♠+♥+♣ . . . pinalipas namin ang mga oras sa paglalaro ng kung ano-ano, cards, scrable, snake and ladders pati nga truth and consequence pinagtripan. . . . kaya kahit papano naaliw ako. .. yung mga lalake halos umiinom pa pera nalang sina Mark at Andoy dahil si Andoy ayaw ng painumin ni Janeth my limits pala ang pag-inum ni gago, si Mark naman ayaw na dahil magdridrive pa daw bukas pababa ng palengke, kaya sabi ni Ian ng marinig yung katwiran ni Andoy kung bakit di na sya tumatagay " kaya ayaw kong magjo-jowa eh ang hirap ang daming limits" sinagot naman ni Lyca na " eh bakit sakin wala kang limit all the way iyung-iyo ayaw mo parin! " kaya nagtawanan lahat lalo ng inasar ni Jaypee at Micheal bakit daw namumula si Ian . . . ngayon ko lang nalaman na kaya hindi sinama ni Lyca si Ben sa outing dahil matagal na palang may alitan sina Ben at Ian dahil sa basketball pero ang hinala daw nina Cath dahil kay Lyca dahil alam daw ni Ben na matagal ng love of my life ni Lyca si Ian yung nga lang mukhang ayaw ni Ian na sya ang inililigawan . . . kaya kahit na may intires si Ian kay Lyca eh hindi makahirit inuunahan daw kasi ni Lyca. . . di ko tuloy maiwasan maalala sina Joey at Carol, mas lalo ko tuloy na realized ang laking kong tanga dahil sinayang ko yung mga time na imbis na nagsasarili ako at inilulubog ko yung sarili ko sa alak at bisyo sana mas nakilala ko pa yung mga kaibigan ko tulad nina Lyca at Cath. . dahil di man sabihin I realized ako ang naglayo sa sarili ko sa kanila dahil I thought iba sila sakin pero mali ako at ngayon I promise babawi ako . . . after kong ayusin ang lahat i make it up to all the times na pinagkait ko ang sarili ko hindi lang sa CYBER's kundi sa lahat ng mga kaibigan ko . . .
>>>>> 3:30 to 4 am na yata ng magkayayang magsitulog pera lang kay Mercy na kanina pa natutulog dahil bawal ang magpuyat saka yung gamot yata nya may halong pampatulog para sa health nya. . . . kaya kanya-kanya ng pasok sa room. . . syempre magpa-partner tabi-tabi yung walang partner sial-sila magkakasama. .. joke lang sina Lyca, yung pinsan nyang si Diane, si Mitch, Mercy, Cath at Anne sa pinakamalaking kwarto magkakasama, then yung mga kolukoys nagdalawang kwarto yata dahil sa maliit sila napuntang room di ko lang alam kung sino-sino ang magkakasama . . . yung dalawang kambal syempre kasama yung dalawang jowa nila pero magkahiwalay ng kwarto ha!. kami ni Mark doon sa room na pinagtulugan ko kanina. . . si Micheal nga yata kasama nya doon kagabi dahil may kinuhang gamit si Micheal bago kami pumasok ni Mark . . siguro dahil narin sa pagod at puyat konting kwentuhan lang nakatulog narin kami ni Mark. . . but before i sleep buo na ang pasya kong umuwi pero kailangan ko munang makausap sina kuya Jhun at kuya Exor kaya pipilitin ko si Mark na kyna Abeth muna ako iuwi kahit na samahan pa nya ko bahala na!!!
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
>>>>> sikat na ang araw ng magising ako . . . . . nakita kong may takip na towel yung binatanang nasa haapan ng kama, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti alam ko si Mark ang may gawa nun dahil yung bintana sa kwarto nya dati pinapalitan nya ng kurtinang white dahil yung binishan blind na dating nakakabit doon tumatagos yung sikat ng araw nagigising daw kasi ako kapag nakikita ko ng pumuputok ang araw, nahalata yun ni Mark ng isa o dalawang beses akong nakatulog sa kanila mula sa swimming noong kami pa . . lagi nga akong namumura ni lola nun dahil ang paalam ko birthday party lang aalis ako ng alas 3 sabi umuwi ako ng maaga pero umaga na daw ako umuuwi kaya after two or three times na payagan ako ayun hindi na naulit he he he . . at dahil nga di pa naman fully punish yung resort nina Jaypee kaya wala pang kurtina o ano mang ilalagay doon sa window glass eh nilagyan muna ni Mark ng towel . . pero sira ulo yun ah di man lang ako ginising. ., iniwan akong mag-isa sa room . . . after kong ma-ayos sa sarili hinanap ko si Mark sa labas pero sina Mercy at Jen ang nadatnan ko sa patio ng cottages umalis lang daw sandali sina Vince kasama si Mark at yung ibang babae para mamalengke sa baba . . . laking gulat ko ng may umakbay sakin mula sa likod . . . si Ian pala pero imbis na good morning ang sabihin sakin tila nakakalukong ngumiti at sinabing " hows your dream wild cat" yung una hindi ko ma-gets yung ginabi ni Ian pero nung batukan ni Mercy si Ian at habulin ng pamalo sa ulo sinabi sakin ni Jen kung bakit . . . hindi nga maiwasang matawa ni gaga dahil ayaw tigilan ni Mercy si Ian sa kakahataw and she said "wag ko daw pansinin si Ian nasa mood lang daw mang-asar dahil kanina daw nakita nila yung kalmot ni Mark sa leeg kaya napagkatuwaan na alaskahin si Mark" . . .,. at di man direktang sabihin ni Jen kung anong koneksyon nun sa pagtawag sakin ni Ian ng wild cat alam ko na kung bakit at kung anong iniisip ni Ian o ng lahat ng taong nakakita sa kalmot ni Mark sa leeg. . . hindi ko tuloy alam kung paano ako titingin kay Mercy at kay Ian ng bumalik na sa tabi namin ni Jen. . . pero nagsorry naman si Ian biro lang daw yun. . . sabi ko okei lang pero ipinaliwanag ko na di naman yun dahil sa iniisip nila kaya may kalmot si Mark. . . sabi ni Mercy alam naman nila yun, wag ko daw pansinin si Ian baliw lang talaga daw yung gagong yun . . . pero bigla akong may naisip kung wala si Mark pwedi na kong umalis at pumunta kyna Abet dahil kung si Mark ang maghahatid sakin panigurado sa malamang hindi papayag yun. . . so i talked Mercy privately dahil alam ko sya lang ang makakagawa ng paraan o makakintindi sakin na makaalis ng wala si Mark. . . alam kong ikakagalit ni Mark ang gagawin ko pero importanteng makausap ko yung tatlong kuya ko dahil hindi ako makakauwi sa bahay ng wala sila . . . after i said to her lahat ng dahilan kung bakit gusto kong gawin muna na pumunta sa pantok bago umuwi, ilang beses mang hindi pumayag si Mercy sa huli naunawaan rin nya ako. .. . kaya walang nagawa si Micheal at si Ian na ihatid ako, dahil si Andoy di naman pweding magdrive . . . sabi ko kahit hanggang sakayan lang ng jeep pero binilin ni Mercy na ihatid ako hanggang pantok. . bilin din nya na tumwag ako kung nandoon na ko para alam nila kung okei ako . . kaya labag man sa loob nina Ian at Micheal na ihatid ako dahil paniguradong mapapatay sila ni Mark wala silang nagawa dahil sa utos ni Mercy . . . kaya litanya ng litanya yung dalawa habang nagdridrive si Ian sabi ko ibaba nyo na ko kung pulos lintanya sila ng lintnya . .
>>>>>> Kahit na anong pilit nina Ian at Micheal na ihatid ako sa mismong bahay nina Abet para daw kung hanapin ako ni Mark may masasabi sila hindi ko yun' pinayagan kaya hanggang sakayan lang ng tricycle ako nagpababas sa kanila . . hinintay ko munang makaalis sila saka ako sumakay ng tricycle dahil natatakot akong masundan ng dalawang uloktong . . . dahil malamang na pilipitin yun ni Mark mamaya matunton lang ako. . . . Pagdating ko roon laking pasasalamat ko dahil mukhangwalang alam si Abet sa mga nangyayari sa GDR kaya hindi muna ako nagsilata, , , hahanap pa ko ng tiyempo, kung kinakailangan na doon muna ako habang nagiisip ng hakbang kung paano ako makakuwi sa bahay. . pero sa lahat naman ng madadatnan ko roon si bebe pang kaptid ni Jan. . . pero syempre wala naman kasalanan sakin yung utol ni Jan kaya kung ano yung pakikitungo ko sa kanya nung kami ngkuya nya ganun parin ang pakikitungo ko. . . niyaya pa nga akong pumunta sa sapa dahil naglalaba doon si Abet at habang nihintay kong matapos maglaba si Abet nakakwentuhan ko si Bebe, kung di ba naman isa akong malaking tanga sa isang libo at isang gaga nagawa ko pang tanungin si Bebe kung kamusta na ang kuya nya. . . " ayun daw laging nasa bahay nila yung gf kaya lang asar daw sya kasi ang takaw lagi daw nagpapabili ng soft drinks sa kuya nya, pati nga daw si mama nya ayaw doon kasi laging nasa bahay daw nila" hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan, matutuwa dahil hindi pabor ang mama ni Jan kay Laarni o masasaktan dahil ni minsan hindi ko narasan na ibili ako ni Jan ng softdrinks kapag nasa kanila ako. .. ahhhhh gaga ko talaga noh??? pero totoo naman yun' kahit na kabaliwang sabihing maliit na bagay lang yung softdrinks ang laking kaibahn yun para sakin dahil ni minsan hindi ginawa ni Jan yun nung kami pa. . . .
>>>>>> Nang bumalik kami sa bahay laking gulat ko ng makita ko sina Kuya Exor, Bornok, Jason at Lole kasama si Tony at sa pagkita palang sakin ni Kuya Exor alam ko alam na ng nanay ni Abet ang tungkol sa paglalayas ko kaya kinausap nila ako kasama si Kuya Exor. . . ng sinabi ko namang talagang uuwi na ko kailangan ko lang makausap si Kuya Exor at Kuya Jhun kaya ako nagpunta sa kanila eh natapos na rin ang usapan pero sabi ni kuya exor hindi pa kami tapos kaya hinayaan muna naming mawala ang mga tao kyna abet dahi bababa sa bayan ang mga nanay at tita ni Abet dahi my patay daw, ang masakit lang si Abet na akala ko makakatulong sakin iniwan rin ako. . . kaya ang sama-sama ng loob ko kay Abet ng araw na yun' . . . . Nang kami nalang nina Kuya Exor at Lole ang nasa bahay kinausap na ako ni Kuya Exor kung ano ba daw talaga ang problema . . . kaya ulit umiyak ako habang naglalabas ng sama ng loob after kong maglabas ng sama ng loob sinabi ni Kuya Exor na uuwi ako kasama nila dahil pati daw tito police ko hinahanap na ako at pina-blather. . . . pero sinabi ko kay Kuya Exor na sasama lang akong umuwi kung makakausp ko si Kuya Jhun at si Kuya Jhun ang mag-uuwi sakin, dahil alam ko kahit papano makikinig ang mga lolo at lola ko kay Kuya Jhun dahil alam nilang ginagalang at tinuturing ko si Kuya Jhun na matang kapatid . . .
>>>>> Pumunta muna kami sa house ni Kuya Jhun pero naunang umuwi si Lole para pauwiin si Kuya sa house pero nainip kami kaya nagkasalisi pero nagkita rin kami sa dulo ng GDR ng malamn ni Kuya Jhun ang lahat after kaming magusap sinabi nya na sya muna ang pyupunta sa mga lolo at lola ko. .. then we wait for kuya Jhun, pero hindi si Lolo o si Lola ang sumundo sakin kundi si Tita Itsa pero sinigurado sakin ni Kuya Jhun na okei na lahat. . . pero hindi kami sa GDR dumaan dahil marami daw tao kaya sa Victoria kami naglakad pauwi. . . nang dumating kami sa bahay pinapasok ako ni Kuya Jhun sa kwarto at sya na raw ang bahala na kumausap sa mga tito at Tita ko dahil sina lolo at lola ang unan nyang nakausap kanina. . . ahhhhh hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa mga nangyayari pero kung kelan ako nakaramdam ng takot saka wala namang nangyari kaya parang gusto kong maguilty dahil magkasunod na pumasok sa kwarto ko sina lolo at lola para tanungin ako kung kumain na. . . kahit na gusto kong umiyak pinigilan ko, mas lalo akong naguilty ng sabihin ni lolo na magpahinga na daw ako. . . ahhh hindi ko alam kungano na ang ginawa ko sa buhay ko pero ipinangako ko sa sarili ko na babawi ako. . . .
to be continue . . . .
No comments:
Post a Comment