Wednesday, March 12, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 109


♥ ♥ ♥ . . . ALL SAINTS DAY . . . Tinanghali ako ng gising dahil sa paggawa ko ng project, gabi narin ako nakatulog. Tanghali na kami nagpunta sa puntod ni Daddy, kasama ang buong angkan he he he masaya naman dahil parang reunion. Tapos bandang magdidilim dumating si Love nagyayang maglibot kaya naglaboy kami tapos nakita namin sina Icay pero sandali lang kami nakapagikot dahil ng dumaan kami sa puntod ng family ni Love uuwi na daw sila kaya hintaid na ko ng bruha, nakita ko si Micheal, he asked me kung pupunta ako sa birthday ni Randy, pero nagkibit balikat nalang ako dahil kasama ko yung pinsan ko si Ardie at siguro nakuha ni Micheal yung ibig kong sabihin kaya di na sumagot at nagpatuloy na sa paglakad. . .
. . . nakita ko si Jan ng dumaan kami ng pinsan kong si Arquel sa GDR pauwi na sa bahay kahit wala akong balak pansinin sya kinilangan ko syang pansinin dahil tinanong nya ko kung papasok ako bukas, sinabi kong hindi dahil all saints day sa angono diba? kaya bago pa kami makita ng mga dragon eh agad akong lumayo sa kanya. . .

♣ ♥ ♠ ♣ . . . Si Vince ang tumawag sakin kung makakapunta daw ako sa birthday ni Randy i told him na tatawag nalang ako dahil palagay ko di ako makakatakas dahil walang pasok hanggang bukas so gising pa ang mga dragon. Mayamaya narinig ko sa kabilang linya si pinipilit akong pumunta. ( i forgot to tell na nung gabi ng victory party nya nagkabati kami dahil tumawag sya sakin sa phone, kaya napagusapan na namin kung ano man yung dapat pag-usapan) pero i told Mercy kung ano ang sitwasyon ko kaya kahit na paulit-ulit lang ang pangungulit nya wla talaga kong magagawa dahil baka mahuli ako tiyak lilipad ako ng di oras papunta sa teresa he he he he . .

♠ ♥ ♣ . . . . All saints day sa Angono kaya may sayawan sa Angono Municipality kaya Mark told me kung sasama ba daw ako, sabi ko hindi muna dahil ang dami kong tinatapos na assingment at project, at ang damuho pinagbitangan ba naman akong iniiwasan ko daw sila, sabi ko bakit ko naman sila iiwasan??? dahil daw sa nangyari kay Mercy???, ang sabi ko naman ganun ba kababaw ang tingin nya sakin na sa maliit na tampuhan at di pagkakaunawaan eh bigla ko nalang itatapon yung pinagsamahan namin . . hindi nakaimik si gago at bago pa ko tuluyang magalit sinabi ko na kailangan ko ng ibaba yung phone . .

♥+♥ . . . . . After four long days vacation, kung bakasyon ngang matatawag sa dami ng assignment at project na pinagawa samin eh Back to School na. .. pero no classes dahil general cleaning mamaya kasi kuhanan ng card, kaya yung masusuwerti kong classmate na di nagpuyat para sa project at assignment nila ay nagtatalon sa galak dahil may bukas pa sila para makapagsubmit he he he pero ako nagsubmit na ko ng akin mas okei ng maaga noh!! kaya after flag ceremony linis ang inatupag namin at maniwala ka at sa hindi yung room namin na mukhang kulungan ng baboy naging bahay kahit papano, nang-aasar pa nga kanina si Manuel nung nagwawalis ako , sya na daw magwawalis baka daw mapagod ako, pero alam kong biro lang yun naku yun pa mapagwalis mo edi nalagyan ng alikabok yung buhok nyang puno ng gel he he he he . . pano ba naman ang daming maglagay ng gel lagi tuloy ginagalit nina dado na nakapamada ba yun?? ah ewan basta yun na yun, pero in fairness ha cute si gago mula ng magstyle ng ganun he he he.

. . .. .Bandang 10am umpisa na ng kuhanan ng card pero bukod doon may meeting ang PTA kaya need magstay ng parents "nila" ako, kanina pa naibigay ni Mam yung card ko , alam naman ni mam na walang kukuha ng card ko beside mataas naman ang grades ko so no problem. YES!! no 7 sa card ko pinakamataas 90 kay tita bUbs o di ba!! asa ka pa??? joke pero sa Math at Science 89 ako diba ayan ang walang hilig sa numero he he he pati filipino ko 89, sa P.E 85, 82 and 83 english at social. . . at dahil maaga ang uwi tambay muna sa school dahil di pa naman pweding umuwi sina Jon dahil nasa room nila yung nanay nya he he he kaya di kami makakatakas . . . syempre doon kami sa favorite place namin sa harap ng principal office na tapat ng room namin. Umupo ako sa biranda kasama sina Sheryl, Ivon, Carol and Terre nandoon din si Trace pero nakatayong kasama nung tatlong Itlog, dumating si Abe kaya ayun mas lalong sumakit yung tiyan namin sa kalukuhan ng mga hinayupak dahil yung kwento parin sa tour yung topic pero kataka-takang kahit ilan beses ko ng narinig na ikinuwento nila yun tawa parin ako ng tawa. Kanina pa nakauwi si Rico actually naglilinisan palang umalis na yung mga yun kasama sina Ryan at Billy malamang sa billiaran ang tuloy ng mga iyon' hinayaan ko na tutal wala namang lesson, maya-maya nagyaya si JOEY na bumili ng snack, sabi ko sige sama ko ako manlilibre dahil wala namang pasok mamayang hapon so treat ko na sila dahil sa taas ng grades ko at ang mga tinamanang wag na daw nakakahiya okei na daw sa kanila yung v-cut, coke at cheepy ahhh nakakahiya daw ha . . sabi ko balak ko lang Cedie lang bilin sa kanila he he he (yung binusang nasa supot na tig pipiso) nagsi-angal ba naman ang mga herodes . . at ang galing kami lang ni Joey ang bumili, akala ko kaming lahat, ayaw ng magsisama, sabi ako naman daw manlilibre baka daw maubos yung kayaman ko kung sila pa daw pipili, naku itching mga pahamble pa . . .
. . . . papunta kami sa Canteen ng makasalubong namin ni Joey yung tatlo ring bugok na Itlog sina James, Manuel at Argel. Dahil sa nangyari nung friday hindi ko rin masyadong pinagtritingnan si Argel pero alam ko baliwala yun sa hinayupak na yun dahil kahit tropa kami eh hindi naman kami closed. Nginitian ko lang si James at tinanguhan bumaling agad ako kay Joey para hindi ko na kailangan tumingin kay Manuel. . . pagbalik namin may dala na kaming 6 na chichirya at isang 1.5 na coke humingi nalang kami kay ate Christy ng sampung plastic at straw di kasi namin alam kung ilan yung nandoon. Pagbalik namin nakaumpok narin yung tatlong kumag at nadagdag pa sina Rolly, Pio at Icad. . . ay naku di pa ko nakakaupo sa inalisan ko kanina nagkakagulo na sila, pero syempre biro lang iyon na gulo-gulo napatingin tuloy samin yung ibang dumaraan. . . bumalik ako sa upuan ko kanina sa tabi ni She pinausod ko sya ng konti dahil yung eksaktong pwesto ko inuupuan na ni Manuel, kahit na man iniiwasan ko yung kumag na yun di naman ako ganun ka bastos na pati sa harap ng madaming tao iiwasan ko sya, gusto ko parin naman na maging friends kami diba? so tuloy yung kwento habang kumakain at umiinom he he he. Kinuha ni Manuel sakin yung isang snack dahil mukhang nahalatang nangangalo na ko kakaabot sa mga herodes he he he ( sweet) naghati naman kami ni She sa coke pero syempre my tigisa kaming straw. . . at habang ng kukuwentuhan sira ulong Manuel tila yata na over whelm dahil di ko na sya sinusungitan at nilalayuan ng oras na yun tumungo ba naman, hinilig yung ulo nya sa balikat ko, at dahil nagulat ako ipiniksi ko agad, dahil piling ko kinukuryente ako sa ginagawa nya, buti nalang walang nakapansin dahil abala sa kwentong barbero ni Dado ang lahat, pero inulit nanaman ni gago kaya umungol na ko at bumulong ako na " Hoy! aalis ako pag di ka tumigil", tatawa-tawa lang ang gago.
.. . . . Sa mga ganung pagkakataon hinahayaan ko lang maging masaya ako, kahit si Manuel. Alam ko namang kaya kong rendahan ang puso ko kung hanggang saan lang ang kayang ipakita nito para kay Manuel, .. . . syempre di naman ako sadista noh!! naaawa narin kasi ako kay Manuel kapag nakikita kong nakasimangot at nalulungkot kapag sinusungitan ko, pero may time na talagang gusto ko na syang iuntog para magising ang kulit kasi . . . .lalo tuloy akong umiiwas dahil natatakot ako na baka mawala yung rendang itinali ko sa puso ko at tuluyan ng manakbo papunta sa kanya. Pero di ko hahayaan yun i know mas magiging masaya si Manuel kung di ako ang mamahalin nya, wala akong karapatang maging masaya dahil salawahan ang puso ko . . .


to be continue . . .

No comments: