Monday, March 10, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 104

. . . . Kinabukasan ganun parin ang pakiramdam ko pero pinilit ko ng maging masigla at kahit na papano nagtagumpay naman ako. . . Kaninang hinatid ako ni Jan inisip kong subukan si gago ewan ko kung ano ang plano ko pero gusto ko lang bigyan ng pagsubok si Jan . . I told him na 4pm na ko uuwi dahil manonood kami nina Dado ng VHS kasama si Jon, ewan ko kung talagang bukal sa loob ni Jan na payagan ako pero yun talaga ang sinabi nya wlang kagatol-gatol basta daw wag akong masyadong magpapagabi. Nagulat man ako dahil dati bigla nalang yun tatahimik o kaya naman papayayag pero sisimangot at ipapakitang di bukal sa loob nya ang pagpayag. Pero that time ahh nakatawa pa sakin at hinintay pang makaalis at makalayo yung jeep na sinasakyan ko. lalo lang nadagdagan ang sakit ng ulo ko. . . ang iniisip ko. . TALAGA KAYANG NAGBAGO NA SI JAN. . . GOD ano po bang kasalanan ko at ginagawa nio sakin to'???
. . . sa school naman parang nakakita ng ahas sina Dado ng madatnan ako sa classroom. . . "bakit daw pumasok ako eh kagabi lang daw halos mawalan na ko ng dugo:" ( over naman yun) pero nagbibiro lang si gago pero " seryoso daw sya bakit ako pumasok kung okei na ba daw ako katetest lang naman daw dapat umabsent na ko", nakita ko naman sa mukha ni Dado na totoong nagaalala sya pero di ko maiwasang matawa dahil nata-touch talaga ako sa kanila simula pa kahapon dahil worring worry sakin yung mag kulokoy. . . pero sabi ko kay Dado talagang okei na ko. Kaya di narin ako kinulit, pati si Rico, si Jon at lalo na si Icad ganun din ang sinabi pero yung isang taong iniexpected ko na magtatanong sakin kung "OKEI ba ko" ni hindi manlang ako nilapitan kahit na sa huling minuto namin sa school umasa ko na lalapitan nya ko. . . ewan ko ba kung bakit parang dumidistansya si Manuel sakin. .
. . .. Katulad ng usapan kahapon nanood kami kayna DADO ng VHS kasama sina Icad, Roly at Jon. Pero wala akong naintindihan sa palabas kasi na kay Manuel yung isip ko dahil kaninang niyaya sya ni Icad na sumama samin hindi na daw may gagawin pa daw sya sa kanila. Ni hindi manlang nga tumingin sakin. . .kaya aminin ko man o hindi nasasaktan ako. Ewan ko ba kung bakit sa nakaraang araw napansin ko na hindi ako masyadong kinakausap ni Manuel o nilalapitan kung mangyayari mang maguusap kami tungkol sa lesson lang. Pati sa recess at lunch ni hindi na nya ako tinatanong. Hindi ko alam sa sarli ko kong bakit nararamdaman ko yung kirot na para bang natatakot ako. naramdaman ko na to' dati nung una kong minahal si Jan. . . at sasabihin ko sayong ayuko ng nararamdaman ko dahil ayuko ng nangyayari parang sinbasabi lang sakin ng pagkakataon na mauuilit lang kung ano ang nagyari sakin ng minahal ko si Jan . . kung si Manuel ang pipiliin ko . . . ahhhh Bakit ngayon pa Manuel kung kelan mahal na kita , , , ,
. . . . Hindi ko man gustong matuwa pero nasisiyahan akong makitang nagbabago si Jan ng pakonti-konti. Nagpaalam ako na magma-mall kami ni JON pero syempre di ko na ipinaalam na kasama sina ROLLY dahil paniguradong hindi ako papayagan nun at malamang away ang kauuwian. Ayuko muna ng kahit na anong iisipin ngayon kung anong mangyayari bahala na . . Pumayag naman si Jan sa isang kondition na uuwi ako ng maaga. . . nagbiro pa nga ako ng " oo uuwi ako nh UMAGa . . " subukan ko daw malalagot daw ako sa kanya . .hindi ko lam kung bakit may mumunting saya kong naramdaman kahit na sa mga oras na yun may takot akong pilit kinukubli dahil mukhang sumuko na si Manuel kung kaylan handa na ko. . .

. . . . Excited ang buong 3rd year department dahil bukas na ang educational tour namin. . Pinilit kong maging masaya o mastamang nagpakasaya na muna ako sako ko na iisipin kung ano ang nagyayari kay Manuel, kung talagang sumuko na sya sa palagay ko okei lang kahit masakit atleast napatunayan kong di magtatagal yung nararamdaman ny sakin pero kung may dahilan sana naman sabihin nya sakin para di naman akong nagmumukhang tanga (bakit sya ba di mo pinagmumukhang tanga). Hindi ko nalang pinansin ang pagiwas nya sakin kanina sa ng nagchecheck ako ng attendance pero sa puso ko nasaktan ako pero ipinakita ko sa kanyang di ako apektado. hindi ko alam kung bakit nagkakaganun si Manuel ilang beses ko mang isipin sa isip ko wala akong alam na ginawa ko para magkaganun na naman sya sakin at kung sasabihin nyang si Rico ang dahilan iuumpog ko sya sa pader para magising dahil sya na mismo ang nagsabing di sya naniniwalang may relasyon kami ni Rico . . . Kya para hindi nalang magkailangan umiwas narin ako kesa naman isipin nyang nagpapasin ako sa kanya. . .

. . . Dahil nga may TOUR kinabukasan after checking ng attendance konting briefing sa dapat at di dapat dalhin at syempre sa mga di pa nakakabayad at di sasama nagdismiss narin ng classe. Nagkita kami ni Jon sa tapat ng room nila dahil samin na siya tutuloy at magpapalit ng damit dahil di sya papayagang makalabas oras na makauwi sya. . . After magdismiss ang classe parang bulang nawala si Manuel, si Rico naman nagbabye na b4 ko puntahan si Jon kita nalang daw kami bukas. Kami lang nina Icad, Rolly at Jon ang matutuloy dahil sina Dado mukhang napilitang sa GF ni Ricky sumama kaya umuwi na kami ni Jon. Hinatid pa nga kami nina Rolly hanggang sa Jeep. . . .

. . . . b4 1pm handa na kaming umalis pero biglang dumating si kuya Jhun may balak daw syang yayain kami sa bahay nila dahil may party daw pero mukhang may lakad kami. . pero sabi ko sa kanya pupunta ko pero si Jon malabo na kasi paniguradong hahanapin na sya sa kanila kaya nagusap kami ni Jan na 5pm magkikita kayna kuya JHUN. . .

. . . . Sa ever cotesco na kami nagmeet nina Rolly dahil malalate daw sila ng dating. naging okei naman ang pagmamall namin, nawala nga kahit papano yung nararamdaman kong bigat sa kalooban. Makwela rin kasing kasam si rolly at icad kaya di nakakapagtakang mainlove nga si Jon dahil buong pagmamall namin nakatawa kami sa mga Joke nila ni Icad. . . Kaya ngayon lam ko na kung bakit sa dami nang nanliligaw kay Jon si Rolly ang sinagot nya dahil kay Rolly kahit na kokonting oras nawawala ang problema ni Jon sa bahay. . . Sana nga lang puro saya ang hatid ni Roly sa buhay ng kaibigan ko bcoz Jon deserve to be happy kung alam lang nila ang pinagdadanan ni Jon sa sarili nyang pamilya. . . .

. . . . After namin mamili ng babaunin sa Tour nagwindow shopping kami ng konti saka kami nagmiryenda. Icad want to pay my food pero pinigilan ko sya. Ako nagbayad ng sarili kong pagkain ng nasa mesa na kami he saking me na bakit ayaw ko daw nagpapalibre minsan lang daw syang manlibre... i told him what i told to manuel, sabi nya bakit naman daw ang panget nun dahil iniisip ko na lahat ng binibigay sakin may kapalit but i told him na hindi ganun yun. Una ayukong magpalibre dahil may sarili akong pera pangalawa, hindi ko sya BF at kung Bf ko sya hati parin kami sa gastos dahil hindi pa nya ako asawa para gastusan nya ko, pangatlo ayuko ng utang na loob hindi dahil sa magiging kapalit nun kundi dahil aukong tumading yung time hindi man isumbat sakin i know i need to back the favor what ever it is. Hindi ko alam kung may nasaling akong ego ng lalaki pero thats wat i am kahit kay Mark sinabi ko yun pero isa ngalang makulit at gago yung x kong yun dahil magwawala lang yun kapag pinilit ko ang gusto ko, . . .

. . . . B4 5pm nagpaalam na kong uuna na ako, Ayuko namang i-spoiled ang araw nina Jon at Rolly dahil may usapan kami ni Jan. but Rolly said na sumabay na ako sa kanila dahil uwi narin sila, baka daw mapagalitan si Jon di pa makasama sa tour. . ( sweet naman) kaya sabay sabay na kami hi-way angono ang sinakyan namin para di matraffic tutal kayna kuya Jhun naman ako bababa. . .

. . . . . pero mukhang masisira yung magandang araw ko, dumating ako sa bahay nina kuya ng 5:35 wala pa sila kuya pati si Jan. Pinatuloy ako ni Mama (mother ni kuya Jhun) halos mamuti na yung mata ko kakahintay. Usapan namin 5 pero halos magsi-six na wala pa sila kaya kahit na ayuko pang umalis napilitan ana kong magpaalam sinabi ko kay Mama na sabihin nalang kayna kuya na nauna na ko. Bukod kasi sa gagabihin ako may kailangan pa kong laban para sa TOUR na damit na babaunin ko dahil paniguradong mababasa kami sa mga rides doon.. . . kaya batrip na badtrip ako lalo na kay JanJan.. . .

. . . nang makauwi ako ni isang AHO wala akong nakita ewan ko kung nasan. Dont tel me na nagkasali kami but when i call kuya jhun's house sorry for me dahil wala pa rin daw doon. Hindi naman siguro 30 mins ang biyahe papunta kayna kuya mula samin noh!!!

. . I got a call from mercy, ewan ko ba kung bakit naman ang dami ko nang problema ngayon pa dumating samin ni Mercy ang ganito. But i know maaayos din namin kung ano man yun . . .

. . . 7:30 before i go to my room para makapagpahinga dagil talagang nanghihina ako ewan ko kung dahil parin sa mga iniisip ko o talaga lang magkakasakit ako. Pero di ko yun pinahalata sa mga lola ko dahil paniguradong di ako papayagang bumiyahe bukas at sumama sa TOUR at di ko yun papayagan. . . I talk to jan at inilabas ko yung galit ko , may lakas ako ng loob na taasan sya ng boses dahil that time nagiisa ako sa sala at sina lolo at lola nasa labas nagtatabas ng retaso. . . Sinabi ko sa kanya na wala syang kwentang kausap at sa susunod maghahanap ako ng matinong kausap. . . hmp ewan ko ba naiinis talaga ako sa kanya. . (sa kanya ba o kay Manuel??) . . . ewan!!!???

to be continue . . .

No comments: