♣ ♣ ♣ ♣ ♣ . . . . Kasama naming magsimba sina Argel, Dennis, Granth, Glenn, nelson, Johnson, Ian and Ryan together syempre ng mga cousin ko na kinikilig at syempre si Jan. At bukod sa kanila nakilala rin naman ang ECB na kinabibilangan ni kuya Oman, buti nalang may pinuntahan sina Jan sandali kasi hindi yatang magandang idea dahil mukhang may alitan ang AHO at ECB sayang crush ko pa naman si Dazz he he cute kasi saka kahit pogie hindi suplado dahil yung ipakilala sya samin ng pinsan ko nakipagkamay pa. pero bigla akong nabadtrip ng naguumpisa na yung misa kasi si Dennis mukhang nanadya may mga kasamang babae, ( pagselosin ba ko malamang magselos ako eh hindi naman he he he) pero badtrip talaga kasi ang iingay tapos mayat-maya pang tinatawag si Jan ( nagtataka nga ako kung pano nila nakilala si Jan) " hmp humanda ka sakin mamaya" kaya sa Badtrip ko iniwan ko si Jan sa dating upuan at lumipat kami malapit sa ECB. Kaya umuwi kami ng mga pinsan ko na badtrip lahat dahil nilalandi nung mga babae sina Ian. " ah ewan ko sanyo Jan and Dennis feeling ko pinaglalaruan nio ko."
. . . . . Nalaman ko kay Abeth na pinunit pala ni Dennis yung sulat na ibibigay sakin ( oo nga pala may ibibigay na sulat si Dennis, nawala na sa isip ko dahil Badtrip ako) kaya daw pinunit ni Dennis dahil nakita daw na magkaholding hands kami Jan kanina sa simbahan ( buti nga sa kanya masayado kasi syang atribido torpe naman )... wala na lang akong sinagot kay Abet kasi na iinis parin ako that time dun sa mga babaeng kasama ni Dennis dahil tawag ng tawag kay JanJan.. ( hmp selos kalang) hindi ah baliw, bakit naman ako magseselos eh ang papanget ng mga yun'.....
♠ ♠ ♠ ♠ ♠ . . . . . I don’t know lung bakit bigla nalang nagiba ang ihip ng hangin ng araw na yun' ( nagka storm ba he he he he) kasi si Dennis ang maghapon kong kausap. Mula ng tumambay ako after lunch at dahil vacation naman okei lang na maglaboy saka nandun lang naman ako sa labas ng Video shop eh.... si Dennis na ang kausap ko hindi nalang namin pinagaksayahan pagusapan yung nangyari sa simbahan dahil nakaka- bad trip lang basta kung ano-ano napagusapan namin at kahit na nung gabi kami parin nina Abet at sya ang magkakausap kaya nagtaka ako kung bakit hindi ko nakikita si Jan ewan ko ba dun kung nasan isang beses lang sumilip sa video shop tapos hindi na ulit nagpunta. Kaya nagulat ako ng sabihin sakin ni Rose Ann na galit daw sakin si Jan, nakausap daw nila kanina sa labas. " bakit naman kaya nagalit" kaya nang magpunta sya sa video shop hinintay ko syang matapos maglaro para makausap pero alam mo ang herodes hindi manlang ako pinansin, umalis nalang bigla, ni hindi manlang ako tiningnan kaya ang sama-sama ng loob ko.....
. . . . . . and for the first time since na masaktan nia ko sa huling pagiwan nia sakin ngayon lang ulit ako umuiyak dahil nasasaktan ako ng isang lalake, hindi ako kaylan man umiyak kay Mark ng nasaaktan minsan lang ako umiyak pero kasalanan ko pa yun tapos ngayon ito aq umiiyak nanaman ng dahil kay Jan, ahhhhh wala na ba syang gagawin kundi ang paiyakin ako, ni hindi man lang nya masabi sakin kung bakit bigla nalang syang nagagalit. bigla tuloy akong natakot na baka dahil iyon dun sa mga babae sa simbahan, may isang Jec-Jec nanaman bang darating sa buhay namin...... ang sakit-sakit at halos hindi ko kayanin yung sakit kaya ang laki ng pasasalamat ko ng bumalik si Jan at kausapin na ko. Sabi nia nagseselos daw sya kay Dennis dahil nakita daw niang nagtatawanan kami. " ala Mark din pala itong isang to eh noh" pero sinabi ko sa kanya na ngkukuwentuhan lang kami ni Dennis kaya nag-sorry narin sya.. " hay naku akala ko pa naman mangyayari nanaman yung dati, buti nalang hindi" Baliw kasi ako hindi ko manlang naiisip na pweding magselos si Jan kay Dennis " malay ko ba hindi naman sya dating seloso, dati nga okei lang sa kanya kung nanjan ako o wala lalo na kapag nanjan si Jec" kaya nga ang saya - saya ko eh kasi ngayon sigurado na ko na magtatagal kami, sure na ko na mahal nia ko. Sana nga lang magkatotoo na this time. . . . . .
♥♥♥♥♥ . . . . . Buong akala ko tapos na yung problema namin ni Jan kagabi pa, pero nagtaka ako kung bakit parang ganun parin sya nang magsimba kami, ang layo - layo nia habang naglalakad kami papunta ng simbahan. tapos hindi pa sya tumabi sakin sa upuan, kaya ang sama-sama ng loob ko. kay bago magsimula yung misa niyaya ko si Punggay sa likod ng simbahan doon ako umiyak ng umiyak sa hindi ko naman mapaliwanag kung bakit ( " alam mo sa tuwing naaalala ko itong part na to' natatawa ako at nahihiya ako sasarili ko, baliw kasi ako engot " ). Bago mag-umpisa yung misa pumasok na ulit kami ni Punggay kahit na may space para sa tabi ni Jan sa dulo ako umupo Nanahimik lang ako buong misa ni hindi ko sila pinapansin kahit na narinig kong tinatanong ni Argel kat Ryan kung magkaaway ba daw kami ni Jan. Nasa kalagitnaan na nang mass ng makunsensya yata ang herodes at sinabi ni Rocel na pinatatabi ako ni Jan sa kanya pero hindi ako agad tumabi pero nung sya na yung tumawag sakin at sabihin niyang di sya pweding lumipat sa tabi ko dahil nandun da mga tita nia sumunod narin ako. binulong nia sakin kung saan daw kami galing ni Punggay kanina " nagtanong pa" kaya sinabi ko nagpahangin lang kami.
. . . . . ah ewan ko ba kung bakit pagdating kay Jan ang daling mawala ang galit ko kahit na ilang beses na nia kong masaktan, isang amuhan lang kahit wala pa ngang pang-aamo basta umakto lang syang parang walang nangyari ok na sakin. Minsan nga iniisip ko ginayuma yata ako ng hirodes na yun eh he he he he....
to be continue............
No comments:
Post a Comment