Friday, February 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 48


♥+♥ . . . . . Its Jeff ( Jeffrey Benito) birthday - dapat pupunta kami nina Mhaei but i think kahit gustuhin ko hindi kami matutuloy, bukod kasi sa may sakit si Mhaei eh magkaaway yata sila ni Jeff at ganun rin kami ni Jan ( may bago pa don ) the reason why? kasi ang sabi ko pupuntahan ko si Mhaei sandali dahil nga umiiyak sa phone nagaway nga yung dalawa ni Jeff aba tinalikuran agad ako. Akala ba naman kayna Mark ako pupunta, paano naman ako pupunta roon eh iniiwasan ko na nga muna sila. . . hmp habala sya sa buhay nia. Pero you know what hindi rin ako nakatiis ayun sumilip ako sa party kasama sina Grace at Rocel pero hindi kami nagtagal parang napadaan lang at nakakainis ang daming babae bukod sa bumabaha ng inumin ( kaya nga party diba??). At the end magkaaway nanaman kami ni Jan. Ganun naman lagi sa isang linggo hindi pweding walang away, walang inisan, walang tampuhan sa loob ng halos isang bwan na naging kami nakasanayan ko na yatang matulog ng umiiyak. Ewan ko ba kung bakit nakakaya ko at nakakapgtiis ako pero alam ko yung sagot tang lang ako dahil nagmamahal ako. ahhhhh bahala na. . . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . Kinausap ako nina Kuya Jhun at Abet, or maybe nagusap kami kasi nagkukuwentuhan kami about sa nalaalpit na pagsasarado ng Video shop nina lola, malamang mahihirapan na kaming makapagusap ng masmatagal pero lately napapansin ko na may kunting luwag na sakin. Nakakausap ko na nga sina kuya Jhun at Kuya exor basta nandun lang sa tapat namin o kaya kapg bukas yung dati naming pinto pera lang syempre si Jan. Siguro may himawalang dumaan sa bahay namin sana lang nilubus na he he he he. They tell me na wag ko daw masyadong banggitin o mas tamang wag ko ng banggitin si Mark kapag nanjan si Jan kasi yun daw ang ikinagalit sakin noong party ni Jeff. Inaamin ko naman ang kasalan ko so i make sorry to Jan pero kahit na anong gawin namin ni Abet ayaw makipagusap sakin, masakit na masakit pero anong magagawa ko ayaw nia kong kausapin. Nahihirapan narin akong suyuin si Jan, di ba dapat sya gumagawa sakin nito dahil sya lalake, naiinis na ng ako sasarili ko biruin mo sa lahat ng nakarelasyon ko sya lang ang nagiisang sinusuyo ko ni hindi ko naranasan kay Ricky o kay Mark na ako ang nagmamakaawang magkaayos kami, sumuhingi ako ng sorry pero hindi yung ganito gusto pa yata ni Jan lumuhod ako sa harap nya just to make fix what i've done. But after all realization wala parin in the end gagawin ko parin kahit magmakaawa just to keep this relationship dahil mahal ko sya. (baliw ka naman pala eh nagtataka ka pa).

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . . ONE WEEK . . . ganyan kami katagal magkaaway ni Jan ng dahil sa walang katuturang pagbabanggit ko raw ng pangalan ng x ko well inaamin ko naman na may kasalanan ako so nagsosorry na ko pero bakit ayaw niang tanggapin. ahhhhhh eto nanaman kami next week Valentines Day tapos bukod doon monthsarry pa namin. Pero anong gagawin ni hindi ko nga sya malapitan dahil every time i try lumalayo sya kaya hindi na ko sumubok maslalo lang akong nasasaktan i told myself na kung maayos pa to' sa kanya na magmumula. pero wala yata talagang pagasa kasi kangina ng inihatid ko si Joy at Mhaei after naming gumawa ng assignment tinakbuhan ba naman kami kaya si Dennis at Granth ang naghatid samin. Hmp madalas nga si dennis na naghahatid sakin sa daling araw ewan ko ba kung bakit. ahhhh ang gulo na talaga.

♥♥♥♥♥. . . Nagpunta sina Jon, Mhaei and Gerl sa bahay buti nalang nandon sila pati si Yok, Tony and Makie (bosyong) dahil kung hindi magmumukmok lang ako sa kwarto. Nang tinanong ko si tony kung nasan si Jan nagbabasketball daw sa kwatro kantos. Wala lang ganun lang halos isang linggo nang ganito lang. Hay buhay ewan ko bahla na. Kaya pinagbutihan ko nalang pag-aaral ko kesa naman isipin ko Jan e mukhang walang paki alam un sakin. Hindi ko nga maiwasang maiinggit kay Tony at Gerl biruin mo masaya sila kahit ganun lang yung relationship nila kailan lang sila nagkakilala naging sila na pero nakakapagtakang magkasundong magkasundo sila ni hindi nagaaway kundi lambinganng lambingan. Teka bakit si Yok ang nandito eh diba wala na sila ni Mhaei, hmp ewan isaparing magugulo ang mga ito. . . . . . .
to be continue. . . . .

No comments: