Monday, February 25, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 38

♣ ♥ ♠ THE DAY I FOLLOW MY HEART ♠ ♥ ♣

♥♥♥♥♥ . . . . . DEC 16, 1998 - - The most happiest day in my life. First this is Especial day for my mom dahil birthday nia and second dahil this is the day we officially on ni Jan, hindi lang basta mutual understanding kundi talagang kami na. Unang simbang gabi kasama kong magsimba sina Rocel, Punggay, Butsoy, Argel, Ryan and of course Jan. We go to church with holding hands na para bang wala kaming pakiaalam kung sino man ang makakita samin ( if I know kaya malakas ang loob kasi 3:30 am palang nun wala pang gising maliban sa mga magsisimbang gabi and glad to say wala sa mga olds ko ang balak magsimba that day he he he ). Ok na san ang lahat kaya lang bago mag-umpisa yung misa may nakita kong di maganda. It was Jec (Jan's ex- girl friend) and glad to say talagang sa harap pa namin sya nakapwesto with his boyfriend at nakatawa pa samin when she saw us and I admit nagselos ako kahit na kasama nia yung bf nia when I saw na tumungo si Jan ng makita si Jec, pakiramdam ko ayaw niang Makita ni Jec na makasama kami until that time hindi parin maalis ang kaba ng dibdib ko tuwing nanjansa paligid si Jesica i dont know pero every time na maalala ko na sya ang dahilan kung bakit nasaktan ako dati even ang tagal na nun hindi ko parin maalis ang matakot at masaktan. Pero nawala lahat ng hinanakit ko at selos ng mga oras na yun nang hindi binitawan ni Jan ang kamay ko habang naglalakad kami pauwi at makita kami ng magkapatid na Isco at Jason and I know mamaya lang kakalat na ang balitang kami na sa buong AHO knowing na ubod ng daldal yung dalwang magkapatid na yun... but I’m happy, kasi alam ko ngayon ready na si Jan na aminin na kami na nga but sad to say hindi parin namin nasasabi kay Dennis ang lahat.........

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . . Ahhhhhh ewan ko kung anong nangyayari sakin eto nanaman po ako, naguguluhan ako hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Dennis ang lahat i know may alam na sya sa mga nangyayari kaya napapansin kong lumalayo na sya sakin pero hindi ko alam kung bakit nasasktan ako dahil iniiwasan nia ko. Akala ko handa na kong aminin sa kanya na si Jan ang mahal ko pero bakit hindi ko parin masabi lalo na ng malaman ko kay Abet na ang sama daw ng loob ni Dennis sakin pero hindi dinitalye ni Abet kung bakit basta ang alam ko natatakot ako dahil baka magaway sina Dennis at Jan at parang napapnsin kong kampi si Abet kay Dennis at maslalo akong naguguluhan dahil nasasaktan ako dahil nasasaktan ko si Dennis. ahhhhhh ewan heart breaker na bata talaga ko hindi pa nga naghihilomyung sugat ni Mark may isa nanamn ba kong sasaktan ahhh ewan ko sayo " Kathrina Sodel bakit ka nagkakaganyan nagiging salawahan na yata ang puso mo.........."

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . I thought hindi ko makakasam si Jan magsimba this day kasi nagsimbang gabi sina lola buti nalang nauna kaming umalis kaya nga ingat na ingat kami kanina ng umuwi. I meet new guys ( sira bagong tropa ng AHO akala mo naman bagong prospect ) sina Gleen, Granth, Ian , Nelson and believe me si Johnson dating servise ng Daddy ko. sabi ni Jan mga tropa daw ni Dennis sa kwatro kantos yung mga yun, kaya nga hindi ako makapaniwala dahil ang popogie kaya ng mga yun lalo na si Ian kaya nga yung mga hinayupak kong pinsan eh umaandar ang mga kaliskis kanina eh panigurado from this day laging sisipaging magsimba ang mga yun' lalo na at hindi mga suplado silang lahat kundi puro pa palabiro at makwento kaya nga nakagaanan agad namin ng loob kahit bago palang silang magiging AHO.....

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . . Dennis want to talk to me sabi ni Abet kaya naman gumawa ako ng paraan para makatakas sa mga lola ko kahit na mukhang nakakahalata na sila na may gingawa nanaman akong kabulastugan. ah ang galing nakatakas nga ako sa lolo at lola ko kay Jan naman ako hindi nakatakas, papunta na ko sa dulo ng GDR dahil sabi ni Abet nandun na daw si Dennis, sa totoo lang kaya lang naman ako pumayag na makipagusap kay Dennis para sabihin yung tungkol samin ni Jan pero tila yata gusto akong ipahamak ng tadhana dahil ng makarating ako sa tapat nina Jan biglang lumitaw ang hirodes at bagong gising pa ng tinanong nia kung saan ako pupunta sabi ko sa tindahan lang ( iyong tindahan nina Rany sa katabing bahay nila ) buong akala ko hindi ako sinundan, kaya laking gulat ko na sinamahan pa ako hanggang sa makauwi ako at sa video shop pa tumambay. Buti nalang may pera ko kanina kung hindi mabubuko ako kung saan ako pupunta. Binigyan nia ko ng dalawang mangga ( ano un hindi pa tatlo para i love you he hehe) pero si lola kumain dahil maasim. Hinintay ko munang makapaglaro si Jan sa video machine bago ako umalis at makipagusap kay Dennis.
. . . . . . Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nagulan dahil sa mga sinabi ni Dennis, bigla tuloy akong natakot at nagduda kay Jan ewan ko ba kung bakit parang gusto kong paniwalaan ang sinabi ni Dennis na kaya lang ako niligawan ni Jan ay dahil naiingit sa kanya at nalaman daw kasi ni Jan na may gusto parin ako kay Jan kaya parang naglakas ng loob na nilgawan ako, nalaman ko rin na kampi si Abet kay Jan at nahalata ko ngang parang galit yung dalawa kay Jan. ( ah ito na nga ba sinasabi ko eh ) pero syempre dahil mahal ko si Jan hindi ko basta-basta paniniwalaan iyon. Iniisip ko kasi na nasaktan ko si Dennis kaya sya nagkakaganun. Pero sabi nia bukas daw sa simbahan may ibibigay syang sulat.........
. . . . . Nang umuwi ako paalis na si Jan sa video shop tinanong nia ko kung saan ako galing at bakit bigla nalang daw akong nawawala. Sabi ko dian lang, hindi ko nga sya matingnan sa mata kasi baka mahalata niang nagsisinungaling ako. Pano ko ba naman paniniwalaan ang sinasabi ni Dennis eh makita ko lang si Jan naguunahan ng tumakbo ang puso ko sa kilig... ahhhh sana nga tama ang ginagawa ko. please ayuko ng umiyak ulit at masaktan. . . . . . . . .
to be continue..........

No comments: