Friday, February 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 52


♠ ♠ ♠♠ . . . . .I thought si Jec lang ang magiging karibal ko kay Jan, maybe hindi ko lang naisip na minsan nang nagawa ni Jan bakit hindi pweding ulitin. This past few days napapansin ko na lagi silang nagpupunta sa kwatro kantos lalo na at sabado't linggo. Una hindi ako naghinala dahil sabi ni Jan nagbabasketball daw sila dun ( malay ko bang ibang basketball pala yun) kaya hindi ko nalang pinansin yung mga naririnig ko lalo na at galing pa kay IPIS (Dennis). Pero dahil nga gaga ako at tanga pa niloloko na pala ako hindi ko pa alam. Hanggang isang araw galing kami ni Janice sa bangko nung dumaan kami kanina si Dennis lang nakita ko at si Granth pero ng pauwi na kami nakita ko si Jan nandun narin sa tambayan at sa hindi ko malamang dahilan eh kumulo bigla ang dugo ko ng makita kong may mga babaeng kasama sila sa loob ng bahay nina Abet ( yun nakasi ngayon ang bagong Video shop dahil wala na nga yung sa mga lola ko) i know those girl naikwento na sakin nina Rocel na madalas nga daw nasa halina sina Dennis dahil sa mga babeng iyon ( tanga edi ba si Jan madalas din sa Halina) kaya nalaman ko yung mga pangalan nila kahit hindi ko pa sila nakikilala. Those girls was Icay ( Romarica Gonzaga) Gf ni Dennis (" bestfriend dati pa to' ha walang samaan ng loob he he he") then yung isa si POPS ( gf ni Granth) si Lyca na may gusto daw kay Dennis ( may nagkamali sa ipis sabagay magkamukha naman sila) and the last one eh si Joy ( bungal daw sabi ng mga pinsan ko pero feeling maganda). " ano bilib na kayo sa mga agent kong magimbistiga talagang ganyan kinikilala muna ang kalaban bago pataubin he he he ." Una hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni Dennis alam ko namang pinagseselos lang ako ng hinayupak na IPIS pero ang pinakamasakit at hindi ko inaasahan eh yung tawagin ni Dennis si Joy, " JOY tawag ka ni Jan may sasabihin daw sayo." nakalagpas na kasi kami ni Janice nun kaya di ko alam na paalis narin pala at nasa likod namin ang mga bruha kaya bigla akong napalingon sa sinabi ni Dennis at kitangkita ko nang bumalik si Joy at pumasok ulit sa bahay nina Abet, gusto ko sanang sugurin pero hindi nalang may pinagaralan naman ako. Pero ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang ginawa sakin ni dennis pati narin ni Jan dahil kung hindi nia ko niloloko alam niang naririnig ko ang sinasabi ni Dennis pero wala syang ginawa para pigilan iyon. . . . Kaya sa sam ng loob ko hindi nalang ako lumabas. Buti nalang sabado. . . .
. . .. . " ito nanaman ako, umiiyak, sino ang kasama? at sumbungan? ito mga unan, pader at kumot sila lang naman ang makakarinig sakin, sa kanila ko lang masasabi kung ano yung tunay na nasa loob ko. ayaw ko munang tawagan sina Mhaei, Jon at Gerl lalo na si Mercy. same problem rin naman at i know isa lang ipapayo nila "IWAN KO SI JAN" kung minsan nga iniisip ko tama naman sila kung ganito na lang lagi nalang akong masasaktan kahit na mahal ko si Jan mas mabuti nga sigurong maghiwalay na lang kami kesa ganito away bati, batit away nakakasawa na. . . . ewan ko nga ba kung bakit mahal na mahal ko si Jan, kahit ilang beses na nya kong sinaktan, iniwan at ipinagpalit ito parin ako mahal na mahal ko parin sya kahit na minsan gusto ko nang magtanong kung talagang mahal nga ba nya ko dahil kung totoo yun hindi nya ko hahayaang masaktan ng ganito. . . ."
. . . . . . Kaya ayukong ayukong sasama ang loob ko nagre-rebelde ako. . . ugali ko na yun, ang magrebelde ng patago sa tuwing nasasaktan at sumasama ang loob.,, kaya minsan kailangan ko ng divertion o pagbubuntungan ng galit para hindi ako makagawa ng bagay na minsan sa huli ko nalang pinagsisisihan wala akong paki alam kung mapahamak ako o hindi basta kapag nagalit ako at nasaktan gagawin ko kung anong gusto ko. . .. maagang natulog ang mga lola ko narinig klo naring nagsitaas na ang mga dragon pero ako eto gising pa umiiyak pa hanggang ngayon ewan ko kung bakit hanggang sa mga sandling iyon ang bigat parin ng loob ko kahit naiiyak ko na sa mga pinsan ko ang sakit nanararamdaman ko sabi nga nila " ano daw ba ginawa ko kay Dennis para saktan ako ng ganito at bakit hinahayaan ni Jan na gawin ni Dennis sakin ito'" sabi ko sa kanila " asa pa kayo natural kaibigan si Dennis eh ako babae lang ako ni Jan kahit kailan pweding palitan" kaya naisip ko kailangan kong lumabas hindi ako matatahimik kung magkukulong lang ako. tinwagan ko si Mark ng palihim sabi ko sunduin niya ko sa pintuan namin dati. " mark knows kung saan ako dumadaan kapag tumatakas, akala kasi ng mga lolo ko ipinako ko nayung pinto sa dati naming bahay pero ang totoo nakasuksuk lang yung pako pero di nakabaon kaya kapag gusto kong tumakas doon ako nagdadaan at doon din ako malayang nakakapasok para bumalik" (galing ko noh!). Malayo palang yung motor ni Mark inihinto na niya yung engine ng motor nia para hindi maging maingay pagtapat sa bahay. tatlong busina ibig sabihin sya na yun. Nakiramdam muna ako kung may gising pa samin pero dahil alas 12 na nun at Sunday pa kaya maagang nagsi-uwi at natulog ang mga dragon dahil may pasok at trabaho bukas. Mark didnt asked anything nang makita nya ko at makalakpas yung motor nia sa kanto ng Victoria pinaharurut na nya yung sinasakyan namin. Sa bahay nila kami nagpunta ( saan pa nga ba) kahit atubili akong pumasko dahil after "sampalan incident" ngayon lang ulit ako pupunta sa kanila iginaya ako ni Mark pataas ng kwarto nia, wala daw mga mama nia nasa Cebu kasama ng Papa nia. Si kuya Arron lang daw kasama nia dun at yung maid nila at malamang tulog na daw yung mga yun, ( para namang may gagawin kaming masama). saka hindi naman daw galit sakin ang mama nia sya pa nga daw ang napagalitan nung malaman yung insedente, Nang makarating kami sa loob ng kwarto ni Mark mahabang katahimikan ang bumalot saming dalawa, maybe hinihintay ni Mark na magsalita ako at ako naman hinihintay kong magtanong si Mark, pero hindi ko alam kung bakit ang daming taong tatawagan ko bakit si Mark pa, pero sya yung unang pumasok sa isip ko ng masaktan ako ni Jan siguro dahil inisip ko kung gano ako katanga para ipagpalit yung kasayahan ng buhay ko noon sa mesirableng buhay ko ngayun. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako ng tahimik, isinubsub ko yung mukha ko sa unan ni Mark. Habang si Mark tahimik lang nandun sa tabi ng bintana nia nakatingin lang sakin habang umiiyak ako. Hindi ko man alam at nababasa ang nasa isip ni Mark kitang kita sa mga mata nya ang halong galit at awa sakin. Maybe nagagalit sya dahil nasasaktan ako at naawa sya dahil nagpapakatanga ako. Haggang unti-unti yatang naubos ang luha ko at tumigil ako sa pagiyak. I heard Mark foot step, lumapit sya sa kama kung saan ako nakadapang umiiyak, Umupo sya sa dulo ng kama. Hinintay ko syang magsalita pero hindi parin sya nagsalita, Kaya lalo akong napaiyak dahil alam ko sa ginagawa ko mas lalo kong nasasaktan si Mark dahil umiiyak ako ng dahil sa isang lalaki samantalang sya yung nagmamahal sakin. I can't help myself kaya tumayo ako at yumakap kay Mark, doon ko ulit iniyak yung nararamdaman ko, I told him "sorry" pero Mark only said " okei lang yun i know makakaya mo yan" i never thought na iyon ang sasabihin sakin ni Mark after na umiyak ako sa kanya ng dahil sa lalakeng ipinalit ko sa kanya. Inaasahan kong magagalit sya at susumbatan ako dahil nagkamali ako ng iwan sya, inaasahan kong sasabihin niyang "iyon ang napapala ko dahil sa katangahan ko sinasaktan ko lang sarili ko" pero bakit ganun si Mark, bakit iyon ang sinasabi nia. Hindi ko alam kung paano ako huminto ng pag-iyak basta ang alam ko sinabi ni Mark na wag ko daw hayaang sirain ni Jan ang sarili ko, kung nasasaktan man daw ako ngayon labanan ko at ipakita ko kay Jan na kaya kong lumaban at kung mahal ko daw si Jan dapat ipaglaban ko hindi yung nag-iiyak ako wala naman daw mangyayari sakin sa kakaiyak. hindi ko alam kung baliw lang si Mark o talagang sport lang sya kaya nya nasaabi yun pero nang tanungin ko sya kung bakit imbis na sumbatan nia ko ay sinasabi niya lahat yun sakin . alam mo ba kung anong sabi ng herodes " bakit kung sabihin ko ba sayong iwan mo yung gagong yun at bumalik sakin gagawin mo" hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako natawa siguro dahil sa expresion ng mukha at sa paraan ng pagkakabigkas nya ng salitang yun. Alam ko kasi totoo yun, yun ang gusto niyang sabihin pero Mark is just a gentleman bastard kaya imbes na sabihin yun ng seryuso idinaan nya lang sabiro para hindi ako lalong ma-guilty at makadagdag pa sa sakit na nararamdaman ko.. At nakakapagtakang after na mag-uumiyak ako ng dalawang araw eto ako ngayon tumatawa na and that because of Mark, kung ano man yung bigat na dinadalako that time nawala nalang na parang bula. Hinatid ako ni Mark before 3am sabi nia kung di pa daw nia ko ihahatid malamang magising na mga tao samin at sabihin nagtanan daw kami kung di bale daw walang babawi sakin ok lang daw sa kanya " malamang naman ba bawiin pa ko sayo ni Jan, himala yun sa taas ng pride nun ewan ko lang." kung gaano ako katahimik nakaalis kanina ganun rin ako nakabalik hinintay pa nga ni Mark na maisarado ko yung pintuan bago sya umalis sa tapat ng pinto at bago ko pumasok sa kwarto hinintay kong marinig ang makina ng motor ni mark bago tuluyang mawala yun sa pandinig ko nagpasya na kong matulog, and thanks to Mark dahil nakatulog ako nang payapa ng gabing iyon, , , , , ,...... (umaga na gaga).

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . . Hindi ako pumasok kinabukasan buti nalang walang quiz. Kaya nang hapon dumating si Mhaei, sinabi nia na nagaalala daw si Rico kanina dahil first time ko daw umaabsent ng lunes. tanong nga daw ng tanong sa kanila (sira talaga yung best friend kong iyon oo). Sinabi ko kay Mhaei ang dahilan, and again umiyak nanaman ako ewan ko ba hindi na yata mauubos ang luha ko, sabi ni Mhaei gusto rin daw pumunta nina Jon at Gerl dahil nagaalala rin daw sakin pero may quiz daw sa P.E at may lakad yata sina Jon at Garry kasama si Gerl. kahit papano nabawasan kung ano man yung dinadala ko, unti unti na nga sigurong nababawasan ( kapag hindi pa nga ba naubos iyon ewan ko nalang).
. . . . . Hinihatid ko si Mhaei, nakita ko kong sumunod si Jan at Tony, hinintay nilang makasakay si Mhaei at habang naglalakad ako tinanong ako ni Jan kung bakit daw hindi ko sya pinapansin, parang gusto kong umiyak ng oras nayun pero pinigilan ko naalala ko ang sinabi ni Mark na wag kong hayaang makita ni Jan na nasasaktan ako. Kaya imbis na gawin yun galit ang ipinakita ko ng sabihin ko kay Jan na " nakakasakit ka na hindi mo pa alam" ano nanaman daw ba kasalanan nia " hindi mo alam kasalanan mo, isipin mo, kasalanan mo iyon bakit hindi mo alam" pagkatapos nun hindi ko na hinintay na magsalita pa si Jan iniwan ko na sila ni Tony. Mabigat man sa loob ko mas kailangan ko yatang maging matigas dahil nararamdaman kong kinakain na ko ng pagmamahal ko kay Jan ng buong -buo pati pag-aaral ko napapabayaan ko ng dahil sa kanya at yun ang hindi ko hahayaan dahil hindi ako gagawa ng isang bagay na sisisira sa buong pangarap ng pamilya ko. Tanga nga ako at Gaga pero sa pagibig lang yun dahil hindi ko mamagawang maging gaga at tanga kung sangkot na ang pamilya ko. sawang-sawa na ko sa kakahingi ni Jan ng SORRY at kung hindi totoo ang sinasabi ni dennis tungkol sa kanila ni JOY bakit kailangan nyang pumunta pa sa HALINA kahit halos galit na galit na ko. dahil wala syang pakialam kung masaktan man ako, kung ano man ang maramdaman ko dahil ang totoo manhid sya at siguro hindi naman talaga nya ko mahal. . . .

♥♥♥♥♥. . . . Pangatlong araw na naming magkaaway ni Jan, iniwasan ko sya hanggang maari kahit ilang beses na syang nagtanggakang kausapin ako sa tuwing magdadaan ako sa tambayan pero hindi sya nagtatagumpay, iniisip ko naring makipagkalas sa kanya dahil hindi ko narin kaya. Halos araw araw parin syang nagpupunta sa halina kahit lagi nyang sinasabing nagbabsaketball lang daw sya doon ewan ko kung bakit ayaw nang tanggapin ng isip at puso ko kung ano amang paliwanag meron sya. At hindi ko man gustong idamay si dennis sa galit ko pero sya ang nag-umpisa. Sya ang nagsimula ng gerang to' pwes ipapakilala ko sa kanya yung SODHEL na hindi pa nya nakikilala. Masaktan na ang masasaktan wala akong pakiaalam. Wala akong alam na naging atraso sa kanya para saktan nia ako ng ganito, naging fair ako ng piliin ko si Jan sa kanila. Naging tapat ako sa kanya, kung may mali man ako yun eh yung paasahin sya pero di ko kasalanan kung si Jan ang mahal ko. pero dahil sa ginawa nia nagpapasalamat ako at hindi sya ang naging boyfriend ko, dahil kung hindi wala pang isang araw isusuka ko na sya.. . .
"Sinimulan mo to' dennis pwes ako ang tatapos para sayo. . . . . ."
to be continue. . . .

No comments: