♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . Masyado yatang nagiging salawahan ang puso ko. Ngayong wala si Dennis bakit parang hinahanap ko sya samantalang yung sya yung nasa tabi ko si Jan ang hinahanap ko. ahhh ewan siguro nagui- guilty lang ako dahil ako yung sinasabi nilang dahilan kung bakit umalis si Dennis.
. . . . . Pero kailangan ko nga yatang malaman kung sino talaga ang mahal ko. Buong akala ko puro happiness lang ang mararanasan ko, alam ko namang hindi kaya lang hindi ko akalaing sa maikling panahon ng relasyon namin ni Jan ay dadaan agad kami sa pinakamalaking hamon samin ng tadhana. . . . Nag-away kasi kami ng kapatid ko ayun nagbungangaan kaming dalawa tuloy nadulas yung kapatid ko tungkol samin ni Jan kaya patay at bugbog ako sa sermon maghapon. Kaagad ko ngang pinasabihan kaya Rocel si Jan na wag na wag munang pupunta sa video shop dahil panigurado inaabanagn lang sya ng mga dragon para bugahan ng apoy.
♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . Halos isang araw na kaming di nagkikita at nagkakausap ni Jan dahil nga hindi ako pweding lumabas o sumilip manlang sa video shop dahil sa nabisto kami ng mga dragon.... ah kakainis akala ko pa naman maitatago namin ang realsyon namin katulad ng nagawa kong pagtago sa relsyon namin ni Mark, alam kong matagal ng may hinala ang mga daragon sa tunay na relasyon namin ni Jan humahanap lang sila ng ebidensya kaya alam kong inaasahan na nila ang sinabi ng kapatid ko. Kaya nga dali-dali kaming pinatapon sa Teresa dun muna daw kami hanggang magpasukan ulit. Kaya nga ang lungkot ko ng umalis kami dahil hindi ko manlang nakausap si Jan bago ako umalis. Pero nakita ko sya sa tambayan ng dumaan kami paalis. Hindi ko naman magawang tumingin dahil kasama namin yung isang Dragon na maghahatid samin. Kaya laking pasalamat at kasiyahan ko ng dumating kami sa Teresa na walang tao may pinuntahan daw ang mga tita ko at baka daw sa bagong taon pa ang uwi ( yeheeeeyyyyy) Kaya pagdating na pagdating ko nakipagkwentuhan na sakin sina Punggay kaso sa loob ng kwarto dahil hindi pa nga ako pinapalabas. Sabi nila simula daw kaninang umalis ako hindi pa daw lumalabas si Jan mukhang dinidibdib daw ang pag-alis ko. Kaya naman halos umapaw ang kaligayan ang puso ko.. Kaya laking gulat ko ng biglang sumulpot si Jan sa video shop buti nalang naghahapunan ang mga dragon ng oras nayun. Naninigurado lang daw kung totoong nakauwi na ko. Ay buhay ang sarap naman ng feeling. pakiramdam ko ako si Juliet at si Jan si Romeo he he he ang korny noh pero yun ang totoo eh. Kapag daw nagmahal ka nagiging korny ka..
♥♥♥♥♥ . . . . . halos ilang araw na kaming di nakakapag-usap at nagkikita ni Jan mula nang umuwi ako galing Tereza at makita ko sya sa video shop kaya lagi nalang akong nag-aalala kapag sinasabi nina punggay at rocel na may mga babaeng pumunta at tumatambay sa tambayan ng AHO. Pero lahat ng alalahanin ko nawala kasi tumawag si Jan sa bahay buti nalang ako ang nakasagot hindi ko nga alam kung pano ako sasagot sa kanya dahil alam kong lahat ng tenga ng dragon nakatutuk sakin. Kaya hindi ko rin alam kung pano ko sasagutin yung mga sweet sentence na sinasabi nia sakin lalo na yung ilang beses na syang nag-i - i love you, kahit gusto kong sabihing i love you too hindi ko magawa kaya " oo " at "ako din" lang ang nasasagot ko. Pinapupunta nya ako kayna Bornok pero sabi ko hindi ko alam iyon, basta daw sa miranda sa unang kanto na may tarapal nandoon daw sila kaya madali ko daw silang makikita.
. . . . . Alas -dos natutulog mga lola at lolo ko at yung mga dragon nananahe kaya nakatakas ako kasama si Punggay at Rocel, at alam mo bang malapit yung bahay nina Bornok sa bahay nina Jun ( remember my ultumate crush noong grade six ) kaya hindi ko maiwasang tingnan yung bahay nina Jun baka nandun na sya pero nabigo ako kasi pati nga yata sina Roxane hindi na dun nakatira. nadatnan namin roon sina kuya Exor kasama yung Gf nya ( si Ati ), si Ryan, Yokyok, Indoy at si Bornok with his Gf ( jenny ) at syempre si Jan Jan. Sa may hagdanan kami nagusap ni Jan napagusapan namin yung tungkol sa problema namin alam mo ba ang sabi " hinding hindi daw sya mang chi-chicks katulad ng kinakatakutan ko dahil natatakot daw syang sagutin ko si Dennis." ala at ang hinayupak sa lagay pala kung walang Dennis mang chi-chicks sya. pero hindi ko na yun inintindi ang mahalaga sakin I'm happy and secure ako sa pagmamahal ni Jan dahil unti- unti na nyang napapatunayan sakin na hindi ko pagsisihan ang disiyon kong sya ang mahalin. . . . . .
to be continue . . . . . . .
No comments:
Post a Comment