♠+♥+♣ . . . . Gising na si Rico ng i-aanounce ni Mam na maghanda na dahil pwedi na kaming pumasok sa Enchanted . . Syempre nung una sama-sama pa ang buong III-8. Napagkatuwaan pa ko nina Dado, Ricky at Joey dahil yung carousel ang unang tumambad samin na rides, sira ulo kasi si Dado sabi ba naman doon lang daw ako bagay na rides dahil pangbata. . hmp naku kung ibaiba lang nagbiro sakin nun uupakan ko na pero syempre I know biro lang yun. . . kay nagcarousel kami he h ehe he . ..
. . . But the next ride hiwa-hiwalay na kasi kasama na sila ng alam mo na Higher section so naiwan kami nina Sherly, Ivon, Jason, Carol and Teresa kayna Rico, Regie, Ryan, Raymond and Eric. . . kaya nag-enjoy din kami kasi puro kalukuhan ang nasa utak ng mga gungong . . . May isang rides pa nga na nakasabay namin yung grupo ni Nerry pero iwas gulo nalang inilayo ako ni Rico kaya nag roller coster nalang muna kaming dalawa kasi sina Ryan kasama yung iba nakasakay na. . ahhhh grabe even hindi yun yung unang sakay ko sa roller coster nakakatakot parin pero masaya kahit nakakatakot kasma ko naman si Rico. . . pero nakaktuwang isipin ang Roller coaster parang buhay. . one of the sample of life, nakakatakot, dahil may pababa, pataas at pabaligtad pero exciting kasi magaan sa feeling kapag nasa taas ka ur free like an angel pero pagbababa ka na nakakatakot kasi nakakalula pero mamaya tatagilid na sya na ibig sabihin mataas ka na ulit. .. hay buhay. . .
. . . . . After Roller coaster, sa Anchors Away naman kami sumakay matapos naming mahanap at makita sina Ryan na iniwanan namin kung nasan yung grupo nina Nerry kanina. After ng Bamp Car humiwalay nakami kayna RICO kasi sa Space Settle sila sasakay... pinipilit nga akong sumama pero ah patayin man ako ni Rico di ako sasakay ng space settle, sa naranasan ko last year hindi na ko uulit .. . kaya nagpasya kami nina Sheryl, Carol, Ivon at Tere na sa Swan Lake nalang sumakay . . . kung alam ko lang kulang na madudurog ang puso ko sa lugar na yun di na sana ako nagpunta...
. . . maraming nakapila sa Swan Lake kaya nasa bandang duli kami pero hindi nakaligtas sa paningin ko yung grupo na nasa unahan namin buti nalang at bago kami may mga ilang tao pang nakapila dahil kung di baka nanakbo ako ng walang dahilan. . . I saw Manuel and Icad company pero ang di ko inaasahan kung sino ang kasama ni Manuel sa pagsakay sa swan, it was Jona, oo your right yung girl na pinagseselos namin dati... ahhh di ko alam kung ano ang iisipin ko pero pinilit kong itago ang nararamdaman ko... salamat nalang at hindi kami napapansin nina Manuel dahil kung hindi sinisiguro kong iisipin nun ang nasa isip ko... but if nakaligtas ako sa mata ni Manuel hindi kay Icad tinawag pa nga ako kahit na nag-iwas na ko ng tingin buti nalang nauna na sa pagsakay yung dalawang pares bago ako tinawag ni gago , ,sana naman di narinig ni Manuel na nadoon rin ako. . kaya nginitian ko lang si Icad . . . at salamat rin dahil ng turn na namin nina Sheryl wala na sa lake sina Manuel dahil kung nagkataon baka nagkasalubong pa ang mga swan namin. . . I tried to be normal after ng nakita ko, nagyaya si Tere sa Realto kaya dun ang sumunod naming distinasyon. Sina Ricky, Dado, Tarce and Joey naman ang nakita namin don kasama ang company ni Vanesa. . after realto napadaan kami sa Souviner Shop. . .naglibot ng kunti may nakita akong kwentas ang balak ko tumi ngin lang pero al am mo bang may nakita akong isang kwentas na nagpaalala sakin kung anong petsa na! I asked Sheryl kung anong petsa ng araw na yun, habang hawak ko ang particular na kwentas when Sheryl answer me na 16 ang date ng araw nayon namura ko ang sarili ko at parang nahulog ako mula sa napakalalim na bangin anak ng puta monthsarry pala namin ni Jan, and for the first time ngayon ko lang nakalimutan yun since na maging kami,. .. ,. kung di ko pa nakita yung kwentas na dalawang pares pero hati sa gitna at may sulat na I LOVE YOU katulad ng binigay nya sakin nung valentines pero nawala ko. . . di ko pa maalala kung ano ang okasyon meron ng araw na to' . . . di ko alam kung bakit bigla kong binili yung kwentas siguro dahil bigla akong nakunsensya kay Jan, , , Ngayon lang kasi nangyaring nakalimutan ko ang raw na to' ........ ah ito na nga ang ipekto sakin ni Manuel ,. ,, ahhhh grabe na to!!!! pero mas malaki ang naging ipekto sakin nang sa susunod na distinasyon namin . . .
. . . This time hindi ko lang makita si Manuel at Jona kung di na kasalubong pa namin. . . Abala kaming nagkukuwentuhan nina Carol at Sherly papunta kami sa Jungle Log Jam kaya hindi ko napansin yung makakasalubong namin nalaman ko lang na sina Manuel at Jona yun ng binati ni Carol si Manuel, kung kanina ang masakit lang na makitang magkasama sila sa iisang grupo ngayon parang piniga ng pigang piga ang puso ko dahil dalawa lang silang naglalakad papalapit samin at ang masam a dahil di ko nga yun inaasan kaya nagtama ang mata namin hindi lang ni Manuel kundi pati ni Jona . . para di nalang halatang may nararamdaman ako nginitian ko si Jona at tinanguhan bago ako tumingin sa ibang derection. . . . . pinilit kong maging ma saya habang nasa rides kami, sasabihin kong kahit papano nakatulong yung mga tilian namin habang pababa yung log sa tubig. . at dahil nauna kaming sumakay ni Ivon at Sheryl hinintay namin sina Carol at Tere sa taas kung saan kita namin yung mga nakasakay sa log ahhhh parang gusto kung tumalon mula sa tulay pababa sa tubig para magising yung puso ko sa katangahan ko . . . Hindi o tuloy namalayang nakalapit sa kin si BAKLA ( RAMIL) ang lalim naman daw ng iniisip ko, pero nginitian ko lang si Ramil at ng niyaya akong magpicturan kami syempre nagpaunlak ako kahit na alam kung di aabot sa mata ko ang ngiting makikita sa litrato. . . . . . .
. . . Dahil basang basa kami sa rides naisipan naming bumalik muna sa bus para kunin yung mga damit naming pampalit. ., at nagugutom na daw kasi si IVON kaya mag snack muna daw kami. . . pero pagdating sa bus hindi ko lam kung bakit hindi ko kinaya.... Habang abala sina Sheryl sa pagkain naupo ako sa bangko namin nina Rico at di ko alam kung bakit bigla nalang akong umiyak, mahina lang pero alam ko humihikbi ako. . para akong sira na umiiyak ng walang dahilan, ni hindi ko nga alam kung ano at sino yung iniiyakan ko. . . napalakas yata yung hagulgol ko kaya lumapit sakin si Sheryl at Carol. They asking me bakit daw ako umiiyak pero sabi ko wala masakit lang ulo ko, pero kahit na anong pahid ko sa luha ko hindi ko mapigilan ang pagtulo at hangang inaalo na ko nina Carol. Di ko inaasahan na darating si Rico, mukhang mablak lang magpalit ng damit pero nakitang inaalo ako nina Carol kaya nilapitan agad kami dahil akala kung napano ko. Pero lalo lang akong pinaiyak ni Rico dahil sa sinabi nyang "ano nagising ka na!!?? " alam ko na man kung ano yung sinasabi ni Rico kaya di kona kailangan pang magtanong. . . kaya ng kabigin ako ni Rico palapit sa kanya wala na kung magawa di man ako nagsalita lam ko alam na nia kung bakit ako nagkakaganun at pati sina Sheryl tumahimik nalang at isa-isang umalis kasama sina Ryan na kasama kaninang pumanik ni Rico. . Nagsimula ng magsibalikan pasok yung mga kasama namin kaya tumahan narin ako... Alam ko namang di ako dapat nasasaktan dahil una wala kaming relasyon ni Manuel, pangalawa tanga ako kung iisipin kong totoo ang nararamdaman sakin ni Manuel ganung ginamit lang naman nya ko para makuha si Jona at ngayon si Jona ang ginagamit nya para masaktan ako . . . Rico asking me kung okei na ako . . i told him "oo" kahit na hindi pa,, , pero ng makita ni Rico na iiyak na naman ako inunahan na nya ng punas ng kamay nya yung luha ko.. Tama na daw yung iniyak ko kanina . . kaya dapat tapos na . . hindi daw dapat ako nagkakaganun dahil una palang alam ko na daw na mali kaya kunin ko na daw yung pamalit ko dahil kung di pa kami bababa baka sugurin na kami nina Ryan at Raymond na kangina pa naghihintay sa labas. . kaya parang nahiya naman ako dahil para kong tangang umiiyak sa di naman dapat iyakan.. .... lahat sina Ryan,Eric at Regie nagtatanong bakit daw ako umiiyak sabi ko inaway kasi ako ni Rico. . . pero nakatawa na ko nun. . . naalis lahat ng sakit kahit na sandali dahil nanjan si Rico . . . inakbayan ako ni Rico habang papasok at kahit sa ganung paraan naramdaman ko na di ko na dapat iyakan kung ano man yung nakita ko. . dahil walang kwenta yun... . kaya lang alam kong hindi . . na walang kwenta yun dahil hindi ako masaaktan kung ganun . . pero pinigilan ko paring umiyak dahil sabi ni Rico namamaga na daw yung mata ko at kapag may nagtanong kung bakit baka daw di ako makasagot . . pero na kahinga na nga siguro ako kaya umandar naman yung kapilyahan ko , , sinabi ko kay Rico na once na may magtanong sakin bakit ako umiyak sasabihin ko inaway nia ko he he he he . ., sira ulong Rico sabi ba naman "kaya tayo napaghihinalaan eh",, "aba kasalaman nila yun malisyoso sila eh" sabi ko. .. nang makita namin sina Sheryl nagpaiwan na ko kay Rico i know kasi di mag-eejoy yun sa company namin di dahil sa mga kasama ko kung di dahil sa klase ng rides na sasakyan namin dahil puro extreme rides ang gusto nila samantalang kami yung alam naming di tatapon ang sikmura namin he he he he. .
. . . 5:30 ang call time para bumalik sa Bus kaya naisipan muna namin nina Sheryl mag-ice cream kaya nagpunta kami sa Food court. . . nakita namin sina Dado at Joey roon kaya doon na kami pumuwesto. . . itinanong namin kung bakit sila lang sabi ni Joey iniwan na daw nila yung mga kasama nila dahil ang aarte daw sasakay daw ng rides saka ngayong titili-tili. . nakakakulili daw ng tenga " ayan na papala nyo" kung kanina si Sheryl ang parang nagseselos ngayon naman si Carol kaya di ko maiwasang mapagiti tuloy napansin ako ni Dado pero hindi yung pagtawa ko ang pinansin ng hinayupak kung di yung mata ko. . . . na paano ba daw ako at mukhang umiyak ako, pero imbis na ako ang sumagot si Carol ang nagsalita, at ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ni Carol at sinabing " inaway kasi ni Rico" magre-react sana ko pero dumating sina James at Argel syempre kasama si Manuel . .kaya imbis na ipagtanggol ko si Rico natahimik nalang ako dahil sa sunod sunod na tanong nina James na kung ano ba daw ang pinagawayan namin, tapos si Dado naman pinapatunog yung kamay habang sinasabi " kung gusto ko ba daw na bigyan ng lekson" tapos sabay tanong kay Manuel " ano pare", sira ulong kasi tong sina Carol at sina Sheryl tawa ng ng tawa. . pero syempre biruan lang yun kaya di ko pinapakinggan nakikitawa rin lang ako, pero kung may seryoso samin that time SYA yung dahilan kung bakit umiiyak yung puso ko kahit na nakatawa ang mukha ko . Nang matapos namin yung mga kinakain namin nagsipaglakad na kami pabalik sa BUS dahil malamang nag-che-check na si Mam kung sino na ang nakabalik . . .
. . . Marami narin sa mga classmate namin ang nasa BUS na ng dumating kami pera na lang yung grupo nina Rico at sina Trace and Ricky kaya doon muna ako sa upuan nina Tere naglagi dahil wala pa naman sina Rico baka naggagala pa dahil kalahating oras pa naman bago ang call time kaya nagkuhanan muna ng picture sa loob ng BUS. . . para namang biglang nawala yung sama ng loob ko kaya nag-enjoy ako kahit na alam kong nasa paligid lang si Manuel at kasam namin sa kasiyahan . . . . Sa last picture ni Teresa lahat kami nasa side nina Dado kaya kinailangan kong lumipat sa tabi nina Manuel, pero syempre nagkasiyahan kaya kahit masama ang loob ko lumipat ako kasama ni Carol. kahit na alam kong si Manuel yung nasa likod ko . .para nga akong knukuryente habang nararamdaman ko yung balikat nya sa balikat ko pero hindi ko yun inintindi dahil tuloy tuloy ang picturan until nakita kong pumanik si Rico, kaya bigla akong napatayo dahil alam kung nasa tabi ako ni Manuel... salamat nalang at walang masayadong nakahalata maliban kayna James at Argel na nasa unahan ko kaya nakita sigurong bigla akong tumayo dahil dumating si Rico, kaya di naiwasang magcommento ni Argel na "naritan na daw ang mangyari", buti nalang at kausap ni Rico si Ryan kaya di yun narinig, pero alam kong para kay Rico ang patudyada ni Argel. . hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit bigla akong natakot na makita ni Rico na katabi ko si Manuel,,, siguro dahil magmumukha akong tanga kay Rico dahil after kong umiyak kanina ayun ako at nakikipagsaya sa lalaking halos dumurog ng puso ko . . .
. . . . hindi na ko bumalik sa upuan ko kangina dahil gusto kong kahit papano malibang akong kausap si Rico, kaya ng magcheck ng attendance si Mam hinanap ako akala wala pa ko, (nakot yata sa tita ko joke) pero nagtaas ng kamay si Rico na nadoon ako kaya napilitan akong tumayo para magpakita . .then aftrer that konting kuhanan habang nakaubo at kain ng snack. at habang papalayo yung sasakyan namin sa enchanted patahimik ng patahimik ang bus, malamang nagsitulog lahat dahil sa pagod.. at syempre kami rin ni Rico nakatulog. Di na kami nagpalit ni Billy ng pwesto kaya nasa may bintana parin ako. Nakita ko pa ngang nagkasabay yung bus nina Nerry sa bus nami pero di ko lam ko nakita kami.. Ano naman paki ko. ..
. . . nasa pasig floodway na kami ng magising ako. Gising narin si Rico ng imulat ko yung mata ko pero di inaalis yung braso na inuunanan ko, baka daw kasi magising ako kaya umunat ako ng upo para maalis nya yung braso nya dahil malamang nangangalay na si gago. . di ko tuloy mapigilang maiisip na "paano na kaya ako kung wala si Rico" . . . Pagpasok namin sa Floodway Taytay ilan sa mga school mate na min ang nagsibaba na. tapos sunod-sunod na. Pero ako di ako bumaba sa palengke dahil may usapan pa kami ni Jon na magkikita sa munisipyo . .
.... when we arrive at munisipyo madami naring bus ang nauna samin... Rico help me sa gamit ko pagbaba tapos tinanong nya ko kung saan pa ko pupunta i told him na wait ko lang si Jon then uwi na rin ako.. Iniwan nya ko kayna Dado at nagpaalam narin ng mapilit kong umuna na dahil alam kong pagod na rin sya.. . . ng masigurong okei naman ako with Dado saka lang umuwi si Rico. . at kahit nandoon si Manuel hindi ko parin sya inimiik, nauna ng nagpaalam si Joey at Sheryl, tapos sina Tere at Carol kaya kaming tatlo nina Dado at Manuel ang natira, umuulan pa naman kaya siksikan kami sa waiting sheild . Dumating si Icad na kasama na sina Rolly at Jon at dahil nga umuulan sabi ni Jon umuwi nalang daw kami dahil may balak yatang maglakwatsa pa, tawagan nalang daw kami bukas. . kaya after isakay namin sya ng tricycle pauwi kami naman ang tumawid dahil sa jeep kami sasakay. . Manuel try to confort me sa ulan pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo papuntang waiting shed sa kabilang karsada kahit na ipinapayong nya sakin yung dala nyang bag. . . ang daming pasahero pero buti nalang may jeep na kokonti ang laman at taytay pa .. kaya nakasakay din agad kami. Nauna si Dado sa pagsakay dapat si Manuel ang susunod pero inilahad nia yung kamay nya bago ako makasakay at syenmpre kahit naman galit ako di ko kayang ipahiya yung tao kau tinggap ko na at sumunod syang sumakay sakin . . Dado asking me kung ihahatid pa daw nila ako pero sabi ko wag na dahil umuulan saka gabi na isang cool jar lang naman ang dala ko na pinaglagyan namin ng yelo para sa drinks kaya ko na yun, pero sabi ni Manuel sya nalang daw maghahatid sakin pero tumutol ako tila yata nakarating na kami sa sabungan di pa kami tapos magtalo pero dahil nagpumilit ako nakuha ring bumaba ni gago kasama nina Dado. Tinapik ako nina dado sa braso at nagsabing yngat bago bumaba pero si Manuel nakuha pang hawakan yung kamay ko kaya napasimangot tuloy ako, pero ang ungas nakuha pang tumawa parang ang sayasaya pa at naggagalit galitan ako sa kanya . . .
. . . mabilis ang biyahe pa taytay kahit na umuulan, sabado kasi tapos gabi pa kaya lipas na siguro ang mga nagsisi-uwian. . bago ko pa malaman nasa tapat na ko ng GDR. nang madaan ako sa bahay nina Abet madilim kaya natakot ako ng may sumitsit sakin at walang hiya si Tony pala at dahil umuulan sumilong ako ng malaman kong may tao pala roon. . nakita ko si Jan at si Abet na nagiinuman sa loob ng bahay. Pero dahil sa nangyari kahapon sa bahay nina kuya Jhun may kunting tampuhan parin kami ni Jan.. Kaya nga sabi ko kay Tony, gabi na uwi na ko alam mo ba sabi ni Jan, "Tony uuwi na yan". at alam ko tampurorot yun kaya lumapit na ko at ibinigay ko yung kwintas na binili ko kangina, una ayaw pa ngang tanggapin pero ng sinabi kong "di wag" kinuha rin. . . sabi ni tony kanina pa daw nagmumukmok si Jan dahil monthsarry namin wala ako.. pero ngumiti lang ako at nasa isip ko " paano kaya kung malaman ni Jan na kung di kopa nakita yung kwentas sa souviner store di ko maalalang monthsarry namin" baka di lang mukmok ang gawin nya he hehe. . . after namin pagusapan yung nangyari kahapon at nagkaayos na pinahatid na ako ni Jan kay Abet dahil nga umuulan. . .
. . . sa buong maghapon na nangyari sakin ewan ko kung paano ako nakatulog, kung sa pagod ba ng katawan o pagod ng isip at puso . . .
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment