♣+♣+♣ . . . . . NOVEMBER 16, . . 11th MONTHSARRY namin ni Jan pero assual dahil wala syang balak sumama sa akin sa Marikina ayun I celebrate this day with Kuya Jhun . . we try to find the CYBER's pero hindi namin nakita. Engot naman kasi ako hindi ko naitangong kung saan ang meeting place o kung tuloy silang pupunta pero okei na rin yung araw ko kahit my konting bad trip dahil sa boyfriend kong ewan, nakapagbonding naman kami ni Kuya Jhun kaya ayus narin. .
♣ ♥ ♠ . . . . NOVEMBER 18, . . .birthday ni Abet . . pero binati ko lang sya dahil sabi nya sa SUNDAY pa daw sya maghahanda kaya pinaguusapan pa namin nina Jon kung anong plano . . .
. . . Nakasabay ko si Jan at Kuya Jr pagpasok pero hanggang La Mar lang sila dahil doon ang work nila . . kaaasar nga kung kelan masaya yung pinaguusapan namin ng babes ko saka naman sila bumama hmp kainis . . .
. . . . Kahit ano yatang iwas ko kay Manuel dahil nasa iisang lugar kami di ko sya maiiwasan . . alam mo bang bigla nalang tumalon yung puso ko kanina buti nalang nahabol ko . . kasi naman kung bakit sa dinami-dami ng makakabangga ko paglabas ko ng room kanginang Luch break si Manuel pa. .. Palabas na kasi ako nun para bumili ng tinapay sa canteen para lunch ko eh nag-uusap kami ni Jason kaya naglakad ako patalikod, malay ko bang pag harap ko bigla malapit sa pinto syang pasok naman ni Manurel na tila di rin yata nagko-consenrate sa dinadaanan nya kaya nagkabunggo kami kung di ako nakahawak sa may pintuan malamang tumumba na ko, pero imbis na magalit yung puso ko tila tuwang-tuwa pa pero syempre diba mag-akaaway nga kami kaya ayun sinimangutan ko nalang bago ako tuliyang umalis, hindi na ko nagsalita baka kasi imbis na galit ang ilabas ko traydurin na naman ako ng puso ko ahhhhhh grabe para kong baliw nung naglalakad na kong mag-isa hindi ko maiwasang matawa, kasi kinikilig ako at kung may salamin lang akong hawak tiyak makikita ko kung gaano kumikislap yung mga mata ko.. . . ay kupido pwedi bang tantanan mo na ko . . . .
. . . . . pero lahat ng saya ko sa school napalitan ng inis at galit paguwi ko ba naman kasi si Rose Ann ( sister ni Argel) nagsumbong sakin na inaway daw sya ni Odezza eh natiyempuhan ko si gaga kyna Abet kaya yun nangpangabot kami si gaga naman todo tanggi di daw nya inaano yung pinsan ko parang tupang kay amo pero kapag nakatalikod na ko kahit di nila sabihin alam kong tinitira nila ko...... ahhhhh banas kailan kaya mawawala ang mga tinik sa lalamunan ko . . . .
♠+♠+♠ . . . . hindi ko alam kung dahil sa nangyari kahapon kaya ang gaan ng pakiramdam ko ng pumasok ako kinaumagahan kahit na may konting badtrip sa mga babaeng AHO, ah basta masaya ako, kahit na ano pang dahilan nun ang importante magaan yung pakiramdam ko kaya wala akong balak magsungit... Sabi nga ni Rico ano daw ang nangyayari sakin?, sabi ko bakit? para daw kasi ankong namatanda dahil hindi maalis yung ngiti ko hindi man daw sa labi pero yung mata ko daw kanina pa nagniningning. Sira ulo talaga tong' bestfriend ko balaiw he he he he sabi ko wala lang basta masaya ako, masama bang maging masaya...??? hindi naman daw.... hmp ang lakas talaga ng pakiramdam ni Rico kahit kailan oo . . noong recess tinawag ako ni Icad nagulat nga ako dahil hindi naman ugali nun na pupuntahan pa ko sa room para lang kausapin, sabagay di kasi ako lumabas ng recess dahil gingawa ko yung THE attendance . . . akala ko naman kung anong sasabihin ayun pala pinapupunta lang ako sa birthday nya bukas. Ha? bukas eh sabado diba? basta daw hinintayin daw nya ko? hmp sabi ko try ko, , , buti nalang sunday ginanap birthday ni kuya Abeth kung di patay ako, pero anong ipapaalam ko!? ahhhh Icad ikaw talaga oo. . . .
. . . . dahil Friday night naman may blessing kaming lumabas kaya nakapagusap kami ni Kuya Jhun sa tapat ng bahay nina Jan, medyo nakatutok ako sa sinasabi ni Kuya kaya ng lumabas si Jan tinanguan ko lang at tinaasan ng kilay bilang pagbati. . . after namin magusap ni kuya umuwi muna ako dahil magsasaing pa at magluluto ng ulam. . . kinagabihan binuksan ko yung pinto sa bahay at doon kami tumambay nina Rocel, Grace at Rose Ann pati ni Punggay. . . mayamaya dumaraying si kuya Abet at tinatanongkung ano raw angprobelema? PROBLEMA? bakit daw magkaaway nanaman kami ni Jan? MAGKAAWAY panong mangyayari yun eh ni hindi pa nga kami ngauusap mula ng magkasabay kami sa Jeep. . . hindi ko daw kasi pinansin kanina? Kanina? eh hindi ko pa nga sya nakikita yun lang naguusap kami ni Kuya Jhun hmp baka sya ang di namamansin sira sya eh tinanguan ko nga sya eh . . tapos paglabas naman namin si Doyet ang nagtanong kung magkaaway daw kami ni Jan kasi daw may toyo ako? ako pa may toyo eh sya nga tong' baliw sabi nya hindi ko sya pinapansin eh sya tong dumaan sa likod ko di manlang ako kinalabit sya may "yoyo" sabi ko kay Doyet sabihin yun. . .hmp bahala sya sa buhay nya!!!
♥+♥ . . . SATURDAY . . . NOVEMBER 20 ... . Its Icad Birthday . . nagpaalam ako kayna lola na mag-eever kami ni Jon so kasama ko si Rocel para di ako mapagalitan pero ang totoo pupunta kami ni Jon kyna Icad kaya lang kailangan maaga kami dahil hindi ako papaalisin kung gagabihin kami tapos kailangn ko pang magpagood shot dahil tatakas ako mamaya bcoz birthday din ni Tita Dorothy kahapon pero ngayon ang celebration, kapag di ako nakarating doon tiyak magtatampo sa kin yung biyanan kong hilaw. . . Kaya 4pm na kayna Icad na kami nina Rocel and Jon kasama si Rolly, well ayus na sila dahil nagseselos lang naman si Rolly kay Garry pero nagusap na yata ng lalaki sa lalaki RAW yung dalawa kaya hindi na nagjejely si papa Roly! he he he dahil late na sinabi sakin ni Icad na birthday nya kaya sa palengke nalang ako nakabili ng t-shirt at card. At dahil maaga pa para sa mga ganung birthday party eh kami pa lang ang bisita nina Icad, ng dumating nga kami roon nina Jon nasa talyer pa sila nina Rolly kaya ipinatawag pa mamaya pa daw alas-7 magsisidatingan sina Manuel kaya sabi ko buti pala maaga kami . . pero syempre kunwari lang yun he he he he. . . simula kaya nung magkabunggo kami ng gago lag kong nakikitang nakatingin sakin di ko lang masabing baka matunaw ako eh kasi baka mamaya isipin tinitingnan ko rin sya kaya alam kong tinititigan nya ko .,. ano ko bale!! konting kwentuhan at kaininan lang ang nangyari niyayaya nga ako nina Rolly na uminun pero sabi ko kung iinum si Jon iinum rin ako eh ayaw ni Rolly saka kami lang magiinum di kaya malasing kami eh pamelo gin pa naman yung hinanda nila ni hindi pa nga ako nakakinum nun ang naiinum ko pang beer, tikila at margarita saka tikim lang yun dahil laging nakabantay si Mark yung pa kayang pamelo gin eh naririnig ko lang yun di ko pa natitingman . . . b4 6pm umuwi na rin kami dahil baka daw hanapin si Jon, gusto nga akong paiwan ni Icad pati si Rocel kaya lang kung wala akong lakad mamaya okei lang dahil may lalasingin ako sa tropa ni Icad kaya lang baka hindi ako makatakas kung gagalitin ko yung mga dragon samin . . . kaya sabi ko kay Icad next time nalang. Kahit daw hindtayin ko lang si Manuel, kaya sabi ko kay Jon "naku tara na Jon baka may mangyari pang ewan dito he hehe he " pero syempre palabas ko lang yun he he he pero sabi ko kay Icad di talaga pwedi eh!! kaya hinatid namin si Jon sa sakayan ng trycicle sa sabungan tapos kami naman ni Rocel ang isinakay nila ng Taytay . . .
. . . . Dahil Saturday madali ang biyahe kaya halos 20 min nasa house na kami ni Rocel, kaya nagmadali akong magluto ng ulam at nagsaing para magpagoodshot then hindi na ko lumabas, sinabihan ko si Rocel na kapag hinanap ako ni Jan sabihin may sakit ako kaya di ako lumalabas . at wag na wag nila akong hahanapin. Alam na ni Rocel kung kanino mga sasbihin yun kaya hindi na ko natatakot dahil sanay na sila na kung di ako lumalabas nasa kwarto ako at nagbabasa ng pocketbook o kaya naman tumakas na naman ako . . . kaya pagkakain at pagkaurong ko naligo agad ako at nagpantulog para talagang makita ng mga tita ko na wala akong balak lumabas . . . 8pm ng tinawgan ko si Vince na ako nalang tatawag sa kanila kung okei na kong sunduin dahil si tita itcha hindi nanahe' dahil may sakit kaya ingat na ingat ako kaninang maglabas ng damit pampalit doon sa halamanan . . . kabababa ko lang ng phone ng tumunog yun pero si Tita na ang nakasagot dahil nanonood pa ng TV, kaya na nakiramdam lang ako kung sino. . . mayamaya sumisigaw na tita ko phone daw ICAD buong akala ko nagkakamali lang ako ng tinig akala ko ICAY kaya namura ko pa si gaga sa isip ko sabi ko papahamak pa yata ako ni Icay pero laking gulat ko na si ICAD pala langya sabi ko "bakit ka tumawag ", magtha-thanks lang daw sya doon sa gift ko at sa cards dahil ang ganda daw ng message . . sabi ko okei lang yun, i asked him kung anong sinabi nya sa tita ko at ibinigay sakin ang phone dahil kapag lalake hindi ibinibigay sakin maliban nalang kung kilala nila . . hindi daw nya alam . . siguro dahil mga nakainum na kaya nangugulit pa si Icad keso bakit daw di ako pweding gabihin kanina tapos ngayon may pupuntahn akong party sabi ko tatakas lang nga ako, pero mahina lang dahil baka marinig ni tita. . . para daw gusto nynag magtampo dahil friend ko naman daw sya bakit yun mommy lang daw ng x ko tatakas pa ko para lang doon, para lang matapos sabi ko kay Icad kapag nakarating na ko doon sa party na puopuntahan ko papahatid ako sa kanila kung maaga pa, pero ang totoo wla akongbalak lalo pa at tila may isang taong sinasadyang iparinig yung boses nya habang kausap ko si Icad, inum pa daw inum hmp magpakalasing ka ng magising ka he he he nakakainis kasi, hindi ko alam kung manhid ba o talagang wala lang pakiramdam . . . nang sinabi ni Icad na kung gusto ko raw kausapin si Mauel sabi ko HINDI na kasi talagang need ko ng ibaba yung phone dahil baka mabadshot ako, pero kung ibang araw lang yun kakausapin ko talaga si Manuel para iuntog kaya lang wala na kong oras lalo na at nagliligpit na si Tita alam ko matutulog na yun tapos mayamaya dumarayting na mga kapatid ko kaya alam ko magsisitulog na sila kaya kailangn maunahan ko silang magtulogtulogan para walang makapnsing aalis ako mamaya . . . natagalan bago nakatulog yung dalawang ungoy sa taas kaya nakatulog rin ako pero nagising rin ako after 30 mins kaya tinawagan ko na si Vince after 15 min daw lumabas na ko. Pero di kona nagawang palitan yung panjama ko at sando dahil baka magising pa yung dalawang unggoy buti maaga ring natulog yung isa pang dragon. . . Kaya inayos ko lang yung unan sa kama tapos lumabas na ko hinagilap ko pa nga yung sandals ko sa halamanan ng dumating sina Mark at Vince, galit na galit nga si Mark dahil nakasando lang ako, hinubad tuloy yung polo nya at pinasuot sakin bago kami umalis . . ..
. .. . Kyna Mercy na ko nagbihis bago ako tumawid sa kabila konti nalang ang tao halos tropa nalang ni Mark at mga pinsang di nalalayo sa kanya ang idad. . after kong batiin si Tita at ibigay yung gift kong ipinatago kay Mercy nakiumpok na ko kyna Mercy, hindi daw halatang takas ako dahil mukhang kagigising ko lang, sabi ko bakit may muta ba ko . . . hindi daw yung mukha ko raw halatang antok na antok pa ko mula sa pagkakatulog.. . . he he he totoo naman sabi ko pasalamat nga kayo nagising ako kung di wala ko dito, bakit daw sila ang magpapasalamat sabi ni Cath eh hindi naman sila mawa-wanted sa mama ni Mark. . ahh alam ko yun kaya nga pinilit kong tumakas eh!! Bago pa kung saan-saan mapunta yung chikahan hinila na ko ni Mark sa Kitchen ayaw pumayag na di na ko kakain dahil sabi ko busog pa ko, magtatampo daw mama nya kapag di ako kumain kaya napilitan akong sumama. . natakot tuloy ako dahilnaalala ko may atraso pa sa mukong na to!!
After ng konting chismis from tita Dorothy iniwan na nya kami ni Mark sa kitchen. Nilagyan pa nga ni Mark yung plato ng kanin pero sabi ko di ako nagkakanin ng ganung oras di ako madaling matunawan kaya made-dessert nalang ako.... Kaya letcheplan, ube at buko salad yung inilagay nya sakin.. . ilang minuto din parang may ANGEL na dumaan sa paligid namin dahil ang tahimik alam ko kailangn kong kabahan dahil bumebwelo lang si gago para kastiguhin ako....kaya di ko maiwasang kagatin yung labi ko eh nakita pala ni gago kaya ayun sinuko ba naman ako, pero mahina lang kaya napatingin ako sa kaya " ang hilig mo talagang gawin yan" napalabi tuloy ako ng wala sa oras. . " wag kang mag-alala hindi kita kakainin ng buhay, kalimutan mo na yung ginawa mo nong' makalawa" . . . . " eh kasi . . . " . . . . "ano nagugilty ka. . ." . . . " hindi! . . . tama naman yung sinabi ko pera lang yung huli, Mark asking lang? " dahil wala naman pala akong dapat ikabahala naglakas loob na kong itanong yung nasa isip ko dahil totoo lang may hinala ako na isa ako sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jociely, alam kong makapal ang mukha ko pero hindi ko talaga kayang di isipin dahil kilala ko si Mark, he believes in LONG LASTING RELATIONSHIP ayaw nya ng mga short commitment dahil bago ako yung gf nya one year sila nun kaya lang nakipagbreak sya dahil nagmigrate daw sa spain, kaya nga sabi nya isa ako sa mga failures nya dahil aapat na bwan lang kami tumagal tapos ngayon si Jocielyn, two months at sya pa ang nakipagbreak! " may ambag ba ko kaya kayo naghiwalay ni Jocielyn!? " humarap ako kay Mark dahil gusto ko talagang malaman kung totoo yung sasabihin nya dahil naguguilty talaga ako . .pero isang buntong hininga lang ang isinagot sakin ni Mark at sinabing tapusin ko na yung kinakain ko at wag isipin yung tungkol sa kanila ni Jocielyn . . , aangal sana ko pero sabi nya nakapagusap na sila at on going na yung magrereconcile nila . . kahit na hindi ko gustong paniwalaan si Mark dahil baka sinasabi lang nya yun para di ako mangulit o maguilty tinanggap ko narin saka ko nalang ulit balak na ungkatin baka kasi mag-away pa kami . . .
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment