Friday, February 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 53




♥♥♥♥♥. . . .TWO WEEKS. . . . halos dalawang linggo bago naglakas ng loob si Jan na ayusin ang gusot sa pagitan namin. Hinayaan ko syang maramdaman kung paano ko magalit at iparamdam sa kanya na kaya ko ring maging bato para sa kanya. Nagulat ako dahil bigla nalang sumulpot si Jan kaninang daling araw hinatid ako, pero bago ko sumakay nag-usap muna kami. " kung galit parin ba daw ako dahil kay JOY" (" bakit jan anon nalang ba kadali iyon, hindi mo ba alam kung paano mo ko ilang ulit na pinatay ng dahil dun" )kung pwedi ko lang isa tinig ang lahat ng nasa isip ko iyon ang sasabihin ko pero nungkang gawin ko pa ulit magpakababa para kay Jan. Tapos na pagiging martir ko, ipinangako ko na sasarili ko na oras na magkabalikan kami ni Jan ako naman ang magpapakiyak, ako naman ang magpapatikim sa kanya ng sakit. " Gawa gawa lang daw lahat ni dennis ang tungkol sa kanila ni Joy pati nga daw yung kay Pops at Abet pero ang totoo syota ni Grant daw yung Pops" " gawa-gawa na sinasakyan mo, na hindi mo magawang magalit dahil totoo, Wag akong maniwala para maging tanga ako, Jan, kung gawa-gawa lang iyon bakit di ka magalit kay Dennis, kung talagang mahal mo ko ipaglaban mo man lang sana ko, nakikita mong nasasaktan ako pero ano imbis na magalit ka at pagsabihan mo si Dennis kasama ka panya araw araw papuntang halina, ano tayo naglolokuhan! Alam kong kaibigan mo si dennis at kung ako nasa kalagayan mo oo pipiliin ko ang kaibigan kesa sa sariling kong syota pero kung ang klase lang ni dennis ang kaibigang ipapalit ko sa mahal ko hindi na mas mabuti pang mawala na sila pareho kung sya rin lang. . . ." pero sadyang tanga nga ako dahil matapos ng lahat ng suinabi ko, sinabi ko kay Jan na kalimutan na yon siguro dahil nakalipas na yung sama ng loob ko kaya ko iyon nasabi. Pero sa loob ko nagbitaw ako ng isang pangako " Balang araw Jan, Mararamdaman mo rin ang sakit na ginagawa mo sakin. ipaparamdam ko sanyo ni dennis na nagkamali kayo ng sinaktan."
♥♥♥♥♥. . . . nagkasabay kami pauwi ni Grant sa ANHS nga rin pala sya nagaaral third year, pero di ko alam kung kakilala nia si Cris na Cyber na kakilala rin ni BONG. Tinanong niya kung hinatid ba daw ako ni Jan kaninang daling araw, sinabi rin nya na hindi naman daw totoo yung tungkol kayna Jan at Joy binibiro lang saw nila si Joy dahil mukhang may gusto kay Jan, pati narin daw si Abet dahil crush daw yata ni Abet yung gf nia. Ngayon mas lalo ko lang naintindihan pare-pareho kayong mga GAGO ahhhh ewan ko ba kung bakit may mga babaeng nagpapakatanga sa mga lalakeng katulad ng mga to' pero hindi nalang ako kumibo. Kahit papano alam kong labas ako sa isue nina Grath at Gf nia. Sino ba naman kasing boyfriend ang ipagmamalaki pang crush ng tropa nia yung gf nia ahhhhhh mga baliw yata pare-pareho tong mga AHO'ng to'.
. . . . . .. Maliwanag na kung sa maliwanag ang lahat, pero wag lang magkakamaling tumapak ang mga babaeng iyon sa teretoryo ko dahil magkakalintikan kami. Lalo na at nagsumbong sakin ang mga pinsan ko na sinabi daw ni Joy na kapag nakita ako sa halina sasampalin daw ako. Pati daw yung syota ni dennis na si Icay, na ilulublob daw nia ko sa putik kapag nagkita kami.. wel lets see kung magagawa nio dahil ewan ko nalang kung makakaya nio pang gawin yan oras na maunahan ko kayo. Hindi nio pa ko kilala baka magkasubukan kami matamilmil sila... . . (" best mare kung ano man mababasa mo sa pages na to' dati pa to ha peace tayo honest lang ako sa nararamdaman ko that time muah love you Icay, mis you").
. . . . Pero mukha nga yatang sinusubok ng mga bruha ang paasensya ko, naglalaro kami ng volleyball sa labas ng bahay ng mga tito ko ng dumating ang "bangos na walang hasang" ( JOY ) na may isang kasama na ngayon ko lang nakita. Aba at sinugod ako at sinabing wala na man daw syang sinasabing sasampalin ako, " aba na bahag yata ang buntot" at sabi pa ano ba daw pakialam nia sa boyfriend ko eh hindi nga daw nia kilala yun sino ba daw iyon " ah ganun ba papapakilala ko sayo gusto mo" naku buti nalang pinigilan ako ni Grace kung di nasapak ko na yung babaeng yun. eeerrrrrr balak pa yatang laitin ang boyfriend ko..... ahhhhh kung di lang dumating sina Dennis at tinawag si Joy kasama si Annabel na katulong pala daw nina Icay baka hindi na talaga ako nakapagpigil. Aba akala mo naman may gera buong AHO yata nagsilapit samin. Hmp banas....... ano aawat ba kayo o makikinood lang ng sabong.... bago ko pa mapagbuntungan ng inis ko si Jan pumasok na ko ahhhhhhh ewan ko na talagahhhhh. . . .
Ah Dennis hindi pa tayo tapos, yung syota mo hindi ko pa nakakaharap. Isasampal ko sa kanya ang isinabi nyang ilulublob nya ko sa putik pagnakita kami. Tingnan lang natin sinong magmumukhang putik. . . . .
to be continue. . . . . . ..

No comments: