Sunday, March 9, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 100

♠♥ ♣ . . . SATURDAY . . ITS GRANT BIRTHDAY pero doon sa bagong house nila ang celebration . . sa Meralco .. hindi makakapunta si Jon even Gerl dahil bukod sa umuulan eh sabado pa hindi sila papayagan but thanks Jon kahapon pa nya ako pinagpaalam sa mga lola ko kaya kahit na wala sila sumama ko. I dont know kung napalitan lang ba ako or what pero aaminin kong may kulang hindi ko lam kung bakit nakakaramdan ako ng ganito dati hindi importante sakin kung magiging masaya ba ko o hindi sa pupuntahan ko basta kasama si Jan but this time ahhhhhhh how could i wish MONDAY na para makita ko na si Manuel . .
. . . . . Kayna Icay na kami nagkita ni Jan, after noon sabay-sabay kaming nagpunta nina Roda, Dennis, Icay, Inton at yung dalwang Guys na di kilala. Hapon naman ng sumunod sina POPs, LOVE (sis ni POP) at Lyca. Biniro ko nga si Icay sabi ko mukhang may balak kayong katayin ako ah . . biruin mo buong pwersa ng halina Girls nandoon kung nagkataon na magkakaaway pa kami naku panigurado talo ko one is to 6 pero pinagkatuwaan nalang namin kung ano man yung nangyari dati that was past at dapat magpasalamat pa kami sa mga nangyari dahil doon naging magkaibigan kaming lahat . .
. . . . . Naging masaya naman ang lahat kahit na paano naconvert ko yung atention ko kay Jan, and napagisip-isip ko na baka nagkakaganun lang ako kay Manuel dahil sya yung nasa tabi ko when I need someone, yung time na nangungulila ako kay Jan. Kasi bakit kahit sinasabi ng puso ko na i love Manuel gusto parin nya si Jan ahhhhh what is between love and like nga ba... ang gulo kasi hindi ko alam kung ano ang gusto ko sa mahal ko. .. 6:30 na kami nakauwi nakasalubong pa namin si Kuya Olan at Ate Minerva. . they both asked kung kami na raw pero si Jan lang ang sumagot dahil na una na kong maglakad pauwi. . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

. . . . It was SUNDAY morning . . ah kung ano ang bad shot ko kagabi dahil sa tagal kong tumambay kayna Abeth muntikan pa kaming mahuli ni Jan buti nandoon si Dennis ng iwan ako ni Jan. Tapos ngayon BAD morning ang Sunday . . naglinis kasi ako ng room naiwan ko yung mag picture ng cyber's at namin ni Mark last graduation nya at nung party nina Kambal kasama yung mga letter and notes ni Mark for me sa ibabaw ng kama, tinawag kasi ako ni lola para bumili ng bigas sa bigasan naiwan kong bukas yung room ko pagbalik ko wala na yung mga litrato at anak ng teteng nasa lolo ko at mga dragon napagmumura ako dahil kasama yung picture namin ni Mark na naghahalikan. no that not what you think i was just a smack kiss na kinunan ni Mark sa room nya sya lang ang may hawak ng camera kay close up pa yun at nakakainis pati yung mga magkakasama kami ng Cyber's, pati sulat lahat yun sinunog nila iyak ako ng iyak dahil kahit saan ako mapunta naririnig ko yung sermon at pagmumura sakin ng mga dragon ahhhh hindi ko alam kung ano ang iniiyak ko kung yung sermon sakin o yung mga litrato namin nina Mark pahamak na picture yan oo kainis. At alam mo ba habang nagkukulong ako sa kwarto narinig ko na sinabi ng tita ko na hindi naman pala daw si Jan yung bf ko ahhhh kung ano man yung nakabuti siguro yun lang yung maalis ang hinala samin ni Jan pero kahit na memory namin ni Mark yung nasunog pero hindi naman ako makapiyok dahil tama naman sila i was only 15 para makipag kiss at alam mo ba they conclude na may nangyayari samin ni Mark wew grabe advance talaga ang utak ng mga tao samin... That picture was only show the kisses pero para sa kanila naglove making na kami ni Mark ahhhhh ewan ko buti nalang yung pic sa wallet ko ni Mark hindi nila nakita kasi nasa likod ng picture ko ahhhhh kainis that was the first time na may picture ako with my BF tapos nasunog pa ahhhhh kaya bukod sa grounded na ko badtrip pa . . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

. . . Badtrip na sa bahay badtrip pa sa school kainis ahhhh kapag nga naman panahon ng kabadtripan oo.... hindi ako hinatid ni Jan dahil naglalaylaw kami. . kung ano man yung nangyari sakin kahapon hindi ko masabi kay Jan dahil its about Mark kaya nga dala ko yung badtrip ko hanggang sa school dahil wala akong malabasan ng sama ng loob dahil kung sasabihin ko yun sa GEKAJOM natatakot naman akong magkwento kung ano ba talaga ang nagyari samin ni Mark kaya nagwalang kibo nalang ako sa room . . kahit si Manuel kibuin ko o hindi ahhh bakit ba ganito lagi nalang tuwing magiging masya ako may kapalit na lungkot..... hindi ba pweding maging masaya habang buhay .............. ahhhhhhhh kainis........
. . . . . Mukhang nahalata ni Rico na badtrip ako kaya noong recess hinila niya ko sa labas ng ng room pero malayo sa mga classmate namin. . Doon kami sa my flower path nagusap.. . he asked me kung bakit kanina pa nakakunot ang ulo ko pati sa discussion ng science di ako sumagot kahit may pinpasolve si Mam Gabriel sakin, alam ko yung sagot pero di gumagana ang isip ko, nasigawan ko pa nga si Joey kanina dahil nangugulit kong LQ daw kami ni Manuel ahhhh LQ? kanina wala pero ngayon magkakaroon dahil nakita kong nakasimangot si Manuel habang kausap si Argel papuntang canteen... Rico tap my head para mapunta sa kanya yung attention ko kapag daw di ako nagsalita aawayin daw nya si Manuel... ahh Rico lalo mo lang dinadagdagan yung sakit ng ulo ko eh... sa ayaw at sa gusto ko nasabi ko kay Rico kung ano yung dahilan at nabadtrip ako and you know what pati si Rico nasermunan ako hindi naman daw kasi dapat napapakuha ng picture sa ganong private scence," eh remembrance nga lang anniv namin nun eh" kahit naraw . . . pero after kong mangatwiran at sermunan ni Rico naging okei na yung pakiramdam ko napatawa na nga ako ni gago dahil bigla ba naman akong inakbayan at bumulong pa saking na "tingnan mo si MANUEL balak yata taung patayin:" sira ulo talaga tong' si Rico bigla tuloy akong napatingin sa direction ni Manuel at ng makita kong totoo nga yung sinasabi nya kung nakakamatay kasi yung mata ni Manuel kanina pa kaming bumulagta ni Rico, inalis ko yung mata ko kay Manuel dahil di ko kayang salubungin then siniko ko si Rico sa sikmura at tumayo na kung saan kami nakaupo para lang di halatang gusto kong alisin yung pagkakaakbay nya sakin. I just say na magrecess na kami para mawala yung attention ni Rico sa pangaasar kay Manuel . . . dahil tawa ng tawa si Rico na nakakaluko at alam ko para kay Manuel yun . . . naku buhay nga naman ng tao. After Rico and I talk katakapagtakang nawala na parang bula yung badtrip ko siguro dahil naihinga ko na yun. Nagsorry na nga ako kay JOEY dahil nasigawan ko sya kanina. . Buti nalang mabait yung friend kong yun . . he he he he
. . . LUNCH BREAK . ,. . mukhang walang balak si Rico na umuwi dahil nagstay sa room, niyaya nya kong sa labas nalang daw maglunch, wala na sina Mhaei, Gerl at Jon kaya kasama naming naglunch sina Ramil, Billy at Regie. Nakasalubong namin si Nerry pagbalik namin sa room kaya nauna nakong maglakad pero kataka takang kasunod ko parin si Rico sa loob ng classroom. Gusto kong magtanong pero nahulaan yata ni Rico kaya lumabas kasama si Billy malamang nasa likod ng classroom yung mga yun nagdidiget . . ugali na ng tatlong magkakaibigan yun libangan na nila . . . habang hinihintay kong magbalik si Rico nagbasa ko ng NOLI kasi yun ang susunod naming subject. . Actually pinasadahan ko lang ulit ng basa dahil nabasa ko nayun kagabi. I heard Manuel vioces kasama ng mga boses nina Dado at Rolly pero si Dado lang pumasok sa sa classroom at di ko alam kung nasan si Manuel. Nginitian lang ako ni Dado at lumabas narin. . . Sa pagsisimula na ng lesson ni Mam Francisco ko nakita si Manuel na pumasok ng classroom ganun rin si Rico . . at ang dalawang herodes parang di ako nakikita hindi man lang tumingin sa derection ko kaya sinabi ko sasarili ko humanda sila sakin pareho mamaya . .
. . . pero sunod sunod na dumating ang mga teachers namin nag-over time pa sa P.E dahil next week na ang 2nd Periodical test. . hinahanda ko lang yung gamit ko para paguwi pero paglabas ko wala na si Manuel, i know iniiwasan ako ng gago, si Rico sinadya kong sabihan kaninang hintayin ako dahil hindi ako mapapakali ng di nya sinasabi sakin whats wrong with him and Nerry. . .
. . . . Habang naglalakad kami Rico told me na okei lang sila ni Nerry, medyo may tampuhan lang dahil hindi daw sya nakarating sa tagpuan nila nung isang araw. Kahit di ako naniniwalang ok sila ng GF nia wala akong magawa Rico was so sensitive pagdating sa sariling problema he want to say kung ano lang ang gusto niyang sabihin at wala akong magagawa kung may itatago man sya sakin kahit na unfair dahil were been bestfriend for a year. . . pero that was Rico kaya wala akong magagawa kung di tanggapin yun . . . . .
. . . . . we wait the next trycicle para makasakay na ko maglalakad daw kasi sina Rico dahil dadaanan pa yung GF ni Billy then while we wait we saw Dado, Joey,Abe and Manuel pero hindi nagsosolo yung apat dahil my mga kasama silang babae at sa pagkakatanda ko isa yun sa mga female dancer ng school pero ibang grupo sa grupo nina Carol. Dado, Joey and Abe say Hi to me pero si Manuel busy sa pangungulit sa isang sa mga babae pero hindi ko yun pinansin dahil pinakilala ako ni Dado at Joey sa mga kasama nila pati na rin sina Rico ipinakita ko na di ako apektado sa nakikita ko, until they walk punta yata sila kayna Joey. . sinadya kong maging masigla yung tono ng boses ko kahit na there some pain i feel in my heart at sa galing kong magtago hindi yun nakita ni Rico or maybe di nya lang sinabi sakin or late to talk na dahil naroon na yung trycicle. . . habang nasa biyahe ako hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.. Sa totoo lang nasaktan ako, nagselos pero hindi sapat yung nararamdaman ko para umiyak ako o nakaya ko lang i-control yung sarili ko mula sa selos at sakit ginawa kong galit. . . aahhhh kung ito ang paraan ng tadhana para bigyan ako ng way na magdisisyon okei lang. . . siguro nga dapat akong masaktan dahil nananakit ako ng damdamin ng iba. . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
. . .. . Tila yata buong Linggo mababadtrip sinimulan ng lunes at ngayon FRIDAY na badtrip parin. . . Buti nalang may Exam next Wednesday to Friday kaya busy ng konti. Mula last monday na nagkatampuhan kami ni Manuel iniwasan ko muna sya, ayuko ng naramdaman kong sakit ng makita ko syang nakikipagkulitan sa kasama ni Dado lalo na ng malaman kong nililigawan ni Dado yung Ria na isa sa mga babaeng yun, Nagpatulong kasi si dado na sagutin yung sulat ni Ria na puro English kung alam lang ni Dado na kuha lang sa linya ng movie yun ay naku kung di lang ako mapapasamang sabihin kay Dado na kopya lang yung isinulat sa kanya baka sinabi ko na may paenglish-english pa eh sasabihin lang naman na hindi pa sya handa sa bagong relationship . . AH mga babae nga naman ( bakit parang di ka babae hahhhhh) sana nga di na ko babae kainis eh lagi nalang ako ang nasasaktan, , , Sa Bahay kahit yata ilang araw na yung tungkol kay Mark umaalingawngaw parin " ah kaya pinangako ko na sasarili ko na di ako magpapakuha ng picture sa mga lovers ko na kaming dalawa lang mas mabuti na yung grupo para walang aberya" saka alam mo ba may nabasa akong isang story na kapag daw yung mag bf at gf nagpakuha ng sila lang dalawa at hindi naman yun kasal di daw nagkakatuluyan. Tuloy inisip ko totoo yun kasi yung PICURE na sinunog ng mga dragon pic namin ni Mark noong last monthsarry namin after that monthsarry dumating na sabuhay ko sina DENNIS at JAN .. ( ah pati ba daw litrato sisihin). tapos si Jan naman mukhang may sumpong din at nagkasabay payung "somtimes" (toyo) namin nung isang araw kasi kinakausap nia ako eh biglang dumating si Dennis kaya ayun bigla nanaman tumahimik hanggang sa di na ko kausapin at ilang araw na rin akong iniwasan ahhhh balahala.. Hahayaan ko muna na ganito siguro mas okei na munang magkanya kanya kami nina Jan at Manuel para naman makapg-isip ako ng maayos . . .
to be continue . . . .

No comments: