♥+♥ . . . Nagkayayaan kami nina Jona, Mhaei and Gerly na sa house gumawa ng project. Sinabi ko kay Mercy na kung gusto nyang dumaan sa bahay pumunta sya kasi nagyaya rin syang lumabas. Dahil dun kami sa bahay nag-aaral binuksan ko yung dati naming pinto kaya ng dumaan ang AHO pinakilala ko sina Jon, Gerl and Mhaei kina Tony, Dennis, Abet, Grant, Glenn and Ian and Nelson. Nang matapos kaming gumawa ng project tumambay kami sa court nina Lole kaya nakilala din nila sina Val, Boylie, YokYok, Bornok, Vincent,Indoy, Ama, Jason (baba) Jason (paa) , Othan, Ian, Bong at syempre si lole at pati na rin si Athan kasi nandun sya. Pag-uwi inihatid kami nia Abeth, Tony at Jan. Nagtataka nga ako at bakit wala sina kuya Jhun at kuya Exor ah siguro abala sa mga chika babes nila he he he.
. . . Ay naku kinabukasan ang daming kwento at kumento ng tatlo kong best friend lalo na kay Jan well ok naman daw may itsura kaya lang payat pero masaya daw sila sakin dahil they see that i am happy at yun daw ang importante. After school pinuntahan ko si Mercy nahihiya na kasi ako dahil kilan pa nia ko iniimbitahan sa house nila na mag table tennis nagtatampo na nga kaya nagpunta ako tutal may P.E naman kaya may rason para hapunin akong umuwi. Nakaka dalawang games na kami ng dumating ang Cyber may practise daw kasi sila kayna Jaypee ( James Paul Diaz ) isa sa mga choreographer ng Cyber. Hindi na muna kasi sumasama si Mercy sa pagsasayaw dahil last time yata masyadong mahirap yung step kaya nahirapan at nagkasakit si Mercy kaya hindi sya pinapayagan ngayon na lumabas labas. Nag double game kami sa paglalaro ng table tennis sina Vince at Mercy ang magkakampi at kami ni Mark naman ah grabe ang saya saya namin i swear i still injoy the company with them kahit na may kunti paring tensyon, well nanalo naman kami ni Mark kahit na masmagaling sina Mercy at Vince na mangalaska at gumawa ng trick. Masaya ako dahil kahit papano nawawala na ang tensyon sa pagitan namin ni Mark alam ko naguumpisa palang kami but sooner and later it would be fine not the same as old but maybe it was more good than older.
♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . Nakakainis si Kuya Jhun nakasabay kasi namin sa Jeep pauwi kami kasama ko sina Gerl, Jon, Mhaei, Joy and Christina daldal kami ng daldal about sa AHO ayun pala nasa jeep din sya, kasi si Yokyok nanliligaw na kay Mhaei kinuha kasi ni Yokyok yung number ni Mhaei sakin after na magkakilala sila kaya ayun nanliligaw daw sa kanya. May gagawin kasi kaming project dapat kayna Gerl namin gagawin pero mukhang naging interesado si Joy sa mga kwento nina Mhaei at Jon kanina sa school kaya ayun nasa GDR kami. Pinakilala ko naman sila ng madaan kami sa tambayan kaya nga parang nahihiya ako kay kuya Jhun kasi malamang narinig nya lahat ng paguusap namin about Yokyok, ba naman kasi nagtakip nga ng mukha nakilala ko naman kaya lang pababa na kami ng makita ko. Hindi pa kasi nakikilala nina Mhaei si kuya Jhun kasi diba wala naman sya ng mgapunta sila last week kaya hindi nila alam na yung kasakay namin eh isang AHO.
♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . . Nagulat ako ng dumating sina Lyka at Janise sa house kasama yung dalawang cousin ni Mercy na si Jen and Mitch wala lang daw napadaan lang daw sila. (mukha naman kasi bitbit pa nila yung motor ni Vince at Mark) nagyaya daw kasing mag stroll yung dalawang pinsan ni Mercy kaya doon samin dinala ( gawin bang strollan ang GDR ) they asked me kung sino daw yung mga lalake sa tapat namin ang popogie daw nakadungaw kasi si Lyka sa bintana namin, hindi ko binuksan yung pinto dahil gising ang mga lolo ko ( naku po ayan na nga ba ) nang tingnan ko kung sino ang tinutukoy ni Lyka i saw na sina Owel, Yokyok, Ama, Ian Jeff at Jason ang tinutukoy ng bruha. Mga nakaupo sa garter ng karsada at mga nakhubad pa dahil galing yata sa pagbabasketball. Sino nga bang hindi makakapansin sa mga yun noh' he he he well ayuko kong ipakilala sina Lyka dahil paniguradong may hindi magandang mangyayare kapag nagkataon kaya pinapasok ko sila sa loob ng bahay dahil sa malamang maamoy ng mga hirodes na may nakapalda na nanonood sa knila sa bintana eh maaswang pa pati yung mga bagong tropa ng Cyber hindi magandang idea yun i knew it. . . .
♥♥♥♥♥ . . . . Kuya Jhun and Abeth invited me with Mhaei, Jon and Gerl sa party nya kaya lang hindi sila pwedi dahil may sakit si Mhaei and si Jon and Gerl may test sa P.E kaya hindi pweding umabsent. So sina Margarita, Joy, Carol, Cristina and Bernadeth, ang naisama ko. Wala naman talaga kong balak isama sila kaya lang itong si Joy pinagkalat ba naman na imbitado sya dahil once na nga namin syang naisama at idinaldal pa na maraming "pogie" daw doon sa party kaya yung mga hitad naman nagsisamahan.
. . . . . sinundo kami nina Jan at Dennis sa dulo ng house ni kuya Jhun dahil first time ko lang naman pumunta doon. well may kasama pala silang alien este si athan pala yun, kasi nakasuot sya ng alien na damit kaya nabansagan syang alien ng mga pinsan ko dahil paborito yatang isuot yun. Naging happy naman yung bday ni kuya Jhun kahit na hindi nakita ni Abeth si Jon yun pa naman ang number one reason nia why nya kami ininbitahan. 6 pm ng ihatid namin pauwi yung mga hitad pero ako nagtagal pa ko ng isang oras syempre noh yun lang ang time namin para magspend ng time ni Jan eh. Pero you know what ewan ko ba dito kay dennis may pagka masukista yata imbis na lumayo samin ni Jan eh nagsusumiksik pa samin tila yata nanguudyok kaya yun lalo akong naging swett kay Jan " bahala ka sa buhay mo magselos ka he he he he he"
. . . . . 7 pm sabay kaming umuwi ni Jan syempre naman alang namang magpaiwan pa sya doon pero sinabi ni Dennis na ipaalam ko daw siya sa tatay nya at si Abeth na gagabihin umuwi " bakit ako " si Jan pala daw sabi nia. Kay ng umuwi kami nagulat ako dahil tumawag si Dennis sa bahay buti kamo ako sumagot dahil nagaaral ako sa sala ng may tumawag. Una tinatanong nia kung pinagpaalam sila ni Jan sabi ko ang alam ko oo pero hindi ko alam ang sagot dahil naghiwalay kami ni Jan sa kanto ng GDR. Ewan ko ba dito kay Dennis kung lasing lang ba o ewan kung ano ano kasi pinagsasabi keso " mahal pa " din daw nia ko " maniwala " kaya daw sya dumitikit samin ni Jan dahil nagseselos sya " masukista nga " bukas daw ng daling - araw ihahatid daw nia ko kapag di ako inihatid ni Jan. ahhh ang kulit pero umu- oo nalang ako dahil ang kulit talaga.
to be continue. . . . . .
No comments:
Post a Comment