Sunday, March 9, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 103

♥+♥ . . . MORNING palang happy na ko ewan ko siguro dahil hanggang ngayon may hanggang over pa ko sa pagtawag ni Manuel kahapon he he. Back to normal ang classes kasabay kong nag recess si Jon with Rolly, Icad at syempre si Manuel. . . Pero hindi ko hinayaang sya magbayad ng kinain ko.. we talk about that na sasabay ako sa kanya sa recess kung ako magbabayad ng kinain ko gusto ngang magtampo ni gago pero pinaliwanag ko sa kanya na hindi porket sya ang lalake sya ang laging gagastos sakin at ayuko ng ginagastusan ako pera nalang kung may okasyon. Masyado daw akong ma pride . . hindi pride yun alam ko naman na nagtratrabaho sila para sa studies nila tapos ako makikisama pa sa gastos pero syempre di ko sinabi kay Manuel yun baka may matapakan akong ego . Were totaly for got kung ano man yung nangyari last week hindi nalang pinagusapan o sadyang iniwasang pagusapan pera nalang sa "SELOS" essue pero hindi ko inamin na totoo yun noh para ko naring sinagot si gago kung aaminin ko yun diba . . okei na ang lahat... no real score and no official answer pero the important is were understand na the feeling is MUTUAL... i think I'm in love pero bago ko sabihin yun kay Manuel i need to talk JAN first. . . para maging okei na ang lahat . . tutal i think hindi ko naman sya masasaktan kong si Manuel ang pipiliin ko . . . . nauna naman syang manloko. . .

. . . Love Ravigaye visit me, wala lang konting chit-chat talk dahil may new papa sya si Jam na former baseball player ng ROES at classmate ng utol ko.. Ahh wala na kong masabi kay LOVE ang lakas talaga ng charm he he he . .

. . . . Nang ihatid ko ang bestfriend LOVE ko i saw kuya Jhun, Abet, Tato, Dennis and Jan ah buti naman at nagpakita sakin si gago.... pagbalik ko sinabi ni Tato kung pwedi daw kaming magusap ni Jan ( talagang maguusap kami naunahan nya lang ako) sabi ko bandang 8pm kasi may gagawin pa ko.... but sad to say mukhang kakampi ni Jan ang langit dahil umulan kung kelan naman nagpasya na ko saka naman tila ayaw makisama sakin ang panahon . .


. . . . . I was suprise ng ihatid ako ni Jan... Himala ng langit alam pa pala nya ang oras ng pasok ko. He told me na magusap daw kami mamaya sa house nina Abet after class ( utusan ba daw ako) pero talagang balak ko syang kausapin dahil nakapagdisisyon na ko mas mabuting maging masaya muna ako saka ko nalang pagsisihan kung magsisisi man ako sa magiging disisyon ko . . kesa naman nagpapakatanga na nga ako ako pa ang niloloko . . . .

. . . Excited ang lahat sa TOUR this Saturday wow ENCHANTED nanaman kami.. . . last year doon din kami nag tour at napakasaya ng lahat he he he

. . . . After class umuwi na ako even Jon invited me with Roly sa house naman daw nila. But I refuse it dahil kailangan naming magusap ni Jan but i told them na may gagawin ako sa bahay. . and again i saw Manuel just staring at me akala siguro kung ano ang gagawin ko he he he ( bakit hindi ba totoo na may gagawin ka??)

. . . habang nasa biyahe ako kung ano-ano ng paraan ang naiisp ko kung paano ko sasabihin kay Jan ang tungkol kay Manuel . . . kung dapat ko pa nga bang sabihin o basta nalang akong makipaghiwalay after all sya nagumpisang magloko . . .kung ilang beses akong nagpractise sa isip ko kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya ng di ko kinakailangan ipaliwanag pa kung paano at ano ang nagyari ahhhhhh ewan ko pero sa dami ng prinapractise ko at kinabisadong linya isa man dun hindi ko nagamit because when Jan and I talk biglang lumuhis ang lahat . .

... . . . dahil maaga pa kayna Abet kami nagusap sinigurado ni Jan at Abet na kami lang ang tao sa bahay nila ng oras na yun. Kung nasan ang AHO i dont know, i have no Idea maybe nakayna BORNOK doon naman sila naglalagi kaya parating nandoon si Jan. . . Jan started kung bakit sya nagalit sakin ( at sya pa ang may ganang magalit) He told me na nagalit sya dahil sya daw ang kausap ko pero si Dennis daw ang inintindi ko ng lumapit samin si Den. After that ako naman ang nagtanong about sa nalaman ko kayna Kuya Exor and Dennis . He said hindi daw yun totoo baka daw naninira lang si Dennis dahil gusto akong maagaw, siguro daw kaya laging nasamin si dennis gabi-gabi dahil naliligaw nanaman dahil wala na sila ni Icay, ( teka bakit napunta sakin) "ah ganun sa palagay mo sasagutin ko pa si Dennis ngayong alam kong balde-balde kung lumuha si Icay ano ako tanga kukuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko" sabi ko sa kanya. Ilang sandali na para bang may dumaang angel wala isa man samin ang nagsalita. Ewan ko ba kung bakit iyon na ang time to tell Jan na i want to qiut and I want to end our relationship pero hindi ako makabwelo ni hindi ko maigalaw yung bibig ko hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ewan ko kung bakit natatakot ako. Kanina halos buong-buo na sa isip ko na hihiwalayan ko na sya para kay manuel pero hindi ko alam kung bakit after ng sinabi nya na sinisiraan lang sya nina Dennis pero kalahati lang ng puso ko ang naniwala doon ni ang isip ko ayaw ng pakinggan ang sinasabi nya pero ito ako ni hindi ko masabi kung ano mang dapat kong sabihin, until Jan move hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya ewan ko ba kung bakit biglang nawala lahat ng nasa isip ko ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit iba ang nakikita ko sa mata nya ng oras nayon. I saw to his eyes na mahal nya ko, na totoo ang sinasabi nya pero ayaw tanggapin ng utak ko pero sinasabi ng puso ko na totoo ahhhhhh mas lalo akong nagulan. hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya lahat ng nais kong sabihin hanggang sinabi ni Jan na " mahal na mahal daw nya ako at hindi nya daw ako ulit lolokuhin"..... for the first time since maging kami it was 9 months, iisang beses ko palang nalaman na letteral na mahal ako ni Jan at sa sulat pa yun at ngayon sa unang pagkakataon sinabi nyang mahal nya ko sa mismong harap ko pa habang hawak hawak ang kamay ko. Ewan ko kung paano ako magrereact dahil sa totoo lang nagiging traidor nanaman ang puso ko dahil sinsabi nitong maniwala ako kay Jan "pero hindi yun ang nasa puso ko kanina....." bago pa ko makapag react dumating si Tony at nagulat ako kaya binawi ko kay Jan ang kamay ko. . . dahil sa pangaasar ni Tony yung serious na usapan namin nauwi sa katarantaduhan hanggang sa wala na kong magawa kung di ang "umu-oo" ng tinanong ako ni Jan na kung okei na kami. . . ahhhhhhhhh ang tanga ko talaga..... . . .

. . . Hanggang sa makauwi ako iniisip ko parin kung ano nanaman ang ginawa ko kung bakit di ko nasabi kay Jan kung ano ang dapat kong sabihin bakit naniniwala nanaman ang puso ko sa mga sinabi nya ganung simula ng malaman ko kyna kuya Etong' at dennis ang tungkol kayna Odezza at Nelvie nagpasya na kong makipaghiwalay sa kanya pero bakit ngayon bakit di ko nagawa nasabihan lang ako ng "I LOVE YOU" nabura na lahat ng plano ko........ aaaaahhhhhhhhhh tanga ka talaga KATHRINA stupida .,. . . . .

. . . HALOS magdamag kong inisip kung ano na ang mangyayari samin ni Manuel at Jan pero hanggang sa makatulog ako kagabi at ngayong paggising ko hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o alam ko pero hindi ako malapagdisisyon dahil nahihirapan ako. Hanggang sa school tuloy daladala ko yung pananahimik ko dahil sa pag-iisip. . . Dado asked me kung ano daw problema ko at parang pasan ko daw ang buong mundo ( pakiramdam ko nga di lang buong mundo ang pasan ko) pero sinabi ko lang na " wala masama lang pakiramdam ko." Sira ulong Joey ba naman napaka green minded " ano daw kasing pinaggagawa namin ni Manuel sa gabi ", batukan ko nga pero seyempre biruan lang yun pero kahit papano napangiti ako ni Joey. Nakita ko sa sulok ng mata ko na nakatingin lang sakin si Manuel ah ewan ko ba kahapon pa ganun ang gagong yun ni hindi umiimik. . Nang umalis si Mam Grabriel nilapitan ako ni Rico narinig siguro yung sinabi ko kay Dado na masama ang pakiramdam ko kaya tinanong kung okei lang ako, dahil para daw akong binindisyunan ng isang libong angel at tumahimik ako, gago talaga to'ng si Rico napangiti tuloy ako ng di oras. Sabi ko "oo okei lang ako masakit lang ulo ko." Tumungo pa nga ako para maging kapanipaniwala pero sa totoo lang masakit talaga ulo ko dahil sa magdamag na pag-iisip umaga na ko nakatulog tapos maaga pa kong gumising. . . Rico asked kung nakainum na ko ng gamot tumango lang ako kahit na hindi. . .tumayo lang si Rico sa tabi ko ng dumating si Mam Diumano na Math teacher namin. At dahil kakatest lang nagbigayan muna ng test paper bago maglesson si Mam pero sa lahat ng diniscuss ng araw na yun wala akong naintindihan buti nalang walang board work kung di ewan ko nalang baka for the first time wala akong maiisasagot. Di ko alam kung talagang seryusong nag-alala sina Dado, Joey at ricky na may sakit ako kaya hindi ako dinaldal sa buong oras ng klase maging sa recess hinayaan lang nila kong nakatungo sa table ko, o nakita lang nila na wala akong silbing kausap ng mga oras nayun pati si Rico binilhan lang ako ng tinapay pero di ko naman naubos dahil pati yata bibig ko ayaw ng gumana. . . pero kung meron man akong inaasahan ng time na yun nalalapit sakin si Manuel yun pero ewan ko sa gagong yun kung bakit hanggang sa uwian ng lunch time at after class di manlang ako tinanong kung ano ang nangyayari sakin tuloy parang gusto kong magtampo. . pero naisip ko ano naman ang karapatan kong magtampo ni hindi ko nga sya maipaglaban sa PUSO ko tapos aasa kong magaalala sya sakin,,,, ahhhhhh ewan . . .

. . . . Buong GDR busy ng umuwi ako dahil may Jubilee, at katulad sa school para akong lantang gulay kahit sina Owel at Lole napansin na para daw wala akong walang buhay ngumiti at parang ang lungkot ng mata ko. Sinabi ko nalang na may sakit ako, "masakit ang puso ko at nadudurog na yung utak ko kakaisip" pero di ko naman yun sinabi basta umalis nalang agad ako sa tambayan baka dumating pa si Jan at magtanong ng kung ano-ano eh mas lalo nanaman akong malito. ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng pagrerebelde kay Manuel ni hindi manlang nya kasi ako nilapitan kanina hindi ko alam kung nararamdaman nya ang nararamdaman ko o sadyang katulad ni Jan wala rin syang pakialam sakin,. . . .

. . . . Hindi ko alam kung nanadya ang pagkakataon o sadyang tinakda lang na talagang di ako mapag-isa sa araw na gustong gusto kong maisa para makapag-isip . . bigla naman kasing sunod-sunod na dumating ang Party Movers, ang Cyber's at sina JON, ROLY and ICAD. Ang alam ko talagang balak pumunta nina Ricky, Joey at dado sa bahay para sa costume nila. Pero di ko alam na ngayong gabi yun. Kaya kahit na natuloy na sa pagsama ng pakiramdam ko yung dinaramdam ko sa puso ko eh napilitan akong harapin sina Joey, Ricky, Abe at Dado kasama si Charmy at yung Manger nila. Si Charm ang bagong member ng groupo nila nagiisang babae at pamangkin ng manager nila. School mate rin namin si Charm kaya familiar na sya sakin. . . kunting kwentuhan tapos nagyaya narin sina Dado dahil baka daw mabinat pa ko. Sira ulong Dado nga ginulo pa yung buhok ko bago umalis "pahinga daw ako ng maigi.. baka daw mamiss nya ko" . . . " baliw!! " sabi ko. . . alam kong nagbibiro lang yung gagong yun saka wala akong balak di pumasok bukas noh!!

. . . . After ng mga kulokoys kong bestfriend hindi pa yata ako nagiinit sa higaan ko dumating si Cheenee may naghahanap daw sakin pero nandoon daw sa may pinto namin ibig sabihin doon sa mahiwagang pinto. Nangbuksan ko si Vince at Jen naman kasama sina andoy at Janeth . . ..syempre kahit di maganda yung pakiramdam ko pinatuloy ko na, unang tanong sakin ni Vince kung may sakit ba daw ako, wala saisip kong napangiti ako dahil tila yata lahat ng makakita sakin iyon ang tanong, ganon ba ka-obvious sa mukha ko na may nararamdaman ako . .ahhh grabe . . . When i asked them kung bakit bigla-bigla silang nagpunta sa bahay sabi ni Andoy kanina pa daw sila kanya Shelvie, naisipan lang nilang dumaan dahil itatanong nila kung okei na kami ni Mercy. Saka ko lang naalala na may hindi nga pala kami pagkakaunawaan ni Mercy, nawala na kasi sa isip ko dahil kayna Manuel at Jan. I told them na siguro naman when Mercy and I talked magkakaliwanagan din kami. . . after a little chit and chat parang napansin ni Andoy na masama talaga ang pakiramdam ko kaya nagyaya narin sila. I said sorry to them dahil talagang masama ang pakiramdam ko pero sabi naman nila okei lang mukhang kailangan ko talaga ng pahinga . . .hindi ko lang masabing di lang pahinga ang kailangan ko sa oras na yun kundi ang makapagisip ng mabuti at makapagsisisyon ng tama o dapat ahhhh hindi ko na kasi maintindihan yung sarili ko. . . . Buong akala ko mananahimik na ko after Cyber's going pero bago palang ako nagsasara ng pinto si Jon, Rolly at Icad naman ang nakita kong dumarating ahhh nagtaka ko kung bakit 9pm na nasa labuyan pa si JON, himala . . Jon asking me if I'm okei? again!!? i told her "oo naman pero masama lang pakiramdam ko", di kasi kami nagkita kanina sa school ewan ko kung bakit . . Rolly said akala daw nila nandoon sina Dado ang sabi ko oo kanina pero nakaalis na. . . i asking them kung bakit sila napasugod. . . wala lang daw trip lang maglaboy wala daw kasi ang mga nanay ni Jon ( nakalimutan ko na kung nasan yung sinabi ni JON) kaya pala gabi na nasa labas pa si gaga. Icad told me na pinakakamusta ako ni Manuel pero sumimangot lang ako at di kumibo wala akong sa mood para makipagdibate dahil panigurado pagpipilitan lang ng mga kaibigan ni Manuel na may pakialam sakin si Manuel katulad nalang ng laging sinasabi ng AHO para kay Jan ahhhh kaya mas lalo akong nahihirapan dahil natatakot akong isang "JAN" na naman si "MANUEL" . . .. Past 10pm na yata nagyaya si Jon dahil baka dumating na daw ang mga nanay naya sabi ko kay Jon sa kwatro-kantos na sila dumaan dahil di ko sila maiihahatid dahil masama talaga pakiramdam ko. . . Jon give me a hug bago sila umalis pagaling daw ako malapit na daw kasi TOUR at pinalala sakin na magma-mall kami sa friday para mamili ng babaunin. . . . . . at dahil yata sa yakap ni Jon kahit papano naalis at gumaan ang pakiramdam ko pero ng nakaalis na sila parang bumalik nanaman yung partikular na sakit mas lalo pa nga yatang nadagdagan dahil sa sinabi ni Icad. . . hay ano ba to' . . . . .

to be continue . . .

No comments: