
♠+ ♠ +♠ + ♠+ ♠ +♠
. . . . Paguwi ko sa bahay nakakwentuhan ko si Lole (LORENZO dela PAZ) wala lang sya lang kasi ang tambay doon ng dumaan ako. Sabi nia hinihintay daw ako ni Jan tuwing daling-araw bakit daw lagi akong wala. "Hello hindi na kaya 5am ang pasok ko 6am na po kaya ako umaalis sa house kaya maliwanag na at hindi na ko hinahatid ni Lolo. pero hindi ko yun sinabi kay Lole hay naku hayaan ko si Jan na makatuklas ng schedule ko nagsasawa na ko sa kakabigay sa kanya doon lang naman ako nakakaganti sa kanya ang mapagod sya. Mamuti sana ang mata nya araw - araw sa kakahintay. ( hmp para namang kayang tiisin). . . . .
♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . Di ko alam kung matutuwa ako o hindi alam mo ba si Tita Bubs teacher namin sa Values kaasar. Nakaiwas nga ako noong isang taon pero mukhang ngayon hindi na. Ahh kaya kung ano ang daladal ko sa recitation sa lahat ng subject namin sya namang tahimik ko sa Values, kasi na vavalues ako eh he he he. Pero yung sinasabi ko na strict at parang masungit naming adviser hindi pala he he he ang bait kaya ni Mam Gabriel parang si Mam Capistrano yung adviser namin noong First Year. Kaya lalo pa kong sinipag mag-aral. Kaya kahit dalawang linggo palang na nagsisimula ang klase kilala na ko ng lahat ng teacher ko syempre bukod sa pamangkin ako ni MRS. CRUZ eh masipag talaga kong magaral he he he lalo na sa T.H.E dahil si Mam Pantaleon nanaman ang teacher namin Pero sa lahat ng subject sa Filipino ako bumabanat, akala nio naman porket Filipino tayo ang daling pagaralan ang Filipino Subject hindi kaya pero ako ang top 1 sa subject nayun lalo na kung "noli me tangere " na. Ewan ko ba kung bakit pagdating ng NOLI mga tumatahimik yung mga classmate ko tila napuputulan ng dila tuloy lagi ako ang napupuri ni Mam Francisco. ( oy totoo yun noh di ako nagbubuhat ng bangko).
. . . . pero may sad story rin ako, kasi Leonard and Rogelio told me na hindi na daw nagaaral si KIM i dont know kung tumigil ba o hindi nag enrol mukha daw may problema sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit bigla kung naiisip na puntahan si KIM after school pero sa malas walang tao yung dumaan naman ako sa pwesto nila sa Palengke nanay nya ang nandoon nahihiya na man akong tanungin kung nasan si KIM, eh baka nga di nila alam na hindi pumapasok si KIM. Kinagabihan nagtry ako sa phone pero tulog na daw. Ewan ko ba parang pinagtataguan yata ako ng kumag na yun pero syempre naging malapit rin naman si Kim sakin at bestfriend ko parin naman sya kaya nga feeling ko dapat akong maguilty kasi ni hindi ko manlang sinubukan makipag-ayos sa kanya kahit na hindi na namin maibalik yung dating closeness namin yun manlang pagiging magkaibigan namin. Pero huli na nga yata ang lahat kasi ilang beses ko pang sinubukan na makausap si KIM kahit sina Leonard at Rogelio pero mukhang ayaw magpakita samin kaya sumuko na lang kami. . . . Siguro naman balang araw makakausap rin namin sya. . .
to be continue . . . .
No comments:
Post a Comment