♠+♥+♣ OCTOBER 16, 1999,
♠♥ ♣ TWO OCCASION IN ONE
UNFORGETABLE MOMENT ♣ ♥ ♠
. . . . 3AM palang gising na ako di dahil excited ako sa TOUR kung di dahil kailangan kong kumilos ng maaga kaysa kay tita Bubz dahil kasabay ko silang pumunta sa school. Natakot nga ako dahil kasama sina Arquel at Tita Alex sa tour akala ko kukunin ako ni Tita sa bus nila buti nalang hindi . .
. . . . 4:30 nakarating kami sa angono Municapal doon kasi ang call place. . . ilan palang ang mga studyanteng nandoon pero lumapit na ko sa mga classmate kong sina Jayson, Myla at Juanito na nakita ko malapit sa isang puno . . Dumating narin sina Jerson kasama sina Patpat then sunod-sunod ng dumating sina Dado, Ricky, Trace, Teresa, James, Argel at iba at pero kung sino pa ang malapit sa ang bahay sa tapat ng Munisipyo sya payatang huli ng dumating sina Joey at Sheryl. Si Rico eksato lang ng dumating si Manuel di ko pa nakikita. Until Mam Gabriel told us na saumakay na sa Bus... Kami ang nauna so kami nasa dulo ayus na nakapwesto na kami pero sa malas di kasya yung bilang namin sa bus na sinakyan namin kaya kailangan naming magpalit ng bus mula section 9 dahil kokonti sila o ililipat yung iba kaya kesa magkagulo lilipat kami ng ibang bus at anak ng teteng kami ang nasa dulo kaya kami ang huling lumabas . . kainis kaya kami ang mapuputa sa panget na upuan pero talaga nga naman sa kahit na anong kagipitan nagagamit ang utak . . Gamitin ba ang CHARMS . . Hiningi nong' tatlo ( JOEY, RICKY at DADO) sa tatlong mga gaga na nagpauto naman na sila nalang sa likod, eh knowing crush din sila nung tatlong maria ( UNIQCA, MARICRIS and BY) kaya ayun nasa magandang pwesto ang mga hinayupak kami ni Carol ang napunta sa gitna ng Bus pero okei lang anong ginagawa ni Rico, pero sabi ko mamaya na ko lilipat after makapagcheck si Mam ng attentance. . . parang bigla nga akong nailang kasi kahit di naman masyadong malayo sina Dado samin nina Carol dahil halos magkakadugtong parin kami nakatapat ko pa si Gerly pero ayus narin yun medyo nagkakangitian na kami baka malay mo sa Enchanted pa kami magkabati he he he . . .
. . . Habang hinihintay ang go signal mula sa namamahala ng TOUR bumaba muna daw gustong mag CR para walang abirya sa biyahe . . bumaba kami nina Dado pero sila nag CR ako nagkita kami ni Jon dahil sa kabilang Bus lang sila ni Rolly nakita naming paakyat si Mhaei ng bus nagkangitian lang kami and i'm happy pati sila ni Jon sana nga maging okei na ang lahat . .
. . . Sa likod ng upuan nina Billy at Rico nakaupo sina Manuel kaso nga lang sa kabilang side dahil sina Regie at Eric ang nasa likod nina Rico at Billy, sa gitna nga si Carol sumonod si James at Argel sa harapan naman ako ni Carol then sa right side si Vangie at Gerl letf si Ivon at si Sheryl kaya okei narin kasi katabi ko naman si Sheryl. salikod nina Manuel sina Ricky, Dado, Joey Raymond at Ryan sunod paunahan sina Trace at Tereza sa tapat nina Manuel . . Kaya kahit na nakakainis eh okei narin. The Bus starting na umandar paalis mga 7:30 na hour before na usapang aalis . . Mam Gabriel start the program with prayer by Jayson. Then check the attendance na after nun gawin namin gustong gawin wag lang magiingay ng sobra at magkakalat ofcourse number one rules yun. . . after checking attendance tiinawag na ko ni Rico na lumipat sa kanya atad na man yung gago dahil may baon akong game boy kanina pa inaasinta sakin pero bukod doon inaalala na may sakit pa ko kaya gusto sa komportable ako nakaupo . . iniwan ko kay Sheryl yung gamit ko at lumipat sa tabi ni Rico, kainis si gago ayaw na sa gitna ako nila Billy para malapit ako kay Carol dahil may chichika si gaga sakin about sa kanila ni JOEY kaya nagtalo pa kami. Nakita kong nakatingin samin si Manuel pero di ko nalang pinansin kanina bago ko pumunta doon nagdicide na kong hayaan si Manuel sa buhay nya kung ano ang nasa utak nya at kug ano pinagsisinter nya at di nya ko pinapansin okei lang kahit may karapatan akong malaman yun . . bahala sya sawa na ko sa mga katulad nya! hindi na ko hangal para ako pa maghabol sa kanya, tutal mababaw pa naman yung feelings ko sa kanya maybe kaya ko pang pigilan kung sakaling magpasya syang itigil ang kalukuhan nya . . Kesa mapaalis ako sa upuan pumayag na ako na sa tabi ako ng bintana next to Rico, Billy saka palang si Carol kaya ng magusap kami ni Carol mukhang natorete samin si Billy pero cool na torete naman kaya sabi nya sya naraw ang sa bintana para magkatabi kami ni Carol then napunta si Rico sa gitna na nakasimangot pero ng kindatan ko ang tukmol at ibigay yung gameboy napangiti nalang sakin. Rico knows na di ako titigil once i want something at di ko yun nakukuha. Sorry sya inispoiled nya ko eh he he he. Then Carol and I start na stismis ( kung ano man un samin nalang he he he).
. . . . Habang sa biyahe may ilang kuha kami ng Pic sa loob ng bus pero sympre yung di magugulo kaya masaya tapos may music pa si Manong buti dala ni Ricky at Dado yung mga tapes na hindi naman masyadong rock pero may kunting tama sa puso he he he madalas nga kapag nagpapasa kami ni Carol ng snack kyna Ricky nagkakatinginan kami ni Manuel pero sinisimangutan ko lang o tinataasan ng kilay at ang gago naman tinatawanan lang ako . . Kainis . . pero di ko sisiraan ang araw ko sa kanya noh bahala sya . . .
. . . DUTYFREE . . . The first Destination . . . ang mamahal ng bilihin kaya dalawang malaking cholate lang ang binili ko lumabas na kami ni Carol. Naiwan sa loob sina Rico mukhang nalibang sa remote control na kotse at sina Dado ewan nasan kanina kasi ang gugulo kaya nasitsitan ng isang techear lumayo samin . . .
. . . . MELITARY AIR BASE . .. second DESTINATION ... Magkasama kaming magikot nina Rico, Billy, Regie with Carol, Sheryl, Teresa at Ivon nagkukuhanan kami ng picture ng mapadaan sina Nerry at Ellien (GF ni BILLY) at kung kelan naman kasi yung solo pic na namin ni Rico ang kukunan saka naman dumaan ang dalawa (dumaan o talagang dumaan') ewan ko pero wala kaming pakialam ni Rico ni hindi nga natinag si Rico even hindi sya tumitingin kay Nerry na iwas din ang mata samin habang kinakusap ni Ellien si Billy ang alam ko pinipilit lang ni Rico na wag ipakita sakin ang ipekto ni Nerry kaya nagpatuloy na kami sa iba pang view sa loob at labas ng museum. May epekto man o wala kay Rico yung nakita nya wala akong alam dahil i knew di gusto ni Rico na pagusapan yun and me too bcoz i dont wanna ruin our day para sa mga taong isa lang hatid sa buhay namin ang saktan kami . . .
. . . Nagkahiwalay kami ni Rico dahil tinawag sya nina Raymond, Regie, Eric at Ryan, pinasasama ko pero sabi okei lang ako sa Company nina Sheryl at Carol with Teresa and Ivon. . . I know naman na may sariling tropa si Rico, friends ko rin naman sila kaya lang sympre hindi sila closed kyna Carol although nagkakasamasama rin kung minsan. Ganun naman kami ni Rico were know na may kanya- kanya kaming kaibigan the important alam namin kung saan kami masaya, may time na kami lang pero may time that we needs other company at sakop ng friendship namin ang ganung bagay nakikialam lang kami sa personal na buhay unless we need to or we want to.. ..
. . . Sa AIR BASE na kami naglunch ang saya nga dahil parang picnic ng III-8 dahil lahat kami nandoon pera lang yung tatlo ugok na sina Ricky, Dado at Joey pati pala si Trace dahil malamang nasa Gf ni Ricky ang mga yun. Ayaw naman sumama nina Carol at Tere don dahil maarts daw at masyadong high profile ( higher section kasi mga yun classmate ko nang first ang karamihan) kaya masayang kaming kumain habang nakacricle at nasa gitna namin ang lahat ng pagkain namin, ang ganda ng pwesto namin dahil nasa lilim kami ng puno basta wala lang magkakalat. . . Magkatabi kami nina Rico, Regie at Billy sumunod sina Ivon, Jason, Tere, Sheryl at Carol then yung iba na naming mga classmate kasama na sina Eric, Ryan at Juanito na puro kalukuhan. Dumating sina James, Argel at Manuel patapos na yung ibang kumain pero syempre nakihalubilo parin sila samin pagkain... tapos nun konting pahinga at picture taking na. Daig pa ng III-8 ang may pictorial dahil iba ibang post sa bawat click ng kamera ( sayang kainis di ko alam kung saan ko nalagay yung film di ko papapadevelop eh nawala na malamang kasama sa nabasa ng baha kaya wala ng memory nasa puso ko nalang he he he) Kahit na papano naging happy kahit na nandoon yung presensya ni Manuel kung may maganda man sa lahat ng nangyayari sakin iyon' eh nakakaya kong maging civil kay Manuel kahit nanjan sya at may hindi kami pagkakaunawaan nagagawa kong maging normal na di ko kayang gawin kapag kay JAN . . patapos na yung picture traking ng dumating yung apat nina Trace "duga daw namin di sila tinawag" "saan kaya namin sila tatawagin?" si Sheryl ang nagsabi nun pero pabulong lang sakin mukhang kanina pa kasi nagjejely yung isang yun dahil di nakakasama si Dado. . ewan ko dun sa dalawang yun isa paring isang libo at isang gaga at gago yung si Sheryl at si Dado dahil di nila alam ang real score sa pagitan nila. Sabi ko nga kay Sheryl kung ang section 9 na puro Love Couple kaming section 8 ay M.U couple natawa lang si gaga. . ,. Hay pag-ibig isa kang kabaliwan alam mo ba yun. . .
. . . . . . After makisali nina Trace, Dado, Ricky at Joey sa kaguluhan isa isa ng nagsipaghiwalay ang mga classmate namin kasi tropa-tropa na ang kuha at isa si Rico ang umalis pero walang samaan yun ng loob kasi nagpicture taking sila sa ibang view nina Ryan. Naiwan kami nina Carol, Tere at Sheryl kasama yung tatlong itlog, at sina James, Argel at Manuel dumating naman sina Rolly, Icad at Pio with Jona kaya picture taking na ulit. But there's one particular shot na gustong gusto ko kahit di ko nakitang nakadeveloped. . . .dahil yun yung pinakamasayang nagyari sakin ng tour na yun' . . dahil alam mo na small ako pero beauty kaya sa unahan ako with other girls at syempre kasama doon si Jon, nasa likod ko si Manuel at Pio unang pic nakaakbay sakin si Manuel at dahil picture taking naman yun walang malisya hinyaan ko nalang kasi nagkataong si Manuel ang nasa kabila ko kaya di ako ungal.. the next click di ko alam kung sadya o basta lang umakbay si Pio dahil natural na may akbayan portion kapag picture taking, ipinatong ni Pio yung balikat nya sakin hindi naman ako tumanggi dahil alam kong walang malisya un at saka closed rin naman sakin si Pio through Rolly and Jona kaya lang after ng isang click at dapat may kasunod pa biglang nagreact ang isang "mama" sa tabi namin habang inaalis yung braso ni Pio sa balikat ko. . alam mo ba kung anong sabi ng mama' " pre, walang ganyanan picture taking lang to' di na kailangan ng akbayan" hindi ko alam kung matatawa ako kay Manuel ng oras na yun o maiinis. Buti nalang nasakyan ni Pio at nakipagbiruan na rin na "hinihiram lang daw ako"... (Ala gawin ba kong laruan) Dahil magkakaibigan naman yung mga yun nagsimula na biruan pero di ko talaga maintindihan si Manuel, sumasakit ang ulo ko halos dalawang araw akong di pinapansin tapos may ganag magselos ngayon . . ayan kami naman tuloy ang tampulan ng tukso pero at least naalis nun yung ilangan namin kahit na magkibuan kami o hindi ang importante masaya kami ng araw na yun'
. . . . . . bumalik kami sa Bus pero sabi ni Mam Gabriel maaga pa daw at sarado pa ang enchanted so Mam asking us if we want to stay there para hintayin yung time na pwedi na kaming umalis or were going na sa Enchanted at doon na hanyain yung pagbubukas ng carnaval. . . so we agree to the last one pero mukhang di lang kami ang nakaisip noon dahil yung ibang bus nagsialisan narin kaya we know na lahat kami maghihintay sa labas ng Enchanted until it is open. . . so ENCHANTED here we came!!!! . . . .
. .. . One and 1/2 pa ang paghihintay namin b4 mag-open ang enchanted so konting picture sa labas ng place then chitchat with Jona after nun balik sa bus dahil mainit yung ibang classmate namin kanya-kanyang lakad kasi malamig naman ang simoy ng hangin kaya lang matirik ang araw. . . at syempre sina Dado with Trace nandoon sa bus nina Vanesa at si Mam naman nakita ko nasa bus nina Tita Bubs kasama yung ibang teacher nakita ko nga si Arquel kanina eh he he he. . . sina Manuel naman with Argel and James nakita ko kausap yung mga section 10 kasama na si Icad doon. . . at dahil isang oras at kalahati pa ang hihintayin katulad ng ibang nasa loob ng bus kasama na sina Sheryl at nakita ko rin si Gerl and company natulog muna ako tutal naman puyat din ako at di naman ako nakatulog sa biyahe dahil kay Carol at Rico . . so dahil wala pa si Billy doon ako sa may bintana pumuwesto para may sandalan. Bago palang ako pumipikit when i heard Rico and company siguro tapos ng maggala kasa nina Raymond. kaya napilitan akong dumilat when i feel Rico na tumabi sakin. " bakit daw? kung nagising ba daw nya ko" pero sabi ko "hindi". . . tapos nakita ko bumama ulit sina billy pero di na sumama si Rico at Regie, then i closed my eyes again then narinig kong naglalaro si Rico ng gameboy pero nahawa yata sa atmosphere si gago at inantok narin kaya pinatay yung gameboy at sumandal sa blikad ko pero mayamaya siguro inalalang baka mangalay ako iniunan yung braso nya sa ulo ko at saka dumantay sakin. At kung sino man ang makakakita samin i know there something na magiisip ng masama pero anong paki ko at anong paki ni Rico beside there all knows kung gaano kami ka-sweet ni Rico at kung may magiisip man na may relasyon kami we dont care at ngayon pa ba namin iisipin yun eh wala na sila ni Nerry and on my part wala si Jan doon so i dont care, As log as i know my limits at kung may nasasaktan man kami kasalanan na nila yun. . . at kung meron mang nagreact sa nakakita samin we dont care. . . .Mukhang puyat nga rin si Rico dahil mas nauna pang mahimbing sakin. .. Ilan sa mga classmate namin ang nainip na rin siguro sa labas kaya pumasok na sa bus pero tangging boses lang ni Manuel ang napakaingay halos yata sa tapat namin magsalita at ipagdudulan yung boses nya di ko alam kung sinasadya talaga para marinig namin at malaman na nakikita nya kami ni Rico or what pero di ko yun inintindi kahit na si Rico. at ewan ko ba dito kay Rico na kahit yata tulog alam kung paano paiinitin ang ulo ni Manuel dahil iniyakap pa sakin yung isang kamay nya tuloy umalis yata si gago dahil naramdaman kong lumayas si Manuel .. . siguro na pikon. . . pinigilan ko lang tumawa dahil baka magising si Rico at malamang nakikiramdam lang ako at di natutilog. . but when I am in the middle na patulog na ako I heard Mhaei voice wala akong balak intindihin yun dahil si Gerly naman ang hinahanap pero napadilat ako dahil sa sinabi ni Mhaei na may "censored pala dito" o meaning di kaya-kayang makita . Ewan ko kung para samin iyon ni Rico dahil ng dumilat ako nakangiti si Mhaei sakin kaya inisip ko if para samin ni Rico yun . . i think nagbibiro lang sya kaya di ko na pinansin pumikit nalang ulit ako at nagtuloy sa pagtulog even i heard na nagdatingan narin sina Dado di na ko nakadilat dahil siguro sa puyat na talaga ako kaya nakatulog din ako.. ..
. . . . Nagising ako ng may kinuha yata si Billy malapit sa paanan ko 30 mins pa lang siguro yun at alam kong di pa kami dapat gumising. Nagsorry nga si Billy dahil nagising daw ako pero sabi ko okei lang. . . pero si Rico tulog na tulog habang nakaunan sa balikat ko kaya ingat na ingat ako sa paggalaw mukhang puyat din si gago. I asking Billy kung bukas na ang Enchanted . . 30 mins pa daw ahhh pero di narin ako nakatulog ulit pero di ako umalis sa pwesto ko basta nandoon lang ako nakatanaw sa bintana pero katakatakang nagiisip ako pero di ko alam kung bakit walang pumasok sa isip ko. . .
to be continue . . . .
No comments:
Post a Comment