. . .wew " SIX MONTHSARRY" namin, but you know nothing happened. I told kuya Jhun na kung masusulatan ako ni Jan kahit word lang na "SORRY" ok na masaya na ko dun makikipagbati na ko sa kanya pero wala umasa lang ako sa wala. . . . Ewan ko ba kung anong klaseng helmet ang pinasuot sakin ni Jan at kahit ano yatang umpog ko sa ulo ko hindi ako magising gising. . . . buti nalang nasa bahay sina Jon, Mhaei and Gerl, naglalabas kasi ng sama ng loob si Jon dahil nakipagbreak na daw si Garry sa kanya. "Hay naku atleast yung bf mo nagsasalita kahit ubod yun ng demanding at ahhhh ewan ko nga ba kung bakit ang dami namang lalake dian eh nagstastaga tayo sa mga walang kwentang katulad ng mga boyfriend natin". Bakit kasi hindi nalang pweding diktahan at utusan ang puso, sana marunong din mapagod ang puso ko, kasi ako pagod na pagod na ko. Pero bakit ganun sa kabila ng lahat, sa lahat ng sakit, sa lahat ng hirap, sa lahat ng pambabaliwala isang "SORRY" lang ayus na. ahhhhhhh ang bobo mo talaga KATHRINA. . . ..
♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . . . Hindi ko rin natiis si Jan, nag-usap kami kayna Gerly, una nga napikon pa ko dahil ayaw man lang magsalita ayun pala hindi nya alam na kami ang katatagpuin nila ni kuya Jhun sa Angono. Kaya mas lalo nakong napikon dahil mukhang napilitan lang si gagong sumama. Hanggang sa biyahe hindi parin umimik kundi pa sinenyasan ni Kuya Jhun na magsalita na dahil malapit na kami hindi pa magsasalita. At ako naman si gaga ayun, nakuha sa magic word "SORRY". Wala kaming masyadong napagusapan dahil malapit na nga kami sa kanto ng GDR pero pinaiwan nya ko sa kanto dahil umuulan kukuha lang daw sya ng payong. Pero si Tony na ang nagpayong sakin hanggang sa bahay dahil baka makita kami ng dragon. At kahit na may kunting tampo ako dahil sa hindi nya pagimik kanina naging masaya narin ako at least ok na ulit kami kahit sapilitan pa. Hay naku saan kaya kami pupulutin ni Jan kung wala ang AHO at sina kuya Jhun noh!!!
♣+♣+♣+♣+♣
. . . . sinundo ako ni Mark, may sasabihin daw si Mercy sa tropa, bigla tuloy akong naexcite dahil after along weeks eh mukhang mabubuo ang Cyber's. For the first time nagawa kong ipakilala si Mark sa isa sa mga kaibigan ko bukod sa Cyber's. Pinakilala ko sya kay Billy dahil sabay dapat kaming uuwi dahil naiwan pa sa loob sina Jon di pa kasi tapos yung last subject nila tapos maaga namang umuwi sina Rico at sina Dadong dahil wala kaming teacher sa P.E yung last subject namin. Hinatid muna namin si Billy sa sakayan tapos nagpakita muna ako kay tita Dorothy saka kami nagtuloy kayna Mercy. Nadatnan na namin doon sina Micheal, Chris, Cat at Andoy sina Jen at Janeth daw may binili kasama sina Ian at Randy. So sina Lyca at Jaypee nalang ang wala pati pala si Vince parating na daw sabi ni Andoy nakatulog daw kasi. hindi ko alam kung bakit yung excitment ko kanina parang napalitan ng takot dahil mukhang hindi ka-excite-excited ang dahilan ng pagtitipong iyon. kung hindi nagumpisa si Andoy sa mga green joke nya walang balak na magsitawa ang mga tao dun. Naunahan pang dumating ni Jaypee si Vince samantalang sa Baytown lang ang bahay ni Vincent tapos si Jaypee galing pa sa Maynila . Buti nalang kamo friday kaya talagang araw ng uwi nina Jaypee. Konting kwento bago lumabas si Mercy at sya ring dating nina Vince at nung apat nina Ian. wow mukhang talagang kailangan kumpleto ah. pero wala si Lyca hindi daw makakarating dahil bukas pa ng umaga ang uwi. kanya kanya munang kwento sina Jaypee sa pamumuno at panguusisa ni Andoy kung ano daw ang buhay ng kolehiyo he he he sira talaga to'ng si Andoy namomoblema daw kasi sya kung kakayanin nyang mawalay sa Cyber's kung sya naman daw ang magco-colleges sa isang taon ( nagdrama daw ba) sabay hiniritan ng nakakalokong iyak-iyakan nagkatuwanan na tuloy. Ang sakit nga sa tian ko grabe sa kakatawa, si Janeth nga nagkakandaiyak na kakatawa. Masyado daw kasing mga seryoso ang atmosphere daig pa daw ang namatayan, pero kung gaano kabilis napatawa ni Andoy ang lahat ganun din unti-unting nagsitahimik sina Mark, Vince, Jen and Janeth lalong lalo na si Mercy, sa huling sinabi ni Andoy, hindi ko gustong kabahan pero bigla akong napatingin kay Mark at sa nakita kong pagiwas ni mark sa mata ko i know there something wrong na hindi manlang nya nagawa na bigyan ako ng babala. But before i asked Mark nagumpisa nang magsalita si mercy kaya tuluyan ng tumahimik ang lahat, halos lahat kami nakatingin lang kay Mercy bukod kay Mark at Vince na sa hindi ko malamang dahilan pareho pang nakayuko. Hindi ko gustong magdamdam kay Mark pero that was the first time na may inililim sya sakin. Mula nang maging kami at kahit na ngayon na hindi na kami ngayon lang sya naglihim sakin, i know kagustuhan ni Mercy na wag munang sabihin samin ang pag-alis nya pero hindi ko parin maiwasan ang hindi magtampo kay Mark, halos araw-araw magkausap kami sa telepono at minsan nagkikita pa kami pero ni hindi manlang nya nasabi sakin kung ano ang dahilan ng pagpupulong na yun, i know maliit na bagay lang kung tutuusin para ngang ako lang ang over reacted pero hindi naman yung pagalis ni Mercy ang kinaiinis ko kungdi yung pinaramdam at pinakita pa sakin ni Mark na may alam na sya tapos hindi manlang nya nasabi sakin kahit clue lang o kaya hindi nalang sya sana nagpahalatang may nalalaman na sya bago pa magsalita si Mercy. Pero hindi ko pinahalata kay Mercy ang pagtatampo ko kay Mark, isa lang ang sinabi ko kay Mercy, kung iyon ang makakabuti para sa kanya mas okei nang malayo sya samin, kesa naman nandito nga saya pero may posibilidad namang mawala rin sya. Saka kung tunay kaming mga kaibigan nya kahit na anong mangyari hindi man ulit kami magkita-kita nakatatak na sa puso namin ang isat-isa.
. . . . . . Everything was getting okei madaming tanong, madami ring sagot at alam naming lahat everything happened for a reason at kung isang rason ang mahiwalay si Mercy pansamantala alam namin na mas makakabuti iyon para sa kanya. Mark knows that i am mad at him dahil nagsimula na kong dumistansya sa kanya, after na masabi ni Mercy ang dapat sabihin at masabi narin ng bawat isa ang sa loobin nagyaya ng kumain si Jaypee " ang pinakamataw sa lahat di naman tumataba" kanina pa daw nagrereklamo yung mga anacondas nya sa katawan. After kong kumuha ng maiinum hindi na ko sa tabi ni mark umupo, nakipagkwentuhan ako kay Mitch na bagong dating lang noong nasa kalagitnaan na nang pagpupulong. Pagkatapos nun si Vince naman ang kinausap ko because i know what he feel sa pag-alis ni Mercy, kasi yung nanjan nga lang si Mercy nahihirapan sya dahil hindi masuklian ni Mercy kung ano ang damdamin meron si Vince para sa kanya, ngayon pa kayang aalis pa si Mercy. I know Vince was fallen' in love with Mercy saya nga lang dahil inimin yun ni Vince yung time na committed na si Mercy sa "friend" niya at sinabi naman ni Mercy na kahit daw wala si "friend" hindi daw nya masasagot si Vince dahil isang kaibigan lang ang nararamdaman nia para dito. Beside hindi rin sila bagay ni Mercy if ako tatanungin dahil mas matanda si Mercy kay Vince ng dalawang taon. pero sabi nga nila " AGES doesn't matter in the name of LOVE." pero Vince can't do anything dahil katulad niya at katulad ko lalo na ng maraming taong nababaliw ng dahil sa pagibig " hindi kayang turuan at tiktahan ang puso kung kanino dapat at hindi tumibok."
. . . . Nagumpisa ng dumilim kaya nagpaalam na ko kay Mercy na mauuna na, pati sa buong Cyber's. Sa ayaw at sa gusto ko, umiwas man ako at hindi alam kong maghaharap kami ni Mark dahil hindi papayag yun ng hindi sya ang maghahatid sakin. At malamang malaking gulo kapag nagpahatid ako sa iba. But still hindi parin ako kumibo, nakasanayan ko na yata yun mula ng lagi kaming magkaaway ni Jan ang manahimik at hayaan kung sino man ang kaaway ko ang unang magsalita saka ako babanat. Tila nakiramdam muna si tikmol kung magsasalita ako bago paandarin yung motor nya. Kahit hindi mabilis yung takbo namin halatang sa motor binabaling ni Mark yung galit nya sa di ko pagkibo sa kanya dahil halatang halata ang pagdiin nya sa lisinsyador kaya halos mabingi yung mga nasa jeep na nadadaanan namin pero hinayaan ko lang sya bahala sya kasalanan man nya o hindi galit parin ako at wala syang magagawa doon. I know alam yun ni Mark dahil sanay na sya kung paano ako tupakin alo na nung kami pa. At alam niang paggalit ako kailangan muna niang palipasin ang galit ko bago pa nia ko amuin dahil kung sasabayan nia ang galit ko malamang sa hindi mas lumala ang gulo. . . .
to be continue . . . . .
No comments:
Post a Comment