Saturday, March 15, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 117

♥+♥ . . . NEVER TAKE SOMEONE FOR GRANTED
HOLD EVERY PERSON CLOSED TO YOUR HEART.
BECAUSE YOU MIGHT WAKE UP ONE DAY
AND REALIZED THAT YOU'VE LOST A DIAMOND
WHILE YOU WERE TOO BUSY
COLLECTING STONES. ♥+♥

♠+♥+♣ . . . . There a lot of unexpecting happen in my life at isa si Jan sa mga dumating sa buhay ko ng di ko inaasahan . . Last year after a year that he broke my heart nagkatagpo muli kami at sa di inaasahang pagkakataon nalaman namin that the feeling still there kaya kahit na alam naming may masasaktan kami ipinaglaban namin yung nararamdaman namin . . I admit hindi naging madali para sakin ang muling magtiwala kya Jan, after we broke ng walng close sure noong elementary pa ako. . but i think na siguro masyado pa kaming bata noon at immature kaya laging nauuwi sa break up na walang pinaguusapan ang sitwasyon . . pero sa muli naming pagtatagpo at nalaman naming were still in love to each other, madami mang pagsubok, madaming humadlang at ang daming nangyari. . . Masasakit, masasaya at di makakalimutang pangyayari . . dumating din sa point na nagkaroon ng ibang tao sa buhay namin, sinubukang magmahal sa iba pero ang huli nabigo kaming kalimutan ang isat-isa kaya ito kami ngayon we celebrating our FIST YEAR ANNIVERSARY .... . . . . . Kahapon palang halos buong AHO na ang bumati sakin, daig pa birthday ko . . tingin ko nga mukhang mas excited pa sila samin ni Jan . . . Akala ko di na darating ang araw na to' sa halos isang taon ang daming nangyari samin, away bati, may pagkakataong nagiisa akong lumalaban, at meron naman sya lang, pero sabi nga nila "ANG TIBAY NAMIN" hindi madali ang lahat ng pinagdaan namin ni Jan sa loob ng isang taon, lalo na at di sya tanggap ng pamilya ko pero ako halos yakapin ako at ituring na di iba ng mga magulang at kapatid ni Jan, nakakalungkot mang isipin na isa sa mga bagay na un ang muntik ng sumira sa pagmamahalan namin . . pero lahat ng unos, ng bagyo lahat ng away at pagsubok nalampasan namin at alam namin marami pang darating pero saka na namin iisipin yun importante nandito na kami nakarating na kami sa unang taon, hihintayin nalang namin yung pangalawa, pangatlo at mga susunod pang taon na magkasama kami, buo at nagmamahalan . . .. . . Hindi man kami magkasamang nagdiriwang alam ko masaya sya at masaya ako . . hindi kasi ako pinayagang magsimbang gabi dahil sa nangyari noong isang taon, di bale sabi ko darating na si Mommy bukas kaya may panlaban na kami. . . sabi nina Janice at Rocel nagsimba nga daw si Jan. .. . pero kahit na di kami nakakapagusap naibigay na nya sakin yung gift nya kagabi isang pencil stole na may both na my i love you sa loob. . . . ako card lang wala naman kasi akong maisip saka nawalan narin ako ng pera dahil sa mga project . . .
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . kung di ko inaakala na di na kami darating ni Jan sa isang taong anibersaryo hindi ko rin inaasahan na sa mismong araw na yun din kailangan kong magdisisyon dahil kung hindi baka pagsisihan ko balang araw kung patuloy kong paasahin si Manuel. . . . I admit I love him pero sabi ko nga mahal ko man si Manuel kaya kong mabuhay ng wala sya at patunay nun yung mga araw na magakaaway kami at di nagkakaunawaan. Siguro mababaw lang kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya kaya nakakaya ko na ipagpatuloy ang buhay ko kahit na may di kami pagkakaunawaan pero alam ko at alam ng puso ko na di ko kyang gawin yun kapag si Jan ang nawala sakin. . . and i dont want to be unfair to Manuel also to Jan, hindi man naging mabuting boyfriend si Jan i know he not deserving lalo na si Manuel kung pareho kong sasabihin mahal ko sila at pareho ko silang itatali sa buhay ko ng sabay . . noon pa man may disiyon na ko, dumating sa point na si Manuel ang pinili o at minsan si Jan naman pero i think ngayon i need to end and face the fact na kahit mahal ko silang pareho i need to let go one of them dahil hindi lang ako sa kanila nagiging unfair kungdi pati sa maaring maging kapalit ko sa buhay nila kung sakali . .. If I didn't expected ang pagdating muli ni Jan sa buhay much more ni Manuel dahil when he came hindi isang ordinaryo na manliligaw ang pinagsimulan namin kundi we need to pretend that we are sweet para pagselosin yung nililigawan nya but in the end we developed kami to each other pero sabi nga nila " this is the right love at the wrong time " dahil my Jan ako sa buhay ko pinigilan ko ang puso kong tuluyang mahalin si Manuel until dumating ang araw na to' that i need to tell him about jan kahit na alam kong ilang beses ko ng ginamit pati best friend Rico ko para layuan nya ko at kahit nasasaktan akong makita syang nasasaktan i know its beeter to do that pero Manuel was so stupid para syang si Mark dahil wala syang pinaniniwalaan kungdi ang nararamdamn nya pero di ako ganun kasama para hayaan sya sa kahibangan nya . . masasaktan ako dahil alam ko pati friendship namin madadamay pero i need to do this b4 its to late . . . Habang kaya pa nyang lumayo sakin at kaya ko pang gawin yun sa kanya . .

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥



. . . . dahil malapit na ang Christmas party we need a general cleaning kaya naglinisan kami sa room . . palabas ako para pumunta sa faculty para kumuha kay Mam ng floor wax pero tinawag ako ni Jason kaya pumihit ako paharap pero nagpatuloy ako sa pag lakad kahit nakatalikod . . nang maramdaman kong malapit na ko sa pinto pumihit ako paharap pero sa di ko inaasahan papasok naman si Manuel and maybe di rin nya alam na bigla akong haharap sa kanya o nabigla rin sya dahil di nya akalaing may lalabas sa room at kung di nya ko nahawakan sa magkabilang braso payakap sa kanya malang sa sahig ako pupulutin. . . buong akala ko sa TV show at Movie lang nagyayari ang ganung eksena sa dalawang bida at pati yung exlaw motion habang nangyayri yun sa mga bidang artista I thought effect lang sa Tv at Movie pero that time na feel ko kung paano dahan dahan na nangyari ang lahat ahhhh ewan ko kung dapat ba ang nararamdaman ko ng oras nayun, dahil sasabihin ko sayong bigalang tumalon ang puso ko at di ko namalayan kung saan na naman napunta . . .dahil sa biglang pagsulpot ni Manuel sa pintuan nagulat ako at di ko na aiwasan ang pagkakasalubong namin . . at di yata pati sya ay di nya inaasahan ang paglabas ko kaya may imfact ang pagsaslubong namin dahil bago pa kami nakaiwas sa isat isa nag-abot na kami at kung di nya ko nayakap malamang nakabulagta na ko, kaya napatingin ako sa kanya at alam ko syang rin hindi lang dahil sa pagkabigla kundi sa takot na bumalot sakin habang hawak ni Manuel ang braso ko. . . hindi lang yata kuryente ang dala ni Manuel kundi kidlat pa kaya ang puso ko biglang natakot at nagwala. . Kaya bago pa may makapansin samin nagmadali na kong kumalas kay Manuel at pumunta sa dapat kong puntahan . . . nalilito man ako pero alam ko kailangan kong ituloy yung disisyon ko kagabi pero hindi ngayon, pero after that incident hindi na ko pinatahimik ni Manuel, kasama pa si Icad nang pangungulit dahil pinagpipilitan ni Icad kay Manuel na my BF na ko kaya malabo yung sinasabi ni Manuel na gusto ko rin sya, pero ayaw maniwala ni Manuel . . hangang sa mag-uwian na at naiwan kami nina dado dahil di pa tapos yung mga decoration. . . dahil papasok nalang kami sa Teachers day at sa Christmas Party . . .pinipilit nya kong sagutin sya. . . pero kahit na anong sabi kong di nga pwedi di daw sya naniniwala. . . Ayuko man syang saktan bago magpasko dahil ang balak ko pagbalik sa January ng klase ko sya bastidin para naman di masyadong masakit para sa kanyan kaya lang ang kulit ni Manuel halos iwasan ko na sya dahil hindi ko gusto ang nararamdamn ko. Kahapon lang 1year namin ni Jan at nagdisisyon na kong sya ang piliin ko over Manuel kaya di magandang maramdaman kong gusto kong sagutin ng OO si Manuel dahil alam ko kapag guinawa ko iyon babalik nanaman sa dati ang lahat magiging salawahan ako at ayukong makasanayan yun ng puso ko . . pero sa kakaiwas ko hinawakan ni Manuel yung dalawang kamay ko at nilagay sa dibdib nya na parang sinasabing panginggan ko daw ang puso nya . . gusto ko mang sabihing nararamdaman ko rin ang nararamdaman nya pero kung di ko babawiin ang kamay ko ibibigay nun ang puso ko kay Manuel kaya pinipilit ko yung bawiin pero ayaw bitiwan ni Manuel, kahit na sabihin ko isusumpbong ko sya kay Rico, pero tila wala na ring ipekto si Rico kay Manuel kaya imbis na bitawan hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko at para maagaw ko ang kamay ko naglagay ako ng pwersa pero imbis na mabawi ko ang kamay ko dahil sa lakas ng pwersa ng paghatak ko napakabig ang katawan ko kay Manuel at ang tinamanang niyakap pa ko kaya nagpumiglas ako pero hinayaan ko rin kahit ilang minuto na ganun kami dahil feeling iyon na ang huling araw na makakalapit ako kay Manuel ng ganun kalapit dahil after that day alam kong hindi hindi na gugustuhun ni Manuel na lapitan ako . . . pero bago pa ko bumigay sa pagiyak at bago pa may makakita samin . . pumiglas na ko kaya nabawi ko yung kamay ko dahil nabitawan nya yung ng yakapin nya ko . . . Alam ko sa paglayo namin ni Maneul ng mga oras na yun tuluyuyan ko ng itinapon kahit na ang pagkakaibigan namin dhil alam kong mahihrapan kaming pareho . . . PERO buong akala ko titigilan na ko ni Manuel pero hanggang trycicle hinabol nya ko at pinipilit na kami na daw pero sabi ko "HINDI DAHIL my BF ako " pero hindi nga daw sya naniniwala sabi ko itanong mo kayna Dado kilala nila bf ko kay Jona kahit kanino sya magtanong. . . pero ayaw talagang maniwala ni Manuel hangagng bumaba kami ng tricycle at sumakay ng Jeep ganun parin until pababa sya. . isang tanong nalang daw " OO" o "HINDI" at kahit gusto kong sabihing "OO" "HINDI" parin ang sinagot ko . . nakita ko how I hurt Manuel but i think that was better to do dahil kung di ko yun gagawin sisirain ko di lang ang relasyon namin ni Jan kung di pati ang tiwala ng mga kaibigan ko dahil di sila papayag na dalawa ang mahalin ko sa iisang pagakakataon . . . kaya bago ko pa bawiin yung disisyon ko dahil nasasakatan akong makitang nasasaktan si Manuel sa ibang derection na ko tumingin. . alam kong mas makakbuti yun para sa kanya . . . Gusto ko syang lingunin ng tumakbo yung Jeep pareo pinigilan ko pati narin ng pagluha dahil aminin ko man o hindi may parte ng puso ko ang namatay ng pinili kong mahalin ang alam kong TAMAng tao dahil sya naman talaga ang una kong minahal . . .


*** " We had the right love . . .At the wrong time . . . Guess I always knew inside. . . I wouldnt have you for a long time. . . Those dreams of yours. . . Are shining on distant shores. . . And if theyre calling you away. . . I have no right to make you stay,. . . But somewhere down the road. . . . Our roads are gonna cross again. . . . It doesnt really matter when. . . But somewhere down the road . . . .I know that heart of yours . . . Will come to see . . . That you belong with me . .. . . Sometimes goodbyes are not forever . . . It doesnt matter if youre gone . . . I still believe in us together . . . I understand more than you think I can . . . You have to go out on your own . . . So you can find your way back home . . . . . . * and somewhere down the road . . .. .Letting go is just another way to say . . . . Ill always love you so . . . We had the right love . . . At the wrong time . . . . . . Maybe weve only just begun . . . . . Maybe the best is yet to come . . . Cause somewhere down the road " ****


♥+♥ . . Dear Manuel, i dont know how to told you how sorry I am to broke your heart, hindi ko man alam kung tama yung nararamdaman ko na malaki yung naging sira ng puso mo dahil sa ginawako but i feel nasaktan kita, kaya I want to say sorry noon sayo pero you didnt give me a chance to do dahil kahit sa swimming di ka sumama, but i told you kapag na basa mo rin lahat ng nakasulat dito, madagtdagan man yung galit mo o mabawasan kahit na konti lalo na yung kasalan ko sayo, isa lang gusto kong sabihin I love you, I will love you the time na minahal mo ko, kaya lang hindi talaga pwedi dahil hindi ko alam kung ikaw ang DAPAT kesa sa TAMA pero alam mo madaming beses kong pinagsisihan na mas pinili kong maging TAMA kesa sa Dapat . . basta malalaman mo nalang yun pagtapos ng kwento . . sana when times come magkita pa tayo to say na minsan minahal kita at pinagsisihan kong di yun nasabi but i know naramadaman mo . . ♥+♥

to be continue . ..

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 116

♣ ♥ ♠ . . . . Pumasok ako kahit na may hangover, hindi nga lang ako masyadong naggagalaw dahil nahihili-hilo pa ko . . . Medyo mabigat yung loob ko dahil sa nangyayari samin ni Jan pero mukhang pinaglalaruan ako ng pagkakataon dahil sa tuwing may problema kami ni Jan okei kami ni Manuel, pero sa tuwing nagkakroon ng gap ni Manuel kami naman ni Jan ang nagkakaroon ng pagkakataong maging masaya. . . like now were not in the good term ni Jan dahil akala nya nagiinum ako pero kami naman ni Manuel kelan lang kami nagkaayos mula ng mapagbuntungan nya ako ng galit nya, hindi kami nagusap kung bakit, kung ano at paano pero okei na kami sa tinginan at simpleng ngitian alam namin were back were we are before ahhhhh ewan ko kung ano ang gusto ng langit sakin lung bakit nililito nya ko ng ganito, minsan iniisip ko kaya nagiging salawahan ang puso ko dahil hinahanap ko sa iba yung mga kakulangan ni Jan kahit na alam kong mali, kahit na alam kong di tama but in the end sa lahat ng nangyayari i know, i feel ako parin ang talo . . . . naiiwang mag-isa, lumuluha . .. ..

. . . . . . inutusan ako ni Lola sa Ever Food Mart sinamahan ako ni Lole nakasalubong namin si Asher kaya sumama narin samin. . . ewan ko ba kung ano ang dapat kong isipin sa AHO, kasi naguguluhan ako sa kanila feeling ko kaya sila nagkakagulo dahil silasial nagsusulutan like Tony, he knows na may problema lang kami ni Jan but still kami parin pero ngayon binubuyo nya sakin si Asher, kaya kala nung tao okei lang sakin na ligawan nya ko kahit na sinabi kong hindi pwedi . . ah ewan ko ba kung bakit ganun yung samahan nila di ko tuloy maiwasang ikompara sila sa CYBER's alam kong mali pero naiinis ako sa kanila dahil dapat magturingan silang magkakapatid, walang inggitan, walang iringan at higit sa lahat dapat kapag naging BF o GF na nangisa hindi na pweding mapunta pa sa iba para naman walang away at selosan pero ewan ko ang labo talaga nila. . . .Pag-uwi namin biglang labas ni Jan nakabihis, hindi ko na kailangan itanong kung saan sya pupunta dahil nakita ko sina Doyet at Ria na nasa dulo kaya alam ko na magkasama sila . . hindi ko man gustong masaktan hindi ko maitago sa sarili ko, ayukong magalit kay Jan pero iyon ang nararamdaman ko, gustuhin ko man pero wala na kong magagawa, kung hangang dito nalang kami, tatanggapin ko. Pero iyon na yung huli dahil hindi na ako ang gagawa ng way para bumalik sya sakin dahil sa halos labing isang bwan naming relastion ako ang nagbigay, pero ni minsan hindi ako nakatanggap . . . . . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

. . . . I just cope the pain, the sadness sa pamamagintang ng paglilibang ko through GEKAJOM and PARTY MOVERS kung hanggang doon nalang ang relationship namin ni Jan kahit na nanghihinyang ako dahil next it will be our first year anniversarry pero kung talagang doon nalang bakit kailangan pang ipilit . . . .
. . . . . I went to kuya Jhun house dahil may sakit sya, at ewan ko kung bakit umasa ako na sa pagpunta ko sa kanila kahit papano gagaan ang loob ko, but sad to say mas lalo pang nadagdagan dahil parang lumalabas na ako nalang ang hinihintay ni Jan na makipagkalas sa kanya . . . kuya Jhun give some advice na pagusapan namin kung ano yung dapat pagusapan kapag pareho na kaming malamig ang ulo problema daw kasi saming dalawa laging nagsasalubong ng galit kaya kapag nagalit ang isa sa isa nagagalit narin yung isa sa isa kaya imbis na magkaayos nagkakaroon pa ng sama ng loob. . . .
. . . . . hindi ko naman kailangan na paniwalaan yung tungkol kay Ria, aaminin ko na naghihinala ako na sya na naman ang bagong Jec at Odeza sa buhay ni Jan pero mas nanaig ang paniniwala kong natuito na si Jan after Odessa kaya nga lang ang masakit sakin yung sabihan nya ko ng "LASINGGERA" kahit na hindi pa man nya nalalaman kung totoo ngang nakipaginuman ako kyna lole at kuya exor . . . . pero what should i do, hindi naman ako pweding magdisisyon para kay Jan he has his own mind to think kung ano ang dapat nyang gawin at his own heart para maramdaman kung totoong mahal nia ako o hindi . .. i was hurt but the only things i could do is to cry that is, no more no less . . . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

. . . . . . I just decide na lumayo muna sa GDR nakaya ko yun noong naging kami ni Mark and i could do it now and again and again sa tuwing kinakailangan kong takasan ang mga bagay na di ko kayang harapin dahil habang nasasaktan ako ni Jan mas lalo kong nararamdaman kung gano ko sya kamahal . . .

. . .. every day I enjoy myself kasama sina Jon, Gerly at minsan si Mhaei, i dont know what happened between us ( MHAEI) siguro until now kahit na ako na mismo nagsabi sa harap nya na wala akong kasalanan sa break up ng best friend nia at ni Rico naniniwala parin doon si Mhaei pero katwiran ko utak nya un hindi ko hawak kung maniniwala sya sakin o hindi . . . sometimes sumasama ako kyna Dado kapag nanonood ng Movie, pero madalas i went to the villages, kung saan i know i could have a peace of mind . . . keep the pain and keep all the problem . . .like now my practise sila dahil ang daming compitition na sasalihan dahil magchri-christmas na. . i remember this time, yung mga panahon na ganito inamin ko sa sarili kong mahal ko parin si Jan, last year sa ganitong panahon naguguluihan ako kung dapat ko bang sundin ang puso ko o gawin ang dapat. . . sabi nila if i will choose what my heart say magiging masaya ko pero bakit ngayon sinunod ko naman sya, muli kong binigyan ng chance si Jan to love me and to love him pero bakit ngayon nasasaktan ako, bakit hindi ko maramdaman yung sinasabi nilang kasiyahan . . . how could i wish my isang tao akong masasabihan ng nararamdaman ko, yung higit na makakintindi sakin dahil nanggaling ako sa kanya . . ewan ko kung bakit bigla ko nalang naiisip si mommy, this fast few days lagi ko nalang hinahangad na sana nasa tabi ko sya, sana katulad rin ako ng ibang dalaga na kayang magsabi sa nanay nila ng totoong nararamdaman nila, naiinggit ako sa tuwing may makikita akong magnanay na kala mo magkaibigan lang kung magturingan. I always wish i have one too. . . na sana nasa tabi ko ngayon si mommy to tell me what i need to do, sana nandito sya para maging bestfriend ko .. .. . . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣

. . . . Rocel and Pungay told me na lagi daw magkausap sina Jan at Ria, sa nakaraang mga araw na di ako naglalagi sa GDR sinabi ko sa kanila kuya na umuwi ako ng teresa but the truth gabi lang ako umuuwi at sa kwatro kantos ako dumadaan. I want some peace at di makakatulong kung i always see Jan with other girl kung gusto ko talagang magisip ng mabuti..... And now kahit gusto kong iwasan hindi ko maiiwasan dahil Friday night at sa ayaw at sa gusto ko mapipilitan akong lumabas dahil pinilit ako nina Rocel at Punggay dahil lagi daw akong wala. . . ayuko naman na pati mga pinsan ko magtampo na sakin so lumabas ako, ng makita ko sina Lole at Owel they say " long time no see ah" saka ko lang narealized na bakit ko kailangan tallikuran pati ang mga kaibigan ko ng dahil lang kay Jan, sya lang ba ang maykarapatang maging masaya . . . mas lalo akong nagsise sa ginawa kong pag-iwas sa GDR ng malaman kong nagbuo na pala sina DENNIS ng sariling grupo sa halina ang OG o sabi nilang Original Gangster pero hindi kasama sina kuya Exor doon sina Gleen at Grath, Ian, Nelson at iba pang taga halina ang nagbuo nun . .. . . but yet nawasak parin ang AHO kahit na sabing sila lang ang umalis . . . ang daming kwento kahit halos isang linggo lang akong di nagpakita, pati si kuya olan mukhang namiss ako, sabi ni Rocel araw-araw daw akong hinahanap ni Asher, ng tinanong ko kung bakit di daw nila alam. . . . but i ignored that news dahil alam kong di maganada kung bakit ako hinahanap ni Asher, hindi pa tapos yung unang sakit ng ulo ko magdadagdag pa ba ko . . .
. . . . pero sa lahat ng kwento nina Rocel isa lang ang tumimo sa isip ko, nagbigay ng pag-asa sa puso ko, dahil kinausap daw nila si Jan, ( mga baliw talaga ang mga pinsan ko mahal na mahal ako) tinanong daw nila kung totoong sila na ni Ria, sabi daw ni Jan hindi at nagtatanong na nga rin daw kung nasan ako . . ewan ko ba kong bakit sa loob ng isang taon hindi ko na nakasanayan ang masaktan kay Jan pero sa isang mahiwang salita lang kahit gaano kalalim ang sugat na tinamo ko galing sa kanya, na kahit na ilang beses pa kong namatay at ilang baldeng luha ang iniyak ko marinig ko lang nangsosory si Jan lahat yun nawawala, lahat yun itinatapon ko kasama ng mga luha kong tinuyo na ng hangin. . . ngayon alam ko na kung bakit noong inamin ko sa sarili kong mahal ko si Manuel at biglang inamin sakin ni Jan na mahal nya ko sa unang pagkakataon at sa mismong harapa ko pa, alam ko na kung bakit di ko pinili si Manuel dahil ang totoo mahal ko si Manuel pero kahit wala sya mabubuhay ako, pero si Jan kahit ilang beses kong sabihin na hindi ko na sya mahal hindi ako mabubuhay ng wala sya....... ahhhhhhh kahibangan pero iyon ang totoo. . I can't leave without JAN . . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

. . . . . I was supposed to go para pumunta kayna Mark, but Rocel told me na gusto daw ni Jan na makipag-usap, kaya I postponed kung saan man ako pupunta . . . Katangahan mang aminin pero mas gugustuhin ko ng magpakatanga basta masaya ako dahil mahal ko si Jan. . . . we talk sa pag-asa habang naglalakad paikot sa mabolo at pabalik para kung sakali makarating kami samin nakapag-usap na kami ng di nakikita ng iba . . We talk about sa inuman, inamain ko na naginum ako pero nung birthday lang ni Myra and she admit na sinabihan nya ako ng "LASINGGERA" i told him na labis nya kong nasaktan doon dahil pakiramdam ko he judge me agad kahit na ni hindi nya alam kung may dahilan ba ko para mag-inum. Nandoon narin naman kami kaya sinabi ko na sakanya lahat ng sama ng loob ko mula kay Jec, kay Odesa, Nelvie at ngayon kay Ria, i told him na nagsasawa na ko sa halos isang taon naming away bati, sa mga bagay na ako nalang ang laging umaayos, ang sama ng loob ko sa kanya abot na hanggang langit pero kinakalimutan ko yun kapag humihingi sya ng tawad pero ako, hindi man turingan na ako ang nagkamali dahil iba yung pagkakintindi nya sa INUMAN na sinasabi ni Rose Ann hinuhusgahan na nya agad ako. . . pero sa lahat ng sinabi ko parang di parin sya kumbinsido katulad kong di parin ako naniniwalang di nya pinurmahan si RIA kay bago pa ako sumuko, iniwan ko na sila ni Rocel sa tulay sa VICTORIA pero bumalik ako ng sinabi ni Rocel na umiiyak daw si Jan, so we talk again and now naayos na namin yung mga issue na dapat ayusin, kahit na may konti paring sakit dahil feeling ko kailangan ko pang isagad yung galit ko para lang matauhan si Jan pero inisip ko sumugal narin lang ako ilulubosin ko na . . . .

. . . . At dahil halos dalawang oras akong nawala ayun nagulpi na naman ako ng sermon pero sanay na ko, hindi na ko dating kapag nasisigawan at nasesrmunan umiiyak, ipinaasok ko nalang sa tenga ko at inilalabas sa kabila . . darating din ang araw mabibingi sila dahil kahit isang awa wala akong ibibigay sa kanila . . .

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
. . . . Dahil sa napagalitan ako kagabi kaya di ako pinalalabas ng bahay pero okei lang tumawag naman si Jan samin kaya kahit na maghapong nasa bahay lang ako masaya ako dahil okei na ang lahat . . .

. . . minsan hindi ko alam kung bakit, marami akong tanong pero iilan lang ang nasasagot. . . madalas iniisip ko ano kaya ang buhay namin kung buhay si Daddy, siguro hanggang ngayon wala parin akong nagiging boyfriend knowing my dad halos pareho sila ng ugali ni tito taba mapalalake o babae man ayaw nilang nakikitang laman ng karsada . . at alam ko kung buhay ang daddy ko hindi ko makikilala sina Jan pero kung tatanungin ako mas okei ng ganun ang buhay basta kasama ko si daddy, basta buhay sya kahit mahirap o naghihirap ang makita syang may hininga at gumagalaw isa ng katuparan sa lahat ng pinangrap ko . . .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣

. . . . Halos busy na ang lahat pagdating ng christmas vacation actually nakahilera na ang schedule ng mga christmasa program at halos hindi narin naglelesson pero syempre pumapasok parin ako dahil my attendance yun. , , at nakaraang araw naging okei kami ni Manuel, hindi na katulad ng dating sweet pero naibalik na namin yung friendship namin hangang kanina nalaman ko ang tunay na dahilan ni gago kung bakit nasigawan ako ni Manuel noong nagtatanong ako about Rico . . . hindi sya nagsabi sakin kundi si Icad, kakarating lang ni Icad galing sa paglulunch . . ako naman dahil tinapay at soft drinks lang kinain ko kanina pa ko tapos nagbabasa lang ako ng NOLI sa labas ng classroom kaya ng dumatingsi Icad at binati ako nakipagkwentuhan na sakin si gago. Hangang mapunta kay Manuel ang usapan at naikwento ko kay Icad yung nangyari na nasigawan ako ni Manuel, at sa di ko inaasahan alam pala ni Icad ang dahilan . . . kaya lang daw mainit ang ulo ni Manuel dahil nagseselos dahil sa nakita daw nung bago yung araw na yun' ng tinanong ko si Icad ano naman yung kinalaman ko sa nakita nya b4 that day, dahil ako daw yung nakita ni Manuel na sinundo ako ng isang lalake sa school na sa ibang school nag-aaral . . . saka ko lang naalala yung sinundo ako nina Mark na nakita nya ko, at kinabukasan nga yun nung mangyari yung big fight sa pagitan namin . . . gusto ko pa sanang magtanong kay Icad pero nagsimula ng dumating ang galing sa paglulunch at tuluyang naputol ang pagkukuwentuhan namin ng dumating sina Dado at Manuel. . . kaya nawalan na ko ng oras para magtanong kay Icad at sa palagay ko kung meron pa mang oras wala naman akong maitatanong dahil sa mga oras nayun mukhang natuto ang puso ko na tumibok para sa iisang tao . . .. hindi ko nga lang alam kung tama o nalulunod lang ako sa kasiyahan na nagkaayos na kami . .

. . . . hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ng sabihin sakin ni Icad ang dahilan kung bakit nagkaganon si Manuel last week, wala akong naramdamang tuwa o kahit na anong emotion, Kahit na yung dating kilig na lagi kong nararamdaman tuwing nakikita kong tinitigan ako ni Manuel.. . ewan ko kung talaga lang mabilis mag-iba ang tibok ng puso ko o dahil sa labis na kaligayahan ko lang dahil sa nangyayai samin ni Jan at sa pag-asang maging normal ang sitwasyon namin dahil sa pagdating ni Mommy kaya pati feelings ko kay Manuel nakakapagtakang hindi ko mahagilap, parang bigla nalang lumubog sa pusod ng napakalalim na dagat . . . pero alam kong may feelings parin ako kay Manuel iyon nga lang hindi ko mahagilap dahil nababalutan ako ng kasiyahan dahil ilang araw nalang one year na namin ni Jan feeling ko kasi napakalaking achievement para sakin na sa wakas isang taon na kami . . . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥

. . . . BLACK OUT kaya lahat kami nasa labas. . .. nagkukuwentuhan kami nina Ate ninay kasama sina Rocel, kuya Exor at Lole kaya nagkayayang maglaboy. Napadaan kami kyna Jan, hindi ko sya napansin kung di pa sya nagsalita na "GABI NA!" itinuro sya ni Pungagy sakin at sinabi ko na dian lang kami sa dulo . . . . at dahil madilim nga niyaya ko agad si Ate ninay na bumalik na kami dahil nakakatakot na kung pupunta pa kami sa victoria katulad ng gusto ni Kuya exor kaya tila nagtampo si gago sakin dahil sumangayon sakin si Ate ninay, ba malay ko kung ano na namang trip ang iniisip nila ni lole ayuko na uling magpadala sa trip ng mga yun at baka mapatay na ko ni Jan kapag nalaman nya kung ano ang ginawa namin ni Lole . . . eksakto namang pagbalik namin nagkailaw na kaya hiwa-hiwaly na dahil may pasok pa kasi bukas . . . pero hinitay ko na makapasok muna si Jan saka ako pumasok . . ..
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

. . . . . hindi ko alam kung sinasadyang subukan kami ng tadhana kung hanggang saan kami hahwak ni Jan, halos ilang araw nalang one year na namin, okei na ang lahat pero ng araw na to' pabalik na ko kayna kuya Abet ng magkabangga kami ni Odezza. wala naman akong balak na awayin ang bruha pero narinig ko si Jamaica na nagparinig kung ako ba daw yung girl, at kahit sa simpleng salitang yun i know ako ang sinasabi ni Jamaica at wala na kong nakikita pang katwiran para alamin pa kung ano ang sinabi ni Odezza kay Jamaica kaya nagkasutan na kami pero inawat ni Lole sina Jam at pinaalis sa GDR dahil alam ni Lole na sila Odezza ang nagsimula . . . pero di ako mapipigil ni Lole kaya sumunod ako kayna Odezza at Jam sa dulo ng paderitso kahit na nagiisa ako, palabas naman noon si Jan kaya sinundan ako, napangabot kami ni Odezza bago pa kami maawat ni Jan. .,. at sa inis ko pati kay Jan naibunton ko dahil pakiramdam ko kinakampihan pa nya sina Odezza dahil kinakausap pa nya ang mga bruhang iyon bago kami umuwi . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
. . . . Hanggang sa School kinabukasan dala ko yung galit ko di lang kyna Jam at Odezza kundi pati kay Jan kaya kesa umuwi ako ng maaga nagstay ako sa Villages. Dahil sina Dado busy sa christmas presentation nila para sa school program sa 21, sina Jon, Gerl at Mhaei naman may kanya kanyang lakad, si Rico ah madalas na kaming nag-aaway ng dahil sa pagcucut nya ng classes pero after kong awayin inaamo naman ako kaya nagkakaaus rin agad kami yun nga lang inuulit nanaman after ahhhhhh mala Jan din ang isang yun. . . .

. . . . pero pag-uwi ko himalang nawala ang galit ko ng itanong sakin ni Jan kung anong balak ko sa anniversarry namin. For the first time kasi sya ang nagungkat ng tungkol doon, ahhhh tila ako nakasakay sa cloud 9 ng ara nayun' kaya kahit kanina lang ilang beses ko syang minura sa isip ko ngayon halos halikan ko na sa tuwa si Jan, pero sa isip lang ha he he he. . Kaya sa Thursday after class mag-mamall kami at bahala na kung anong gagawin namin sa mall. Sumasama nga si Tony pero ayaw ni Jan istorbo lang daw . . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
. . .dahil malapit na ang christmas vacation halos wala ng kwenta ang pagpasok pero hindi parin ako umaabsent dahil si mam Diumano walang tigil sa lesson, walang patawad dahil next week pa nga naman ang christmas party at ang huling araw ng pasok . . . .

. . . . . Hinatid ako ni Jan kanina pero my Bad news dahil mukhang magsisimbang gabi lang kami bukas sa One year anniversarry namin at di na kami matutuloy sa pagma-mall dahil nawawala daw yung pera nya. . ayaw naman nyang gumastos ako kaya sabi nya next time nalang daw. saka one of this day darating na si Mommy at umaasa kong mas magiging maganda yung realstionship namin kaya mas magiging okei na kami ni Jan . . .( sana nga!)
to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 115

♥+♥. . . . sinubukan ko uling ipasabi kay Rose Ann na ipaliwanag kay Jan yung nangyari kagabi na inaakala nyang nagiinum ako ng alak . . pero ayaw makinig kaya imbis na magkaayos kami eh lalo lang nagulo, lalo na at parang gusto pa kong asarin dahil kahit na kayna Doyet ako hindi ako ang nilapitan at yung Ria na tropa ni Doyet ang pinansin . . . kaya imbis na makipagayos ako umalis nalang ako roon at baka umandar ang pagiging basagulera ko eh makapatay ako ng di oras . . . . .

. . . . ... kaya sa badtrip ko di na ko lumabas nagbasa nalang ako ng poket book hanggang makatulog . . . nakakasar ewan ko ba doon kay Jan kung bakit imbis na ayusin yung relationship namin eh mas gusto pa ang away bati kami. . kung minsan iniisip ko ako nalang yata ang umaasa na may kahihinatnan yung relasyon namin, na isang araw magiging normal din ang lahat. . Napapagod na kong ako lagi ang nag-aayos, ako lagi ang gumagawa ng paraan at ewan ko ba naman kasi sakin kung bakit nagkakaganito ako samantalang may Mark at Manuel naman na hangdang sumalo sakin . . . minsan gusto ko ng paniwalaan yung sinasabi nilang masyado daw akong bulag at tanga pagdating kay Jan, samantalang si Jan wala daw pakialam sakin kung masaktan man ako o hindi basta for JAN sarili lang nya ang iniisip nya kung nasasaktan ko sya o nababaliwala. . Kahit ano man ang tanggol ko sa kanya hindi ko mababgo yung mga expression sa kanya ng mga taong nakapaligid samin dhil nakikita nila kung paano ko pinipilit itayo at magiging matatag yung relationship namin. . Next month 1 year na namin pero hindi ko alam kung ano ang masasabi ko kapag may nagtanong sakin kung ano ang nangyari sa isang taon naming pagasasama dahil the truth i dont really know if have some. . . . one . . . . .


♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

♠+♥+♣ . . .. November 28 ngayon pero November 29 . . Birthday ni ATE NINAY . . . . dahil monday bukas ngayon kami nagkainan at naginuman ( ito totoong may alak na pero di ako uminum). . . . Dinner ang pakain ni Ate Ninay kaya kaming lahat na magpipinsan nandoon kasama sina Kuya Exor, Jeff at Lole. At kahit na sunday pinayagan kaming lumabas dahil kayna ate ninay lang naman kami beside nandoon sina tita Jeneth at Tita Itcha kaya nga di ako nagiinum dahil mapapagalitan ako. . . . nung mawala yung mga dragon nagpunta ako sa GDR dahil nanghihiram si Kuya Olan ng pocket book so nagrade kami kyna Doyet, nakita kong lumabas si Lole sa Video shop ewan ko kung bakit nandoon an yung kumag nayun samantalang kanina iniwan ko sa mesa nina ate ninay, inuubos nalang kasi nila yung isang pineapple gin tapos manonood na kami ng VHS na hiniram sa Video City kaya sinigawan ko si Lole na kung tapos na yung inuman baka kasi magsimula sila ng di ako hinahantay . . pero bago ako umalis kyna Doyet sinabi sakin na galit daw sakinsi Jan dahil lasingera daw ako. . . hindi ko man gustong maniwala sa sinabi ni Doyet pero nasaktan ako dahil totoo man yun o hindi pakiramdam ko guisto kong sugurin si Jan dahil wala syang karapatang sabihin sakin yun dhil hindi nya alam ang totoo pero hindi ako nagpakita kay Doyet ng kahit na anong kahinaan dahil alam ko makakarating yun kaya Jan at di ko gugustuhin na bigyan sya ng kasiyahan kaya sinabi ko kay Doyet na sabihin na di ako angiinum pero wag nya kong sasabihan ng lasengera dahiol wala syang alam. . .

. .. at kahit asar na asar ako sa tarantado kong boyfriend hindi parin ako nakainum dahil ayaw ni Kuya Exor . . . kaya kahit na nagumpisa at natapos yung movie wala akong naintindihan dahil nanggigigil ako sa galit kay Jan . . . 11pm na kami nagkahiwa-hiwalay nina Kuya, Lole Jeff at Ate Ninay at dahil siguro sa galit ko nakatulog agad ako . . .


♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥


♣ ♥ ♠ . . . . hindi ako inihatid ni Jan kaya ibig sabihin galit nga si gago, kahit na may konting kirot akong nararamdaman o mas tamang sabihing nasasaktan nilabanan ko yun, dahil kung papatalo nanaman ako kay Jan lalabas ako nanaman ang kaawa-awa dahil ako pa ang humahabol sa kanya. Kaya minsan hindi ko masisise ang mga tita ko kapag sinasabi ilang ang dami daw lalake dian para magkandarapa ako sa isang katulad nya. . . kahit na ang meaning nun eh tungkol sa pagkakaroon namin ni Jan ng blood relation alam ko iba ang impact nun sakin dahil unti-unti kong nakikila si Jan, mas gugustuhin nyang nasasaktan ako kesa sya ang masaktan, he didn't brother to what his done or to what his say importante sa kanya maibangon nya yung ego nya kahit ang kapalit nun ako . . . hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit I always told that I'm in love with Manuel kapag nasa school kami but still nasasaktan ako dahil kay Jan especially kapag binabaliwala nya ko at yung nararamdaman ko. . .. . sometimes I asking to myself kung ano ba ang ginawa ni Jan para mahalin sya ng puso ko ng ganito samantalang sa una pa lang he never do special for me just to give heartache', at kung hindi rin dahil sa kanya hindi ako paghihigpitan sa bahay but yet i choose to be what we are now, mas pinili ko syang mahalin at maging suwail na anak kesa ang malayo sa kanya pero what now? after all ito ako, nagiisa nanaman, lalaban pero di ko alam kung yung taong pinaglalaban ko kakampi ko . ....

. . .. I just ignored what I feel, ayukong makita na naman ako ni Rico na may problema dahil ayuko ng makatagtag pa sa dindala nya dahil aminin man ni Rico o hindi alam kong may problema sya sa family nya kaya medyo tumatagilid ang mga grades nya at natututo' syang mag cut ng classes. ... Isa pa wala akong balak dalhin ang problema ko sa school dahil ganggang maari yuko ng malungkot lalo na kung nasa eskwelahan ako dahil nakakaipekto yun sa mga lesson ko at di ko gustong gawin yun' sumumpa ako sa sarili ko na magtatapos ako at balang araw lahat ng sinasabi ng mga lola ko at Dragon sakin ipapalamon ko sa kanila at di iyon magagawa kung magiging hangal akko at magpapabaya sa pag-aaral ng dahil lang sa isang lalakeng huhusgahan ako bago pa ko kausapin . . . .

. .. . Pag-uwi ko nakatambay sina Tony, Bong, Athan at Jason "baba" kasama yung uisang mistisong lalake ,. . . nang tumapat ako sa kanila tinawag ako ni Tony at ipinakilala sakin yung bagong mukha "ASHER" pala ang pangalan. ang balak ko lang nginitian pero naglahad ng kamay kaya napilitan ako makipag handshake. Tapos nun umuwi na ko dahil madami akong paper works dahil mag chri-christmas vacation madami na namang tinatambak saming project dahil on January 3rd periodical na agad kaya bawal muna laboy he he he he . . . .


♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥


♠♥ ♣ . . . Badtrip tinanghali ako ng pasok di dahil late ako nagising kungdi dahil may banggaan sa bondry ng angono at muzon kaya ang traffic, nakasabay ko nga si Mam Frnacisco yung teacher namin sa FILIPINO sa pagalalakad dahil kungdi namin lalagpasan yung banggaan malamang bukas pa kami makapasok. Panigurado sinira na naman nina Mam yung padlock ng room dahil ako lang ang may hawak ng susi kainis pa may quiz pa naman kami sa Science after kong magreview kagabi ng katakot takot mukhang di pa ko makakakuha ng quiz dahil sa hinayupak na traffic . . .

. . . . dumating ako kami nina mam Francisco halos 8 oclock na means kanina pa ngasisimula yung quiz namin pero mukhang alam naman ng mga teachers na my traffict kaya hindi ako sinita ni Mam Gabriel, isapang badtrip naiwan ko yung papel ko sa bahay kaya yung stationary ko pa ang ginamit ko. . . inuna ko yung problem na alam ko at nadadalian ako, kaya medyo nangalahati na ko ng sabihin ni mam ipasa na yung papel pero tiniyaga ko parin habang di pa nakaalis si mam alam ko namang naiintindihan ako ni mam kaya hinintay pa ko ng 5 mins kaya lang sa hirap ng last problem di ko narin natapos pero okei na yun atleast may quiz ako sana lang di nagkarambol-rambol yung sagot ko sa nireview ko kagabi. . . Kaya paglabas na paglabas ni Mam Gabriel tinanongko agad kay Jason kung ano yung sagot sa problem na di ko sinagutan hay salamat kahit na ilang puntos meron naman ako doon sa hindi ko natapos. . . . Rico asking kung bakit ako late, kala daw nya absent na naman ako, ay naku may absent na nga ako last week aabsent nanaman ba ko ngayon . . .

. . . . . Paguwi ko nakita ko nanaman na nakatambay sina Tony at Asher kaya nakipagkwentuhan ng konti dahil kinausap ako ni Asher, ewan ko nga doon kung bakit feeling ko kilalang kilala ako ng gago dahil kung magtanong parang di lang kami kahapon nagkakilala pero inisip ko baka nakuwento lang ni Tony yung mga tinatanong sakin o kaya naman talagang magaan lang loob sakin nung tao. . .

. . . . Naku po ang mga pinsan ko lalo na si Rocel eh tila di mapakali sa kinauupuan, nasa tambayan kasi namin kami doon sa tapat nina Ka Merly na tindahan, eh lumapit si Asher at Bong samin wala lang nakikipagkwentuhan tapos umalis din agad, ito namang mga pinsan ko kinikilig dahil ang pogie daw ni Asher, pogie naman talaga pero walang apel sakin ewan ko kung bakit . . . kaya mukhang crush pa ng mga kikay kong pinsan yung bagong AHO hay naku baka pogie nga eh katulad naman ng ibang alam mo na may mukha wala namang laman ang ulo . . wag nalang! !

. . . ... . Kinagabihan tinawagan ako ni Ate ninay sa phone labas daw ako samahan ko daw sya kyna Myra dahil birthday daw ni Myra eh nandoon si kuya Exor ( hindi ko alam kung ano ang kwento nilang dalawa dahil naguguluhan ako kung si Jeff ba o si Kuya exor ang bf ni ate that time) di daw kasi sya papayagan kung sya lang mag-isa kaya nagpaalam ako kay Lola at dahil kasama si Ate Ninay pinayagan naman ako. Na datnan namin roon sina Kuya JR (bangaw) kuya Marvin, Kuya Exor, Lole at Ashier bukod kyna Tony at Bong , sa mga tropa ni Myra na babae at sa mga kaibigan ng kuya Manny ni Myra na nagsisinakulo. . . Pero doon sa table nina kuya Exor syempre kami naupo, doon ko lang nalaman na magjowa pala sina MYRA at LOLE kaya ng maalala ko yung katarantaduhan namin ni lole nung sabado binatukan ko si gago dahil di ko alam na my GF na pala sya. . . pero syempre nagbulungan lang kami dahil mahirap na nandoon pa naman sa table namin sina Kuya Jr at Kuya Marvin eh tropa ng kuya Nover ko yun. . .

. . . pinakakain kami ni Myra pero sabi ni ate ninay kumain na daw sya eh ako rin kakain lang namin kaya hindi na kami kumain, pero inalok kami ng alak, at dahil bawal ang kill joy walang nagawa si kuya exor na pigilan si ate ninay na uminon, ako wala naman talaga akong balak uminum pero nakita ko si Jan at si Tato dahil rehas naman yung gate nina Myra kaya kitang kita yung tamabayan ng AHO mula sa loob, kaya nakita kong kausap ni gago yung RIA sa upuan nina DOYET sa labas tapos umalis pa at sabay pang naglakad kaya kahit wala akong balak uminum ng gabing yun' uminun ako. . bahala na bukas may quiz panaman ako sa filipino . . .

. . . . . Naging okei naman yung inuman, si Asher nga ang lagi kong kausap dahil kanya-kanya naman ng kwentuhan sila kapag tagay ko na saka lang ako nakikisali. . . Ah sabi sayo mukhang for the first time nasagad ko ang bahay alak ko buti nalang nagyaya na si Ate ninay dahil nagbukas pa si Kuya JR ng isang bote dahil kung di yung pulutan na kinain ko ah isusuka ko na . . Salamat naman at wala ng mga kurimay sa labas ng umuwi kami ni Ate hinatid pa nga kami ni Kuya Exor at ni Asher " feeling ko ang layo ng bahay namin" he he ehe. . pagpasok ko sa house logtu na ang mga tao pera lang sa mga dragon an naglalamay sa tahian kaya yung kanina ko pa gustong gawing pagsuka malaya kong nagawa sa banyo namin he h ehe pero di ako nagingay baka marinig ni lola tigok naman ako. . ..

to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 114

♥+♥ . . .maaga palang tumawag na si Jon kung what time ko sya susunduin, pero sabi ko tatawag muna ako kay kuya Jhun then i call her back, but sad to say dahil sabi ni kuya jhun hindi daw pwedi sa kanila kaya kyna Abet daw ang handaan. .. Naku patay! pero di namansiguro masama na pumunta kami doon dahil birthday naman ni Abet hindi nalang ako magpapaalam. .
♣ ♥ ♠ . .. . 2:30 ko sinundo si Jon, tapos sinundo namin si Gerl pero wala daw nasa Sta. Lucia ah nakakainis nag-aksaya pa kami ng pamasahe . . dahil mukhang maaga pa kami kaya nagstay muna kami ni Jon sa house konting chitchat about Rolly and Garry, if I am so confused kung sino ang dapat at tama kayna Manuel at Jan, Jon confess to me that she still in love with Garry pero friendship lang ang inalok sa kanya ni Garry when they talk and she know na mahal parin naman nya si Rolly, kung pwedi ko lang sabihin kay Jon that we in the same shoes right now at sabihin kong I fall for Manuel but eventually i still love Jan i think mas lalong maguguluhan ang bruha but yet i dont tell her or maybe i dont wanna tel her dahil paniguradong she say that i choose Manuel dahil kung meron man nakakakita how much Manuel head to toe in love with me si Jon yun dahil lagi namin kasama sina Rolly, and beside for Jon masaktan ka na basta nagmamahal ka at masaya ka . . . And I love JONALYN Perez for that dahil kung meron man saming apat sa GEKAJOM ang dapat na higit na maging masaya its JON dahil if all you know how she handle and cope the problem and pain that her family give to her masasabi mo rin na tama ako. . .
♥+♥ . . . 4:30 na kami nagpunta kayna Abet pero wala pa roon sina kuya Jhun at Kuya Exor yung mga kutong lupang AHO lang ang nandoon. . . . at isa na roon si Athan. Kumain lang kami ni JON ng konti then may konting biruan dahil kyna Abet at Jon, , ang saya nga eh. . kami ni Jan okei lang kami kahit na mukhang sira dahil balak pa yatang makipag-away kay Athan dahil for the first time simula noong nagbreak kami ngayon lang ako pinansin ni Athan kaya nung pinapashot ako ng beer kukunin ko sana pero dumating si Jan at galit na galit, (malay ko bang parating sya eh inalok sakin ni Athan yun nung lumabas sila) kaya para iwas gulo tumaas nalang kami kyna Abet na second floor. . . doon kami nagusap ni Jan kasama sympre sina Abet at Jon then dumating si Kuya Exor, and the good news okei na sila ni Kuya Jhun kahit na hindi pa gaun ka okei importante naguusap at ngapapansinan na sila. . . saka ko na kakausapin si Kuya exor about his vice dahil i now thats not the right time and the right place . . .

But the happiness was cut when the dragon's coming . . kainis nasugod kami ni Jon kaya ayun halos gumiba yung bahay namin sa sermon sakin. . . .pero pagdating sa room ko nagtawanan lang kami ni Jon siguro dahil nahawa na ko kay Jon na tintawanan lang yung sermon sa kanya dahil i know kung nagiisa ako iiyak lang ako ng iiyak ahhhhh ganun ako kahina when comes to my family pero iharap mo ko sa kaaway ko patayan kung patayan he he he. . . at kaya naman pala bigla akong hinanap samin eh dahil nakakailang tawag na pala si Icay, bruhang babae yun di nga ako pinahamak kagabi dahil akala ko sya yung tumawag ayun pala si Icad ngayon namang nagkakasiyahan kami saka ako pinahamak hmp.... banas. .. . . . pero okei na na namura ako kasi enjoy naman kami ni Jon after all. . . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

♠+♥+♣ . . . Night Before the ANGONO Feist kaya abala sina Jon at Gerl sa house nila ng tumawag ako, kahit na monday wala kaming pasok dahil holiday nga sa ANGONO, kaya stay ako sa house, konting nood ng TV and pocket book na ang binasa ko . . . ang mga tita ko may hang-over pa sa kakasermon pero di ko nalang pinapansin, magsawa sila sa kakadada kapag ako na ang may hawak ng buhay ko tingnan natin kong makadada pa sila . . . but something news came i dont know if I need to be happy or what, pero syempre happy ako after more and less three years makakasama namin sya sa Christmas and New year. . . We got a call from mom, she said may mga bagaheng darating after two weeks pero kabilinbilinang wag bubukasan, maglinis daw ng bahay sa dec 17 dahil may kaibigan syang darating. Kung samin magkakapatid napaniwala kami ni Mom na kaibigan nya ang uuwi at makikitira ng ilang araw sa bahay pero hindi ang mga dragon ( asa ka pa eh ang lakas ng pang-amoy ng mga yun') dahil ang sabi nila kunwari lang daw na friend ni Mommy ang uuwi but the truth si Mommy yun. Kay ayung dalawa kong kapatid ang saya-saya, i feel the excitement na nararamdaman nila, syempre ako rin happy ako and excited but yet there's some strange feeling na hindi ko maintindihan kung bakit may kalapit na takot ang happiness and excitement na nararamdaman ko. . . siguro dahil natatakot ako na may mangyari na naman. Ewan ko ba kung bakit ganun ako naniniwala ako sa HISTORY can repeat it self . . kaya pati yung bagay na dapat ikasaya ko dahil uuwi na si mommy at magkakaroon na ko ng pag-asa na makausap sya about my relationship with Jan, dahil I know kung may makaktulong sakin to make our relationship be like a normal couple si Mommy yun' at naniniwala ako na ako ang anak nya kaya ako ang kakampihan nya . . ( yun ang kala mo)
. . . . I invited Kuya Exor, Abeth and Jan bukas kyna Jona and Gerl kasi si Mhaei hindi naman naghahanda yun dahil sa religion nila. . Si kuya Jhun ewan ko sa kanya may tampo parin ako sa kanya dahil ni hindi manlang nagpakita sa birthday ni Abet. . saka di ko sya nakita sa tambayan. . . . pero sandali lang ako dahil baka mabadshot na naman ako eh di pa ko payagan bukas . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

♠♥ ♣ . . . . Nauna ako kyna Jon para hindi halatang magkakasama kami nina Kuya Exor, Abet at Jan pero dumating sila nandoon na yung tropa ni Jon na mga classmate niya from elementary at highschool hindi ko na nga nahintay sina Rolly dahil mukhang nabadtrip yung tatlo dahil di sila maasikaso ni Jon pero naiintindihan ko naman si Jon kung bakit di na nya kami napapasok dahil ang dami na ngang tao sa loob dagdag pa puro lalake sina kuya kaya ayun kyna Gerly kami nagstay . . hinahanap nga si Tony eh natakalimutan kong imbitahan and you know what mukhang makakasundo ni Kuya Exor yung tatay ni Gerl dahil sila ang magkabonding, pero badtrip ako dahil ewan ko kay Jan kung bakit ang sama yata ng timpla ni hindi nama-mansin, pero hinayaan ko lang . . . Nagpaalam ako sa kanila sandali dahil pumunta ako kayna Carol sa kabilang karsada at kyna Mylene di naman ako nagtagal nagpakita lang ako. Hindi pa raw kasi dumarating sina Joey . . . pabalik na ko kyna Gerly ng makita ko si Chris, anak ng tokwa bakit di ko naisip na sa kabilang street lang nina Gerl nakatira ang hinayupak na yun' natakot tuloy ako dahil baka kasama na sina Mark pero kahit alam kong wala naman dapat ikatakot basta ayaw ko lang pagkaharap sina Jan at Mark ewan ko kung bakit . . . kaya ng matiyak kong wala pa naman sina mark doon nilapitan ko si Chris, he asked me kung saan ako galing sabi ko kyna Carol konting chika at sinabing mamaya pa sina Mark pupunta roon o kyna Cath nalang yata magpupunta kasi mas mayaman daw sa kanya yun' SIRA ULO talaga to' then bumalik na ko kyna Gerl at syempre still si Jan tahimik, si Kuya Exor nakikipagchikahan kay Tatay buti nga si Kuya Abet kahit papano nakikipag usap kyna tatay eh si Jan ala lang kaya nainis tuloy ako, at hanggang paguwi dala ko yun . .

♣ ♥ ♠ . . . at dahil nga after kyna Gerl umuwi na kami di na ko nakapunta kyna Cath o kahit manlang sa Village, hindi naman fiesta roon dahil may sarili silang fiesta pero nandoon yata ang mga kumag pero dahil nga kasama ko sina Kuya at Jan ipilit ko man o hindi eh hindi na ko makakatakas dahil knowing kuya Exor di papayag yun na uuwi sila na di ako kasama. ewan ko nalang doon sa magaling kong boyfriend na ewan kainis.........

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣

♣ ♥ ♠ . . . . November 24 . . . . Kuya KITZ BIRTHDAY . . . at kahit may pasok na hindi parin ako pinapasok ng lola ko dahil sabi daw ni Tita Bubs maglalakwatsa lang daw ako dahil malamang kokonti lang daw ang papasok dahil kafie-fiesta lang. At dahil namura ako kagabi dahil after na maglamierda ako sa angono, sumama ako kay Grace na magpataya ng Ending kaya ayun bugbog sarado na naman ako sa Sermon kaya tuloy di ko na kita ang babes ko. . .

. . . . . After dinner i got a call from Icad, nakakahalata na ko ah bakit kapag si Icad ibinibigay ng mga tita ko yung phone eh samantalang kapag ibang lalake hindi . . hmp ano kayang meron ang boses ni Icad, , by the way he just call para lang itanong sakin why daw ako absent dahil hindi daw nya ako nakita sa school kanina. . . kaya sinabi ko yung tunay na dahilan, pero sabi nya nagclasses naman daw kanina kahit kokonti lang, ewan ko eh teacher ko yung kalaban ko makakapalag ba ko. . . kaya after chitchat things bla . . bla. . bla eh nagpaalam na ko sa kanya dahil i need to do my assignment na na di ko nagawa dahil nagbasa ako ng pocket book.. .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

♥+♥ . . . . Hindi ako ninatid ni Jan kahit na sya pa ang nagpasabing ihahatid daw nya ko. Ewan ko kung bakit nanaman, baka may gawa o kaya naman hindi nagising. Yung tungkol sa di nya pagimik sa angono, masakit lang daw ang ulo nya kaya kahit na i dont think that was a valid reason para paandarin nya yong ugali nyang ganun eh pinatawad ko na sya but after all e2 nanaman hindi nanaman ako hintaid . . .
. . . . Ewan ko ba kung ano ang meron sa araw na to' at tila yata maganda ang mood ni Manuel, kasi umang-umaga pa lang naririnig ko ng yung tawa nya at pakikipagasaran kyna Uniquecam BY at Maricris . . yung tatlong yun naman ang laughing stock ng mga tao sa room namin . . . lalo na ni Argel . . . . pero talagang iba yung awra ni Manuel dahil pati yata yung inis at galit ko sa kanya nakuhang alisin ng gago.. . Pano ba naman hindi ko sinasadyang matingin sa kanya habang kausap ko si Rico, nasa upuan kasi ako at sa upuan nya si Rico ng tawagin ako ng huli kaya paglingon nagkatinginan kami at alam mo bang nginitian ako at kinindatan pa ko kaya napangiti tuloy ako sa wala oras kaya para iwasan ko yung pagtawa ibinaling ko ulit patalikod yung ulo ko at sinagot si Rico ng hindi nakalingon, yung gago naman di ako na gets kaya sabi bakit ayaw ko daw humarap sa kanya kaya lumapit sakin si kumag kaya kinakailangan ko pang takpan yung bibig ko para lang hindi makita ni Rico yung pinipigil kong tawa. . pero nasa mood si gagong mangasar, bakit daw para akong baliw na tumatawa ng walang dahilan at alam kong naririnig yun ni Manuel kaya tinitigan ko ng masama si Rico saka lang nagets kung bakit ako nagkakaganun .. . . ahhhh sira ulong Manuel ka. . . kailan mo ko papatahimikin . . .
. . . . pag-uwi ko nakatambay sina Doyet at mga classmate nya kaya pinakilala sakin ni Doyet si Ria, well syempre tinanggap ko naman yung pakikipagkilala sakin dahil wala namang masama roon kahit na sa meralco rin yun nagaaral nga lang bata pa yun para maging pokpok ng GDR . . kaya kampante ako na di sya makakasira sa AHO . . .
. . . . hindi ko nakita si Jan ng lumabas ako noong gabi kaya sandali lang ako sa tambayan nina Rocel then natulog na ko . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

♠+♥+♣ . . . Its Friday. .. . . kaya sumakit nanaman yung tiyan ko kakatawa kanina sa play namin and beside of that si Manuel mukhang di lang kahapon happy dahil kaninang umaga di ko alam kung anong nakain nun o baka naman naeengkanto na naman dahil ibinili ako sa sandwich at gulaman ng malamang di pa ako naglulunch, syempre nagthanks ako, ng sinabi ko kung bakit pa sya nagabala eh kakain naman ako after kong basahin yung Noli at ang hinayupak umalis ng di ako sinasagot, sinigawan ko nga ng " layasan ba ko" pero narinig ko lang tumawa. . kaya kahit na naiinis ako dahil umaamdar nanaman ang puso kong salawahan eh napangiti tuloy ako. Di ko alam kung saan ako nabusog kung sa kinain ko o sa tawa ni Manuel . . . . hay buhay iyan kananaman kathrina!!!!!!
. . . . . Tila yata araw ng kaligayahan ko dahil FRIDAY may basbas para lumabas, dapat mag-uusap kami ni Jan kaya lang niyaya ako ni kuya Exor at Lole na tumambay kyna Ate ninay ( pinsan ko, dati closed na closed kami kahit laging nagaaway sa laruan dahil yung dating house namin katabi lang nila pero nung lumipat kami sa bahay na bato madalas kwentuhan nalang o minsan ngitian lang dahil yung mga naging friend nya yung talagang ka-edad na nya kaya ako naiwan sa mga pinsan naming mga bata he he he pero dalaga ang isip kaya happy ako ng niyaya nya kong makipagkwentuhan sa house nila w/ kuya Exor and Lole). Napasarap yung kwentuhan namin lalo na ng magpa-coke si ate Ninay kaya pinasabi ko kay Rose Ann na sabihin kay Jan na bukas nalang kami mag-uusap dahil nagkukuwentuhan kami at nag-iinum nina lole. Eh sira talaga tong' pinsan ko hindi sinabing hindi alak yung iniinum namin kundi coke, eh alam kong mali rin naman ako ng sinabi kaya hindi ko magawang magalit. At alam mo ba ang sabi ng damuho kong boyfriend di na daw kami mag-uusap kahit kailan. . . ala hindi man lang daw ako pakinggan. At kahit pinasabi ko kay Rose Ann na ipaliwanag nya kung ano yung sinabi nya ayaw na daw ni Jan na makinig sa kanya, kaya sa inis ko hinayaan ko sya sira ulo pala sya para namang makakainum ako doon eh nandoon si Kuya Exor aside from that eh kalapit lang ng house nina Ate Ninay yung tahian ng mga tita ko, kaya kahit hating gabi na di pa ko pinapapasok dahil nakikita naman nilang nadoon lang kami nina Ate sa labas ng gate. . .
. . . .pero may kalukuhan kaming ginawa ni lole ng gabing yun' buti nalang umalis si Kuya exor para bumili ng sigarilio, ( honeyca sorry for this pero kailangan kong sabihin kasi kailangan sa HISTORY dont worry walang meaning yun trip lang . . . ) eh sira ulong si lole pati ako dinamay sa kanila ni Ate Ninay ang topic kasi nila eh yungnangyari daw sa PASIG. . . . ako naman nakikinig lang dahil di ko naman alam yung nangyari, buti nalang kakauwi lang ng mga tita ko pinyagan lang akong magstay dahil kasama ko si Cheenee, tapos bigla ba naman sinabi sakin ni lole na kung ako daw paano humalik, sabi ko sira ulo ka rin noh! aba at china-challenge ako ni gago, pagbigyan ko nga. . . sira ulong LOLE san daw ako natutong humalik, sabi ko gago ka pala my boyfriend ako pano ko di matutotong humalik kaya nagtawanan kami nina Ate ninay dahil patay daw sya kay Jan sabi ko paki alam nun sakin, pero nasabi ko lang naman yun dahil naiinis ako sa kanya. . . hmp bahala sya sa buhay nya. . . pero pinasumpa ko si lole na hindi malalaman nina kuya Exor at Kuya jhun yung kabulastugan namin kungdi ipapa-salvage ko sya sira ulo sya.
. . 12 am na kaya tinawag na kami ni Cheenee ng mommy nya, nakita ko pang nakatambay si Jan bago ko pumasok ng bahay pero si ate Ninay pumasok narin kaya pumunta narin sina lole at kuya Exor sa tambayan ng AHO. . .
to be continue . . . . . .

Friday, March 14, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 113


♣+♣+♣ . . . . . NOVEMBER 16, . . 11th MONTHSARRY namin ni Jan pero assual dahil wala syang balak sumama sa akin sa Marikina ayun I celebrate this day with Kuya Jhun . . we try to find the CYBER's pero hindi namin nakita. Engot naman kasi ako hindi ko naitangong kung saan ang meeting place o kung tuloy silang pupunta pero okei na rin yung araw ko kahit my konting bad trip dahil sa boyfriend kong ewan, nakapagbonding naman kami ni Kuya Jhun kaya ayus narin. .


.. . . . Habnag nanonood kami ng base ball ( i wish makita ko si Bogs pero ni balahibo ng tukmol wala) napagusapan namin si Kuya Exor, and thanks GOD nagasalita naman ang isang to' di tulad ni kuya Exor ginagawa akong manghuhula (Charot!) i know na ayaw ng ni kuya exor na madamay ako, pero hindi naman ako madadamay kung saabihin nila i want to help kaya gusto kong malaman . . . .


. . . Kuya Jhun told me his version ( syempre sinabi kong "version" dahil hindi lang naman si Kuya juhn ung involve so i know i need to get kuya exor side para matapos na yung gulo) He said na hindi naman sya galit kay kuya etong' si kuya daw ang may tampo sa kanya sampu na yung mga kaanib ni kuya exor noong napatrouble 2 weeks ago ( di ko alam yun ah) nakabasag daw kasi ng winshield sina Kuya Exor and company (i forgot kung sino-sino yun) dahil nakikipagbatuihan yata sa mga kaaway nila kaya may natamaang salamin. . then nabaranggay sina kuya exor at humngi ng tulong sa kanya and that time wala rin naman daw sya dahil marami ring gastos sa school kaya Kuya Exor thought na iniiwanan sila ni Kuya Jhun sa ere which is hindi naman totoo dahil kung totoo yun sana hindi lang gumawa ng paraan si Kuya Jhun kahit na konti because Kuya jhun told me na kasama sya ng kinausap nila yung may ari ng windshield at napagkasunduaang bayaran nalang ng pakonti-konti . . . but hindi lang iyon ang problema mukhang may balak mag-solo yung grupo ni kuya Exor aside from AHO and for me thats not a good idea, dahil ako ang unang mahihirapan at higit sa lahat hindi ako papayag na magkaganun lang yung friendship nila after a year hello! nababaliw na ba si Kuya Exor . . . .


Pero bukod doon may sinabi pa si Kuya about sa bisyo ni Kuya Exor, but we didnt judge kuya Exor, napagkasunduan nga namin ni Kuya na magtulungan para iiwas sya doon, kasi kung ngayon namin iiwan si kuya exor malamang sa hindi mas lalong lala yun dahil sabihin man o hindi kami nalang ang matinong kaibigan nya dahil balita ko yung mga ugok na lagi nyang kasama gumagamit rin.... ahhhhhhh bigla tuloy akong naparaning hindi dahil sa nalaman ko kung di sa sarili ko, dahil buong buhay ko lagi nalang akong nagtha-thanks dahil may mga besfriend akong natatakbuhan when i needs one pero sooner and later kapag okei na ko nababalitaan ko nalang sila yung may problema. pero they didn't let me to help them kaya minsan nga i want to asked my self kung talagang naging bestfriend ako sa kanila dahil feeling ko ako ang dami nilang nagawa sakin ni hindi ko na mabilang mula sa maliliit at malalaking bagay pero AKO kaya meron ba kong nagawa for them? ? ? kahit na kapirasong things na alam kong makakapagpagaan ng loob nila... ahhhhhh i feel so bad..........


. . . . . Umuwi kami ni Kuya Jhun hapon na syempre ako ang naunang dumaan dahil mahirap ng mastismis . . . pagdaan ko nandoon sina Jan at Abet pero hindi ko sila pinansin hindi dahil hindi sila sumama kung di hangang sa mga oras nayun' iniisip ko parin si Kuya Exor . . .hindi ko alam kung bakit nagkakaganun si Kuya Exor pero mula ng malaman ko yun' i promise to myself na tutulungan ko sya para maalis na nya yung vice nyang yun . . . kung may kinakailangan akong gawin i'll do it for him . . ..


. . . . kinabukasan nagkita kami ni Jan kayna Abet, Birthday ni Abet bukas kaso sa Sunday ang handa kaya busy sila hindi sa pagprepare kundi sa kara krus ah ewan ko kung anong nakukuha nila sasugal. Hindi na namin pinagusapan ni Jan kung anong nangyrai kahapon basta lumipas na naman yung monthsarry kaya wala na kamig magagwa pa dun!!


. . . . Sa school di parin kami ngapapansinan ni Manuel iniiwasan ko sya sa tuwing may pagkakataong syang makausap ako ng tungkol sa nangyari kung minsan ako na naaawa dahil halata namang gusto nyan magsorry pero kapag hinayaan ko yun alam ko susuko na naman ako kaya mas okei ng wag na muna saka na kapag kaya ko ng mas rendahan ang puso ko . . .


♣ ♥ ♠ . . . . NOVEMBER 18, . . .birthday ni Abet . . pero binati ko lang sya dahil sabi nya sa SUNDAY pa daw sya maghahanda kaya pinaguusapan pa namin nina Jon kung anong plano . . .


. . . Nakasabay ko si Jan at Kuya Jr pagpasok pero hanggang La Mar lang sila dahil doon ang work nila . . kaaasar nga kung kelan masaya yung pinaguusapan namin ng babes ko saka naman sila bumama hmp kainis . . .


. . . . Kahit ano yatang iwas ko kay Manuel dahil nasa iisang lugar kami di ko sya maiiwasan . . alam mo bang bigla nalang tumalon yung puso ko kanina buti nalang nahabol ko . . kasi naman kung bakit sa dinami-dami ng makakabangga ko paglabas ko ng room kanginang Luch break si Manuel pa. .. Palabas na kasi ako nun para bumili ng tinapay sa canteen para lunch ko eh nag-uusap kami ni Jason kaya naglakad ako patalikod, malay ko bang pag harap ko bigla malapit sa pinto syang pasok naman ni Manurel na tila di rin yata nagko-consenrate sa dinadaanan nya kaya nagkabunggo kami kung di ako nakahawak sa may pintuan malamang tumumba na ko, pero imbis na magalit yung puso ko tila tuwang-tuwa pa pero syempre diba mag-akaaway nga kami kaya ayun sinimangutan ko nalang bago ako tuliyang umalis, hindi na ko nagsalita baka kasi imbis na galit ang ilabas ko traydurin na naman ako ng puso ko ahhhhhh grabe para kong baliw nung naglalakad na kong mag-isa hindi ko maiwasang matawa, kasi kinikilig ako at kung may salamin lang akong hawak tiyak makikita ko kung gaano kumikislap yung mga mata ko.. . . ay kupido pwedi bang tantanan mo na ko . . . .


. . . . . pero lahat ng saya ko sa school napalitan ng inis at galit paguwi ko ba naman kasi si Rose Ann ( sister ni Argel) nagsumbong sakin na inaway daw sya ni Odezza eh natiyempuhan ko si gaga kyna Abet kaya yun nangpangabot kami si gaga naman todo tanggi di daw nya inaano yung pinsan ko parang tupang kay amo pero kapag nakatalikod na ko kahit di nila sabihin alam kong tinitira nila ko...... ahhhhh banas kailan kaya mawawala ang mga tinik sa lalamunan ko . . . .



♠+♠+♠ . . . . hindi ko alam kung dahil sa nangyari kahapon kaya ang gaan ng pakiramdam ko ng pumasok ako kinaumagahan kahit na may konting badtrip sa mga babaeng AHO, ah basta masaya ako, kahit na ano pang dahilan nun ang importante magaan yung pakiramdam ko kaya wala akong balak magsungit... Sabi nga ni Rico ano daw ang nangyayari sakin?, sabi ko bakit? para daw kasi ankong namatanda dahil hindi maalis yung ngiti ko hindi man daw sa labi pero yung mata ko daw kanina pa nagniningning. Sira ulo talaga tong' bestfriend ko balaiw he he he he sabi ko wala lang basta masaya ako, masama bang maging masaya...??? hindi naman daw.... hmp ang lakas talaga ng pakiramdam ni Rico kahit kailan oo . . noong recess tinawag ako ni Icad nagulat nga ako dahil hindi naman ugali nun na pupuntahan pa ko sa room para lang kausapin, sabagay di kasi ako lumabas ng recess dahil gingawa ko yung THE attendance . . . akala ko naman kung anong sasabihin ayun pala pinapupunta lang ako sa birthday nya bukas. Ha? bukas eh sabado diba? basta daw hinintayin daw nya ko? hmp sabi ko try ko, , , buti nalang sunday ginanap birthday ni kuya Abeth kung di patay ako, pero anong ipapaalam ko!? ahhhh Icad ikaw talaga oo. . . .


. . . . dahil Friday night naman may blessing kaming lumabas kaya nakapagusap kami ni Kuya Jhun sa tapat ng bahay nina Jan, medyo nakatutok ako sa sinasabi ni Kuya kaya ng lumabas si Jan tinanguan ko lang at tinaasan ng kilay bilang pagbati. . . after namin magusap ni kuya umuwi muna ako dahil magsasaing pa at magluluto ng ulam. . . kinagabihan binuksan ko yung pinto sa bahay at doon kami tumambay nina Rocel, Grace at Rose Ann pati ni Punggay. . . mayamaya dumaraying si kuya Abet at tinatanongkung ano raw angprobelema? PROBLEMA? bakit daw magkaaway nanaman kami ni Jan? MAGKAAWAY panong mangyayari yun eh ni hindi pa nga kami ngauusap mula ng magkasabay kami sa Jeep. . . hindi ko daw kasi pinansin kanina? Kanina? eh hindi ko pa nga sya nakikita yun lang naguusap kami ni Kuya Jhun hmp baka sya ang di namamansin sira sya eh tinanguan ko nga sya eh . . tapos paglabas naman namin si Doyet ang nagtanong kung magkaaway daw kami ni Jan kasi daw may toyo ako? ako pa may toyo eh sya nga tong' baliw sabi nya hindi ko sya pinapansin eh sya tong dumaan sa likod ko di manlang ako kinalabit sya may "yoyo" sabi ko kay Doyet sabihin yun. . .hmp bahala sya sa buhay nya!!!



♥+♥ . . . SATURDAY . . . NOVEMBER 20 ... . Its Icad Birthday . . nagpaalam ako kayna lola na mag-eever kami ni Jon so kasama ko si Rocel para di ako mapagalitan pero ang totoo pupunta kami ni Jon kyna Icad kaya lang kailangan maaga kami dahil hindi ako papaalisin kung gagabihin kami tapos kailangn ko pang magpagood shot dahil tatakas ako mamaya bcoz birthday din ni Tita Dorothy kahapon pero ngayon ang celebration, kapag di ako nakarating doon tiyak magtatampo sa kin yung biyanan kong hilaw. . . Kaya 4pm na kayna Icad na kami nina Rocel and Jon kasama si Rolly, well ayus na sila dahil nagseselos lang naman si Rolly kay Garry pero nagusap na yata ng lalaki sa lalaki RAW yung dalawa kaya hindi na nagjejely si papa Roly! he he he dahil late na sinabi sakin ni Icad na birthday nya kaya sa palengke nalang ako nakabili ng t-shirt at card. At dahil maaga pa para sa mga ganung birthday party eh kami pa lang ang bisita nina Icad, ng dumating nga kami roon nina Jon nasa talyer pa sila nina Rolly kaya ipinatawag pa mamaya pa daw alas-7 magsisidatingan sina Manuel kaya sabi ko buti pala maaga kami . . pero syempre kunwari lang yun he he he he. . . simula kaya nung magkabunggo kami ng gago lag kong nakikitang nakatingin sakin di ko lang masabing baka matunaw ako eh kasi baka mamaya isipin tinitingnan ko rin sya kaya alam kong tinititigan nya ko .,. ano ko bale!! konting kwentuhan at kaininan lang ang nangyari niyayaya nga ako nina Rolly na uminun pero sabi ko kung iinum si Jon iinum rin ako eh ayaw ni Rolly saka kami lang magiinum di kaya malasing kami eh pamelo gin pa naman yung hinanda nila ni hindi pa nga ako nakakinum nun ang naiinum ko pang beer, tikila at margarita saka tikim lang yun dahil laging nakabantay si Mark yung pa kayang pamelo gin eh naririnig ko lang yun di ko pa natitingman . . . b4 6pm umuwi na rin kami dahil baka daw hanapin si Jon, gusto nga akong paiwan ni Icad pati si Rocel kaya lang kung wala akong lakad mamaya okei lang dahil may lalasingin ako sa tropa ni Icad kaya lang baka hindi ako makatakas kung gagalitin ko yung mga dragon samin . . . kaya sabi ko kay Icad next time nalang. Kahit daw hindtayin ko lang si Manuel, kaya sabi ko kay Jon "naku tara na Jon baka may mangyari pang ewan dito he hehe he " pero syempre palabas ko lang yun he he he pero sabi ko kay Icad di talaga pwedi eh!! kaya hinatid namin si Jon sa sakayan ng trycicle sa sabungan tapos kami naman ni Rocel ang isinakay nila ng Taytay . . .

. . . . Dahil Saturday madali ang biyahe kaya halos 20 min nasa house na kami ni Rocel, kaya nagmadali akong magluto ng ulam at nagsaing para magpagoodshot then hindi na ko lumabas, sinabihan ko si Rocel na kapag hinanap ako ni Jan sabihin may sakit ako kaya di ako lumalabas . at wag na wag nila akong hahanapin. Alam na ni Rocel kung kanino mga sasbihin yun kaya hindi na ko natatakot dahil sanay na sila na kung di ako lumalabas nasa kwarto ako at nagbabasa ng pocketbook o kaya naman tumakas na naman ako . . . kaya pagkakain at pagkaurong ko naligo agad ako at nagpantulog para talagang makita ng mga tita ko na wala akong balak lumabas . . . 8pm ng tinawgan ko si Vince na ako nalang tatawag sa kanila kung okei na kong sunduin dahil si tita itcha hindi nanahe' dahil may sakit kaya ingat na ingat ako kaninang maglabas ng damit pampalit doon sa halamanan . . . kabababa ko lang ng phone ng tumunog yun pero si Tita na ang nakasagot dahil nanonood pa ng TV, kaya na nakiramdam lang ako kung sino. . . mayamaya sumisigaw na tita ko phone daw ICAD buong akala ko nagkakamali lang ako ng tinig akala ko ICAY kaya namura ko pa si gaga sa isip ko sabi ko papahamak pa yata ako ni Icay pero laking gulat ko na si ICAD pala langya sabi ko "bakit ka tumawag ", magtha-thanks lang daw sya doon sa gift ko at sa cards dahil ang ganda daw ng message . . sabi ko okei lang yun, i asked him kung anong sinabi nya sa tita ko at ibinigay sakin ang phone dahil kapag lalake hindi ibinibigay sakin maliban nalang kung kilala nila . . hindi daw nya alam . . siguro dahil mga nakainum na kaya nangugulit pa si Icad keso bakit daw di ako pweding gabihin kanina tapos ngayon may pupuntahn akong party sabi ko tatakas lang nga ako, pero mahina lang dahil baka marinig ni tita. . . para daw gusto nynag magtampo dahil friend ko naman daw sya bakit yun mommy lang daw ng x ko tatakas pa ko para lang doon, para lang matapos sabi ko kay Icad kapag nakarating na ko doon sa party na puopuntahan ko papahatid ako sa kanila kung maaga pa, pero ang totoo wla akongbalak lalo pa at tila may isang taong sinasadyang iparinig yung boses nya habang kausap ko si Icad, inum pa daw inum hmp magpakalasing ka ng magising ka he he he nakakainis kasi, hindi ko alam kung manhid ba o talagang wala lang pakiramdam . . . nang sinabi ni Icad na kung gusto ko raw kausapin si Mauel sabi ko HINDI na kasi talagang need ko ng ibaba yung phone dahil baka mabadshot ako, pero kung ibang araw lang yun kakausapin ko talaga si Manuel para iuntog kaya lang wala na kong oras lalo na at nagliligpit na si Tita alam ko matutulog na yun tapos mayamaya dumarayting na mga kapatid ko kaya alam ko magsisitulog na sila kaya kailangn maunahan ko silang magtulogtulogan para walang makapnsing aalis ako mamaya . . . natagalan bago nakatulog yung dalawang ungoy sa taas kaya nakatulog rin ako pero nagising rin ako after 30 mins kaya tinawagan ko na si Vince after 15 min daw lumabas na ko. Pero di kona nagawang palitan yung panjama ko at sando dahil baka magising pa yung dalawang unggoy buti maaga ring natulog yung isa pang dragon. . . Kaya inayos ko lang yung unan sa kama tapos lumabas na ko hinagilap ko pa nga yung sandals ko sa halamanan ng dumating sina Mark at Vince, galit na galit nga si Mark dahil nakasando lang ako, hinubad tuloy yung polo nya at pinasuot sakin bago kami umalis . . ..

. .. . Kyna Mercy na ko nagbihis bago ako tumawid sa kabila konti nalang ang tao halos tropa nalang ni Mark at mga pinsang di nalalayo sa kanya ang idad. . after kong batiin si Tita at ibigay yung gift kong ipinatago kay Mercy nakiumpok na ko kyna Mercy, hindi daw halatang takas ako dahil mukhang kagigising ko lang, sabi ko bakit may muta ba ko . . . hindi daw yung mukha ko raw halatang antok na antok pa ko mula sa pagkakatulog.. . . he he he totoo naman sabi ko pasalamat nga kayo nagising ako kung di wala ko dito, bakit daw sila ang magpapasalamat sabi ni Cath eh hindi naman sila mawa-wanted sa mama ni Mark. . ahh alam ko yun kaya nga pinilit kong tumakas eh!! Bago pa kung saan-saan mapunta yung chikahan hinila na ko ni Mark sa Kitchen ayaw pumayag na di na ko kakain dahil sabi ko busog pa ko, magtatampo daw mama nya kapag di ako kumain kaya napilitan akong sumama. . natakot tuloy ako dahilnaalala ko may atraso pa sa mukong na to!!

After ng konting chismis from tita Dorothy iniwan na nya kami ni Mark sa kitchen. Nilagyan pa nga ni Mark yung plato ng kanin pero sabi ko di ako nagkakanin ng ganung oras di ako madaling matunawan kaya made-dessert nalang ako.... Kaya letcheplan, ube at buko salad yung inilagay nya sakin.. . ilang minuto din parang may ANGEL na dumaan sa paligid namin dahil ang tahimik alam ko kailangn kong kabahan dahil bumebwelo lang si gago para kastiguhin ako....kaya di ko maiwasang kagatin yung labi ko eh nakita pala ni gago kaya ayun sinuko ba naman ako, pero mahina lang kaya napatingin ako sa kaya " ang hilig mo talagang gawin yan" napalabi tuloy ako ng wala sa oras. . " wag kang mag-alala hindi kita kakainin ng buhay, kalimutan mo na yung ginawa mo nong' makalawa" . . . . " eh kasi . . . " . . . . "ano nagugilty ka. . ." . . . " hindi! . . . tama naman yung sinabi ko pera lang yung huli, Mark asking lang? " dahil wala naman pala akong dapat ikabahala naglakas loob na kong itanong yung nasa isip ko dahil totoo lang may hinala ako na isa ako sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jociely, alam kong makapal ang mukha ko pero hindi ko talaga kayang di isipin dahil kilala ko si Mark, he believes in LONG LASTING RELATIONSHIP ayaw nya ng mga short commitment dahil bago ako yung gf nya one year sila nun kaya lang nakipagbreak sya dahil nagmigrate daw sa spain, kaya nga sabi nya isa ako sa mga failures nya dahil aapat na bwan lang kami tumagal tapos ngayon si Jocielyn, two months at sya pa ang nakipagbreak! " may ambag ba ko kaya kayo naghiwalay ni Jocielyn!? " humarap ako kay Mark dahil gusto ko talagang malaman kung totoo yung sasabihin nya dahil naguguilty talaga ako . .pero isang buntong hininga lang ang isinagot sakin ni Mark at sinabing tapusin ko na yung kinakain ko at wag isipin yung tungkol sa kanila ni Jocielyn . . , aangal sana ko pero sabi nya nakapagusap na sila at on going na yung magrereconcile nila . . kahit na hindi ko gustong paniwalaan si Mark dahil baka sinasabi lang nya yun para di ako mangulit o maguilty tinanggap ko narin saka ko nalang ulit balak na ungkatin baka kasi mag-away pa kami . . .

to be continue . . .