Saturday, March 22, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 133

♣+♥+♠ . . . . Night before Mercy go back to Calgary, I call her I told her na good Luck sa magiging buhay nya roon dahil alam ko matatagalan bago sya makabalik dahil she stay there for good kasama ng mommy nya. Masakit man sa papa nya naibigay si Mercy sa mommy nya Tito thinks na makakabuti yun para sa kalusugan at kalagayan ni Mercy . . . . habang kausap ko sya sa phone mas lalo kung napatunayan na wala silang alam sa mga nangyayri samin ni Mark at ang tanging alam nilang rason kaya ako hindi nakakapunta sa Villages ay ang pag-aayos ko ng buhay ko. .. masakit mang-isipin na naghiwalay kami ni Mark in not good term at least I know na nakabuti yun para sa kanya minsan iniisip ko siguro sinadya ni Mark na masaktan ako para sa ganun hindi kami parehong mahirapan iwasan ang isat-isa . .. bago ibaba ang phone kinausap ako ni Cath na magtatampo sya sakin at isusumpa daw nya ako at ang buong angkan ko kapag di ako pumunta sa birthday nya sa isang linggo, kahit na alam kung biro yung pagsumapa sa buong angkan ko hindi ko naman mapapasawalang bahala yung banta ni gagang magtatampo sya sakin, kahit papano ang laki ng tulong sakin ni Cath kaya naiayos ko kahit papano ang buhay ko, kaya kahit suntok sa bwan umu " OO " ako. . . . may naisip na naman akong paraan para maiwasan yung ginagawa kong pagtakas-takas sa gabi. . . mabuti na yung nagpapaalam dahil tama sina lolo at lola kung ano man ang mangyari samin papagutan nila kami kay mommy kaya naisip ko kay mommy muna ako magpapaalam sa lahat ng lakad ko dahil kapag si mommy ang pumayag walang makakabali nun kahit na sino pangmabagsik na dragon . . . . .

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣

>>>>>> Kahit papano nalibang ako sa pag-aasikaso ng mga dapat gawin bago matapos ang school year kagaya ng project at iba pang requirements, nagkausap na rin kami ni Abet dahil alam ko kahit na ako ang lumagay sa sitwasyon nya matatakot rin ako sa tito police ko . . . kaya nga masaya ako ng pumunta kami nina Mhaei and Gerl sa Pantok ng maaga ang uwian dahil may meeting. Si Jon naman kasama ng mga classmate nya kaya hindi nakasama. . . ang sweet nga nina Gerl at Tony nakakainggit pero ngayon naiingit lang ako hindi na ko nalulungkot dahil wala akong kapartner dahil I'm happy being single, kaya nga sabi ko kay Ryan na patuloy nangungulit na gusto ko munang maging single, pero sabi naman nya makakapghintay naman sya. . . . well okei naman eh nakapag-move on na si Jan kaya siguro time ko naman para ako naman ang mag-move on sana katulad ng bilis na pag-ayos ng buhay ko ganun rin kadaling mag move on ang puso ko. . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

>>>>> pero bukod kay Ryan may mga nangungulit sakin si Bong na ah ewan ko ba kung anong napakain ko sa gagong iyon at ayaw akong tigilang pati ni Asher . . . hmp kaya ayun si Kuya Exor laging nakabantay, malapitan lang ako ni Bong alam ko na lalapit rin yun sakin o kaya naman papasukin ako sa loob ng bahay. . . pero syempre nanatiling sikreto kung ano man ang namagitan samin ni Bong dahil ayukong malaman ng kahit na sino na minsan isang araw lumabas ang toyo' ko sa ulo at sinagot ko ang isang BONG. . . . kaya kahit ilang beses kong sabihin na wala na kami at tapos na hindi pumapayag si gago sabi ko sa kanya bahala ka sa buhay nya he he he gusto nyang makipaglaro edi nakikipaglaro ako. . . .

>>>>> After ng practise ng SKSK nanood kami nina Veejay at Buwi ng practise ng AHO sa mga kasamahan ko sa pilitensya si Veejay at Buwi ang madalas kong kasama at kakwentuhan bukod sa sila ang matatanda sa grupo eh sila ang laging katulong ko sa mga dapat asikasuhin para sa samahan namin. . . . hindi ko maiwasang kilabutan ng si Jan na ang nagsasalita sa harapan at katulad noong isang taon iyon parin ang dialog nya kaya madalas iyon ang ginagawang pang-asar sakin nina Rocel at Punggay pero ngayon tinatatawanan ko nalang yun' pero habang naglalakad si Jan at binibigkas ang dialog nya di ko maiwasang manghinayang pero sympre pinigilan ko na ang puso ko bago pa muling masaktan, nangako na kong di ko na muling hahayaang tumibok ang puso ko sa maliking lalake dahil darating ang araw magmamahal ako sa isang taong kayang mahalin ako maging sino at ano man ako. . . . .


♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣

>>>>> Ryan call me para ipaalala yung birthday ni Cath bukas sabado ng gabi, kaya ng magpaalam ako kay Mommy sinabi kong sya na ang magsabi kyna lolo at lola dahil hanggang sa mga oras na yun' hindi nila ipinaaalam kay mommy ang nangyari sakin dahil mag-aalala lang daw si mommy. . . pinayagan ako pero kinakailangan kong bumalik bago maghating gabi kaya ng tumawag si Ryan na nagpapasamang bumili ng regalo para kay Cath pumayag ako na sunduin muna nya ako at magpunta kami sa Sta.Lucia bago kami tumuloy sa kanila para sa birthday ni Cath . . . Lumabas ako after makipag-usap kay Ryan may permiso naman kaming lumabas dahil biyernes ng gabi. . kanina pa tapos ang practise ng SKSK kaya ang mga kagrupo kong makukulit ayun nanonood sa AHO na sya namang naguumpisang mag-insayo ng peletensya . . . . nakihalubilo ako kyna Rocel at Punggay kasama sina Veejay at Ricky ( Ricky Del Monte). Nakita kong marami ding babaeng AHO ang nanonood kasama na si Odessa pero wala si Laarni ngunit hindi yun ang napansin ko kungdi ang pagdating nina Apple at Sandra . . si Apple na classmate ko at kakampi nina Josilyn Bisugo noong elementary at si Sandra na dating kapitbahay namin pero lumipat na ngunit hindi lang iyon ang problema dahil si Sandra ang x gf ni Bong at sa naririnig kong pag-uusap nung dalawa habang naglalakad palayo samin at papunta sa derection ng AHO hinahanap ni Sandra si Bong na galit na galit dahil sinabihan daw sya ng panikip butas at ang malala pa umiiyak sa galit si Sandra dahil sinabi daw na my new gf na si Bong, kaya bigla akong kinabahan pero bago pa ako makapag-isip ng kung ano-ano at umalis sa lugar na yun' bigla namang nagkaroon ng komusyon sa GDR napatayo tuloy kami nina Rocel at Punggay dahil biglang natigil ang pagprapractise dahil sa mismong gitna ng GDR nag-aaway sina Bong at Sandra ang malupit pa parang tanga si Sandra na nagmamakaawang kausapin sya ni Bong " anak ng tokwa ang daming lalaki si bong pa ang iniiyakan nya" ( bakit ikaw si JanJan) pero hindi naman ako tanga para umiiyak sa harap ng madaming tao pra kausapin lang ng hampas lupang katulad ni Bong. . . at sira ulo tong' si Bong talagang iniwasan pa si Sandra at tila gustong ipakita sa buong GDR na hinahabol sya ni Sandra ang gaga namang babae sinusundan naman si Bong at pinipilit na mag-usap sila kahit daw for the last time kaya ayun daig pa ang may shooting sa buong GDR. . . pero ang mas malupit ng pinagsigawan ni Bong na ayaw na nya kay Sandra dahil panakip butas ng daw ito at saka my new girlfriend na daw sya. . " anak ng tokwa kailangan ko ng umalis bago pa ko mapatay ni Sandra kung tama ang hinala kong ako ang tinutukloy ng dimonyong si Bong" pero bago ko yun' magawa itinanong ni Sandra na kung sino ba daw yung magaling na GF ni Bong kung totoo mang meron daw.. . . . . at kung maari lang lumubog ako sa kinatatayuan ko ng mga oras nayun gagawin ko dahil halos lahat ng mga mata ng mga taong nanonood ng peletensya at pati sina Rocel at Punggay daig pa ang natuklaw ng AHAS ng sabihin ni Bong yung pangalan ko sa harap ni Sandra pero ang tanging nasabi ko " wag nyo kong isasama sa katarantaduhan nyo ah" at dahil sa hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam kung papano ko ikakatuwa ang sinabi ni Bong sa paaraang paniniwalaan ako ng lahat hindi ko namalayang susugurin ako ni Sandra pero humarang si Kuya Exor sa harapan ko para matigilan si Sandra lalo na ng sabihin ni kuya Exor na " ahhhh wag ito ang pag-intirisan mo magkakasakitan tayo" pabiro mang sabihin yun ni Kuya Exor kay Sandra alam kong totoo yun' at mula yun' sa puso ni Kuya Exor dahil hindi talaga nun hahayaang masaktan ako ng kahit na sino lalo pa at ng isang tulad ni Sandra kaya ng sabihin ni Kuya Exor kay Bong na ilayo si Sandra na nagsisimula ng magwala at murahin si Bong pinapasok na ako ni Kuya Exor kasama sina Rocel at Punggay. . . . at kung may pagpapasalamat ako sa mga oras na yun wala doon ang mga kapatid ko at iba pang SKSK dahil kung nagkataon makakarating sa bahay kung ano man ang nangyari kanina. . . . pero kung nakaligtas ako sa mga kapatid ko kyna Rocel at Punggay hindi , dahil halos isumpa ako nung dalawa dahil sa ginawa ko pero ipinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at sa ayaw at sa gusto ni Bong alam nyang wala na kami at after ng lahat ng nangyari sa GDR nakakatwang isipin na lahat yata ng panget na salita ikinabit na nina Rocel at Punggay sa pangalan ni Bong dahil akala talaga nila seryoso ako sa gagong iyon. . . . .pero syempre naunawaan naman ako ng nung dalawa kaya ng makailang oras lumabas na ulit kami sa tambayan, wala ng AHO dahil tapos na ang practise kung meron man kaming nadatnan sa labas yun eh yung mga makukulit na bata na ginagaya ang pagprarctise ngmga nagpipiletensya . . . . hindi ko tuloy maiwasang matawa habang inaalala ko kung paaano ko lulusutan ang kahihiyan na dinala ni Bong dahil panigurado kaya wala kaming nakikitang AHO dahil kung di nagmemeting eh inilalagay si BONG sa kumukulong Tubig nina kuya. . . . . .

to be continue. . . .

No comments: