Saturday, March 15, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 115

♥+♥. . . . sinubukan ko uling ipasabi kay Rose Ann na ipaliwanag kay Jan yung nangyari kagabi na inaakala nyang nagiinum ako ng alak . . pero ayaw makinig kaya imbis na magkaayos kami eh lalo lang nagulo, lalo na at parang gusto pa kong asarin dahil kahit na kayna Doyet ako hindi ako ang nilapitan at yung Ria na tropa ni Doyet ang pinansin . . . kaya imbis na makipagayos ako umalis nalang ako roon at baka umandar ang pagiging basagulera ko eh makapatay ako ng di oras . . . . .

. . . . ... kaya sa badtrip ko di na ko lumabas nagbasa nalang ako ng poket book hanggang makatulog . . . nakakasar ewan ko ba doon kay Jan kung bakit imbis na ayusin yung relationship namin eh mas gusto pa ang away bati kami. . kung minsan iniisip ko ako nalang yata ang umaasa na may kahihinatnan yung relasyon namin, na isang araw magiging normal din ang lahat. . Napapagod na kong ako lagi ang nag-aayos, ako lagi ang gumagawa ng paraan at ewan ko ba naman kasi sakin kung bakit nagkakaganito ako samantalang may Mark at Manuel naman na hangdang sumalo sakin . . . minsan gusto ko ng paniwalaan yung sinasabi nilang masyado daw akong bulag at tanga pagdating kay Jan, samantalang si Jan wala daw pakialam sakin kung masaktan man ako o hindi basta for JAN sarili lang nya ang iniisip nya kung nasasaktan ko sya o nababaliwala. . Kahit ano man ang tanggol ko sa kanya hindi ko mababgo yung mga expression sa kanya ng mga taong nakapaligid samin dhil nakikita nila kung paano ko pinipilit itayo at magiging matatag yung relationship namin. . Next month 1 year na namin pero hindi ko alam kung ano ang masasabi ko kapag may nagtanong sakin kung ano ang nangyari sa isang taon naming pagasasama dahil the truth i dont really know if have some. . . . one . . . . .


♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

♠+♥+♣ . . .. November 28 ngayon pero November 29 . . Birthday ni ATE NINAY . . . . dahil monday bukas ngayon kami nagkainan at naginuman ( ito totoong may alak na pero di ako uminum). . . . Dinner ang pakain ni Ate Ninay kaya kaming lahat na magpipinsan nandoon kasama sina Kuya Exor, Jeff at Lole. At kahit na sunday pinayagan kaming lumabas dahil kayna ate ninay lang naman kami beside nandoon sina tita Jeneth at Tita Itcha kaya nga di ako nagiinum dahil mapapagalitan ako. . . . nung mawala yung mga dragon nagpunta ako sa GDR dahil nanghihiram si Kuya Olan ng pocket book so nagrade kami kyna Doyet, nakita kong lumabas si Lole sa Video shop ewan ko kung bakit nandoon an yung kumag nayun samantalang kanina iniwan ko sa mesa nina ate ninay, inuubos nalang kasi nila yung isang pineapple gin tapos manonood na kami ng VHS na hiniram sa Video City kaya sinigawan ko si Lole na kung tapos na yung inuman baka kasi magsimula sila ng di ako hinahantay . . pero bago ako umalis kyna Doyet sinabi sakin na galit daw sakinsi Jan dahil lasingera daw ako. . . hindi ko man gustong maniwala sa sinabi ni Doyet pero nasaktan ako dahil totoo man yun o hindi pakiramdam ko guisto kong sugurin si Jan dahil wala syang karapatang sabihin sakin yun dhil hindi nya alam ang totoo pero hindi ako nagpakita kay Doyet ng kahit na anong kahinaan dahil alam ko makakarating yun kaya Jan at di ko gugustuhin na bigyan sya ng kasiyahan kaya sinabi ko kay Doyet na sabihin na di ako angiinum pero wag nya kong sasabihan ng lasengera dahiol wala syang alam. . .

. .. at kahit asar na asar ako sa tarantado kong boyfriend hindi parin ako nakainum dahil ayaw ni Kuya Exor . . . kaya kahit na nagumpisa at natapos yung movie wala akong naintindihan dahil nanggigigil ako sa galit kay Jan . . . 11pm na kami nagkahiwa-hiwalay nina Kuya, Lole Jeff at Ate Ninay at dahil siguro sa galit ko nakatulog agad ako . . .


♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥


♣ ♥ ♠ . . . . hindi ako inihatid ni Jan kaya ibig sabihin galit nga si gago, kahit na may konting kirot akong nararamdaman o mas tamang sabihing nasasaktan nilabanan ko yun, dahil kung papatalo nanaman ako kay Jan lalabas ako nanaman ang kaawa-awa dahil ako pa ang humahabol sa kanya. Kaya minsan hindi ko masisise ang mga tita ko kapag sinasabi ilang ang dami daw lalake dian para magkandarapa ako sa isang katulad nya. . . kahit na ang meaning nun eh tungkol sa pagkakaroon namin ni Jan ng blood relation alam ko iba ang impact nun sakin dahil unti-unti kong nakikila si Jan, mas gugustuhin nyang nasasaktan ako kesa sya ang masaktan, he didn't brother to what his done or to what his say importante sa kanya maibangon nya yung ego nya kahit ang kapalit nun ako . . . hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit I always told that I'm in love with Manuel kapag nasa school kami but still nasasaktan ako dahil kay Jan especially kapag binabaliwala nya ko at yung nararamdaman ko. . .. . sometimes I asking to myself kung ano ba ang ginawa ni Jan para mahalin sya ng puso ko ng ganito samantalang sa una pa lang he never do special for me just to give heartache', at kung hindi rin dahil sa kanya hindi ako paghihigpitan sa bahay but yet i choose to be what we are now, mas pinili ko syang mahalin at maging suwail na anak kesa ang malayo sa kanya pero what now? after all ito ako, nagiisa nanaman, lalaban pero di ko alam kung yung taong pinaglalaban ko kakampi ko . ....

. . .. I just ignored what I feel, ayukong makita na naman ako ni Rico na may problema dahil ayuko ng makatagtag pa sa dindala nya dahil aminin man ni Rico o hindi alam kong may problema sya sa family nya kaya medyo tumatagilid ang mga grades nya at natututo' syang mag cut ng classes. ... Isa pa wala akong balak dalhin ang problema ko sa school dahil ganggang maari yuko ng malungkot lalo na kung nasa eskwelahan ako dahil nakakaipekto yun sa mga lesson ko at di ko gustong gawin yun' sumumpa ako sa sarili ko na magtatapos ako at balang araw lahat ng sinasabi ng mga lola ko at Dragon sakin ipapalamon ko sa kanila at di iyon magagawa kung magiging hangal akko at magpapabaya sa pag-aaral ng dahil lang sa isang lalakeng huhusgahan ako bago pa ko kausapin . . . .

. .. . Pag-uwi ko nakatambay sina Tony, Bong, Athan at Jason "baba" kasama yung uisang mistisong lalake ,. . . nang tumapat ako sa kanila tinawag ako ni Tony at ipinakilala sakin yung bagong mukha "ASHER" pala ang pangalan. ang balak ko lang nginitian pero naglahad ng kamay kaya napilitan ako makipag handshake. Tapos nun umuwi na ko dahil madami akong paper works dahil mag chri-christmas vacation madami na namang tinatambak saming project dahil on January 3rd periodical na agad kaya bawal muna laboy he he he he . . . .


♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥


♠♥ ♣ . . . Badtrip tinanghali ako ng pasok di dahil late ako nagising kungdi dahil may banggaan sa bondry ng angono at muzon kaya ang traffic, nakasabay ko nga si Mam Frnacisco yung teacher namin sa FILIPINO sa pagalalakad dahil kungdi namin lalagpasan yung banggaan malamang bukas pa kami makapasok. Panigurado sinira na naman nina Mam yung padlock ng room dahil ako lang ang may hawak ng susi kainis pa may quiz pa naman kami sa Science after kong magreview kagabi ng katakot takot mukhang di pa ko makakakuha ng quiz dahil sa hinayupak na traffic . . .

. . . . dumating ako kami nina mam Francisco halos 8 oclock na means kanina pa ngasisimula yung quiz namin pero mukhang alam naman ng mga teachers na my traffict kaya hindi ako sinita ni Mam Gabriel, isapang badtrip naiwan ko yung papel ko sa bahay kaya yung stationary ko pa ang ginamit ko. . . inuna ko yung problem na alam ko at nadadalian ako, kaya medyo nangalahati na ko ng sabihin ni mam ipasa na yung papel pero tiniyaga ko parin habang di pa nakaalis si mam alam ko namang naiintindihan ako ni mam kaya hinintay pa ko ng 5 mins kaya lang sa hirap ng last problem di ko narin natapos pero okei na yun atleast may quiz ako sana lang di nagkarambol-rambol yung sagot ko sa nireview ko kagabi. . . Kaya paglabas na paglabas ni Mam Gabriel tinanongko agad kay Jason kung ano yung sagot sa problem na di ko sinagutan hay salamat kahit na ilang puntos meron naman ako doon sa hindi ko natapos. . . . Rico asking kung bakit ako late, kala daw nya absent na naman ako, ay naku may absent na nga ako last week aabsent nanaman ba ko ngayon . . .

. . . . . Paguwi ko nakita ko nanaman na nakatambay sina Tony at Asher kaya nakipagkwentuhan ng konti dahil kinausap ako ni Asher, ewan ko nga doon kung bakit feeling ko kilalang kilala ako ng gago dahil kung magtanong parang di lang kami kahapon nagkakilala pero inisip ko baka nakuwento lang ni Tony yung mga tinatanong sakin o kaya naman talagang magaan lang loob sakin nung tao. . .

. . . . Naku po ang mga pinsan ko lalo na si Rocel eh tila di mapakali sa kinauupuan, nasa tambayan kasi namin kami doon sa tapat nina Ka Merly na tindahan, eh lumapit si Asher at Bong samin wala lang nakikipagkwentuhan tapos umalis din agad, ito namang mga pinsan ko kinikilig dahil ang pogie daw ni Asher, pogie naman talaga pero walang apel sakin ewan ko kung bakit . . . kaya mukhang crush pa ng mga kikay kong pinsan yung bagong AHO hay naku baka pogie nga eh katulad naman ng ibang alam mo na may mukha wala namang laman ang ulo . . wag nalang! !

. . . ... . Kinagabihan tinawagan ako ni Ate ninay sa phone labas daw ako samahan ko daw sya kyna Myra dahil birthday daw ni Myra eh nandoon si kuya Exor ( hindi ko alam kung ano ang kwento nilang dalawa dahil naguguluhan ako kung si Jeff ba o si Kuya exor ang bf ni ate that time) di daw kasi sya papayagan kung sya lang mag-isa kaya nagpaalam ako kay Lola at dahil kasama si Ate Ninay pinayagan naman ako. Na datnan namin roon sina Kuya JR (bangaw) kuya Marvin, Kuya Exor, Lole at Ashier bukod kyna Tony at Bong , sa mga tropa ni Myra na babae at sa mga kaibigan ng kuya Manny ni Myra na nagsisinakulo. . . Pero doon sa table nina kuya Exor syempre kami naupo, doon ko lang nalaman na magjowa pala sina MYRA at LOLE kaya ng maalala ko yung katarantaduhan namin ni lole nung sabado binatukan ko si gago dahil di ko alam na my GF na pala sya. . . pero syempre nagbulungan lang kami dahil mahirap na nandoon pa naman sa table namin sina Kuya Jr at Kuya Marvin eh tropa ng kuya Nover ko yun. . .

. . . pinakakain kami ni Myra pero sabi ni ate ninay kumain na daw sya eh ako rin kakain lang namin kaya hindi na kami kumain, pero inalok kami ng alak, at dahil bawal ang kill joy walang nagawa si kuya exor na pigilan si ate ninay na uminon, ako wala naman talaga akong balak uminum pero nakita ko si Jan at si Tato dahil rehas naman yung gate nina Myra kaya kitang kita yung tamabayan ng AHO mula sa loob, kaya nakita kong kausap ni gago yung RIA sa upuan nina DOYET sa labas tapos umalis pa at sabay pang naglakad kaya kahit wala akong balak uminum ng gabing yun' uminun ako. . bahala na bukas may quiz panaman ako sa filipino . . .

. . . . . Naging okei naman yung inuman, si Asher nga ang lagi kong kausap dahil kanya-kanya naman ng kwentuhan sila kapag tagay ko na saka lang ako nakikisali. . . Ah sabi sayo mukhang for the first time nasagad ko ang bahay alak ko buti nalang nagyaya na si Ate ninay dahil nagbukas pa si Kuya JR ng isang bote dahil kung di yung pulutan na kinain ko ah isusuka ko na . . Salamat naman at wala ng mga kurimay sa labas ng umuwi kami ni Ate hinatid pa nga kami ni Kuya Exor at ni Asher " feeling ko ang layo ng bahay namin" he he ehe. . pagpasok ko sa house logtu na ang mga tao pera lang sa mga dragon an naglalamay sa tahian kaya yung kanina ko pa gustong gawing pagsuka malaya kong nagawa sa banyo namin he h ehe pero di ako nagingay baka marinig ni lola tigok naman ako. . ..

to be continue . . . .

No comments: