Saturday, March 1, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 62

♣ +♣+ ♣ . . . .. LAST DAY of INVAGILIZATION . . . nagpunta sina Mark at Vince sa bahay kasama sina Jen at Lyca para sana makinig sa Invagilazation pero biglang nagsilabasan ang mga AHO na ewan ko kung bakit naman kung kelan nasa bahay na sila Vince saka naman nagsilabasan ang mga ungas. Kaya sabi ni Vince kayna shelvie nalang muna daw sila ( ex bf kasi ni Mercy si shelvie at naging ka brod pa ni Vince si shelvie sa Youth for Cris)..doon nalang daw kami magkita-kita.... Mga 9pm na ko nakapunta kayna Shell paalis na rin sina Mark. Kaya konting balitaan lang about Mercy umuwi narin sila. .

♠+ ♠ +♠ . . . Kinabukasan binisita ko si Mercy, naging malarosas na muli ang kutis nya, bumalik na ulit kahit papano ang katawan nya sa dati. sabi ng Uncle Danny nya Mercy need more serious test bago maoperahan. Kung makakatiyak na sila this time for the operation sana daw wala ng ano mang aberya. hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng awa kay Mercy, biruin mo nasa kanya na ang lahat-lahat ganda, yaman, edukasyon, at mabait na papa pero lahat naman ng yun' mawawalan ng sibe dahil sa sakit nya. kapag sure na na pweding bumiyahe ni Mercy he needs to go in Calgary, Canada. Pero ewan ko kung bakit parang ayaw na daw ni Mercy na magpaopera dahil napapagod na daw sya. First time since maging magkaibigan kami ni Mercy ngayon ko lang sya nakita na umiyak, i hug her nahihirapan na daw kasi sya since daw na magkaisip sya bawal ang ganito bawal ang ganyan, ito lang ang dapat at ito ang hindi. That time naiisip ko mas maswerti pa pala ko kung tutuusin kay Mercy. Sinabi ko nalang sa kanya na kailangan parin nyang magpakatatag at lumaban marami pa kaming pagsasamahan, nanjan pa sina papa nya at mga lola nya. Pinilit ni Mercy na makarecover " agad " syempre kung unti-unti na syang nakarecover unti-unti narin kaming nakahuma sa mga nangyayari. Sana nga lang tuloy-tuloy na ang paggaling nya at sana lubusan na nga syang gumaling after the operation.

♠+ ♠ +♠ . . . . Wala akong balita sa babes ko, kasi kapag dumaraan kami wala lang ngiti lang, hindi na nga kami nagkakasama sa pagbili sa palengke katulad ng dati. Kahit na sya hindi na nya ko sinasama sa pagbili nia sa palengke. Ewan ko ba kung bakit feeling ko ito nanaman kami ni Jan. Natatakot nanaman tuloy ako. Pero kesa naman magmukmuk ako at pahirap ang sarili ko hahayaan ko nalang na ganito, tahimik, walang gulo kahit na hindi ko alam kung ano ang nangyayari, hahayaan ko na ang tadhanan kung saan nya kami dalhin ni Jan at kung ano ang plano nya para samin. ... .

♥+♥+♥. . . Abala ang buong Cyber's kasama na ang bago nilang friends na member daw ng 3G sa
18th birthday celebration ng twin cousin ni Mercy na si JEN and JANETH, gusto ng papa at tito Danny (father of twin's) ni Mercy na sa hotel ganapin pero dahil hindi pa masyadong magaling si Mercy at alam naman nating matigas ang ulo ng isang iyon na hindi pweding di makikialam sa preparation napagkasunduan ng dalawang magkapatid na sa bhay nalang nina Mercy tutal malaki rin naman yung bahay at lugar nina Mercy saka papa rin naman yata ni Mercy ang sasagot sa gastos. I dont know kung ano ang naisipan nina Vince na sumali sa 3G, isang Gangta na sikat na sikat sa ANGONO, well as of now wala pa naman akong nakikitang masamang ipekto sa kanila ng Gangsta katulad ng AHO hindi naman basag ulo ang hanap nila "sana" katunayan nga sila pa ang naghikayat na magtayo ng basketball team dahil my paliga sa buong Angono at kasama ang 3G with Cyber's na lalaki sila ang magrerepresent ng Villages para sa mga kalabang ibang subdivision at street team sa buong Angono.
. . . Gusto akong isama nina Mark at Vince sa cotillion pero sabi ko hindi pwedi. Dahil panigurado bukod sa di ako papayagan ng mga lola ko hindi ko kakayaning makiharap sa maraming tao tapos nagsasayaw pa. Ahhhh hilingin nyo ng lahat wag lang ang magperporm ng isang bagay sa harap ng maraming tao... sorry hindi ko kaya.

to be continue. . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 61


♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . To tell the truth nahihirapan na ko, hindi ko alam kung bakit nagtitiis ako kay Jan samantalang nanjan naman si Mark, sabi nga ni Mercy siguro daw dahil mahal ko si Jan pero kung mahal ko sya bakit ako nagseselos kay Haidie. Ikinuwento ko kay Mercy kung bakit ako biglang nawala sa Party ni Mark pero sinabi sa kanya amin-amin lang wag na nyang ipaalam kahit kanino. At katulad ng katwiran ko sa sarili ko iyun din ang sinabi sakin ni Mercy, baka daw dahil hindi ako sanay na may ibang pinagbibigyan si Mark ng atention. ( sana nga dahil ayukong magsisi balang araw) Natatakot akong kung kelan tuluyan ng wala si Mark saka ko pagsisihang hinayaan ko syang mawala sakin.
♥♥♥♥♥ . . . Kahit may sama ako ng loob kay Jan pinaghandaan ko parin ang Monthsary namin. Sa house nina Pungay ko pinatago yung gift at kayna Grace ko binalot. Nagkita kami sa Pag-asa ng 8pm pero kahit na isang words wala akong narinig sa kanya. Naghintay ako pero halos 30 mins na kaming nakatayo dun hindi parin sya naguusap. ahhhhhh ewan ko kaya ako na gumawa ng unang hakbang naglakad kami papuntang Mabolo tinanong ko sa kanya kung totoong sinabi niya yun kay Icay, sinabi daw nya yung iba pero hindi naman daw totoo yung tungkol kay Joy. . . para matapos nalang yung problema sige na ok na kami. . . Nakasalubong pa nga namin ang nanay, tatay at kuya JR nia papuntang lamay dahil kamamatay lang ng Tito nia. After naming mag-usap sumunod na sya sa mga nanay nya sa lamay dala-dala yung Card at GIFT ko for him. Tumambay kami sa GDR nina Rocel, Pungay, Janice at Grace. Nagkwentuhan kami sandali at nagsitulog na hindi ko na hinatay si Jan alam kong hindi yata sila uuwi.

♥+♥+♥+♥+♥+♥ . . . . May Invangilization sa GDR tatlong araw yun kaya naboboring kami ng mga pinsan ko kaya nagpunta kami sa Halina, well ok na kami ng mga Halina girl nagkabati-bati na kami last week kung ano man yung mga naging problema at nangyari kakalimutan at kinalimutan nanamin. Kaya ayun nandoon kami kasama sina Ian, Granth, Dennis at Gleen. Ang dami nga naming napagkwentuhan pati yung mga nangyari eh nagpagtatawanan nalang namin ngayon. Ewan ko kung nasan si Jan ng mga oras na yun at hindi ko sya kasama.

♠ +♠ +♠ . . .BAD NEWS . . . Vince call me, buti nalang kahit na si lola ang nakasagot ibinigay sakin. Vince told me na susunduin niya ko dahil nasa hospital sila. Bigla tuloy akong kinabahan. Si Mark, daw at si Jen nasa Medics malapit sa Villages naaksidente daw kagabi papunta sa padasal ng lola ni Mercy pero bukod dun may isa pang badnews at mas malala si Mercy nasa Makati Med din daw. Kaya agad akong nagpaalam kay Lola buti nalang pinayagan ako. Ah grabe ano bang nangyayari!!!
. . . . . Una naming pinuntahan sina Mark at Jen, ala ang gago kong x eh may bali sa kaliwang braso pero hindi naman daw malala ilang linggo lang daw pwedi ng alisin yung brace nia. Si Janeth pwedi naring umuwi kahit bukas dahil gasgas at bugbog lang daw naman ang nakuha dahil sa lakas ng impact. lumapit ako sa kama ni Mark, tinanong ko sya kung bakit ginamit pa nya yung motor kung alam na pala nyang nagpapalya ang preno, pababa pa naman yung daan papasok sa Villages, hindi naman daw nya akalaing matutuluyan. Hmp lagi nalang, Mark hold my hand gumati rin ako ng pisil ng maramdaman ko yung palad nya i know hindi man kami magsalita sa isat isa we both know na pareho kaming kumukuha ng lakas sa isat-isa. Mark asked kung ok na ko " ako ang tinatanong mo eh ikaw tong nakahiga dian at may benda" ewan ko kung hanggang kailan kami nagtitigan ni Mark bago dumating ang mama nia na may dalang ibang gamit dahil kailangan ni Mark na magtagal ng tatlong araw sa hospital para sa iba pang test lalo na at tumama daw yung ulo nya sa posteng pinagbanggaan nila. Kahit ayuko pang umalis kailangan ko ng magpaalam dumating na kasi sina Andoy dala yung sasakyan nila kasama ang tropa pupuntahan naman namin si Mercy, mark told me na ikamusta sya sa kinakapatid nya at magiingat kami sa biyahe. Before we go i kiss Mark to his forehead yun na yata ang batian namin at paraan ng pagpapaalam. I told him na magpagaling sya, ipinagbilin pa nga ako kay Vince bago kami tuluyang umalis. At habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang kabahan, ewan ko ba kung bakit mas natakot ako nang malaman kong nasa hospital si Mercy, pakiramdam ko nagkapobia na ko kapag may nababanggit na inaatake dahil sa nangyari sa Daddy ko, ahhh bakit ko ba yun iniisip eh ang lakas-lakas ni Mercy. Dumating kami doon nasa private room na si Mercy, masyado daw kasing napagod kaya inatake, bata pa daw si Mercy mahina na daw ang puso pero buong akala nila dun sa huling operasyon na ginawa kay Mercy last year ok na sya kaya nagtaka sila kung bakit biglang may nakita nanamang maliit na butas at isang altery na nagbabara sa puso ni Mercy, kaya daw nga pinayagan nilang sumama sa dancer group dahil alam nilang ok na sya. Yung sinabi ng doctor na pwedi ng tumanggap ng bisita si Mercy pero sandali lang at hindi masyadong marami. Unang pumasok ang mga daddy, uncle Danny nia na doctor ni Mercy at yung lola nia. Then ako, si Vince , Jen and Janeth ang sumunod. nang makita ko si Mercy hindi ko alam kung pano ako titingin kay Mercy nang hindi nia nakikitang naawa ako sa kanya. Napahawak ako sa braso ni Vince buti nalang tulog pa si Mercy dahil sa totoo lang natatakot ako na makita nya kong nanginginig dahil hindi ko kayang tingnan sya kaya bago pa ko tuluyang mapaiyak lumabas na ko. Hindi nalang ako nagpahata sa mga Tito at Papa ni Mercy. Nagising si Mercy bandang hapon kaya nakamusta namin kahit papano. Hindi na kami nagtagal para makapagpahinga si Mercy.

♣ +♣ +♣ +♣+ ♣ . . . . Sa mga nakaraang araw hindi kami masyadong nagkikita ni Jan dahil una paglabas ko nasa basketballan na sya, kapag gabi naman sina kuya Jhun lang ang nadadatnan ko sa tambayan o kaya naman sila nagpupunta sa bahay. Na mimiss ko na nga ang pagpunta namin kayna Indoy at Bornok pati pagpunta namin sa palengke kaso wala na talagang time ang babes ko dahil nabubuyo sya sa basketball. Sana nga lang sa basetball lang. Natatakot tuloy ako, kung minsan iniisip ko kami pa ba?? ahhhhhh ewan ko. . . . .
. . . . . Nakalabas na si Mercy sa Hospital ganun din si Mark, dumalaw ako kay Mark may benda parin ang sweet ko pero mas ok na kesa nung una kaya ayun hindi makapagmotor dahil bawal pa. Sabay kaming nagpunta kayna Mercy, ang papa nia ang nagbukas samin ng pinto ewan ko kung bakit parang may gustong sabihin samin ang papa nia kaya lang hindi natuloy dahil dumating si Mercy. kung makikita mo si Mercy parang wala na syang dugo sa putla, ang dating mala rosas na pisngi nya halatang nahumpak kahit ilang araw palang syang nagkakasakit at ang payat agad niya, kahit gusto kong maawa hindi ko kayang maipakita kay Mercy dahil iyon ang bilin samin ng papa niya at mga tito niya ayaw ni Mercy ang kinaawaan. Kaya pala hindi niya sinabi samin na may sakit sya.
To be continue. . . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 60

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . Its Mark BIRTHDAY . . . . Kahit may tampuhan kami ni Jan nagpaalam parin ako. Pero hanggang 6 lang daw. Ano sya baliw. pero syempre sa loob ko lang sinabi yun. Kayna Mercy ako unang nagpunta, pero sabi ng yaya nia nasa kabilang bahay na daw (kayna Mark). nang magpunta ako kayna Mark nandoon na ang Cyber pero may mga bagong mukha akong nakita. Sabi ni VINCE mga 3G daw yun hindi na ko nagtanong dahil alam kung isang GANGSTA ang grupong iyon. Si Mercy naman nakita kong maykausap sa Cp nia kaya nag sign lang sya ng Hello! Nandoon rin yung papa ni Mecy kainuman ng papa ni Mark pagkatapos kong mag Hi and magbigay lang sa papa ni Mark punta ako ng kusina dahil busy si Mark sa paglalabas ng Table sa garden nila. I dont know kung bakit may naramdaman akong selos when i saw Haidie na tumutulong kay Tita Dorothy sa pagaayos ng pagkain. Ewan ko ba kung bakit naisip kong dati kong lugar ang kinalalagyan ni Haidie ngayun pero syempre hindi naman ako bastos para wag ng batiin si Tita Dorothy dahil lang kay Haidie, matapos kong magbigay galang sa mama ni Mark nakiumpok ako kayna Lyca sa isang side ng Garden, naguumpisa ng bumaha ng Cali at San Mig Light sa mesa nila lolo na at nandun si Cath ( ang lakas pa ngang uminum ng tibong to') pinagbukas ako ni Cath ng isang San Mig, kinuha ko iyon at naglagay ng yelo sa baso at uminom. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kung uminom. Kahit na naramdaman ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko kataka-takang parang nakatulong yun para gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko nga lang alam kung ano roon ang gumaan yung nararamdaman kong galit para kay Jan o yung selos kay Haidie. kwentuhan ng ng kwentuhan sina Lyca at Cath, pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinagkukuwentuhan nila. Kahit ng makisama sa umpukan namin sina Mitch, Janeth at Jen, Sabi nga ni Mitch kung alam ba daw ni Mark na umiinom ako. Sabi ko naman "ano ba kayo hindi na ko iintindihin nun busy yun ngayon kasi birthday nia sakay nanjan na si Haidie. ." alam kung sa isang saglit nasa akin ang mata ng lahat ng nasa harapan ko pero siguro dahil wala na ko sa sarili ko dahil nakakadalawang bote na ko, bukod sa hindi pa ko sanay uminum eh wala pang laman ang tiyan ko ng uminum ako kaya ganun yung naging tama sakin ng beer . " oh bakit tama naman ako ah, hindi ba sila???" alam kung sapat na yung sinabi ko para itaboy kung ano man ang iniisip nila. Then before i knew it nakalapit na samin si Vince, ( kanina lang nandoon yun sa mga naglalaro ng cards kaya nga iba yung mesa nila dahil nagpopoker yung mga lalake habang nagiinum) Inakbayan ako ni Vince and that gesture was so familiar dati si Mark ang nasa tabi ko do that. Alm kong ginawa yun ni Vince dahil nakikita nia na problema ko. Vince asked me if i want to talk kung ano problema ko, pero sinabi kong hindi dahil wala akong problema. I continue to drink kahit na hindi ko na gusto ang nararamdaman ko, hindi sa ayaw kong maglabas ng sama ng loob kay Vince ginawa ko yun because sawa na kong maglabas ng sama ng loob. sa huli kong pagtungga hindi ko alam kung paano kabilis nawala sa labi ko yung labi ng baso bago ko nakitang may naglayo sakin nun, and guest who kung sino ahhh I dont know kung paano nakalapit doon si Mark ng hindi ko nakikita, siguro dahil sa mga sinsabi ni Vince na katutok ang tenga ko at nasa baso ng beer ang mata ko at ang utak ko hindi ko alam kung nasan. I saw in Mark eyes ang galit at pagkainis " para ba sakin yun ah gaga nagtanong pa ko of course" that's not the first time i saw Mark na labis ang galit pero that was diefferent alam kong hindi para sakin ang talim ng matang iyon kundi sa taong dahilan kun bakit nagkakaganun ako, gustuhin ko mang matakot that time tila yata nakatulong yung beer na ininum ko para magkalakas ng loob. Tumayo ako, naramdaman kon naalis yung pagkakaakbay ni Vince sakin ( kaya pala ang bigat ng blaikat ko) naramdaman ko na nahilo ako pero pinilit kong tumayo at agawin kay Mark yung baso pero nailayo na yun ni Mark bago ko pa makuha, ibinigay nia yun kay Vince at huli na nang maramdaman kong hinapit ni Mark para mapalapit sa kanya. Naramdaman kong nagsitayuan sina Cath at iba pa kahit walang nagsasalita samin ni Mark kusang nagsialisan sila kung nasan kami. Tinabig ko si Mark at umupo ulit, isinubsob ko yung mukha ko sa sarili kong mga palad. Gusto kong umiiyak pero pinigilan ko hindi yun ang tamang panahon at ayaw ko naring umiyak. I heard Mark voice, galit , pero mahina lang iyon siguro para di mahalata ng iba na nagagalit sya. Ang dami niang sinabi, ang dami niang nilitanya sakin pero wala akong maintindihan, ewan ko kung nasan ako o nasan ang isip ko that time. pero sa lahat ng himala nanatili lang akong nakatungo pero hindi ako umiiyak, ni wala akong naramdamang luha sa mga mata ko, kahit parang sasabog na yung dibdib ko dahil sa galit ko kay Jan, galit ko sa sarili ko at selos kay Haidie. Naramdaman kong kinabig ako ni Mark, niyaya nia kong magpahinga muna sa kwarto nia pero sinabi kong ayuko. Nagalit sya at walang salitang hinablot ako patayo nakita ko galit sa mata ni Mark yung galit na alam kung hindi nia gutong ilabas sakin " ayan ba ang natutunan mo sa bf ko ang maglasing ha! " ni hindi na nia ko hinintay na sumagot dinala nia ko sa kwarto nia at sinabing magpahinga ako dun iuuwi daw nia ko kapag okei na ko. . . . . Wala kong nagawa kahit na gusto kong umuwi nalang alam kong hindi ko kayang umuwi ng ganung kondition. . . . hindi ko lam kung paano ako nakatulog nang iwan ako ni Mark sa kwarto nia, kahit naririnig ko yung yngay ng tawanan at asarasan sa baba ginupo rin ako ng antok dala na rin siguro ng ipekto ng alak.
. . . . .. Halos nalalimpungatan ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko. I was surprise na makita ko si Mark, Hindi ko alam kung bakit nagkaramdam ako ng pagluha. Mark finger stop my tears to fallin' hindi ko alam kung bakit ganun si Mark, kung bakit natitiis nyang masaktan para sakin, kung bakit nakakaya niyang saktan ang sarili just make sure na maalis yung pain nanararamdaman ko. That night hiniling ko sana si Mark nalang si Jan, sana kay Mark ko nalang naramdaman kung ano man iyong nararamdamn ko para kay Jan, maraming sana pero alam ko wala na kahit isa dun ang magiging totoo. Mark asked me kung ok na daw ako when i say yes sinabi niang ihahatid na nia ko. Hindi na ko nagpaalam kayna Mercy sa kagutuhan ni Mark. baka daw kasi kung ano-ano pa daw ang tanungin. Before we leave the house Mark hold my face he kiss me to my for head while saying " i was hurt to see you cry, isa pang beses na makita kitang umiyak ng dahil sa kanya sorry sweet, pero babawiin na kita sa kanya kahit pa sya ang mahal mo" gusto kong umiyak pero Mark told me na wag daw akong iiyak dahil oras na pumatak ang luha ko pasensyahan daw kami dahil hindi na nia ko uuwi. kanina pa daw sya nagpipigil na may gawin sakin habang nasa kwarto ako. Pero imbis na magalit ako natawa ko alam ko naman na nagbibiro lang si Mark. Ewan ko ba kung bakit ganun sa tuwing may mangyayaring di maganda samin ni Jan kay Mark ako tumatakbo pero after na mapagaan nia ang loob ko nakay jan nanaman ako minsan iniisip ko napakasama kong tao dahil alam kong unfair para kay Mark pero ano bang dapat kong gawin? ano bang tama sa mali ? at mali sa tama?. . . .
to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 59


♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . .DAKIP ng SINAKULO . . . . I feel sick pero kahit na may konting lagnat ako lumabas parin ako dahil i want to see kung gaano kaganda ang opinning ng AHO yung sa samahan namin okei naman naging maganda. Kaya nga ang saya-saya ko dahil may pagkakataon nanaman kami para magkausap ni Jan, Ang sweet nga eh kinuha pa ko ng panyo para daw hindi ako maambunan. But sad to say hindi makakasama sina JON, Mhaei and Gerl bukas dahil hindi sila pinayagan. Kaya si Mercy nalang tinawagan ko sinabi ko yung oras at lugar kung saan sila magkikita. Sa simbahan ng Binangonan, hmp flying Cupid!!!!! . . . ..
♥+♥ . . . . EASTER DAY . . . sa Angono kami naglabas ng SKSK kayna Nerry kami tumuloy sa GF ni RICO, naging okei naman yung palabas namin but i didnt see RICO dahil nasa mga mommy daw nia sa binangonan sabi ni NERRY. Past 3pm na kami nakabalik ng Taytay pero kahit na magulo at nakakapagod maging taga bantay ng makukulit na SKSK eh masaya naman dahil parang naglalaro lang ang mga hinayupak. Puro tawanan ng tawanan habang hindi naguupisa ang palabas. Kaya pag-uwi pagod na pagod ako. Nakakainis pa dahil nalaman kong di nagkita sina Mercy at Kuya Jhun dahil hindi daw nila alam kung sino at sino ang sino ahhhh ewan ko sabi ni Mercy nandun naman sila nina Jen ewan. . . . pero may konting tampuhan kami ni Jan ayaw kasing pasabi ni Abet na may sakit si Jona ewan ko kung bakit. ako naman si gaga hindi ko nga ayun nagalit tuloy si Jan......

♥♥♥♥♥ . . . . . . GOOD FRIDAY . . . . . Last day ng sacrifice namin for PAPA JESUS..naging okei naman ang lahat dumating si Mhaei before LUNCH at kahit hindi ko sya masyadong naintindi naging understable naman ang bestfriend ko. Pero itong pilato naming si NOEL naiinis ako ewan ko ba kung bakit ako ang pinagtritripan. Nabadtrip tuloy ako hindi ko tuloy maalis yung pagkabadtrip ko hagang ihatid ko si Mhaei pauwi. Nang mapadaan tuloy ako sa tambayan tintanong ni Jan kung bakit daw ako nakasimangot sabi ko "wala."

. . . .Gabi na nagmeeting SKSK para sa ilang intraction kung saan mapupunta at itatabi yung donation na nakuha namin from sucrifies, then after that sa altar na kami mag-isstay, pero tong' hinayupak na si Noel mangaasar talaga ewan ko ba kung nagpapansin lang o ano. Pauwi na ko ng sabihin ni Jan na doon muna daw kami sa altar at dahil my laya ako that night nagstay ako pero wala lang ganun lang kwentuhan tapos umuwi na ko.

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . Nagbabawi ako ng tulog ngayon dahil tatlong araw din kaming puyat at pagod dahil sa mahal na araw. Kaso talaga namang kababawas ko lang ng kasalanan mukhang magkakasala nanaman ako. Ginising ako nina Rocel, Punggay at Janice umiiyak si Rocel sa galit dahil inaway daw sila ng mga tagahalina. Kaya dahil sa kulang ako sa tulog at puyat pa umakyat ang dugo ko sa ulo. Naligo ako at naghanda para bang lalaban ako sa gera. e talaga naman gera na to noh' gerang gera na ko nanahimik na nga kami nagsisimula nanaman. nang sumugot kami sa HALINA nandoon sina Dennis, Ama, Jason, Bornok, Boylie, Granth, Ian, Glenn, Nelson, at Johnson pero hindi ako natakot na sugurin yung mga hitad, ilang beses kaming nagpalitan ng maanghang na salita at lagi sila ang nabaabra ( ayan inubos nio kasi pasensya ko) hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing magtatama ang mata namin ni Dennis dahil hindi nia alam kung ano ang gagawin nia, Hindi nila kami maawat dahil alam nila ma D-DI sila ni kuya Jhun dahil sabi ni kuya Jhun away naming mga babae di dapat sila nakikialam pera nalang kung nagkakasakitan na kami at iyon na nga ang malapit nang mangyri kung di kami naawat ni Icay. Inawat sya ng mga tropa nia at ako ng mga pinsan ko. Pero ang masakit sa lahat nang nagyari ay yung mga bagay na sinabi ni Icay na sinabi ni Jan tungkol sakin. Ayaw ko mang paniwalaan pero hindi maalis sa isip ko ang maghinala. " ah eto nanaman kami" pero hindi ko hahayaang gamitin nila Icay yun para matalo nila ako kaya sinabi kong wala akong pakialam kung ano mang sinabi ni Jan sa kanila dahil pareho lang kaming naglolokuhan. Natapos lang yung away nayun ng pigilan kami ng mga kumpare ni Daddy na mga tricycle driver. hmp malalagot ka sakin Jan......

to be continue. . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 58

" I'LL ALWAYS LOVE YOU "
Standin' by my window . . . . . List'nin' for your call
Seems I really miss you after all . . . . .Time won't let me
Decide thoughts to myself . . . . . I'd just like to let you know
I wish I'd never let you go . . . . . And I'll always love you
Deep inside this heart of mine . . . . . I do love you
And I'll always need you . . . .And if you ever change your mind
I'll still, I will love you . . . Wish you'd never left me . . .But love's a mystery
You can break a heart so easily . . . The days and nights we knew . . . How much I feel for you
Time has come for me to see . . . How much your love has meant to me ..And I'll always love you
And if you ever change your mind . . .I'll still, I will love you . . .Time, like a river, keeps on rollin' right on by . . . .Nothin' left for me to do . . . So I watch the river rise . . . .And I'll always love you
Deep inside this heart of mine . . .I do love you . . . And I'll always need you . . .And if you ever change your mind . . .I'll still, I will . . .I'll still, . . I will, . . love you ,. . . .


♥+♥+♥+♥ . . . . Kung may isang memories man akong hindi makakalimutan sa pinagsamahan namin ni Mark maybe ito na yun. I admit na may kung anong kilig akong naramdaman ng hawakan ni Mark ang kamay ko at hilahin ako sa gitna ng bakuran nina Vince, una nag-atubili ako dahil nahihiya ako. But Mark's eyes too convincing para maginarte pa ko. Ilang beses kong narinig ang tili nina Mercy and Lyca pero hindi naging sapat yun para itigil namin ni Mark ang kalukuhan namin. We start to dance mabagal lang yun pero alam ko kung pwedi lang itigil ang oras gagawin ni Mark ang lahat tumigil lang yun. Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yun, for the first time naramdaman ko totoong "minahal" ko si Mark, habang nakalagay ang mga kamay ko sa leeg nya at yung mga kamay nia sa bewang ko i feel na tumutulay kung ano mang pagmamahal meron si Mark sakin. Hindi ko kayang tagalan ang titig ni Mark so i just lead my head to his chest ilang beses kong narinig ang pagbuntong hininga ni Mark, hanggang magkayakap na kaming sumasayaw. Ewan ko kung ilang beses pinatugtug ng mga kumag o ilang sweet song na ang pinatugtog ng mga kumag dahil ang tagal na naming nagsasayaw hindi pa yata natatapos ang kanta pero ewan ko kung bakit ng magkayakap kami ni Mark hindi ko naisip si Jan, ( SORRY) siguro because moment namin yun ni Mark, that one of the romantic momement na si Mark palang nakakagawa sakin. Nang magangat ako ng tingin nakangiti sakin si Mark, i saw the full happiness to his eyes hindi ko man gustong bigyan ng ibang kahulugan ang nararamdaman ko that time hindi ko maiwasang isiping mahal ko pa si Mark pero i know hindi sapat yun para bumalik ako sa kanya. Nagtaka ko kung bakit biglang tumahimik ang paligid nang lumingon kami ni Mark nakita namin na hindi lang pala kami ang pares na nagsasayaw, we saw Mercy with Vince, Jen with Gerald, Gabz with Lyca, Cris with Cherry (his Gf) and Jaypee with Andoy ah wala yun. . .hindi nagloloko lang yung dalawang yun wala daw kasi silang partner mga gago ayaw daw kasing makipag sayaw nina Mitch at Cath. When i looking for Haidie hindi ko sya nakita kung saan nakatayo sina Cath at Mitch habang pinagtatawanan sina Andoy at Jaypee. Mark told me kung sino ang hinahanap ko. Pero hindi ko sinabi kung sino ang nasa isip ko hindi ko alam kung bakit di ko sinabi maybe hindi ko gustong masira ang araw namin ni Mark. hanggang tuluyan na yatang tinupak sina Jaypee at Andoy dahil nagpatawa na ng nagpatawa. Hanggang lahat huminto na sa pagsasayaw at pinanood nalang sina Andoy at Jaypee na sinasabayan ng interpretation yung sweet dance ah kung hindi mo kilala yung dalwang yun na matinik sa mga chicks baka aakalain mong totoong mga bakla.

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . That night was so memorable, most romatic and happiness night hindi lang para samin ni Mark, kundi sa buong Cyber, ewan ko kung kailan ulit mauulit yun but the important is naging masaya kami. We not question kung ano man ang nangyari samin ni Mark that night. Walang nagtanong dahil alam namin ang sagot, we still love each other pero hindi na pwedi. because i have Jan and He have Haidie, and speaking of her hindi na namin sya nakita after the DANCE moment ewan ko kung paano sya nawala, kung bakit di manlang sya hinanap at sinundan ni Mark i dont care and i think that is not my business. 11 pm na ko hinatid ni Mark sa Victoria ko na sya pinadaan doon ako bumaba sa tapat ng pinto namin dahil alam ko kung sa GDR kami dadaan kahit sa kanto lang nia ko ihatid hindi ako makakaligtas kay Jan. I know I'm bad dahil para ko naring ninloloko si Jan pero wala akong ginagawang masama, Mark and I was just a friend at kung masama mang tingnan na nakikipagkaibigan parin ako sa x ko i think hindi ko na problema yun. Kung may ginagawa man ako ngayon at maituturing na panloloko sa kanya un pwes SORRY pareho lang kami. Kahit manlang sa ganitong paraan makabawi man lang ako sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing iiwan nia ko at ipagpapalit sa iba. I told Mark na wag masyadong mabilis magmaneho at wag ng uminum ng marami, its too late kaya kahit na hindi ko sya gustong paalisin I think he needs to go lalo na at nakita kong paparating sina Ama, Jason (baba) at Bubu. " buti nalang di madaldal yung tatlong iyo." hay buhay........... when Mark's gone nakaramdamam ako bigla ng pagod. Kaya hindi na ko lumabas after that. Kahit sinabi sakin ni Rocel na hinhanap daw ako ni Jan kanina pa. When i asked her kung ano ang sabi nia, sinabi daw nia na hindi ako pinalalabas ng lola ko, I smile a little alam ko kahit kailan maasahan ko yung mga pinsan kong iyon, kahit mga bata pa sila sakin sila na yung tinuturing kong kabarkada dahil wala naman akong kaidad sa lugar namin. Kaya i know i always count to them ( ROCEL, PUNGGAY, GRACE, ROSE ANN and JANICE) kaya alam na nila kung ano ang sasabihin just incase wala ako at hinahanap ako ni Jan, they know kung paano ako ilulusot kahit sa mga lola ko.Kaya natawa ko ng sinabi iyon ni Rocel sakin kahit wala akong binilin sa kanila alam na nila kung sino ang kasama ko. Isang kweto lang kapalit nun, yung kwentong magpapakilig sa batang puso nila, at syempre hindi ko naman sila kayang biguin nagkwento ako kung ano ang nangyari sa PARAISO........ " I wish when time cames at nasa panahon na sila ng panahon ko nagyon i hope they experience the wonderfull things in life, ma-appriciate din nila na ang pagsakay sa rollercoaster hindi lang nakakatakot at nakakalula dahil the truth is napakasayang pakiramdam ang makasakay sa rollercoaster lalo na kung may mga kasama ka na nagmamahal sayo."

to be continue. . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 57

♥♥♥♥♥. . . . . . VACATION TIME . . . .
Bukas gradution na nina Mark, next week simana santa na ahhhh kainis hindi na tuloy ako masyadong makalaboy kaya ayun sinsamantala ko ang pagakakataon na isang linggong kalayaan ko. Nagpromise ako kay Mark na pupunta sa graduation nia kaya kailangan ko nanamang tumakas he he he. . .
. . . . Niyayaya ni kuya Jhun at Abet sina Jon, Mhaei at Gerl, na mag sobre Girls pero sabi nila Jon, try daw nila kasi alam mo na. Si Mercy naman sinabi ko kung gusto rin niya kasi sabi nia nababato daw sya sa bahay nila lalo na at busy nga sina Mark dahil graduating. Ok daw sama daw nia yung dalwang pinsan niang si Jen at Mitch basta daw kasama ko. Pero malamang sa hindi may sarili kaya kaming samahan saka hello himala kung payagan ako ng mga lola at lolo ko eh allergy un kayna kuya Jhun. Pero hindi ko iyon sinabi kay Mercy ok lang naman sya dun nandun si Kuya Jhun di sya nun pababayaan.

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . Graduationday nina Mark and Vince, after yung incident sa bahay nila ngayon lang ulit kami nagkita ng mama at papa ni Mark pero lahat ng kaba ko at takot kanina nawala dahil mainit parin yung pagtanggap nila sakin. Kaya naging ateast uli ako. Wow ang x ko ang pogie naman. Bagong gupit. Bago magsimula yung ceremony nagpicture taking muna kami, (sayang nga hindi ko nakuha yung copya ko kay Mark nawala na kami ng time eh) wala yung ibang kumag kasi malamang mamaya sa bahay nina Vince na yun tumuloy dun kasi magce-celebrate sila Mark. Try ko nga lang kung makakapunta ko. Habang ginaganap yung ceremony ng graduation ni Mark at Vince hindi ko maiwasan malungkot. Alam ko malaki ang magiging pagbabago kapag nag-colleges na sila. Sana nga magkatotoo yung sinabi ni Vince na kahit na ano walang magiging dahilan para mawasak ang CYBER kahit daw oras at panahon, distansya at lugar mahalaga daw nasa puso namin ang isat-isa. ( hay CYBER's nasan na kaya kayo ngayon). After grad, diretso kami kayna Mark, kumain muna kami ni Mark roon then after a couple of hours sumunod na kami kyna Vince dahil nandun naraw yung mga kumag. I saw Haidie. pero simpleng ngiti lang tapos nakipagchikahan na ko kayna Mercy at sa dalawa niang pinsan. I dont know kung anong meron si Haidie at iniiwasan ko syang makasama sa iisang lugar. I admnit nagseselos ako sa kanya pero natural lang naman yun kasi x ko si Mark at dati ako yung binibigyan ng atensyon ni Mark na napupunta sa kanya ngayon but I'm not selfish, alam ko wala na kong karapatan for Mark pero karapatan ko parin maramdaman kung ano mang nararamdaman ko beside walang sinasabi si Mark na sila na ni Haidie at kung meron ngang SILA i think hindi sya dapat pumapayag na magkasama pa kami ni Mark unless hindi sya selosa. But all feelings i have for Haidie,?? i just keep it in myself , basta sakin nalang yun i dont want anyone knows about that lalo na si Mark masaya ako para sa kanya dahil he over me. Kung nalulungkot man ako natural lang yun dahil " X " ko nga sya yun lang yun. .
.( yun nga lang ba).
. . . . Tumawag ako sa bahay, buti nalang si Lola na kasagot pinayagan naman ako, basta wag lang daw papagabi ''naks, naorasan ko ah" well ayun lang naman ang gusto ng lola ko nagpapaalam ako kung saan ako pupunta. Kaya yung sinabi kong birthday ng classmate ko pinayagan naman ako. Naku' buti hindi isa sa mga Dragon ang nakasagot dahil kungdi patay ako he he he he. So we celebrate. . .kaya lang banas ayaw akong painumin ni Mark, nagtatalo pa nga sila nina Jaypee dahil Kill Joy daw si Mark, ba naman kasi kahit isang shot ayaw manlang ako painumin, sya nalang daw iinum ng sakin. "Eh bakit si Haidie pinaiinum nia" pero hindi ko yun sinabi ah . naging masaya naman yung celebration ng Graduation, completo sila yung medyo may mga tama na nga mga nagsayaw pa sila. Happy ako dahil nakilala ko ang Cyber, sila nagturo sakin kung pano sabayan ng sayaw ang buhay, hindi man leteral na pagsasayaw ang tinuro nila sakin, i learn form them kung paano wag resyosuhin ang problema, take it easy kung baga. Dahil daw lahat ng problema may sulusyon katulad ng sayaw may tamang step at may tamang tempo. Ang cyber ang natago sakin sa realidad ng buhay kapag kasama ko sila walang puwang ang lungkot kung meron man sadali lang yun. Kung may lugar akong babalikan pagdating ng araw iyun ang VILLAGES dahil para sakin un ang paraiso ko, dun di ako nakakaranas ng sakit, ng lungkot o kahit na anong paghihirap. Habang nagsasayaw sila nanonood lang ako kahit anong pilit ni Mark na sumayaw ako hindi ako sumayaw at di ako sasayaw sa tigas ng katawan ko malayong mahiya pati kawayan sakin. he he he. Pero pinagtripan nanaman kami ng mga hinayupak ayun ang pop music at hihop na kanta pinalitan ng sweet at ang galing mamili talang team song pa namin ni Mark " I'LL ALWAY'S LOVE YOU." ahhhhh mga baliw. . . .
to be continue. . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 56

♥+♥ I'm so sad halos wala nang isang bwan magbabakasyon na, ewan ko ba kung bakit imbes na maging masaya ako dahil tapos na ang school days ito ako at nalulungkot ako. Maybe dahil i know daig ko pa nakulong. Hay ano kaya mangyayari sa third year ko san mas exciting kesa sa year na to'. Matatapos na ang school year pero hindi parin kami nagkakausap ni Kim i tried na kahit papano magkaayus kami kaso i think sya narin naglagay ng wall sa pagitan namin lagi ngan nagcucuting sa Foods subject ewan ko ba dun. Kaya ka I told Rogelio and Leonard na pagsabihan si Kim sayang kasi kung babalik pa sya sa 2nd year.
. .. . .. . Kung kami nina Jon, Mhaei and Gerl, abala sa mga project for finals and pagreready sa periodical Test eh sina Mark naman busy sa nalalapit nilang graduation. Ito pa nga ang isang sad eh, Next year sa FEU na mag-aaral si Mark, kakainis malamang hindi na kami masyadong magkita-kita. Si Vince yata sa JRU ano kayang mangyayari sa mga sa Cyber sa schedule nila. Hindi na sila pare-pareho ng time, paano ang practise. Yun nga yung pinaguusapan nila nung isang araw. Hmp kaya i feel someting sad at naramdaman ko rin yun sa kanila. Sana naman yung pinaghirapan nila ng apat na taon hindi masayang lang ng ganun-ganun. . . .
. . . . . . Sa house masaya kahit papano kasi kahit sarado na yung Video shop hinyaan naman ako nina lolo at lola ba buksan yung pintuan namin so doon kami tumatambay. Pero mas madalas lang dun sina Kuya Jhun, Kuya exor at Abet kasi nga may pinagagawang project si Kuya jhun sakin. Simula ng nag-away si Dennis at Jan last day hindi pa kami nakakapagusap ni Jan, hindi nia kasi ako hinatid at hindi ko rin sya nakita ng umuwi ako. Pero there something bother me sabi kasi ng mga cousin ko parang palabas lang yung away nina Dennis at Jan, parang scripted ewan ko pero hindi malayong mangyari iyon dahil minsan nang nagawa nina Dennis at Granth iyon nagsapakan kunwari sa harap nina POPS at ICAY pero pagkaalis nung dalawang gagang babae nagtawanan at parang walang nangyari, ewan ko ba may mga sayad na ang ulo. Sabi nila para daw matigil lang yung mga girlfriends nila sa kakaungot " ng ano" ah ewan hindi ko talaga maintindihan ang ugali nila. Kaya mas lalo akong naghinala sana lang wag tama dahil oras na mangyari yun' baka makapatay ako ng IPIS. Takot pa naman si Kuya Jhun sa ipis he he he ( lalang naalala ko lang he he hehe.)

♥♥♥♥♥. . . . . . Mercy call me last afternoon wala lang gustong makipagkwentuhan pero mainit ang mga ulo ng mga dragon samin ewan ko kung bakit. Kaya hindi pweding magtagal sa phone. Pero hindi naman saming magkakapatid. Medyo na dadamay pero ok lang yun as long hindi kami masasaktan dahil kapag nangyari yun naku kalilimutan ko kung sino sila sa buhay ko lalo na at kapatid ko ang masasaktan. Ok lang kahit anong sabihin nila salita lang yun masakit nga pero immune na yata kami sa lahat ng masasakit na salita na binibigay nila samin wag lang hahantong sa pagbubuhatan nila kami ng kamay dahil talagang ewan ko kung anong magagawa ko sa kanila. Well as of now hindi pa naman sila ganun kahit papano mababait din naman ang mga dragon makitid lang talaga mga utak nila. Sometime iniintindi ko nalang lalo at at mommy always say's na konting tiis, kunting sakripisyo, i dont know kung hanggang kelan yung "konting" yun but still what ever, we like it or not we need to wait, ok na naman ng konti nakakapag-adjust na kami sa magdadalawang taong wala si mommy ganun rin sina lalo lolo at lola, siguro kaya medjo naghihigpit sila dati dahil yun yung first time na inalagaan nila kami since ipinanganak kami pero ngayon nasasanay narin siguro sila katulad namin. Kaya hindi narin kami madas napapagalitan. Umiiwas nalang kaming makagawa ng mali dahil oras na mangyari yun naku buong kasalanan namin sa buong taon ililitanya. . .ayyyy grabe kaya nga hindi ko na kailangn magsimba dahil araw araw naman mga sermon sa bahay. . . . ..

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . .. Hindi ko alam kung bakit apektado parin ako ng malaman kong palabas nga lang ang away nina Dennis at Jan, on the side of my head thankful ako dahil walang friendship na nasira under my name but yet there's something inside of me na nasaktan dahil after all i proved na hindi ako kayang ipaglaban ni Jan, aaminin ko iniyakan ko yun, tao rin ako kahit gano kalawak ang isip at pang-unawa ko minsan nagiging makitid rin ako lalo na pagdating kay Jan. ewan ko ba kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi na ko iiyak ng dahil sa kanya wala parin akong magawa ito parin ako. iiyak at umiiyak. The only things i can do is to keep my self what ever feelings sa lahat ng mangyayari un nalang magagawa ko para sa sarili ko. Hindi ko gagawin na ipaalam kay Jan na patuloy parin nya kong nasasaktan, hindi ko sya bibigyan ng kasiyahan malaman kung hanggang saan ko sya kayang mahalin hihintayin ko nalang yung araw na iganti ako ng tadhana sa kanya.
♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . . Sabi ni Jan pinagbati daw sila nina Abet at Kuya Jhun, pero hindi ko nalang inintindi yun hindi ako nagsalita at hindi rin ako nagreact ng kahit na ano. Maybe isinarili ko nalang kung ano man yung nararamdaman ko at iniisip ko kaya kahit na nasa harapan ko sina Kuya Jhun, Jon at Gerl hindi ko alam kung ano yung pinagkukuwentuhan nila. Dumating sa house si Abet sinundo si Kuya jhun dahil mababasket ball daw sila kaya habang wala yung mga kumag gumawa kami ng assignment. Nagtatampo nga si Jon ng umuwi kasi kung kelan pauwi na sila saka lang dumating sina kuya Jhun at Abet. ang alam ko napagisi-isip ni Jon na bigyan ng chance si Abet balita ko rin wala na sila ni Garry dahil walang time yung gagong yun para kay Jon mas importante pa yung banda nia kesa kay Jon. Mas ok na yun lagi naman pinaiiyak ni Garry si Jon eh, if you asking Mhaei, busy sa bf nia pero may topak din yung relasyon ng isang iyun kasi away bati rin sila ni Ronald. . . .
♥+♥ . . . . . . . Malapit na ang "SIMANA SANTA o MAHAL NA ARAW" kaya puspusan ang practise ng SKSK (iyong samahan namin ng mga kapatid ko) at syempre minsan nanonood din ako ng practise nina Jan. Ayun nga lang sandali lang kasi alam mo na baka mahuli ng mga dragon. Minsan nga nanood kami nia Grace at Punggay sa pag-asa kasi yung mga SR. na samahan nagprapractise din sa GDR kaya iyon sa pag-asa sila nagpractise sa tapat ng bahay nina IAN. Naasar nga ko kay Abet kasi hintaw ba naman si Jan ng sinturon sa likod pwedi namang sawayin, palibhasa sya yung president ng samahan nila pero that was bad hindi dapat nia pinanghahataw ang sinturon sa tao o kahit nga sa hayop. Kainis naasar tuloy ako. Minsan naman nabalitaan ko naasar si Jan kay NOEL isa sa mga kasamahan namin sa SKSK nakita daw kasing inaasar ako ( hmp if i know jealous lang sya) wala naman yun talaga lang mangaasar yung PILATO naming yun'. Minsan naman naasar ako kayna Abet at Kuya Jhun kasi inis-schedule nila yung practise nila sa HALINA, kahit ayus na kami ni Jan hindi ko parin makakalimutan yung atraso sakin ng mga babaeng yun' hindi ko basta maaalis kung ilang beses akong parang namatay ng dahil sa walang kwentang JOY na yun, kaya nga minsan hindi ko maiwasang maghinala kapag pumupunta parin dun si Jan para magbasketball pero syempre kahit wala na kong tiwala sa kanya kalayaan parin nya yun kaya kahit nasasaktan ako sinasarili ko nalang. Buti nalang at nagbago ang isip ni Kuya jhun ( loves talaga ako ng kuya ko) na ilipat ulit sa GDR yung practise kaya iyon doon sila nagpractise at nanood naman ako. Ok na sana happy na yung araw ko kaya lang biglang may dumating na ASUNGOT sina Icay, Lyca, Annabel, Roda at Pops sinusundo yata sina IPIS. Pero kesa masira ang araw ko hindi ko nalang sila pinansin. I dont waste my time for those stupid girls. Kaya yung pinagtripan namin sila na titingin sa kanila saka kami tatawa nina Rocel, Pungay,Rose Ann, Janice at Grace mukhang napikon ayun alis ang mga luka-luka. At mukha namang nahalata nina Dennis kaya yun after ng practise nila sinundan yung mga hitad he he he sorry ganto talaga ko kapag nasasktn lumalabas ang sungay. . . . .
To be continue. . . . .

Friday, February 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 55

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . Nagkausap kami ni kuya Jhun at Abet, nadun kasi sila sa house binuksan ko kasi yung pintuan namin dahil may ginagawa kaming project ni Kuya Jhun, sabi nia kung gusto ko daw gumanti sa mga babae ng Halina tiyakin ko lang daw na nandun sya ara wala daw makikigulo at di daw ako masasaktan he he he he ( sweet talaga ng kuya ko kahit kailan).
. . . . . . tinawag ako ng mga pinsan ko habang gumagwa kami ng project ni kuya jhun, nanjan daw yung mga taga-halina. hinintay kong dumaman sina Indoy at dennis kasama sina Lyca, Icay at Roda. Para sakin ito na yung pagkakataon ko para gumanti kay dennis i know hindi sya makakapiyok kapag nanjan si Kuya Jhun, hindi ako ganun ka-bad person pero dahil sa ginagawa nia sa relasyon namin ni Jan i think he better get some lesson to learn. Pero mukhang maparehong mainit ang ulo namin ni Dennis kaya nagkasalubong ang galit namin sa isat-isa. sabi pa nga ni Dennis kung " kung sino ba daw yung pinagmamalaki ko yung Boyfriend ko tawagin ko pa daw yun at sila magharap" pero hindi ko yun inintindi alam ko na hindi ako kayang ipagtanggol ni Jan dahil si dennis ang kaibigan nia na hindi pweding palitan. Pero mga pinsan ko tinawag nga si Janjan parang mga timang. Halatang galit na galit na sakin si Dennis lalo na at sinabi ko na bagay sila ng gf niyang palengkera. at himala ang Icay di pumapalag inaawat lang si dennis at akmang susugurin ako ni Dennis pero lumabas si Kuya Jhun, ( naku buti nalang lumabas si Kuya kundi baka nakapatay ako ng IPIS he he he he). Kahit hindi pa nagsasalita si Kuya Jhun tumahimik na si Dennis at umalis ( takot ka pala eh) pero eto naman si Jan at Tony sinundan pa sina Dennis at Granth sa igiban, at ako namang si gaga umawat pa muntikan pa tuloy akong masuntok pero ng nagpunta na sila sa Victoria hindi ko na sila sinundan ( bahala kayong magpatayan).
Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot, masaya dahil nakita ko kung paano ako ipinagtanggol ni Jan pero malungkot dahil kailangan pang may masirang pagkakaibigan ng dahil lang sakin ahhhhhh ewan baliw nga ako diba, nagagalit kapag hindi pinagtatangol ngayon namang pinagtatagol nalulungkot ahhhhhhh ewan sayo baliw. . . . . .


♥♥♥♥♥. . . . . . Mark call me nagulat nga ako at ang mukong naisipan akong tawagan. After yung insidente kayna Mercy hindi pa ulit kami nakakapgusap, dahil wala naman talagang dapat pagusapan. wala lang daw nami-miss lang daw nia ko. "Hmmmmp Mark Salviron hellooooo!!" sira talaga to'ng lalakeng to' nanahimik na ko at tahimik na nanggugulo nanaman. Sabi nia joke lang di na daw ako mabiro " biro ka jan" well walalng talaga lang nangaasar lang ang hinyupak kakatapos lang daw kasi ng graduation nila sa CAT kaya wala daw syang magawa kungdi mangulit sabi ko " bakit ako kinukulit mo di si haidie"

" hoy jealous"

" jealous ka jan jealousin mo mukha mo" nagseselos nga ba ko (+_=) di naman ah!

" parang di kita kilala boses mo palang nagseselos kana"

"ogag ka selos ka jan tigilan mo ako, Mark babu!" pero hindi ko pa inabababa yung phone narinig ko na kung paano humalakhak ang gago. Baliw rin talaga yung isa yun. Alam ko kung bakit tumatawa yun dahil alam niang pikon na ko at talo nia ko. Hmp MCS wag ka nang makisama sa gulo, ang gulo-gulo na nga eh!!!

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 54

♥+♥ MARCH 16, 3rd Monthsarry ♥+♥
. . . . . . Kahit na nakapgusap na kami nung isang araw may kunti parin kaming misunderstanding ni Jan kaya eto ngayon kahit monthsarry namin parang wala lang. Buti nalang nasa bahay sina Kuya Jhun, Jon, Gerl and Mhaei dahil kung hindi magmumukmok nanaman ako sa wala sa oras. Pero bago umuwi sina Jon at Gerl sinabi ni Tony na mag-usap daw kami ni Jan kaya ayun nagpaiwan si Mhaei para may dahilan ako na makapunta sa pag-asa dahil dun kami mag-uusap.
hay naku ano pa bangmagagawa ko after na umiiyak, isang sorry lang wala na tapos na. ewan ko ba marinig ko lang yung "SORRY" ni Jan hindi ko na magawang magalit. Kaya ayun after na batiin nia ako ng Happy Monthsarry naghiwalay na kami kasi gabi na. Happy na ulit. . . . . " naku masanay ka na hanggang huli ganyan ang storya namin AWAY bati at BATI'T AWAY. . . ."
♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . .. wew for God Sick, bumalik ang "Babaeng walang Hasang" kasama pa ang mga barakong hindi ko alam kung taga palengke sa sobrang bungangera buong GDR yata natulig sa Apat nayun. Grabe, subugod sina Icay, lyca, Pops at Joy sa bahay. Kumakain ako ng tinawag ako ni Punggay, buong akala ko pa naman kung sino mga bruha lang pala. Naku po di na ko nagtataka kung bakit syota nga ni dennis to'ng si Icay aba grabe ang bungannga malamang mahihiya yung naglalako sa palengke parang hindi sa private nagaaral. . . Buti nalang dumating sina Kuya jhun kasi talagang di ko kaya, hindi ko kayang pigilin yung sarili kong di pasakan ng pamasak ang mga bibig, grabe isa palang sinasabi ko tila buong lintanya ng pare ang sinabi, ang lakas pa ng boses akala mo nasa palengke kami. Mukhang hanggang bunganga lang naman hay naku di nga nagkamali na syota sya ni Dennis parehong madaldal wala namang binatbat. . . . BARAKONG KUNO!!!!

♥♥♥♥♥. . . . .
Nagpunta ako kayna Mercy wala lang PEHM kasi eh maaga pa saka wala akong balak umuwi ng maaga ei sina Jon, Mhaei at Gerl umuwi agad ayaw din tumambay samin kaya kesa magmukmok ako dun nagpunta nalang ako kayna Mercy, nagulat nga sakin yung bruha aba sabi ba naman "problem?" napasimangot tuloy ako pero hindi totoong simangot yun, ba naman kasi ngayon lang ulit kami nagkita tapos tatanungin kung anong problema. "kasi daw nagpupunta lang ako dun ng hindi sinusundo kapag may problema ako" alam ko totoo yun pero this time wala talagang problema siguro nasanay narin ako sa away bati namin ni Jan lambingan na siguro namin yun walang isang linggo na hindi kami magaaway sa isang araw. Trip ko lang magpunta dun, pero mukhang ako yata ang pinatri-tripan ng pagkakataon kasi nandon si Mark kasama si Haidie and this time hindi ko sila agad nakita, nalaman ko lang na nandun sila ng bumaba sila galing sa Entertainment room nina Mercy. Hindi ako nagtanong kung bakit nandun si Haidie, hindi rin ako nagtaka pero nagulat ako na alamang nandun sila at doon pa sa kwaro na sila lang dalawa. Kaya tumahimik nalang ako ewan nalunok ko yata dila ko eh, Yung binati ako ng "Hi" ni Haidie nag- hello lang ako. Tapos nun di na ko nagsalita pero ewan ko kung bakit parang nahirapan akong huminga sa nakikita ko. I saw Mark staring at me alam ko hinuhuli niya ang mata ko pero umiwas ako. I tel Mercy na nagugutom ako kaya pamieryendahin naman nya ko. Pero totoo ginawa ko lang yun para makaiwas sa nagtatanong na mata ni Mark. Para naman hindi maging obvious na nagulat ako, kailangan ko yun kahit hindi ko alam kung bakit, dahil alam ko hindi ko alam ang isasagot ko kung bakit bigla akong nalungkot samantalang ng dumating ako dun puno ako ng sigla, na ewan ko kung bakit si Mercy lang naman ang inaasahan kong makikita ko dun pero bakit ganun. ahhhhhh ewan kaya pinilit kong ibalik yung sayang nararamdaman ko para hindi mahalata ni Mercy na nagiba yung mood ko. After naming kumain nag table tennis kami then nag srable hanggang mag-alas kwatro nagpaalam na ko. Hindi ko alam kung nandoon parin si Mark at Haidie that time pero ng sinabi ni Mercy na ipapahatid nia ko kay Mark sinabi kong okei lang maglalakad nalang ako palabas malapit lang naman saka nakapaglakad nga ako papasok dun palabas pa kaya. 5 blacks lang naman eh kaya ko yun. Pero habang naglalakad ako ewan ko kung bakit malungkot ako, buntong hininga ko ng buntong hininga parang di ako makahinga, bakit ganun yung pakiramdan ko para akong naglalakad sa bwan. ang bagal kong maglakad, feeling ko kanina pa ko naglalakad pero hindi parin ako makarating sa dulo. parang ang bigat ng dala ko. Pero blangko naman ang isip ko, (blangko o binablangko) hmp ewan ko basta yun yung pakiramdam ko hanggang sa makauwi ako, hanggang sa makatulog ako yun ang pakiramdam ko. kung ano man yun ayuko ng isipin. . . . . .
to be continue. . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 53




♥♥♥♥♥. . . .TWO WEEKS. . . . halos dalawang linggo bago naglakas ng loob si Jan na ayusin ang gusot sa pagitan namin. Hinayaan ko syang maramdaman kung paano ko magalit at iparamdam sa kanya na kaya ko ring maging bato para sa kanya. Nagulat ako dahil bigla nalang sumulpot si Jan kaninang daling araw hinatid ako, pero bago ko sumakay nag-usap muna kami. " kung galit parin ba daw ako dahil kay JOY" (" bakit jan anon nalang ba kadali iyon, hindi mo ba alam kung paano mo ko ilang ulit na pinatay ng dahil dun" )kung pwedi ko lang isa tinig ang lahat ng nasa isip ko iyon ang sasabihin ko pero nungkang gawin ko pa ulit magpakababa para kay Jan. Tapos na pagiging martir ko, ipinangako ko na sasarili ko na oras na magkabalikan kami ni Jan ako naman ang magpapakiyak, ako naman ang magpapatikim sa kanya ng sakit. " Gawa gawa lang daw lahat ni dennis ang tungkol sa kanila ni Joy pati nga daw yung kay Pops at Abet pero ang totoo syota ni Grant daw yung Pops" " gawa-gawa na sinasakyan mo, na hindi mo magawang magalit dahil totoo, Wag akong maniwala para maging tanga ako, Jan, kung gawa-gawa lang iyon bakit di ka magalit kay Dennis, kung talagang mahal mo ko ipaglaban mo man lang sana ko, nakikita mong nasasaktan ako pero ano imbis na magalit ka at pagsabihan mo si Dennis kasama ka panya araw araw papuntang halina, ano tayo naglolokuhan! Alam kong kaibigan mo si dennis at kung ako nasa kalagayan mo oo pipiliin ko ang kaibigan kesa sa sariling kong syota pero kung ang klase lang ni dennis ang kaibigang ipapalit ko sa mahal ko hindi na mas mabuti pang mawala na sila pareho kung sya rin lang. . . ." pero sadyang tanga nga ako dahil matapos ng lahat ng suinabi ko, sinabi ko kay Jan na kalimutan na yon siguro dahil nakalipas na yung sama ng loob ko kaya ko iyon nasabi. Pero sa loob ko nagbitaw ako ng isang pangako " Balang araw Jan, Mararamdaman mo rin ang sakit na ginagawa mo sakin. ipaparamdam ko sanyo ni dennis na nagkamali kayo ng sinaktan."
♥♥♥♥♥. . . . nagkasabay kami pauwi ni Grant sa ANHS nga rin pala sya nagaaral third year, pero di ko alam kung kakilala nia si Cris na Cyber na kakilala rin ni BONG. Tinanong niya kung hinatid ba daw ako ni Jan kaninang daling araw, sinabi rin nya na hindi naman daw totoo yung tungkol kayna Jan at Joy binibiro lang saw nila si Joy dahil mukhang may gusto kay Jan, pati narin daw si Abet dahil crush daw yata ni Abet yung gf nia. Ngayon mas lalo ko lang naintindihan pare-pareho kayong mga GAGO ahhhh ewan ko ba kung bakit may mga babaeng nagpapakatanga sa mga lalakeng katulad ng mga to' pero hindi nalang ako kumibo. Kahit papano alam kong labas ako sa isue nina Grath at Gf nia. Sino ba naman kasing boyfriend ang ipagmamalaki pang crush ng tropa nia yung gf nia ahhhhhh mga baliw yata pare-pareho tong mga AHO'ng to'.
. . . . . .. Maliwanag na kung sa maliwanag ang lahat, pero wag lang magkakamaling tumapak ang mga babaeng iyon sa teretoryo ko dahil magkakalintikan kami. Lalo na at nagsumbong sakin ang mga pinsan ko na sinabi daw ni Joy na kapag nakita ako sa halina sasampalin daw ako. Pati daw yung syota ni dennis na si Icay, na ilulublob daw nia ko sa putik kapag nagkita kami.. wel lets see kung magagawa nio dahil ewan ko nalang kung makakaya nio pang gawin yan oras na maunahan ko kayo. Hindi nio pa ko kilala baka magkasubukan kami matamilmil sila... . . (" best mare kung ano man mababasa mo sa pages na to' dati pa to ha peace tayo honest lang ako sa nararamdaman ko that time muah love you Icay, mis you").
. . . . Pero mukha nga yatang sinusubok ng mga bruha ang paasensya ko, naglalaro kami ng volleyball sa labas ng bahay ng mga tito ko ng dumating ang "bangos na walang hasang" ( JOY ) na may isang kasama na ngayon ko lang nakita. Aba at sinugod ako at sinabing wala na man daw syang sinasabing sasampalin ako, " aba na bahag yata ang buntot" at sabi pa ano ba daw pakialam nia sa boyfriend ko eh hindi nga daw nia kilala yun sino ba daw iyon " ah ganun ba papapakilala ko sayo gusto mo" naku buti nalang pinigilan ako ni Grace kung di nasapak ko na yung babaeng yun. eeerrrrrr balak pa yatang laitin ang boyfriend ko..... ahhhhh kung di lang dumating sina Dennis at tinawag si Joy kasama si Annabel na katulong pala daw nina Icay baka hindi na talaga ako nakapagpigil. Aba akala mo naman may gera buong AHO yata nagsilapit samin. Hmp banas....... ano aawat ba kayo o makikinood lang ng sabong.... bago ko pa mapagbuntungan ng inis ko si Jan pumasok na ko ahhhhhhh ewan ko na talagahhhhh. . . .
Ah Dennis hindi pa tayo tapos, yung syota mo hindi ko pa nakakaharap. Isasampal ko sa kanya ang isinabi nyang ilulublob nya ko sa putik pagnakita kami. Tingnan lang natin sinong magmumukhang putik. . . . .
to be continue. . . . . . ..

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 52


♠ ♠ ♠♠ . . . . .I thought si Jec lang ang magiging karibal ko kay Jan, maybe hindi ko lang naisip na minsan nang nagawa ni Jan bakit hindi pweding ulitin. This past few days napapansin ko na lagi silang nagpupunta sa kwatro kantos lalo na at sabado't linggo. Una hindi ako naghinala dahil sabi ni Jan nagbabasketball daw sila dun ( malay ko bang ibang basketball pala yun) kaya hindi ko nalang pinansin yung mga naririnig ko lalo na at galing pa kay IPIS (Dennis). Pero dahil nga gaga ako at tanga pa niloloko na pala ako hindi ko pa alam. Hanggang isang araw galing kami ni Janice sa bangko nung dumaan kami kanina si Dennis lang nakita ko at si Granth pero ng pauwi na kami nakita ko si Jan nandun narin sa tambayan at sa hindi ko malamang dahilan eh kumulo bigla ang dugo ko ng makita kong may mga babaeng kasama sila sa loob ng bahay nina Abet ( yun nakasi ngayon ang bagong Video shop dahil wala na nga yung sa mga lola ko) i know those girl naikwento na sakin nina Rocel na madalas nga daw nasa halina sina Dennis dahil sa mga babeng iyon ( tanga edi ba si Jan madalas din sa Halina) kaya nalaman ko yung mga pangalan nila kahit hindi ko pa sila nakikilala. Those girls was Icay ( Romarica Gonzaga) Gf ni Dennis (" bestfriend dati pa to' ha walang samaan ng loob he he he") then yung isa si POPS ( gf ni Granth) si Lyca na may gusto daw kay Dennis ( may nagkamali sa ipis sabagay magkamukha naman sila) and the last one eh si Joy ( bungal daw sabi ng mga pinsan ko pero feeling maganda). " ano bilib na kayo sa mga agent kong magimbistiga talagang ganyan kinikilala muna ang kalaban bago pataubin he he he ." Una hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni Dennis alam ko namang pinagseselos lang ako ng hinayupak na IPIS pero ang pinakamasakit at hindi ko inaasahan eh yung tawagin ni Dennis si Joy, " JOY tawag ka ni Jan may sasabihin daw sayo." nakalagpas na kasi kami ni Janice nun kaya di ko alam na paalis narin pala at nasa likod namin ang mga bruha kaya bigla akong napalingon sa sinabi ni Dennis at kitangkita ko nang bumalik si Joy at pumasok ulit sa bahay nina Abet, gusto ko sanang sugurin pero hindi nalang may pinagaralan naman ako. Pero ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang ginawa sakin ni dennis pati narin ni Jan dahil kung hindi nia ko niloloko alam niang naririnig ko ang sinasabi ni Dennis pero wala syang ginawa para pigilan iyon. . . . Kaya sa sam ng loob ko hindi nalang ako lumabas. Buti nalang sabado. . . .
. . .. . " ito nanaman ako, umiiyak, sino ang kasama? at sumbungan? ito mga unan, pader at kumot sila lang naman ang makakarinig sakin, sa kanila ko lang masasabi kung ano yung tunay na nasa loob ko. ayaw ko munang tawagan sina Mhaei, Jon at Gerl lalo na si Mercy. same problem rin naman at i know isa lang ipapayo nila "IWAN KO SI JAN" kung minsan nga iniisip ko tama naman sila kung ganito na lang lagi nalang akong masasaktan kahit na mahal ko si Jan mas mabuti nga sigurong maghiwalay na lang kami kesa ganito away bati, batit away nakakasawa na. . . . ewan ko nga ba kung bakit mahal na mahal ko si Jan, kahit ilang beses na nya kong sinaktan, iniwan at ipinagpalit ito parin ako mahal na mahal ko parin sya kahit na minsan gusto ko nang magtanong kung talagang mahal nga ba nya ko dahil kung totoo yun hindi nya ko hahayaang masaktan ng ganito. . . ."
. . . . . . Kaya ayukong ayukong sasama ang loob ko nagre-rebelde ako. . . ugali ko na yun, ang magrebelde ng patago sa tuwing nasasaktan at sumasama ang loob.,, kaya minsan kailangan ko ng divertion o pagbubuntungan ng galit para hindi ako makagawa ng bagay na minsan sa huli ko nalang pinagsisisihan wala akong paki alam kung mapahamak ako o hindi basta kapag nagalit ako at nasaktan gagawin ko kung anong gusto ko. . .. maagang natulog ang mga lola ko narinig klo naring nagsitaas na ang mga dragon pero ako eto gising pa umiiyak pa hanggang ngayon ewan ko kung bakit hanggang sa mga sandling iyon ang bigat parin ng loob ko kahit naiiyak ko na sa mga pinsan ko ang sakit nanararamdaman ko sabi nga nila " ano daw ba ginawa ko kay Dennis para saktan ako ng ganito at bakit hinahayaan ni Jan na gawin ni Dennis sakin ito'" sabi ko sa kanila " asa pa kayo natural kaibigan si Dennis eh ako babae lang ako ni Jan kahit kailan pweding palitan" kaya naisip ko kailangan kong lumabas hindi ako matatahimik kung magkukulong lang ako. tinwagan ko si Mark ng palihim sabi ko sunduin niya ko sa pintuan namin dati. " mark knows kung saan ako dumadaan kapag tumatakas, akala kasi ng mga lolo ko ipinako ko nayung pinto sa dati naming bahay pero ang totoo nakasuksuk lang yung pako pero di nakabaon kaya kapag gusto kong tumakas doon ako nagdadaan at doon din ako malayang nakakapasok para bumalik" (galing ko noh!). Malayo palang yung motor ni Mark inihinto na niya yung engine ng motor nia para hindi maging maingay pagtapat sa bahay. tatlong busina ibig sabihin sya na yun. Nakiramdam muna ako kung may gising pa samin pero dahil alas 12 na nun at Sunday pa kaya maagang nagsi-uwi at natulog ang mga dragon dahil may pasok at trabaho bukas. Mark didnt asked anything nang makita nya ko at makalakpas yung motor nia sa kanto ng Victoria pinaharurut na nya yung sinasakyan namin. Sa bahay nila kami nagpunta ( saan pa nga ba) kahit atubili akong pumasko dahil after "sampalan incident" ngayon lang ulit ako pupunta sa kanila iginaya ako ni Mark pataas ng kwarto nia, wala daw mga mama nia nasa Cebu kasama ng Papa nia. Si kuya Arron lang daw kasama nia dun at yung maid nila at malamang tulog na daw yung mga yun, ( para namang may gagawin kaming masama). saka hindi naman daw galit sakin ang mama nia sya pa nga daw ang napagalitan nung malaman yung insedente, Nang makarating kami sa loob ng kwarto ni Mark mahabang katahimikan ang bumalot saming dalawa, maybe hinihintay ni Mark na magsalita ako at ako naman hinihintay kong magtanong si Mark, pero hindi ko alam kung bakit ang daming taong tatawagan ko bakit si Mark pa, pero sya yung unang pumasok sa isip ko ng masaktan ako ni Jan siguro dahil inisip ko kung gano ako katanga para ipagpalit yung kasayahan ng buhay ko noon sa mesirableng buhay ko ngayun. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako ng tahimik, isinubsub ko yung mukha ko sa unan ni Mark. Habang si Mark tahimik lang nandun sa tabi ng bintana nia nakatingin lang sakin habang umiiyak ako. Hindi ko man alam at nababasa ang nasa isip ni Mark kitang kita sa mga mata nya ang halong galit at awa sakin. Maybe nagagalit sya dahil nasasaktan ako at naawa sya dahil nagpapakatanga ako. Haggang unti-unti yatang naubos ang luha ko at tumigil ako sa pagiyak. I heard Mark foot step, lumapit sya sa kama kung saan ako nakadapang umiiyak, Umupo sya sa dulo ng kama. Hinintay ko syang magsalita pero hindi parin sya nagsalita, Kaya lalo akong napaiyak dahil alam ko sa ginagawa ko mas lalo kong nasasaktan si Mark dahil umiiyak ako ng dahil sa isang lalaki samantalang sya yung nagmamahal sakin. I can't help myself kaya tumayo ako at yumakap kay Mark, doon ko ulit iniyak yung nararamdaman ko, I told him "sorry" pero Mark only said " okei lang yun i know makakaya mo yan" i never thought na iyon ang sasabihin sakin ni Mark after na umiyak ako sa kanya ng dahil sa lalakeng ipinalit ko sa kanya. Inaasahan kong magagalit sya at susumbatan ako dahil nagkamali ako ng iwan sya, inaasahan kong sasabihin niyang "iyon ang napapala ko dahil sa katangahan ko sinasaktan ko lang sarili ko" pero bakit ganun si Mark, bakit iyon ang sinasabi nia. Hindi ko alam kung paano ako huminto ng pag-iyak basta ang alam ko sinabi ni Mark na wag ko daw hayaang sirain ni Jan ang sarili ko, kung nasasaktan man daw ako ngayon labanan ko at ipakita ko kay Jan na kaya kong lumaban at kung mahal ko daw si Jan dapat ipaglaban ko hindi yung nag-iiyak ako wala naman daw mangyayari sakin sa kakaiyak. hindi ko alam kung baliw lang si Mark o talagang sport lang sya kaya nya nasaabi yun pero nang tanungin ko sya kung bakit imbis na sumbatan nia ko ay sinasabi niya lahat yun sakin . alam mo ba kung anong sabi ng herodes " bakit kung sabihin ko ba sayong iwan mo yung gagong yun at bumalik sakin gagawin mo" hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako natawa siguro dahil sa expresion ng mukha at sa paraan ng pagkakabigkas nya ng salitang yun. Alam ko kasi totoo yun, yun ang gusto niyang sabihin pero Mark is just a gentleman bastard kaya imbes na sabihin yun ng seryuso idinaan nya lang sabiro para hindi ako lalong ma-guilty at makadagdag pa sa sakit na nararamdaman ko.. At nakakapagtakang after na mag-uumiyak ako ng dalawang araw eto ako ngayon tumatawa na and that because of Mark, kung ano man yung bigat na dinadalako that time nawala nalang na parang bula. Hinatid ako ni Mark before 3am sabi nia kung di pa daw nia ko ihahatid malamang magising na mga tao samin at sabihin nagtanan daw kami kung di bale daw walang babawi sakin ok lang daw sa kanya " malamang naman ba bawiin pa ko sayo ni Jan, himala yun sa taas ng pride nun ewan ko lang." kung gaano ako katahimik nakaalis kanina ganun rin ako nakabalik hinintay pa nga ni Mark na maisarado ko yung pintuan bago sya umalis sa tapat ng pinto at bago ko pumasok sa kwarto hinintay kong marinig ang makina ng motor ni mark bago tuluyang mawala yun sa pandinig ko nagpasya na kong matulog, and thanks to Mark dahil nakatulog ako nang payapa ng gabing iyon, , , , , ,...... (umaga na gaga).

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . . Hindi ako pumasok kinabukasan buti nalang walang quiz. Kaya nang hapon dumating si Mhaei, sinabi nia na nagaalala daw si Rico kanina dahil first time ko daw umaabsent ng lunes. tanong nga daw ng tanong sa kanila (sira talaga yung best friend kong iyon oo). Sinabi ko kay Mhaei ang dahilan, and again umiyak nanaman ako ewan ko ba hindi na yata mauubos ang luha ko, sabi ni Mhaei gusto rin daw pumunta nina Jon at Gerl dahil nagaalala rin daw sakin pero may quiz daw sa P.E at may lakad yata sina Jon at Garry kasama si Gerl. kahit papano nabawasan kung ano man yung dinadala ko, unti unti na nga sigurong nababawasan ( kapag hindi pa nga ba naubos iyon ewan ko nalang).
. . . . . Hinihatid ko si Mhaei, nakita ko kong sumunod si Jan at Tony, hinintay nilang makasakay si Mhaei at habang naglalakad ako tinanong ako ni Jan kung bakit daw hindi ko sya pinapansin, parang gusto kong umiyak ng oras nayun pero pinigilan ko naalala ko ang sinabi ni Mark na wag kong hayaang makita ni Jan na nasasaktan ako. Kaya imbis na gawin yun galit ang ipinakita ko ng sabihin ko kay Jan na " nakakasakit ka na hindi mo pa alam" ano nanaman daw ba kasalanan nia " hindi mo alam kasalanan mo, isipin mo, kasalanan mo iyon bakit hindi mo alam" pagkatapos nun hindi ko na hinintay na magsalita pa si Jan iniwan ko na sila ni Tony. Mabigat man sa loob ko mas kailangan ko yatang maging matigas dahil nararamdaman kong kinakain na ko ng pagmamahal ko kay Jan ng buong -buo pati pag-aaral ko napapabayaan ko ng dahil sa kanya at yun ang hindi ko hahayaan dahil hindi ako gagawa ng isang bagay na sisisira sa buong pangarap ng pamilya ko. Tanga nga ako at Gaga pero sa pagibig lang yun dahil hindi ko mamagawang maging gaga at tanga kung sangkot na ang pamilya ko. sawang-sawa na ko sa kakahingi ni Jan ng SORRY at kung hindi totoo ang sinasabi ni dennis tungkol sa kanila ni JOY bakit kailangan nyang pumunta pa sa HALINA kahit halos galit na galit na ko. dahil wala syang pakialam kung masaktan man ako, kung ano man ang maramdaman ko dahil ang totoo manhid sya at siguro hindi naman talaga nya ko mahal. . . .

♥♥♥♥♥. . . . Pangatlong araw na naming magkaaway ni Jan, iniwasan ko sya hanggang maari kahit ilang beses na syang nagtanggakang kausapin ako sa tuwing magdadaan ako sa tambayan pero hindi sya nagtatagumpay, iniisip ko naring makipagkalas sa kanya dahil hindi ko narin kaya. Halos araw araw parin syang nagpupunta sa halina kahit lagi nyang sinasabing nagbabsaketball lang daw sya doon ewan ko kung bakit ayaw nang tanggapin ng isip at puso ko kung ano amang paliwanag meron sya. At hindi ko man gustong idamay si dennis sa galit ko pero sya ang nag-umpisa. Sya ang nagsimula ng gerang to' pwes ipapakilala ko sa kanya yung SODHEL na hindi pa nya nakikilala. Masaktan na ang masasaktan wala akong pakiaalam. Wala akong alam na naging atraso sa kanya para saktan nia ako ng ganito, naging fair ako ng piliin ko si Jan sa kanila. Naging tapat ako sa kanya, kung may mali man ako yun eh yung paasahin sya pero di ko kasalanan kung si Jan ang mahal ko. pero dahil sa ginawa nia nagpapasalamat ako at hindi sya ang naging boyfriend ko, dahil kung hindi wala pang isang araw isusuka ko na sya.. . .
"Sinimulan mo to' dennis pwes ako ang tatapos para sayo. . . . . ."
to be continue. . . .