Thursday, March 6, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 87

♠♥ ♣ . . . Sumama akong umuwi sa bahay nina Jon, konting kwento at chikahan kasama sympre sina Gerl at Mhaei. After nun kayna Mhaei naman ako nagpunta pero ako nalang magisa kasi si Gerly umuwi na. Ayuko lang umuwi ng maaga kasi iisipin ko lang yung nalaman ko sa kapatid ko. Kaya mas mabuting libangin ko nalang ang sarili ko, beside i know maaga uwi ni Mark today malamang gumawa nanaman yun ng way para makita ako, ewan ko ba minsan iniisip ko tama yung sinabi ni Mercy na masmahal ko pa daw si Mark kesa sa sarili ko, kasi daw ako iniiwasan kong masaktan si Mark pero yung sarili ko isinusuong ko paramasaktan . . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
. . . . Kinabukasan sina Mhaei, Jon at Gerl naman ang nagpunta sa bahay. Nakipagkwentuhan samin sina kuya Exor, kuya Jhun, Argel at Abet. Pero wala ako sa sarili ko, ni hindi ko alam at hindi ko naiintindihan kung ano-ano yung mga pinagkukwentuhan nila. Basta si kuya Jhun lang ang kinakausap ko iyon eh kung tinatanong ako . . Pag-uwi naman kasama nilang maghatid si Jan kaya lang pumiyok o hindi ako. He asked me kung anong oras ako umuwi then more than wala. . . ewan ko ba wala ako sa mood para kausapin sya kahit na i know na hindi ko pa napapatunayang may kasalanan sya. . . .
. . . . Sa ayaw ko at sa gusto kailangan namin ni Jan na pagusapan ang problema para narin sa ikatatahimik ko. Sa paguusap namin kasama si Argel, sinabi nya na hindi daw totoo na kasamang maghatid si Jan sa mga babaeng classmate nia saka bakit daw naman nila hahayaan na maghatid si Jan eh kilala naman daw nila akong ubod ng selosa. Kahit na gusto klong maasar hindi ko nagawa dahil alam kong tama naman yung pinsan ko. "buti nalang alam nio" kaya kahit na may konting alalahanin akong nararamdaman pinilit kong ialis sa sarili ko dahil i know isa yun sa pweding makasira sa relasyon namin ni Jan . . . .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
. . . . Nakakainis . . . Badtrip ako. . . kasi paguwi ko may nakita akong mga "MERALCO GIRLS" sa tapat ng bahay nina Jan at ang nakakayamot pa tinawag ako nung isa si Marivic pala isa sa mga batchmate ko sa ROES, pero tiningnan ko lang at umalis na ko, wala akong balak makisalamuha sa mga babaeng mababa ang moral . . . . Hay naku may bagong requite nanaman ang AHO, after HALINA girls, "MERALCO GIRLS" naman ngayon. Pero ang nakakapagtaka eh pababa ng pababa naman yata ng level ang mga kinukuha ng AHO habang tumatagal mga walang kwentang babae ang dinadala nila sa tambayan hmp ewan ko sa kanila pero isa ng ang concern ko wag ko lang mababalitaan na may dinidiskartihan si Jan sa mga babaeng yun' ah sorry nalang sila hindi lang balat sa tinalupan ang ibibigay ko sa kanila, babatuhin ko pa sila ng daylight at bote ng masira lahat ng mukha nilang hiniram sa aso . . .
. . . . isang araw nakipagkwentuhan sakin si Lole sabi nia bakit daw kapag may kasama silang mga babae hindi ko sila pinapansin " hmp napansin nio yun " nagtataka daw kasi sila nina Owel lalo na kanina na binati nila ako pero hindi ko man lang sila nilingon. Sinabi ko yung totoo na hindi ako sang ayun na magdala sila ng babae sa tambayan, wierd mang pakinggan pero ang bigat talaga ng dugo sa mga bagong salta saka mamimili lang ng tambayan lagi pang sa harap ng bahay nina Jan nakapwesto. . . ayun hindi tuloy makaimik si Lole . . . .

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
. . . . May usapan kami ni Jan na susunduin ako, pero namuti na yata ang buong mata ko sa tatlong oras na paghihintay pero walang "Jan" na dumating buti nalang nakasakay ko si Granth pauwi. At ang magaling kong boyfriend ayun na kayna Abet at nakikipagkwentuhan. Pero nagpaliwanag naman sya agad na wala daw kasing sumama sa kanya eh baka daw gulo lang ang mangyari sa kanya dahil hindi naman sya kilala roon wala kasi si Bong, kaya hindi nalang daw sya tumuloy . . Buti nalang nagpaliwag ka ng maaga naku kung di talaga naman oo . . .

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣
. . . . Sinundo pala ako ni Jan at Dennis sa school pero nagkasalisi kami. Pero hindi iyon ang kinakabadtrip ko, nagkausap kasi kami ni Doyet at nasabi nia sakin kagabi na may naghahanap daw kay Jan isa sa mga Meralco Girls pero ng itinuro daw ako ni Owel na gf ni Jan dun sa girl sinabi ba naman daw na " wala syang pakialam sa GF ni Jan" ah ganun ba pwes wag lang kitang makikilala dahil sa ayaw mo at sa hindi magkakroon ka ng paki dahil babasagin ko pagmumukha mo!!!! ahhhhhh hindi ko alam kung saan ko dadalhin yung galit ko sa babaeng iyon at kahit di ko pa sya nakikilala ilang beses ko na syang napatay sa isip ko. Hindi ko tuloy alam kung kay Jan, sa babae o sa buong AHO.. ahhh badtrip talaga . . . Kaya bago ko umalis sinabi ko kay Doyet na sabihin kay Jan na paalisin nya yung mga babae sa tapat nila at wag ko lang malalaman kung sino yung girl na yun dahil tataman pati sya sakin. . . .
. . . . . Pagbalik ko wala nga ang mga babae sinabi ko kay Jan ihatid niya ko kinabukasan dahil may dapat kaming pagusapan . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
. . . Pinagusapan namin ni Jan kinabukasan ng ihatid nya ko ang tungkol sa mga babaeng nakatambay sa kanila partikular na yung babaeng nagsabing wala syang pakialam sa gf ni Jan. Sinabi ko kay Jan na hindi ko alam kung sa susunod na may marinig pa ko mula sa mga babeng yun at kapag nakita kong may nakatambay sa tapat nila baka hindi na ko makapagpigil . . .
. . . . May quiz kami sa PE kaya maaga ang uwi, I saw Chris palabas ng gate, wala lang kinamusta lang nia ko. Sa kanya ko narin nalaman na lagi akong tinatanong ni Mark kung pumapasok daw ako at tinatanong kung may nakikitang sumusundo o naghahatid sakin. When i told Chris kung ano ang sinabi nya sinabi daw nyang meron minsan nga daw nikita nya ko na may Good bye kiss pa bago ako sumakay sa trictlce. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa sinabi ni Chris siguro dahil sa alam kong si Rico ang sinasabi nia, And he also told me na dahil yata sa sinabi nya na nakita nya ko with Rico eh mukhang natauhan daw si Mark at di na nagtatanong tungkol sakin. I was happy to know na kahit papano nakakapag move on na si Mark, (kaya???) kahit na mali yung hinala nya na si RICO yung new bf ko mas ok na yun siguro naisip na ni Mark na wala na dalagang patutunguhan kung magpupumilit pa sya. At i hope some day maibalik namin yung friendship namin kahit na hindi ganun ka-intimacy . . .
. . . . Paguwi ko may mga nakatambay nanamang "meralco girls" sa bahay nina Abet at ngayon alam ko na kung sino ang nagsabi na wala syang pakialam sa GF ni Jan dahil itinuro sakin ni Doyet kung sino. At ang hinayupak ko palang kabatchmate na si Marivic ang nagsabi nun, wow pwes hindi mo na ko kailang pakialaman dahil ako ang makikialam sayo, tingnan lang natin kung di ka magkaroon ng pakialam kung manghihram na yang mukha mo sa kawawang aso. . . . kahit na may tiwala ako kay Jan na hindi nya papatusin si Marivic nagtanong tanong rin ako at syempre doon ako nagtanong sa mga taong walang alam kung di ang magsabi ng totoo lalo na at naging karibal nya sakin si JanJan. I asked Dennis about Marivic, sabi ko sa kanya subukan nyang di magsalita isusubong ko ulit sya kay ICAY ( nagkabalikan narin kasi yung dalawang yun) at sa takot ni gago nagsalita naman. Ewan ko lang kung totoo pero sabi nya wala daw talagang pakialam si Jan doon sa Marivic basta ang alam lang nya yung Marivic na yun ang sunod ng sunod kay Jan dahil may gusto daw kay JanJAn. . .okei tingnan lang natin , , , oras lang na malaman ko na may ginagawa nanamang kabulastugan si Jan sa likod ko naku ewan ko sa kanya isusumpa ko talaga sya . . .
to be continue . . . .

No comments: