Saturday, March 1, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 61


♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . To tell the truth nahihirapan na ko, hindi ko alam kung bakit nagtitiis ako kay Jan samantalang nanjan naman si Mark, sabi nga ni Mercy siguro daw dahil mahal ko si Jan pero kung mahal ko sya bakit ako nagseselos kay Haidie. Ikinuwento ko kay Mercy kung bakit ako biglang nawala sa Party ni Mark pero sinabi sa kanya amin-amin lang wag na nyang ipaalam kahit kanino. At katulad ng katwiran ko sa sarili ko iyun din ang sinabi sakin ni Mercy, baka daw dahil hindi ako sanay na may ibang pinagbibigyan si Mark ng atention. ( sana nga dahil ayukong magsisi balang araw) Natatakot akong kung kelan tuluyan ng wala si Mark saka ko pagsisihang hinayaan ko syang mawala sakin.
♥♥♥♥♥ . . . Kahit may sama ako ng loob kay Jan pinaghandaan ko parin ang Monthsary namin. Sa house nina Pungay ko pinatago yung gift at kayna Grace ko binalot. Nagkita kami sa Pag-asa ng 8pm pero kahit na isang words wala akong narinig sa kanya. Naghintay ako pero halos 30 mins na kaming nakatayo dun hindi parin sya naguusap. ahhhhhh ewan ko kaya ako na gumawa ng unang hakbang naglakad kami papuntang Mabolo tinanong ko sa kanya kung totoong sinabi niya yun kay Icay, sinabi daw nya yung iba pero hindi naman daw totoo yung tungkol kay Joy. . . para matapos nalang yung problema sige na ok na kami. . . Nakasalubong pa nga namin ang nanay, tatay at kuya JR nia papuntang lamay dahil kamamatay lang ng Tito nia. After naming mag-usap sumunod na sya sa mga nanay nya sa lamay dala-dala yung Card at GIFT ko for him. Tumambay kami sa GDR nina Rocel, Pungay, Janice at Grace. Nagkwentuhan kami sandali at nagsitulog na hindi ko na hinatay si Jan alam kong hindi yata sila uuwi.

♥+♥+♥+♥+♥+♥ . . . . May Invangilization sa GDR tatlong araw yun kaya naboboring kami ng mga pinsan ko kaya nagpunta kami sa Halina, well ok na kami ng mga Halina girl nagkabati-bati na kami last week kung ano man yung mga naging problema at nangyari kakalimutan at kinalimutan nanamin. Kaya ayun nandoon kami kasama sina Ian, Granth, Dennis at Gleen. Ang dami nga naming napagkwentuhan pati yung mga nangyari eh nagpagtatawanan nalang namin ngayon. Ewan ko kung nasan si Jan ng mga oras na yun at hindi ko sya kasama.

♠ +♠ +♠ . . .BAD NEWS . . . Vince call me, buti nalang kahit na si lola ang nakasagot ibinigay sakin. Vince told me na susunduin niya ko dahil nasa hospital sila. Bigla tuloy akong kinabahan. Si Mark, daw at si Jen nasa Medics malapit sa Villages naaksidente daw kagabi papunta sa padasal ng lola ni Mercy pero bukod dun may isa pang badnews at mas malala si Mercy nasa Makati Med din daw. Kaya agad akong nagpaalam kay Lola buti nalang pinayagan ako. Ah grabe ano bang nangyayari!!!
. . . . . Una naming pinuntahan sina Mark at Jen, ala ang gago kong x eh may bali sa kaliwang braso pero hindi naman daw malala ilang linggo lang daw pwedi ng alisin yung brace nia. Si Janeth pwedi naring umuwi kahit bukas dahil gasgas at bugbog lang daw naman ang nakuha dahil sa lakas ng impact. lumapit ako sa kama ni Mark, tinanong ko sya kung bakit ginamit pa nya yung motor kung alam na pala nyang nagpapalya ang preno, pababa pa naman yung daan papasok sa Villages, hindi naman daw nya akalaing matutuluyan. Hmp lagi nalang, Mark hold my hand gumati rin ako ng pisil ng maramdaman ko yung palad nya i know hindi man kami magsalita sa isat isa we both know na pareho kaming kumukuha ng lakas sa isat-isa. Mark asked kung ok na ko " ako ang tinatanong mo eh ikaw tong nakahiga dian at may benda" ewan ko kung hanggang kailan kami nagtitigan ni Mark bago dumating ang mama nia na may dalang ibang gamit dahil kailangan ni Mark na magtagal ng tatlong araw sa hospital para sa iba pang test lalo na at tumama daw yung ulo nya sa posteng pinagbanggaan nila. Kahit ayuko pang umalis kailangan ko ng magpaalam dumating na kasi sina Andoy dala yung sasakyan nila kasama ang tropa pupuntahan naman namin si Mercy, mark told me na ikamusta sya sa kinakapatid nya at magiingat kami sa biyahe. Before we go i kiss Mark to his forehead yun na yata ang batian namin at paraan ng pagpapaalam. I told him na magpagaling sya, ipinagbilin pa nga ako kay Vince bago kami tuluyang umalis. At habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang kabahan, ewan ko ba kung bakit mas natakot ako nang malaman kong nasa hospital si Mercy, pakiramdam ko nagkapobia na ko kapag may nababanggit na inaatake dahil sa nangyari sa Daddy ko, ahhh bakit ko ba yun iniisip eh ang lakas-lakas ni Mercy. Dumating kami doon nasa private room na si Mercy, masyado daw kasing napagod kaya inatake, bata pa daw si Mercy mahina na daw ang puso pero buong akala nila dun sa huling operasyon na ginawa kay Mercy last year ok na sya kaya nagtaka sila kung bakit biglang may nakita nanamang maliit na butas at isang altery na nagbabara sa puso ni Mercy, kaya daw nga pinayagan nilang sumama sa dancer group dahil alam nilang ok na sya. Yung sinabi ng doctor na pwedi ng tumanggap ng bisita si Mercy pero sandali lang at hindi masyadong marami. Unang pumasok ang mga daddy, uncle Danny nia na doctor ni Mercy at yung lola nia. Then ako, si Vince , Jen and Janeth ang sumunod. nang makita ko si Mercy hindi ko alam kung pano ako titingin kay Mercy nang hindi nia nakikitang naawa ako sa kanya. Napahawak ako sa braso ni Vince buti nalang tulog pa si Mercy dahil sa totoo lang natatakot ako na makita nya kong nanginginig dahil hindi ko kayang tingnan sya kaya bago pa ko tuluyang mapaiyak lumabas na ko. Hindi nalang ako nagpahata sa mga Tito at Papa ni Mercy. Nagising si Mercy bandang hapon kaya nakamusta namin kahit papano. Hindi na kami nagtagal para makapagpahinga si Mercy.

♣ +♣ +♣ +♣+ ♣ . . . . Sa mga nakaraang araw hindi kami masyadong nagkikita ni Jan dahil una paglabas ko nasa basketballan na sya, kapag gabi naman sina kuya Jhun lang ang nadadatnan ko sa tambayan o kaya naman sila nagpupunta sa bahay. Na mimiss ko na nga ang pagpunta namin kayna Indoy at Bornok pati pagpunta namin sa palengke kaso wala na talagang time ang babes ko dahil nabubuyo sya sa basketball. Sana nga lang sa basetball lang. Natatakot tuloy ako, kung minsan iniisip ko kami pa ba?? ahhhhhh ewan ko. . . . .
. . . . . Nakalabas na si Mercy sa Hospital ganun din si Mark, dumalaw ako kay Mark may benda parin ang sweet ko pero mas ok na kesa nung una kaya ayun hindi makapagmotor dahil bawal pa. Sabay kaming nagpunta kayna Mercy, ang papa nia ang nagbukas samin ng pinto ewan ko kung bakit parang may gustong sabihin samin ang papa nia kaya lang hindi natuloy dahil dumating si Mercy. kung makikita mo si Mercy parang wala na syang dugo sa putla, ang dating mala rosas na pisngi nya halatang nahumpak kahit ilang araw palang syang nagkakasakit at ang payat agad niya, kahit gusto kong maawa hindi ko kayang maipakita kay Mercy dahil iyon ang bilin samin ng papa niya at mga tito niya ayaw ni Mercy ang kinaawaan. Kaya pala hindi niya sinabi samin na may sakit sya.
To be continue. . . . . .

No comments: