♥+♥ . . . Second day ng Periodical Test . . like yesterday mas maaga akong pumasok para makapagreview lalo na ngayong may second part pala ang Science at Math Test kainis kala ko pa naman madadali nalang ang test ngayun kaya review nanaman ahhhh sakit ng ulo . .
. . . . Bukod sakin kayna Jayson at kayna Marlene maaga rin si Jerson, lumapit sya sakin pahiram daw ng reviewer kaya pinahiram ko naman. Tumabi sya sakin sa "paborito" ko daw na lugar sabi ni Rico. Yung biranda sa bagong building tapat ng room namin. Ewan ko but ba when Jerson talk to me my kung anong humaplos sa puso ko siguro its a relief na after all kahit di nya sabihing nasaktan ko sya noon kaya sya umiwas sakin nakukuha parin naming maging magkaibigan. . . hanggang dumating na sina Dado, si Joey, si Ricky at sunodsunod ng naghiraman ng reviewer sakin eh kahit naman magreview tong' mga kumag na to' kumokopya parin sakin he he he pero himala sa lahat dahil hindi umalis si Jerson sa umpukan nakipagbiruan pa nga samin. Piling ko kasi noon dahil kayna Joey, Ricky at Dado kaya tuluyang lumayo si Jerson dahil katulad ng feelings ni Gerly para daw nakaka-out of place kasama yung tatlo. . . hindi naman ah cool nga silang kasama. . . Then the flag ceremony was begun at ang best friend ko late nanaman kung walang test malamang magflaflag ceremony nanaman ng solo si RICO he he he he . . .
. . . . Recess na kami nakapagusap ni JON, sinabi ko sa kanya na hindi ako pinapansin nina Mhaei at Gerly and speaking of them we saw na magkasabay silang nagrecess at we know kung sila ang topic namin ni Jon malamang kami ang topic nila. But i told Jon na lilipas rin yung tampuhan namin hayaan nalang muna namin baka we need some space. . . habang naguusap kami ni Jon sa tapat ng room nila dumaan si Manuel pero may sinabing " selos pala ha!" nang tumingin ako kay Manuel nakangiti sya sakin at biglang tumalikod ng tingnan ko si Jon tawa ng tawa kaya alam ko na kung anong ibig sabihin ni Manuel. Hinanap ko si Roly at ng makita ko si gago tinanong ko sya kung anong sinabi nya kay Manuel pero hindi daw sya ang nagsabi si Icad daw kaya nagpunta ako sa sec 10 si Jona pa nga ang napagtanungan ko at anak tipaklong ayaw din aminin si Roly daw ang may sinabi kay Manuel kaya asar na sar ako pero yung asar asaran lang ha! kaya pinagpapalo ko si Icad sa balikad pero mahina lang sinasalag naman ni gago kaya ng makita kami nina Dado mga mukhang tanga ano daw ginagawa namin ni Icad, para naman kaming nahuli na may ginagawang kasalanan sinimangutan ko nga at sinabi kong mga "malisyoso" saka ako pumasok sa room at nagreview nalang ako....
. . . nang pumasok sina Ricky, Joey at Dado sa room pinigilan kong matawa dahil nakita kong tahimik yung tatlong mangaasar akala siguro serious ako sa pagtatampo kanina... hmp alam ko takot lang silang di makakopya kaya nagtakip ako ng note book sa mukha saka tumawa dahil hindi ko na mapigilan yung tawa ko at gagong Joey ang bilis ng mata sabi ba naman "di naman pala galit eh tumatawa na eh oh oh oh " kaya mas lalo tuloy akong napahalakhak kasi sa nakita kong mukhang nila Ricky lalo na ni Dado na parang nalugi sa loto. . ." ' ano takot kayo noh!! " sabi ko dun sa tatlo pero di ko mapigilan yung tawa ko kaya lumabas muna ulit ako dahil wala pa naman si Mam, bumalik ako kay Jon at dahil sa kakatawa ko di ko masabi kay Jon kung ano yung nangyari sa loob. . . Nainis tuloy sakin at pinabalik ako sa loob ng room ko . . Hay buhay sana kung pweding lagi nalang nakatawa he he he . . .
. . . grabe ang hirap ng second part ng Science at Math tila naubos na yata doon ang utak ko kaya ng magtest ng Values di na yata umandar ang utak ko pero syempre kailangan kong basahin ng maiigi yun at ipasa dahil tita ko Techear namin don noh!!! bukas Social at T.H.E nalang hay salamat . .
. . . dahil maaga ang uwian ofcourse punta ulit kami ni Jon kayna Icad nood daw kami ng movie. Kaya sa ayaw at sa gusto ko nakasabay ko si Manuel at himalang sumabay . . at ang magaling kong bestfriend tinakasan ako alam nia kasing kaausapin ko nanaman sya dahil kay Nerry. . Kaya wala tuloy akong pang-asar kay Manuel kanina pa nagpaparinig na " selos daw ako." sabi ko kay Icad kapag di tumahimik yung parot na kasama nila uuwi na ko . . mukhang natakot naman si gago kaya tumahimik he he he he. . . akala ko galit sakin yung gago pero inalalayan naman ako pababa ng sabungan balak ko nga sanang wag tanggapin pero mismong sya na kumuha ng kamay ko . . . at wala pa yatang balak na bitawan kung di ako ang kumalas ,., , ,
. . . Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat kayna Icad at Rolly dahil mukhang nagising si Manuel he he bumalik na kasi sa pangungulit si gago at aminin ko man o hindi namiss ko ang hinayupak.. . Habnag nanonood kami ng VHS ewan ko kung sa TV nakatutok ang attention si Manuel o sakin pano ba naman tuwing titingin ako sa derection nya nahuhuli kong nakatingin sakin tapos magpapatay malisyang ibabalik sa TV yung mata.... hay naku ewan sa lahat ng lalakeng na-link sakin only Manuel could get my ATTENTION at tanging si Manuel lang ang nagkaroon ng kakayahang makalimutan ko si JAN kapagkasama ko sya. .. .
. . . . . sa Hi-Way na ko nagpasakay kayna Icad at Manuel, si Jon kasi inihatid na ni Roly at Dado 5:00 na kasi tapos may test pa kami bukas.. . sa nakaraang LINGGO na hindi kami naguusap ni Manuel at ni Jan parang may nabuo na kong disisyon pero saka ko na sasabihin sa kanila bibigyan ko pa ng isang LINGGO ang sarili ko at kapag napatunayan ko na tama ang nararamdaman ko bahala ng masaktan sa huli .. . . ang importante masaya ko ngayon . . . .
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . . Di ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko. Gusto kong bigyan katwiran ang puso ko baka naman kasi kaya napapamahal ako kay Manuel ay dahil may di kami pagkakaunawaan ni Jan... pero kahit anong pilit ko sa sarili ko mali mang maging salawahan dahil boyfriend ko si JAN hindi ko alam kung bakit natatakot akong ipaalam kay Manuel ang lahat ,, I talk Jon about my feelings, sya lang naman makakausap ko dahil sina Mhaei at Gerl until now di parin kami pinapansin at mukhang wala ring balak ibaba ni Jon ang bandera nia. . . but i know isa lang to sa pinagdadaanan ng GEKAJOM maaayos at maayos din to' sana nga lang sa lalo't madaling panahon may TOUR pa naman . . . .
♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . Sabi nila hindi pweding magmahal ang puso ng dalawang tao sa iisang pagkakataon, pero bakit may mga nagiging #2 ahhhh bakit ganito pati mga maliling paniniwala gustong ituwid ng puso kapag naiinlove.... mali nga bang umibig ako sa iba habang may commitment ako kay Jan . . nalilito ako I want to tell myself na ang nararamdaman ko kay Manuel ay isang infatuation lang dahil nakukuha nia ang attention ko sa panahong nagkakagulo kami ni Jan pero gagong utak tumatanggi hindi daw yun totoo dahil kung ifatuation lang daw ang nararamdaman ko bakit nagseselos ako sa mga fourth year girls na minsang kasama nila nina Dado ahhhhh ewan ko sabi nila " dont afraid to fallen in love dahil hindi ko raw mararamdaman to kung di meant to be. . . para fairy tale daw hindi daw kami magkakatagpo ni Manuel kung di daw dapat kami ma-inlove sa isat-isa . . . ahhhhhh ang gulo naguguluhan na talaga ako . . . gusto ko tuloy maniwala sa kantang "sana dalawa ang puso ko" ahhhhhh kainis. . . "
♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . . FRIDAY . . . . Last day of exam, madali lang para sakin yung T.H.E dahil halos kabisado ko na yung pattern ni mam Pantaleon kung paano sya magbigay ng exam. Ba naman sa tatlong taon ko sa high school bukod kay Sir Diaz noong first year sya lang ang naging Prof ko sa T.H.E
. . . Nagyaya ulit si Jon kayna Icad pero sabi ko past muna ako, nangako kasi ako kay Vince na dadaan sa Villages pero syempre sabi ko kailangan ko lang umuwi ng maaga dahil may gagawin ako.. I dont know kung bakit biglang tumahimik si Manuel ng sinabi kong di ako sasama... ( kung pinilit naman nya sana ako eh sumama ako) hay dont tell me torpe ka rin???ahhhh BAKIT puro ganto nalang ba mapupunta sakin. . .
. . . Okei na kami ni Manuel hindi namin pinagusapan kung ano ang nangyari sa mga nakaraang araw na di kami nagpapansinan basta bumalik nalang yung dati naguusap nagbibiruan at unti-unti yung pagiging sweet ni Manuel katulad ng pagaalala sakin sa pagkain. . Kung may di pa man naayos yun ay ang GEKAJOM until now hindi parin kami nagpapansinan kaya ang hirap kumilos sa loob ng classroom dahil di ko maiwasan di tingnan si Gerly pero sabi nga ni Jon "takes time" ahhh wag naman for life time sayang din yung isang taon naming friendship. . . ang lakas kasi ng hatak ni Nerry this is the long time na hindi nagpapansinan ang GEKAJOM pero thanks dahil hanggang doon lang yun walang away o walang kahit na ano basta wala lang pansinan after all were still bestfriend dumadaan lang siguro kami sa stages ng growing up . .
. . . . Si Rico naman tinigilan ko kakakulit about the true reason kung bakit sila nagsplit ni Nerry even i know may ambag ako doon at si Roly . . . Pano last time na kinulit ko si Rico pinagsabihan na nya kong pano daw sya makakapg move on kung lagi ko nalang daw ipinaaalala si Neryy sa kanya... yun lang daw makita nya yung tao ang sakit-sakit na Ewan ko ba pero bigla akong nalungkot para kay Rico hindi ko tuloy alam kung may karapatan ba kong magsaya na kasama si Manuel habang nasdudrugo ang puso ng bestfriend ko. . . para kasing unfair when i need him nanjan sya lagi di pa ako nagsasalita alam na nya if i need him pero ako he always assured na bago ko malaman ang problema nya tapos na. When i asked Rico kung bakit ganun sya ayaw lang daw nya ng kinaaawaan sya at higit sa lahat sya daw ang lalake at dapat kaya nyang harapin lahat ng problema . . . Gusto kong sabihin kay Nerry na ang tanga nya para pakawalan si Rico pero wala akong karapatan kahit manlang isipin yun dahil hindi ko alam kung paano nila pinatatakbo ang realsyon nila biside hindi rin ako nakakasigurong walang mali si Rico why they're relationship was failed . . . ang tangi kong magagawa ang wag iwan si Rico at siguraduhin nanjan lang ako sa tabi nya what ever he needs me or not . . .
♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
. . . . nagprapractise na ang Cyber's ng dumating ako. . . may mga layouts na for Mercy's welcome party.. All we need are buying the materials. And for the foods si tita Dorothy na daw ang bahala. . . kailangan nalang confirmation ng exact date ng uwi ni Mercy. . . Umuwi narin ako agad kasi parang bigla rin akong napagod, idinahilan ko nalang masakit ang ulo ko dahil sa test pero ang totoo masakit ang ulo ko kakaisip sa problema kay Jan at kay Manuel pati narin sa GEKAJOM at kay Rico pati nga puso ko napapagod narin . . .
♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
. . . kinagabihan dumating si Icay sa house ang pobreng babae umiiyak dahil mukhang may kinalulukuhan nanaman si Dennis ahhhh lalake talaga di mapirma sa iisang babae ( parang di ka ganun ah) atleast ako nagiisip muna saka di ko pa sinasagot si Manuel so di pa ko lumalakpas sa boundary siguro yung puso ko lakpas-lakapas na hindi ko na nga mahabol para ibalik. . . aaaaahhhhh. . . Ewan ko ba naman kasi kay Icay kung anong nakita sa IPIS na yun, gusto ko ngang batukan at sabihing TANGA sya dahil may bago pa ba sa AHO eh lahat ng iyon mga babaero may tahimik nga nasa loob naman ang kulo. . Pero syempre di ko sinabi yun baka mamaya balikan ako ni gaga at sabihin bakit ako nagpapakatanga kay Janjan... DATI yun?? ahhhh ewan ko ba kung bakit bigla-bigla nalang nagiba ang ihip ng hangin nagiging salawahan na talaga ang puso ko. . . GOD please give me sign kung tama ba ang ginagawa ko. . . Habang umiiyak si Icay dumating si Kuya Exor hinayaan lang naming magiiyak si gaga nagsasalita lang kami kapag kailangan nya ng kundting encourragement at sympathy ahhhh puso talaga walang utak.....Halos ilang beses ng napatay ni Icay si Dennis sa mga salita nya but in the end MAHAL parin nya si Dennis para akong "dati" kahit anong mura, kahit anong sakit sige parin isang "SORRY" lang ayos na. . . pero ngayon ewan ko halos isang linggo na nga kaming di naguusap pero kataka takang di ko sya hinahanap. . . .
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
. . . SATURDAY NIGHT. . . Tanghali na kasi ako gumising sa tatlong araw na puyatan binawi ko sa iisang araw thanks GOD naman hinyaan ako ng mga DRAGON . . Nagpunta sina kuya Exor sa bahay kasama si Dennis wala lang nagbilliard lang sila kinausap ko na rin si Dennis about Icay narinig ko narin yung side nya pero hanggang payo lang ang ginawa ko ayukong makiaalam sa relastionship nila kung yung akin nga di ko maayos yung pang kanila saka mukhang nauntog na si Icay o nauuntoguntugan lang......ahh buhay . . . parang LIFE . .
. . . . . pero mukhang bukod sa dapat na hindi ko pakialaman sina Dennis at Icay mukhang may dapat akong pinakikialaman dahil DENNIS asked me kung bakit daw ako nagpapaluko kay Jan gusto ko sanang itanong bakit ikaw ba di mo niloloko si Icay pero hinintay ko nalang kung anong dahilan at sinabi nya un. . . ayaw kong paniwalaan ang sinasabi ni Dennis na totoong nagkaroon ng realsyon sina Odezza at Jan habang kami, pati yung kay Nelvie nagkataon lang daw na may naging dahilan kaya nailandad ni Jan si Nelvie pero kami pa nang ligawan ni Jan si Nelvie at ngayon mukhang sina Marivic daw at Nestly ang kinabubuyuhan ni Jan... Hindi ko alam kung bakit natutunan ko ng wag masaktan halos isang linngo na kong nakakatiis na iwalang bahala ang nararamdaman ko kay Jan pero on that time habang sinasabi ni Dennis yun at sinisigundahan ni kuya Tong' parang hinati-hati ang puso ko... Talaga bang kailangan pang ipamukaha sakin kung gaano ako katanga... ahh matagal ko ng alam yun pero isip lang ang nagsasabing TAMA NA! pero ang puso ko sige ng sige kahit halos wala ng paglagyan ng sugat said na said na nga yata pati ang dugo sa dami ng hiwa . . i thought after joy, and jec wala na pero dumating si Odezza at nelvie pero nagpakatanga parin ako at ngayon may marivic at nesly pa ahhhhhhh sino naman kaya bukas o sa isang linggo, sa isang bwan or next year .. . Bahala na ayuko nag magsalita sawa na kong magbigay sagad na. . . . wala na kong kayang ibigay . . .
. . . . SUNDAY . . . . that was LUNCH break nagulat ako dahil after kumain tinawag ako ng tita ko phone raw AILEEN . nagtaka ko kung sinong AILEEN dahil wala akong kilalang AILEEN pero syempre di ko pinahalata sa mga tita ko iniisp ko baka si JAN gumagamit lang ng ibang pangalan o baka kasama si Bebe . . pero laking gulat ko na si Manuel, hangal ako para isiping si Jan un. . . nasa CAR WASH daw sila Manuel kasama nina dado, rolly at icad. Yung AILEEN pala yung treasurer ng pinagtratrabahuhan nila. . i asking him kung bakit napatawag wala lang daw tatanong lang nya kung kumain na daw ako " aahhh manuel bakit ka ba ganyan... na iinlove na ko sayo alam mo bayun . . . " pero syempre sa utak ko lang iyon. . . at ang tatlong kumag narinig kong tinutudyo si Manuel ahhh sira talaga tong' mga to' pero nagpaalam agad si Manuel kasi pay phone lang daw yung gingamit nya sa Car wash kaya baka daw masisanti sya kung di pa nya bababa.. ang hinayumapk nag "i miss you " pa at '"I love you" pero syempre di ko sinagot hindi dahil nandoon ang mga tita ko kung di dahil may dapat muna akong tapusin . . .
. . . . ahhhhhhh buo na talaga ang pasya ko bahala na kung iiyak rin lang ako bakit di muna ako maging masaya... sabi nga sakin ni KIM "be happy let your self enjoy saka mo nalang intindihin kung iiyak ka o masasaktan. . importante naging masaya ka." . Noong sinabi sakin yun ni KIM para yun sa araw -araw na sermon sa bahay pero ngayon hindi yata sa bahay ko gagamitin yun kundi para sa puso ko . . . bigla ko tuloy na miss si KIM kamusta na kaya yung bestfriend kong iyon . . .
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment