Tuesday, March 18, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 126

♥+♥ . . . Pilitin ko mang ibalik kung ano meroon kami ni Manuel dati hindi ko na kayang ibalik, hindi dahil iniiwasan ko say o umiiwas ako kundi were not comportable to each othoer pag nanjan ang isa samin. . . siguro isang ilusyon na nga lang ang pangaraping maiibabalik ko pa ang lahat sa dati dahil kahit kelan ang nakalipas hindi na maaring balikan . . . .

>>>>> Nagmeeting na kami kanina for SEMANA SANTA kaya kahit papano magiging busy na ako, pero hindi ko na naiwasan ang mga bisyo ko lalo na ang sigarilion para kasing doon ang kumukuha ng lakas . . pero syempre lingid yun sa kalaaman ng lahat kung meron man nakakaalam nun sina Rocel at Punggay lang he he he kaya kung may maituturing akong real friends yung tawang makulit na magaganda kong pinsan . . (tawa naman kayo!!) . . . .

>>>>> Bukod sa sinakulo naging busy rin kami nina Rocel at Punggay sa tinayo naming youth club ng GDR. nauso kasi ang mga youth comunity mula ng maginghead ng parokya si Father Ben kaya naisipan naming magtayo katulad ng iba . . . yun nga lang tinutulan ng mga olds ko dahil "YOUTH_YOUTHAN" lang daw alam mo na gagamitin lang daw namin sa kalandian pero di namin pinansin bahala sila . . . . kaya naghanda kami para sa parating na feista, may palaro at may konting kasayahan . . . ang nakakabadtrip kasabay naming nagplano ang AHO yun ngalang sakanila sariling pundo dahil sa sainakulo nila eh kami donation lang ng buong naninirahan sa GDR ,. . . pero okei lang sabi naman ni Kuya Jhun mauuna kaming magpalaro bago sila kaya masaya narin . . . Bukod kayna Rocel, si Kuya Exor at Bong ang lagi kong kasama sa tambayan, ka kwentuhan .... hindi ko na sila kailangan sabihan na iwasan bumanggit ng tungkol kay Jan dahil alam na nila na hindi maganda para sakin ang marinig ni pangalan ng gagong yun . . . pero tila yata sinusumpong si Bong ng katarantaduhan dahil sinabi ba naman sakin na matagal na pal kaming wala ni Jan, ng tanungin ko pano nya nalaman, dahil may bago na daw gf ang tarantado kong x boyfriend . . . hindi ko na kailangna tanungin si Bong kung sino dahil si Baby G lang naman ang lagi nun kasama pero sa malas iba na namang pangalan ang narinig ko na binanggit ni Bong, si LAARNI daw. . . bigla tuloy akong napatingin kay Bong dahil talagang ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun' pero nawala lahat ng iniisip ko ng sabihin ni Bong na ngayong wala na daw kami ni Jan edi okei na daw na syang manligaw pero hindi ko alam kung saan nanggaling yung tawa ko basta after sabihin yun ni Bong di na ko tumigil sa kakatawa hindi ko alam kung pinilit ko lang itago ang nararamdamang pait at sakit o dahil hindi ako makapaniwala na ang tukmol na katulad ni Bong ay maniniwalang paptulan ko sya, tumigil lang ako sa pagtawa ng sinabi nyang serious sya pero nakatawa . . . sabi ko sige titingnan ko, pero sa isip ko hibang na ko kapag sinagot ko ang isang tulad ni Bong . . . .

>>>>> ITS Valentines day . . . . kesa magmukmok ako sa kakaisip ko sa nabalitaan ko kay Bong about Jan at maalala ko lang na ito ang isa sa mga raw na pinkita sakin ni Jan na mahal nya ko nagplano nalang akong pumunta sa Villages pero ng tumawag ako kyna Janeth wala daw may date yata yung dalawa ni Andoy, kyna Mark di paraw nakakauwi at si Vince ah last week pa yun nagprepared para sa date nila ni Jen, kaya naisip ko si Cath, wala namang masama malamang walang lakad yun kaya tumawag ako s house nila at ng sinabing pwedi kami sa kanila kaya doon ako magpapalipas ng oras . . . .

>>>>> nangdumating ako doon tinanong ni Cath kung gusto ko daw mag-inum syempre sabi ko "oo ikaw?" open pala sa bahay nila ang inuman kahit walang okasyon, ng tanungin ko kung sino ang kasama nya sa bahay wala daw, yung step mom daw nya at yung dad nya nasa Cavite at weekend na ang uwi, pero mamaya daw darating yung step brother nya galing sa school.. . . kung meron man daw syang kasama yung tiyahin nya sa mother side na syang taga silbe nila o Maid . . . kaya di na ko nagtataka kung bakit open mag-inum sa bahay nila dahil lagi naman palang walang kasama si Cath sa bahay . . . ngayon ko lang narealized na halos magdadalawang taon na kaming magkakilala ni Cath but now ko lang nalaman kung anong pamilya meron sya . . . habang umiinom kami sabi niya darating si Lyca dahil intrams daw yata ng bruha kaya umuwi nalang dito kasama daw yung BF na taga kabilang Villages . . . .
>>>>> Habang lumilipas ang oras na nag-iinom kami ni Cath nakikilala ko sya well kung mayroon mang may kasalanan kung bakit di ko nalaman yung mga bagay na nalalaman ko about sa family ng ibang CYBER's like Cath walang dapat sisihin kundi ako dahil hindi ko ko inilapit sa kanila ang sarili ko, bukod kay Mercy sina Vince lang at Mark ang itinuturing kong totoong kaibigan sa kanila pero ngayon nalaman ko hindi ko pala dapat ginagawa yun dahil look sino ngayon ang kausap ko at imbis na ako ang maglabas ng sama ng loob si Cath ang naglilitanya pero ayus nga eh dahil kahit papano I realized i'm not alone na nagcecebrate ng Valentines mag-isa he he he . . . kaya hindi nga hindi kami malalasing ni Cath dahil mas madami pa kaming kwento kesa sa inuman . . then after a couple of hours dumating si Lyca with her BF Ben, minsan ko ng nakita yun sa Villages na sinundo si Lyca kaya medyo namumukhaan ko na. . . pero kakaibang BF ito dahil pinayagang uminum si Lyca kasama pa sya he he he he siguro open lang lang realationship nila may mga boys na ganun lang siguro talaga they open minded na ang babae at lalake kung minsan dapat pantay-pantay . . . sa napakinggan ko kay Cath kahit na yung sama ng loob ko hindi ko man nailabas atleast ng mapakinggan ko na di ako nag-iisa na may problema nakagaan din, i realized na kung minsan masarap rin makarinig o makinig ng problema ng iba, now I know kung bakit titibo-tibo si Cath dahil laki sya sa father nya, 5 years old palang pala sya when her mother died from accident then one year after nag-asawa ang papa nya ng dating GF nito na biyuda rin na may anak na 8 years old na lalaki . . . wala naman daw problema dahil mabait daw yung step mom at step bro nya ang problem nasa Cavite ang negosyo ng step mom nya kaya laging wala ang papa nya dahil ayaw naman syang ipadala ng lola nya sa cavite saka kung sya rin daw masusunod okei lang na wala ang papa nya bata palang daw sya lagi ng wala syang kasama bukod sa yaya at mama nya . . . piling ko nga parehas lang kami ng sitwasyon ni Cath but ofcourse pareho kaming maswerti dahil kahit na ganun ang mga magulang na naiwan samin hindi parin kami pinababayaan bukod sa kulang kami sa attention . . . then paubos na yung pangalawang mutsos ng beer ng dumating ang step bro ni Cath . .. sakin lang pinakilala ni Cath si Ryan dahil ako lang pala ang di nakaka kilala dahil si Ben at si Lyca tinanguan na si Ryan bago pa lang papasok ng pintuan . . . . after magbihis yung kapatid ni Cath nakiumpok din samin . . ang saya nga eh closed rin pala yung dalawang mag-step siblings hindi ko tuloy maiwasan maiinggit dahil kung silang di blood related magkasundo at closed sa isat-isa kami ng mga kapatid ko hindi, well minsan magkakasama kami feeling ko okei kami dahil kami lang tatlo lang naman ang magkakampi pero kadalasan lalo na kapag may mga bagay ako na di ko naibibigay sa dalawang yun panlaban nila sakin isusumbong ako kay Lola at kay lolo sa mga bagay na kahit tapos na ginagawa parin panakot sakin ang masakit imbis na sila ang kakampi ko sila yung pinakakaiwas iwasan kong makaalam ng mga bagay na alam kong pweding gamitin na pang balck mail sakin. . . . lumaki rin naman daw kasi sina Cath at Ryan na magkasama kaya lang every vacation lang nasa Manila si Ryan noong elementary at high school ngayon lang nag college naglagi sa house nila Cath dahil sa pag-aaral . . . . Matanda sakin si Ryan ng 3 years sa TIP pala sya nag-aaral Mechanical Engineering ang course ( wow matalino). . . okei naman sya saka kanya nga yata nakuha ni Cath yung pagiging palabiro at cool kaya hindi nakakailang kasama sa inuman at for the first time nakapanigarilyo ako na may lalaking kaharap dahil halos lahat kami nagiis-smoke pati si Lyca kahit nandoon yung bf nya . . .. hindi naman kami masyadong nagpakalasing after ng pang apat na mutso nagpahinga-hinga lang at katulad ng turo ni Cath nagpalit lang ako ng T-shirt, nagtootbrush ( lagi akong may baon para sa sigarilyo) at pabango bago ako umuwi . . para hindi halatang nag-inum at mangamoy usok ng sigarilio ang awra ko pag-uwi. . . Sina Cath at Ryan ang naghatid sakin gamit yung kotse nila . . . si Lyca naman may dalang motor si Ben kaya sabay-sabay lang kaming umalis sa house nina Cath then kanya-kanya na kaming way . .. Pag-uwi ko natulog na lang ako kesa hantaying masermunan dahil alas-sais na naman ako nakauwi buti nasa tahian pa ang mga dragon, si lolo naman nagtatabas ng umuwi ako pero walang sinabi ang lola ko ewan baka nagpapakulot o nagpapamanicure . . . .

>>>>> Kuhanan ng Card ah letse sa unang pagkakataon hindi binigay sakin ni Mam Gabriel yun card ko dahil sabi daw ng Tita ko sa kanya ibigay . . . hmp edi kanila na . . . alam ko naman kung bakit dahil kahit na late na ko nagloko alam ko malaki ang ipekto ng mga naging kapabayaan ko last month sa mga grades ko pero wala akong magagawa hindi ko na kayang ibalik yung passion ko sa pag-aaral eh . . . .

>>>>> Friday . . . . may natira pa kong film last JS prom kaya nagkuhanan kami sa room kanina bago umuwi kaya sabi ni Sheryl kung gusto daw naming sumama nina Dado sa bahay nila dahil may padasal para sa kamatayan ng lola nya at dahil chibugan yun ayun mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag sina Joey at Dado . . absent si Carol at si Ricky niloloko nga namin si Joey kung magkasama yung dalawa he he he jelly naman !!! hindi sumama si James ewan ko ba sa taong yun at di yata mahilig maglakwatsa . . pati si Manuel hindi rin pero okei na nga yun atleast hindi ako maiilang kaya bukod sa tropa ni Sheryl, si Dado, ako, si Trace, Teresa at Joey lang ang nakasama . . . . pero okei naman eh happy dahil halos naubos namin yung isang rolyo ng film kulang pa nga eh!!!






to be continue . . . .

No comments: