♠+♥+♣ . . . Tinanghali na ako ng gising kaya hindi narin ako nakapasok bisides pati yung mga uniform ko nasa gamit ko kyna Sheryl may dala man ako ilang perosnal ko lang gamit. . . . hindi parin ako makapaniwalang nasa sarili ko na akong kwarto dahil kyna kuya Jhun at Kuya Exor . . . sabi nga nila hindi lang naman sila ang nagkulang dahil pati ako nagkulang din ng pang-unawa sa kanila, hindi ko na isip na magulang ko sila at iniisip lang nila ang alam nilang tama para sakin. . . Pinapangako nga ako ni Kuya Jhun na hinding hindi ko na uulitin yun' dahil pangnagyari daw ulit na naglayas ako sila na ang magagalit sakin. . . . kahit kelan daw ang isang problema hindi nasusulosyunan ng isa pang problema. . . . kaya wag ko na daw uulitin. . . kaya kahit na I know hindi ko pa lubusang nabubuo ang sarili ko unti-unti akong nagkaroon ng pag-asang maibabalik ko ang dating Kathrina, ang Sodhel na minsan ko ng kinaligtaan na ako. . . .
>>>>> Thanks to have Kuya Jhun at Kuya Exor in my life siguro kung wala sila tuluyan na kong napariwara at syempre kyna Mercy, Mark at buong Cyber's dahil they make me realized kung ano ang mawawala sakin in case na pinagpatuloy ko ang pagrerebelde ko . .. .
>>>>>> Paglabas ko ng kwarto tanging sina lolo at lola lang ang pumapansin sakin bukod sa mga pinsan ko at dalawang kapatid pero naiitindihan ko naman ang mga Dragon sa bahay dahil kahit na sino magagalit sa ginawa kong paglalayas . . . . hindi ko nalang sila initindi kahit na ano pang sabihin nila importante sakin nakauwi na ako at naiintindihan ako nina Lola at Lolo. . . at ngayong araw na to' isa-isa kong pupulutin ang sarili ko, unti0unti kong ibabalik kung sino ang totoong ako. . . . Nagpaalam ako kyna Lola at lolo na kukunin ko yung mga gamit ko sa angono hindi rin lang ako nakapasok . . . .Nang dumaan ako sa GDR na kita ko si kuya Exor kausap si Jan sa harap ng bahay nila . . sa unang pagkakataon nakita ko si Jan ng wala akong kinikim na kahit na anong sakit kung meron man siguro paghihinayang nalang dahil lahat ng pangarap namin hindi na pweding mabuo . . . Kuya Exor asked me kung saan ako pupunta? kaya nagkatinginan kami ng lumingon ako kay Kuya, i told him na kukunin ko lang yung mga gamit ko, kaya ipinaalala ni Kuya Exor sakin na baka kung saan pa ako magsuot pagkakuha ko ng mga gamit ko. . . kaya sinabi kong hindi uuwi agad ako. . . . pero alam kong nagsisinungaling ako dahil after kong makuha kay She yung mga gamit ko kailangan kong puntahan si Mark dahil alam kong galit na galit na yun sakin dahil di man sabihin ni Mercy kagabi ng tumwag ako para ipaalam na uuwi na ko i know may namamagitang tensyon sa pagitan ng dalawang magkinakapatid . . . .
>>>>> iksaktong lunch break ako nakarating sa house nina She kaya hindi ko na kailangn puntahan sya sa school. .. . i asking She kung anong nangyari sa school wala naman daw kakaiba mukhang wala paring alam sina Dado dahil wala na mang nagtatanong maliban kay Rico kung bakit absent ako, alam naman kasi nina Dado na di ako makakapasok dahil sabi ko nung saturday uuwi muna ako sa Teresa. . . nag thanks ako kay She at sinabi kong pahiramin ako ng mga notes bukas pagpasok sa school . . . . After kayna She nagpunta ako sa Villages, pero kyna Mercy ako tumuloy para iwan muna yung bag ko dahil baka pagnakita ni Tita Dorothy yung dala ko baka kung ano pa ang sabihin. . . . sa kamalasan wala si Mercy nagpacheck-up daw sina Jen at Janeth nasa school pa kaya imposibleng nandoon sina Andoy at Vince kaya sinabi ko sa maid na iwan ko muna yung things ko at pumunta ako kyna Mark . . . . paalis si tita Dorothy ng pinapasok ako ng maid nila ang sabi parating narin maya-maya si Mark kaya kung gusto kong hintayin pumanik nalang ako sa kwarto para di ako mag-inip . . . . gusto ko sanang sabihin na babalik nalang ako kapag nanjan na si Mark pero bukod sa nagmamadali si Tita nagdalawang isip ako dahil hindi ko alam kung kailan ko pa ulit magagawang pumunta sa Villages after that dahil paniguradong madami akong kailangan gawin para makabawi sa mga grades na napabayaan ko kaya nagpasya nalang akong magstay . . . . una nag-stay muna ako sa sala nagbasa-basa baka kasi dumating narin si Mark dahil mag-aala una narin naman pero ng mangalahating oras ako nainip ako kaya sinabi ko sa maid nila na tataas nalang ako sa kwarto ni Mark dahil sanay na naman sakin yung maid nila Mark tumango na lang at sasabihin nalang daw nya kay Mark na nasa kwarto ako at naghihintay . . . .
>>>>> pagpasok ko sa room ni Mark, una kong naisip mag playstation nalang, kahit na hindi ako masyadong marunong ng mga nilalaro ni gago kundi super mario lang, ewan ko ba kung bakit hindi ko type ang maglaro ng mga katulad ng pinagkakaabalahan ng maraming kabataan ang playstation o kahit na ang nauusong PC games na counterstrike, pagsearchin mo nalang ako sa computer okei pa pero maggames naku malabo. . . . pero hindi ang play station ang nakakuha ng pansin ko kundi yung picture namin ni Mark na nasa ibabaw ng TV nya . . . hindi parin pala nya inaalis yun, ngayon ko lang napansin dahil mula ng magbreak kami pumunta man ako sa kwarto nya sandali lang at para lang mag-usap kami at iyakan ko sya kaya wala na akong time noon na mapansing walang binago si Mark sa ayos ng kwarto nya maliban sa yung dating kurtina ibinalik na binishan blind . . . nandoon parin yung baseball cup na iniregalo ko sa kanya noong last Birthday nya, wish nya sakin yun nung kami pa pero ng maibigay ko sa kanya yun hindi na kami dahil kami na noon ni Jan . . . ni minsan hindi ko pa nakikitang suot ni Mark ang sumbrerong iyon pero tingnan mo si ulok tong' imbis na isuot hinahayaang naka display lang iyon kasama ng iba nyang collection ng cup. . . lumaki mang spoiled si Mark masinop parin yun sa gamit, when I look up to the particular picture kinuha ko iyon, sumampa ako sa kama ni Mark at nag-injan seat . . mas lalo akong napangiti dahil yung picture namin na katulad ng sinunog ng mga lola ko nakita ko parin sa side table ni gago malapit sa kama . . . inisip ko nga di kaya araw-araw sila nagaaway ni Jocielyn dahil kahit na may picture na solo si Jocielyn sa side na yun eh nandoon parin yung picture namin higit sa lahat yun pa yung magkadikit yung nguso namin ni Mark . . . but I wonder kung ilang bese lang nakapanik si Jocielyn sa kwarto ni Mark dahil balita ko hindi magkasundo yung dalawa ni tita Dorothy, the last time na may maikwento si Mark sakin galit daw ang mama nya kay Jocielyn dahil natututo daw syang di umuwi ng bahay dahil nga sa apartment sya ni Jocielyn naglalagi . . . hindi ko naman masise si Tita dahil kahit may pagkaleberal din sya at open minded na iba na ang kabataan ngayon hindi naman yun papayag na hindi uuwi si Mark dahil mahal na mahal nun ang unico Iho nya. . . while I look the picture naisip ko kung magiging okei na ang lahat at hilingin ni Mark na maging kami ulit I took the chance malay mo kami pala ang may second time, but i have a second thought dahil baka hindi na katulad ng dati, dahil I know Mark wants na maayos uli yung relationship nila ni Jocielyn kahit na sinabi nyang they separate in good terms. . . . . nasa ganun akong pag-iisip ng marinig ko na dumating si Mark kaya ibinalik ko na yung pic sa dating lagayan at ibabalik ko na sana yung isa sa ibabaw ng TV when Mark arrive but when I look at him gusto kong bawiin yung smile sa mukha ko dahil mukhang badtrip si gago dahil nakakunot ang ulo. . . . but I know how to handle the symtoms of that jerk, kaya after kong ilagay yung pic sa TV lumapit ako kay Mark, pero mukhang may "sometimes" nga, dahil inawasan ako at inilagay yung gamit nya sa study table sabay tanong na " anong ginagawa mo rito" at first hindi ko masyadong initindi yung sumpong ni gago minsan ganun talaga si Mark lalo na kapag maiinit ang ulo basta nalang nagsasalita pero kahit na nanakasakit sa kanya wala lang iyon. . . " wala lang, magsosorry lang saka I want you to know na nakauwi na ako" umupo ako sa gilid ng kama pero nakatingin sa kanya, napatungo ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mata ni Mark dahil parang galit na di ko maawari kung bakit. . . kaya ng di sya sumagot dinaan ko sa biro ang lahat katulad ng usual kong ginagawa para maalis ang ulo ni Mark but when i asking bakit ang init ng ulo nya mukhang talagang mainit, hindi lang mainit kundi nagiinit pa. . . " nakapagsorry ka na, so ano pa ang kailangan mo" in that world hindi ko na alam kung si Mark pa yung naririnig ko kaya tumingin ako sa direction nya at nang magtama ang mata namin I know that he mad, kaya I try to explain kung bakit kinakailangan kong umalis kahapon pero bago palang ako nangangalahati sa sasabihin ko he said stop, dahil wala na daw syang pakialam kung anong gusto kung gawin sa buhay ko dahil wala naman daw syang karapatang makiaalam o hindi naman daw dapat sya nakikialam dahil Ex girlfriend "lang" naman daw nya ko. . . in a couple of seconds hindi ko alam kung ano ang uunahain kong iisipin kung totoo bang si Mark ang nagsasabi sakin ng mga salitang iyon o kung totoo ba sa loob ni Mark ang mga binitawan nyang salita. . pero alin man sa dalawa nasasaktan ako, at di ko mapigilan ang hapding naguumpisa ko ng maramdaman, pero pinilit kong intindihin si Mark dahil I know ako ang may kasalan kung bakit sya nagagalit sakin dahil iniwan ko sya kahapon ng walang paalam, kaya tumayo ako sa kama at sinabi kong saka nalang kami mag-usap kung malamig na yung ulo nya pero mukhang disidido si gagong saktan ako kaya bago pa ko tuluyan makalabas ng pinto ng kwarto nya may sinabi syang tuluyang humiwa sa puso ko "Wag na Kathy kung pwedi lang sana, okei na kasi kami ni Jocielyn at aaminin ko sayong hindi nya gustong nakikita o nalalaman na nagkakasama pa tayo o naguusap man lang . . ." hindi ko alam kung paano ako nakatango sa sinabi ni Mark pero bago pa lang ako makababa ng hagdan tumulo na yung luha ko . . . hindi lang dahil sa ibiga sabihin ni Mark kundi ang marealized kong hindi lang kung anong meron kami ang gustong putulin ni Mark kundi pati yung pagiging magkaibigan namin. . . . kaya kinailangan ko pa munang kalmahin yung sarili ko bago ko tumawid sa kabilang bahay dahil nakita kong nasa tapat yung motor ni Andoy at malamang nasa loob na sina Janeth at di ko gustong makita nila ako sa ganung ayos. . . Ilang beses akong bumuga sa hangin para maalis yung bikik sa lalamunan ko at yung sakit na untin-unting bumabalot sa buong pagkatao ko . . . Ngumiti ako kay Andoy at Janeth ng makita kong nasa sala. . . ng magtanong sila sakin kung anong nangyari sa pag-uwi ko pinilit kong ikwento lahat kahit gusto ko ng umalis ng mga ora nayun' after nun sibabi ko kay Andoy na kung pwedi akong ihatid sa sakayan pero nagpumilit yung dalawa ni Janeth na ihatid ako hanggang sa bahay . . . Nang nasa loob na ako ng kwarto at inaayos yung mga damit ko hidni ko alam kung bakit ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak, aaminin kong ang saki-sakit ng mga sinabi ni Mark, pero binigyan ko naman sya ng katwiran na dapat nga hindi lang ganun ang ginawa nya sakin dahil sa dami ng sakit na ibinigay ko sa kanya kulang pa ang nararamdaman kong pambayad . . . . saka ko lang narealized yung unang tanong nya sakin na kung "ANO ANG KAILANGAN KO" doon palang dapat alam ko nang may ibig sabihin si Mark . . . at sa palagay ko tama lang na wag muna akong makipagkita sa kanya at kahit sa CYBER's malamang kinakailangan ko naring dumistansya . . . pero pagnaiisip ko kung ano ang pinagdadaanan ko gusto kong tanungin si Mark kung bakit ngayon pa nya ko naisipang bitawan, bakit ngayon pa kung kelan kailangan ko sya at ang Cyber's, pero naisip ko sobra naman ako, di pa ba sapat yung mga ibinigay na tulong sakin ng ni Mark ang ng tropa nya, kung tutuusin sobra-sobra pa nga dahil kahit hindi na kami ni Mark hindi parin nila ako itinuring na iba lalo na si Mark. . . siguro kailangan ko lang talagang harapin mag-isa ang lahat ng consequences ng lahat ng ginawa ko at isa na siguro
sa mga consequence na yun ay ang mawala si Mark sa buhay ko . . .
♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
>>>>>> I face all the consequence ng lahat ng pinaggagawa ko sa loob ng ilang bwan, until now hindi ako pinapansin ng mga dragon sa bahay lalo na yung pinaka-bata na mabagsik pero I dont care hindi sila ang concern ko kundi sina lolo at lola, I promise to myself na hindi na ako gagawa ng kahit na ano na makakasakit sa lolo at lola ko. . . . hindi ko pinakinggan kung ano mang sermon ang laging pinaririnig sakin ng mga dragon kuing meron man yung pangaral lang nina lolo at lola ang ipinapasok ko sa isip at sa puso ko . . . basta ginagawa ko kung ano man ang obligasyon ko sa bahay, katulad ng dati nagluluto, naguurong at minsan utusan sa palengke . . . Hindi ko man maibalik yung dating ako dahil alam kong madami ng nagbago basta alam ko kung may natutunan ako sa lahat ng nangyari ganun rin sina lolo at lola dahil hindi na nila ako madalas higpitan. . . siguro dahil kinausap din sila ni Tito police katulad ko. . . kaya muli kong ibinalik yung goal sa buhay ko na hindi ako magpapaapekto sa kung ano ang sinasabi at ginagawa sakin ng iba basta ang mahalaga masaya ako at di ko sisirain ang buhay ko para lang sa kanila dahil papatunayan ko na ako ang unang membro sa pamilya namin ang makakapagtapos at magkakaroon ng pinakamalaking stado sa pag-aaral, papatunayan ko sa kanila na hindi man ako kasing talino ni Ate Lhen, kasing talento ni kuya Nover at di man ako laging may Honor katulad ni Ashlee at Cheenee ipapakita ko sa kanila na ako ang unang apo at pamangkin nila na uuwing titulado at gagawin ko yun sa ngalan ng daddy ko . . . . ,.
>>>>>> kung hindi naging madali ang pagbalik ng pakikitungo sakin ng mga dragon sa bahay ganun naman kabilis ako nakahabol sa school, sabi ni mam kaya ko pang habulin dahil mahahatak naman daw yung mga nagbabaang grades ko nung last grading sa mga grades na na panatili kong mataas. . . hiniram ko lahat ng notes nina Gerl, Mhaei at Jon sa mga teacher na pareho kami at pati kyna Sheryl at Carol . . . I admit unti-unti ko ng naibabalik ang passion ko sa pag-aaral lalo na sa science na napabayaan ko dati. . . hindi man bumalik yung turingan namin ni Manuel dati sa isat-isa masaya na kong di na kami nag-iiwasan at kung di sinasadya nagkakatinginan at nagngigitian nalang . . . naging busy ako sa mga nagdaang araw kaya kahit na yung nangyari samin ni Mark hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin muli ko lang naalala ng magkaslubong kami ni Chris at kinamusta nya ko kung okei na ako dahil naikwento daw sa kanya ni Ian yung nangyari sa resort. . . naging okei naman yung pagkukwentuhan namin pero nabahiran ng konting lungkot when he said na nagkabalikan na pala daw sina Jocielyn at Mark lagi nga raw nasa Villages yung dalawa . . I know hindi alam ni Chris kung ano ang nangyari samin ni Mark after ng mga nangyari sa resort nina Jaypee and mybe pati buong Cyber's walang alam sa kung anong sitwasyon meron kami ni Mark at this moment kaya hinayaan ko nalang isipin ni Chris that I'm happy for Mark, pero totoo naman happy ako kay Mark dahil I know noon pa nya gustong balikan si Jocielyn un nga lang pati friendship namin kailangan isakripisyo para sa kaligayahan na yun but Its okei sa dami ng hirap at sakit na dinanas ni Mark sakin I think he deserved to experience that happiness he have now . . . . bago matapos yung pag-uusap namin ni Chris I told him na ikamusta nalang nya ako kyna Mercy saka lang pinaalala ni gago sakin na sa linggo na daw ang alis ni Mercy sabi ko tatawagan ko nalang si Mercy bago sya umalis . . .
♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
>>>>>> Unti-unti ko ng naibabalik sa dati ang lahat, may mga konting bagbabago pero tinangap yun dahil alam ko kasama yun sa conseqeunces ng ginawa ko. . . pero at least kahit papano sa lahat ng nangyari natutunan ko na hindi lang sila ang nagkamali kundi pati ako, sabi nga ni kuya Jhun at Kuya Exor hindi lang dapat sarili ko ang laging intindihin ko kapag nasasaktan ako dahil kung minsan kinakailangan daw masakatan ang isang tao para matuto' at sa lahat ng pagkakamali doon natin nakukuha ang tama at dapat gawin . . ( ang lalim noh pero totoo ng sinabi nila sakin yan piling ko nga si ATTY Ligarda ang kausap ko O si Mam Charo Santos ng maalaala mo kaya!!! he he he) but kidding aside ang laki talaga ng tulong sakin nina Kuya dahil kundi sa mga pangaral nila siguro tama ang sinabi nilang matutulad ako sa ibang mga baabe sa GDR na sinisira ang sarili dahil sa kanilang kakitiran ng isip sa pag-iintindi sa mga ginagawa sa kanila ng magulang nilang paghihigpit . . . kung may kinalulungkot man ako siguro yun yung pagkawala ni Mark sa buhay ko. . . pati narin siguro ng Cyber's dahil mas lalong mawawala ako ng dahilan na makasama sila bukod sa babalik na si Mercy sa Calgary eh magsasara na ang classes sa loob ng tatlong linggo . . . . ahhh sa dami ng nagdaan sakin sa mga nakaraang bwan hindi ko na napansin isang taon nalang tapos na ko ng highschool at sa di kukulanging limang taon colleges graduate na ko . . . . at kapag dumating yung time na yun' sisiguraduhin ko hinding hindi ko kakalimutan ang mga nangyari sakin sa panahong ito' masakit man at madaming di magandang pangyayari alam ko gugustuhin ko paring balikan dahil doon ako natuto' para magpatuloy lumaban . . ...
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment