagal sa CR bago ko inayos ang sarili ko, naghilamos na ko para lang hindi mahalata ang pagiyak ko, ng masigurado kong kaya ko ng humarap ulit sa Cyber's lumabas na ko at sa dami naman ng makakasalubong ko papasok sa bahay nina Cath si Mark pa kaya hindi namin naiwasang magkatinginan pero ako namismo ang umiwas ng tingin dahil natatakot akong mabasa nya ang nasa isip ko o makita nyang galing ako sa pag-iyak. . . . Hindi na nakabalik si Ryan sa umpukan ng Cyber's dahil nagsarili na sila ng tropa nyang dumating kanina. . . nagsabi nalang na tawagin sya kapag-uuwi na daw ako. . . nang bumalik ako kanina mula sa CR dahil my space na sa pagitan nina Micheal at Lyca doon ako umupo para kung sakaling bumalik si Mark hindi na kami magkatabi, ginawa ko nalang way ang makipagkwentuhan kay Lyca kahit na alam kong alam ni Lyca na ginawa ko lang yun para hindi makahalata o hindi maging halata sa tropa ang pagiiwasan namin ni Mark. . . sa ikawalong bote yata ng mutsos nakaradam na ko ng panghihilo pero kinuha ko parin yung tagay na binibigay ni Micheal. . . . . pero sa muling pag-ikot ng baso pinigilan na ni Vince na bigyan ako ni Micheal pahinga na daw ako dahil uuwi pa ko at baka maamoy ako samin magkagulo na naman daw. . . may bahid na katotohanan yung sinabi ni Vince kaya namulutan nalang ako. . . pero naisipan kong maglakad-lakad kaya nag excuse ako at ng tanungin ako ni Cath kung saan ako pupunta sinabi kong magpapaalis lang ako ng tama sa paglalakad dahil maya-maya uuwi na ko, pinigilan ako nina Ian dahil gabi na pero sumigi parin ako hanggang makababa ako ng karsada nina Cath, nakita ko yung kotse may poste sa tapat nun kaya maliwanag kay doon ko napiling sumandal, aaminin kong kaya ko gustong makaalis muna sa umpukan dahil gusto kong makapag-isa, gusto kong makapag-isip pero ng sumandal ako sa kotse kataka-takang walang pumasok sa isip ko, hungkad ang pakiramdam ko, tila nasaaid na ng umiyak ako kanina sa banyo nina Cath . . . kaya tumingin nalang ako sa langit, hindi ko alam kung bakit pero iyon ang pumasok sa isip ko na gawin. . . . pero napalingon ako sa gawing kanan ko ng makarinig ako ng yabag papalapit, and it was Mark, may hawak na isang basong tubig at iniabot sakin, hindi ko man gustong abutin kinuha ko narin pero hindi ko ininom, sabi nya pampawala daw ng tama yung binigay nyang baso ng tubig pero nilaro ko lang yung tubig sa baso, pinaikot-ikot ko yung tubig sa loob ng baso.. . . mahabang sandali bago magsalita si Mark, dahil ako wala akong balak masalita o kahit na kausapin sya. . . dahil s totoo lang masama yung loob ko sa kanya, masamang-masama . . .
" ihahatid na kita kung di mo na kaya" I heard that pero alam kong di iyon ang gustong sabihin ni Mark, kaya imbis na sagutin ko sya iniling ko nalang yung ulo ko habang pinagpapatuloy yung paglalaro ng tubig sa baso. . then Mark speak again medyo malakas kesa kanina dahil parang napikon sakin . . . ." kung ayaw mo akong maghatid sayo, sabihin mo kay Ryan ihatid ka na!!!" pero hindi parin ako umimik, hindi ko alam kung bakit may sinasabi ako sa utak ko sa bawat sinasabi ni Mark pero hanggang sa isip lang iyon, nanatili parin ako kung ano ang ginagawa ko, at siguro napikon na ng tuluyan si Mark sakin kaya inigaw nya yung baso ng tubig at galit naitinapon yun sa karsada na ikinagulat ko kaya tapatingin ako sa kanya at nagtagisan kami ng tingin habang nagagalit si Mark " ano bang problema mo Kathy? napipikon na ko kanina pa kita kiakausap dito pero para kong tangang nakiipag-usap sa wala, kung alam ko lang ganyan kang kausap hindi na kita nilapitan dito" imbis na maalis ang galit ko dahil sa wakas naiparamdam ko na rin kay Mark yung ipinararamdam nya sakin kanina pa, lalo lang akong nasaktan dahil pakiramdam ko napilitan lang si Mark na lapitan ako. . . kaya bumuntong hininga nalang ako bago ako muling sumandal sa kotse at umiwas ng tingin sa kanya at sinabi kong " okei lang ako, hindi mo naman ako obligasyon para ihatid ex girl friend mo na "lang" naman ako kaya dapat hindi mo na ko pinaakialaman" sinadya kong bigyang diin ang salitang "lang" at gamitin ang salitang sinabi sakin ni Mark ng huli kaming mag-usap sa kwarto nya after the resort issue. . . .alam kong natigilan si Mark sa sinabi ko pero ang inaasahan kong aamuin nya ko hindi nangyari dahil imbis na gawin nya yun naramdaman kong lumakad sya palayo kaya kahit na hindi ko man gustuhin at pigilang masaktan pero hindi ko napigilang umiyak, at dahil hindi ko yun inaasahan tila yata napalakas yung paghagulgol ko kaya napilitan akong takpan yung buong mukha ko habang umiiyak . .. . at dahil siguro sa pag-iyak ko ako nakatuon hindi ko namalayang bumalik si Mark at pinilit akong yakapin, na maslalong nagpaiyak sakin . . . Mark say "sorry" pinipilit nya kong pakalmahin pero puno na yata ang dibdib ko sa hinanakit kaya pilit ko mang pigilan ang pag-iyak kusa nang ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo . . . . ilang beses kong narinig si Mark na napa "shit" habang inaalo ako at alam kong para sa sarili nya yung murang iyon dahil hindi nya gustong makitang umiiyak ako ng dahil sa kanya. . . . . then I finally calm, sinubukan kong bawiin ang sarili ko sa pagkakayakap kay Mark, at ng tuluyan na kong makaalpas sa braso nya, sinabi kong okei na ko at babalik na ko sa bahay nina Cath para magpaalam at umuwi na, pero Mark say na maguusap kami, pero sabi ko "para ano pa, baka magalit ng yung girlfriend mo, saka okei lang ako masama lang pakiramdam ko kaya ganito ako" pero nagpumilit si Mark na kailangan naming mag-usap . . . pag-usapan kung anong nangyari mula ng umuwi ako galing sa resort,. . . pero nagmatigas ako dahil nun ipinaliliwanag ko sa kanya yun noon pero ayaw nya kong pakinggan at kanina habang nagkukuwento ako tinayuan nya ko kay ano pa para pag-usapan namin yun. . . ng sinabi ko yun kay Mark he said sorry, hindi naman daw nya intensyong saktan ako pero nasaktan lang sya dahil bigla nalang akong nawala sa resort ng di nya alam at ang masakit pa umalis ako ng mawala sya kya nasaktan sya dahil pilingvdaw nya after kong umiyak sa kanya wala na syang kwenta sakin, kaya gustuhin man daw nyang pakinggan ako nung madatnan nya ko sa kwarto nya naunahan sya ng galit dahil sa ginawa ko . . at kanina mas lalong nadagdagan yung galit nya dahil magkasama kami ni Ryan na dumating at parang baliwala lang daw sakin kahit ilang linggo ko syang tiniis na di makausap . . . inamin rin nya sakin na kanina pa sya nagpipigil na hamunin si Ryan dahil sa selos, kung di lang daw nasa tiretoryto nya si Ryan at nagkataong di birthday ni Cath baka kanina pa daw sya nag-amok dahil sasabog na daw yung dibdib nya sa selos . .. mahabang sandali ang lumipas bago ako makapagsalita dahil sa mga sinabi ni Mark himalang nawala ang ano mang pagdaramdam kong galit at tampo na kani-kanina lang umaaapaw sa puso ko. . I asked him kung bakit hindi nya tinanggap yung plato kanina . . sabi nya galit parin daw sya kaya nagdalawang isip syang tanggapin, pero ng magdisisyon synang kunin yung inaalok ko saka ko naman daw binawi. . . nang itanong ko rin kung bakit hindi nya ko pinigilang uminom, sinabi nyang " para naman daw magpapapigil ako, saka si Ryan ang dapat pumigil sakin dahil si Ryan ang boyfriend ko" sa huling sinabi ni Mark di ko maiwasang mapangiti, kaya napatingin si gago sakin kaya pinigilan ko yung labi kong mapangiti, dahil ang isiping nagseselos talga si tukmol sa pag-aakalang may relasyon kami ni Rayn ay sadyang nagpasaya sa puso ko, ewan ko kung bakit may isang bahagi sa puso ko ang naging masaya at kinilig ng malaman ko na nagseselos si Mark kay Ryan, kaya hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa iniisip ko pero nakita yata ni gago kaya nagsalita si Mark ng " sige pagtawanan pa ako, alam ko naman eh nakakatawa ako dahil ako nag-umpisa pero ako parin ang sumuko" sa sinabing iyon ni Mark i know what i need to do. . . kaya lumapit ako sa kanya at sinugod ko sya ng yakap, at di ako nabigo ng yakapin din ako ni gago, i told him na miss ko sya, dahil totoo namang namiss ko si Mark, at aaminin kong sa panahon na magkaaway kami I feel I'm not complete kahit na naging busy ako sa pag-aaral at sa pag-aasikaso ng pelitensya minsan sumasagi parin sya sa isip ko at dahil iyon ang pinakamatagal na away namin at sya pa ang nagsimula ng away kaya nasaktan talaga ako, hindi ko alam pero dahil sa ginawa ni Mark I feel na bumalik kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya noon. . . . Mark say " namiss ako ah kaya pala si Ryan ang date mo ngayun" napilitan tuloy akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya para magtama ang mga mata namin pero hindi ko inalis yung arms ko sa bewang nya . . " anong date ka dian" . . sabi ko " hindi no! nagpasama lang sya sakin na bumili ng gift for Cath, saka hindi mo naman sinabing gusto mo ikaw ang date ko, alam ko si Jocielyn ang date mo" at para iwasang makita ni Mark ang namumuong selos sa akin tuluyan na kong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod " Ano yan selos ha!" panguudyok ni gago dahil alam ko kahit itago ko yun alam nyang iyon ang nararamdamn ko, ewan ko kung bakit pero iyon talaga ang nararamdaman ko . . . " selos ka dian bakit naman ako mag seselos sa girlfriend mo" " ahhhh di ka nagseselos kaya yang nguso mo pwedi ng pagsabitan ng kaldero hmp" sabay hawak sa nguso ko at agad ko namang iniwas . . pero parang imbis na magtaka si gago sa inaasal ko dahil hindi naman ako dating nagseselos kay Joceilyn eh parang amuse na amuse pa si gago dahil nagtatagumpay syang pagselosin ako . . pero Mark was a certified jerks . . ahhhh kahit na nagseselos ako hindi ko nagawang tumutol ng hapitin nya ang bewang ko papalapit sa kanya at pagdikitin ang mga noo namin habang sinasabi nyang " dont be jealous sweety, dahil tapos na kami ni Joceilyn" nagulat man ako pero nakaramdam ako ng konting saya "pero sabi mo?----- " "sabi ko nga nasaktan lang ako at alam kong mapapanindigan ko yung galit ko kung gagamitin ko Jo to even you" " ahhhh ganun sinadya mo kong paiyakin at hinayaan mo kung umiyak ng umuuwi dahil dian sa ego mo" pinilit kong kumalas kay Mark pero sympre kunwari lang yun. . . . but Mark smile at me at sapat na yun para tigilan ko yung pagpupumiglas ko, " kaya nga sorry na diba! kung lam mo lang na gusto kong patayin yung sarili ko ng sinabi sakin nung maid namin na umalis ka na daw at tila umiiyak, gusto kitang sundan pero nakita kong sumakay ka kayna Andoy kaya nagpasya kong hayaan muna kita, akala ko kasi sa wakas ikaw naman yung aamo sakin pero wala eh ako din yung unang sumuko" " ang kapal mo bakit di ba kita sinubukang amuin" " hindi" "eh anong tawag mo kanina doon sa plato" " kathy, ganun ba kita amuin kapag inaaway mo ko" may bahid na katutuhan ang sinabi ni Mark dahil kung tutuusin naman talaga ni wala sa katiting yung ginawa ko kumpara sa effort na ginagawa nya kapag inaamo nya ko . . " wait are sure hindi kayo ni Ryan?" " teka may sinabi ba kong hindi kami ni Ryan?" pero sinabi ko lang yun para asarin si Mark, at nagtagumpay naman ako dahil bigla akong tinalikuran ni gago at balak walk out pero pinigilan ko sya. . . . at sa unang pagkakataon ako ang unang humalik kay Mark ewan ko kung paano ko iyon nagawa pero isa lang ang lam ko I back were I belong . . . where my heart belong to . .. .
to be continue . . . .

No comments: