Friday, February 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 55

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . Nagkausap kami ni kuya Jhun at Abet, nadun kasi sila sa house binuksan ko kasi yung pintuan namin dahil may ginagawa kaming project ni Kuya Jhun, sabi nia kung gusto ko daw gumanti sa mga babae ng Halina tiyakin ko lang daw na nandun sya ara wala daw makikigulo at di daw ako masasaktan he he he he ( sweet talaga ng kuya ko kahit kailan).
. . . . . . tinawag ako ng mga pinsan ko habang gumagwa kami ng project ni kuya jhun, nanjan daw yung mga taga-halina. hinintay kong dumaman sina Indoy at dennis kasama sina Lyca, Icay at Roda. Para sakin ito na yung pagkakataon ko para gumanti kay dennis i know hindi sya makakapiyok kapag nanjan si Kuya Jhun, hindi ako ganun ka-bad person pero dahil sa ginagawa nia sa relasyon namin ni Jan i think he better get some lesson to learn. Pero mukhang maparehong mainit ang ulo namin ni Dennis kaya nagkasalubong ang galit namin sa isat-isa. sabi pa nga ni Dennis kung " kung sino ba daw yung pinagmamalaki ko yung Boyfriend ko tawagin ko pa daw yun at sila magharap" pero hindi ko yun inintindi alam ko na hindi ako kayang ipagtanggol ni Jan dahil si dennis ang kaibigan nia na hindi pweding palitan. Pero mga pinsan ko tinawag nga si Janjan parang mga timang. Halatang galit na galit na sakin si Dennis lalo na at sinabi ko na bagay sila ng gf niyang palengkera. at himala ang Icay di pumapalag inaawat lang si dennis at akmang susugurin ako ni Dennis pero lumabas si Kuya Jhun, ( naku buti nalang lumabas si Kuya kundi baka nakapatay ako ng IPIS he he he he). Kahit hindi pa nagsasalita si Kuya Jhun tumahimik na si Dennis at umalis ( takot ka pala eh) pero eto naman si Jan at Tony sinundan pa sina Dennis at Granth sa igiban, at ako namang si gaga umawat pa muntikan pa tuloy akong masuntok pero ng nagpunta na sila sa Victoria hindi ko na sila sinundan ( bahala kayong magpatayan).
Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot, masaya dahil nakita ko kung paano ako ipinagtanggol ni Jan pero malungkot dahil kailangan pang may masirang pagkakaibigan ng dahil lang sakin ahhhhhh ewan baliw nga ako diba, nagagalit kapag hindi pinagtatangol ngayon namang pinagtatagol nalulungkot ahhhhhhh ewan sayo baliw. . . . . .


♥♥♥♥♥. . . . . . Mark call me nagulat nga ako at ang mukong naisipan akong tawagan. After yung insidente kayna Mercy hindi pa ulit kami nakakapgusap, dahil wala naman talagang dapat pagusapan. wala lang daw nami-miss lang daw nia ko. "Hmmmmp Mark Salviron hellooooo!!" sira talaga to'ng lalakeng to' nanahimik na ko at tahimik na nanggugulo nanaman. Sabi nia joke lang di na daw ako mabiro " biro ka jan" well walalng talaga lang nangaasar lang ang hinyupak kakatapos lang daw kasi ng graduation nila sa CAT kaya wala daw syang magawa kungdi mangulit sabi ko " bakit ako kinukulit mo di si haidie"

" hoy jealous"

" jealous ka jan jealousin mo mukha mo" nagseselos nga ba ko (+_=) di naman ah!

" parang di kita kilala boses mo palang nagseselos kana"

"ogag ka selos ka jan tigilan mo ako, Mark babu!" pero hindi ko pa inabababa yung phone narinig ko na kung paano humalakhak ang gago. Baliw rin talaga yung isa yun. Alam ko kung bakit tumatawa yun dahil alam niang pikon na ko at talo nia ko. Hmp MCS wag ka nang makisama sa gulo, ang gulo-gulo na nga eh!!!

No comments: