Friday, February 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 49

♥+♥ . . . . . Nagpunta sa bahay sina Gerl, Jon, and Mhaei pero sinabayan naman ng alis nina Owel, Tony at Jan ewan ko kung saan sila pupunta. Kaya gumawa nalang kami ng project sa Filipino. Wala nang dalawang bwan vacation nanaman ahhh hindi ako excited magvacation dahil alam kong magiging boring nanaman. Hindi na yata namin makakasama sina Jan at Ricky sa sinakulo dahil magtatayo na ang AHO ng kanilang samahan kaya tatlong Grupo na kami sa lugar namin. SSK ( Samahang Sumasampalaya ni Kristo) na unang tinayo nina kuya Regie, yung samin na SKSK ( Samahang Kabataang Sumasampalataya kay Kristo) at iyong sa AHO na SKNSK (Samahang Kabataang Nananalig at Sumasampalataya kay Kristo). Pero ayus narin iyon kasi kung kasama si Jan samin malamang hindi ako payagang sumama. Pero hindi naman iyon ang inaalala ko dahil hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Jan ah ewan ko ba. . . . . Pero nawala lahat ng galit ko kasi bago umuwi sina Jon, Gerl and Mhaei, nagpunta sa house sina Tony at may ibinigay kay Gerl na gift para sa Valentines Day ( wow sweet naman inggit ako) pero hindi ako dapat mainggit kasi after nun nagpunta nman si Abet samin din may inigay sya sakin singsing at babasaging flower from Blue Magic pinabibigay daw ni Jan. Kaya kahit na halos isang linggo akong naging malunggot nawala iyon na parang bula. Ewan ko ba kapag si Jan ang kasangkot ang dali ko talagang magpatawad (hay sana lang di abusuhin)

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . Nagulat ako dahil umagang umaga may tuwag sa bahay akala ko mommy ko buti nalang mahina yung tunog ng phone at paalis na ko kaya ako nakasagot ayun pala si Mark, wala lang daw nagbabakasakali lang syang ako yung sasagot. ( ala 5:oo am nagbabakasakali ka na ako sasagot??? hmp) babatiin lang daw nia ko ng Happy Valentines Day saka tinatanong nia kung pwedi daw akong makatakas sa Saturday dahil may prom day sila so pwedi daw kasing magdala ng out sider kaya kung okei lang daw kung sasama ako. ( malamang payagan ako at kung makatakas man ako hello parang may isusuot ako) Pero sinabi ko kay Mark na mala-late na ko kaya I need to go na. (buti na lang hindi nangulit dahil gising na lolo ko). Pagdaan ko sa may GDR nagulat ako dahil nandon si Jan sabi nia magusap daw kami mamaya paguwi ko. I dont know kung bakit imbis na ma-excite ako eh para bang bigla akong natakot. Ni hindi nga ako binati ng Happy Valentines day bukod kahapon. Pero inalis kong lahat iyon sa isip ko kasi baka naguguilty lang ako dahil kanina kausap ko si Mark samantalang kagabi lang nagusap kami at nagpromise ako na hindi na ko babanggitin at babangit ng kahit na ano tungkol kay Mark ( eh sabi nia wag ko daw babanggitin yung pangalan ni Mark edi hindi ko rin ikukuwento kung ano mang may kinalaman kay Mark) Kahit na i want to be honest sa kanya hindi nalang kasi i know pagmumulan nanaman ng away namin. Ang haba pa namang magtampo na talo pa ko. . . .

. . . . . Ang sweet naman ng bestfriend Rico ko, sya ang unang-unang bumati sakin ng Happy Valentines Day kasi na una syang dumating he he he he he. Dahil Valentines at may program sa school kaya maaga ang uwian and you know that hindi ko na kailangang magtaka dahil paglabas ko nasa kanto na si Mark at Vince. Buti nalang may kanya kanyang lakad sina Mhaei at Girly dahil may pupuntahan yata yung mga family nila, Si Jon,syempre may date sila ni Garry ( yung bf niang over to the max na demading wew) at si Rico hindi kami nagsabay umuwi dahil may date din sila ni Nerry (narissa villiegas). Sa ayaw at sa gusto ko i think wala akong magagawa kung di sumama kayna Vince, punta daw kami kayna Mercy dahil 11 am lang yun malamang alam ko na kung di parehong may program yung school namin eh nagcutting tong dalawang to' pero di na ko nagtanong. When we get at mercy's house nandun sina Jaypee, Bugy at si Andoy nag tatable tennis. So kesa isipin ko kung ano ang porpuse at nandon ako eh nakigulo nalang ako sa mga nagtetenis. Ayuko kasing mapag-isa kami ni Mark mahirap ng pagawayan nanaman namin yung tungkol samin. And i was thankful dahil naintindihan naman nya yung messages ko kaya suguro hindi na sya nagpumilit na hindi ako talaga pweding sumama sa Prom night nila sa Saturday saka annive kaya namin ni Jan yun. Bago ako umalis nagpatulong si Jaypee na gumawa ng love letter for Cath, nagulat pa nga ako at sa dami ba naman ng babaeng umaaligid sa Cyber eh bakit yung ka-co dancer nilang may pagka-boyish pa ang naisipang pagtripan ni Jaypee, hindi daw nia alam basta daw one morning he realized in love na daw sya, ( korny) mag bestfriend kasi yung dalawa since yata high school kaya a ewan basta tinuruan ko nalang syang gumawa ng letter. Okei naman si Cath, maganda, maputi, may korte ang katawan kaya lang mukhang lalake pang kumilos kayna Mark yun pero ang galing gumawa yun ng step kahit ano kaya nia. Kaya nga naging Kathy ang pangalan ko sa Cyber dahil mas nauna syang tawaging Cath from Catherine na pangalan nia kaya yung Kath ko naging Kathy. After lunch nagyaya na ko kay Mark na umuwi kaya lang bago ako makauwi may hirit pang Flower at teddy bear. no choice kundi tanggapin. pero sabi ko yung Flower maiiuwi ko ngayon pero yung teddy bear babalikan ko nalang magdadala ako ng malaking bag para hindi obvious samin he he he he. ( masama daw tumatanggi sa grasya).

. . . . . pagdating ko sa bahay walang tao sa GDR ewan kung anong angel ang dumaan at walang kataotao sa tambayan kaya natulog nalang ako. Gabi na ko nagising kaya pagkakain ko gumawa ako ng paraan para makalabas kunwari nanghihiram ako ng Libro kay JHUN-JHUN na pinsan ni Jan. Alam mo bang may katwiran naman pala na kabahan ako kanina ng sabihin ni Jan na maguusap daw kami. Ah siguro eto na yung pinakamasakit na nangyari sakin sa araw ng mga puso. Biruin mo nagharap-harap kami nina Dennis, Jan at Ako sa loob ng bahay nina Abet pero imbis na matuwa ako dahil sa wakas maliliwanagan na kung nakikipaglaro ba ko sa dalawang iyon nabaligtad yung sitwasyon ako pa daw ang naglalaro ngayon. Kahit hindi ko gustong umiyak na paiyak na talaga ako. Pagbintangan ba kong tinutuhok ko daw silang dalawa ni Dennis tapos two timmer daw ako. Ahhhh ang sakit alam mo ba yun pero syempre gaga nga ako sinabi ko na si Jan yung mahal ko nang papiliin ako ng dalawang herodes. Yun naman talaga yung totoo. Kaya umuwi ako na ang sama-sama ng loob ko kay Jan, biruin mo hinayaan niyang sabihin sa mismong harapan ko na tinutwo timer ko si dennis sa kanya. Ahhhh simula ng araw na iyon galit na galit na talaga ko kay Dennis. Kaya pati yung mga pinsan ko nagalit na sa kanya ayan tuloy hindi na dennis ang pangalan nia IPIS na he he he he.

to be continue. . . . . .

No comments: