♥+♥. . . Malapit na naman ang MONTHSARRY namin pero may nababalitaan nanaman akong di maganda. Ewan ko ba hindi na nga kami nagkikita araw-araw tapos may ganto pang issue. Ni hindi pa nga tapos ang issue tungkol sa bday nia tapos ito pa may DOYET issue.
. . . . Hindi ko gustong paniwalaan pero sa nakikita ko at sa mga naririnig ko ewan ko kung kaya ko pang tagalan ang chismis about Jan and Doyet. Marami ng nakikita sa kanila ok lang sana kung ako lang ang nakakakita pero halos ipagdikdikan sakin ng mga pinsan ko na lagi daw magkasama sina Doyet at Jan, tapos lagi daw magkasama sa palengke ( so kaya hindi na ako sinasama sa palengke dahil si Doyet na ang isinasama nya). At sabi ng mga pinsan ko kapag tanghalian tapat daw o hapon laging magkausap sa tapat ng bahay nina Doyet yung dalawa ganun rin daw sa gabi. Pero syempre hindi muna ako kumibo, una ayuko munang kumibo kaya nagobserba muna ako at nakiramdam. Unang araw binigyan ko pa sila ng katwiran baka talagang naguusap lang at nagkukuwentuhan but when the 2nd day at ng mga sumunod na araw at mismong ako pa ang nakakitang magkasama sila sa palengke siguro naman sapat nayun para magising ako sa pagiging tanga ko. . .
♣ ♥ ♠ . . . Nanalo ang pagiging selosa ko nanaig na dapat akong maniwala at bakit nga pala hindi samantalang dati noong kami pa ni Athan diba laging na kayna Doyet si JAN at ang alam ko matagal ng may gusto si Doyet kay Jan. Ahhhhh puro nalang doyet at jan naiinis na kohhhhh... Nagusap kami ni Jan tungkol kay Doyet ang sabi nya nagkukuwentuhan lang sila at ako naman dapat ang topic nila ( pinaguusapan nio ba lung pano ko mawala sa landas nio) at yung nakita ko sa palengke nagkasabay lang daw sila. ( wew talaga lang ha sobrang coincidence naman nun) pero after that talk wala paring linaw ang lahat ganun parin.
. . . . hapon ng mapadaan ako sa tapat nina Jan kinausap ako ni Ate Lhen, pinsan ni Jan at kapatid ni JunJun. " bakit ko daw pinapaiyak yung pinsan nya eh mahal na mahal daw ako nun" pero nagpigil ako na magalit. Nginitian ko lang si Ate Lhen at sinabi kong may inuutos pa sakin. Pero ang totoo gusto kong sabihin sa kanya na " kung mahal ako ng pinsan nya hindi nya ko sasaktan" at kung totoo mang umiyak si Jan dapat lang iyon dahil kulang payun sa sakit na nararamdaman ko. Pero nungkang maniwala akong umiyak si Jan ng dahil sakin, Si JOHN RAYMOND SANTOS iiyak ng dahil sakin magugunaw na yat ang mundo pero ang isang batong katulad ni Jan hinding hindi iiyak ng dahil sa isang tulad ko. . . .
. . . . hapon ng mapadaan ako sa tapat nina Jan kinausap ako ni Ate Lhen, pinsan ni Jan at kapatid ni JunJun. " bakit ko daw pinapaiyak yung pinsan nya eh mahal na mahal daw ako nun" pero nagpigil ako na magalit. Nginitian ko lang si Ate Lhen at sinabi kong may inuutos pa sakin. Pero ang totoo gusto kong sabihin sa kanya na " kung mahal ako ng pinsan nya hindi nya ko sasaktan" at kung totoo mang umiyak si Jan dapat lang iyon dahil kulang payun sa sakit na nararamdaman ko. Pero nungkang maniwala akong umiyak si Jan ng dahil sakin, Si JOHN RAYMOND SANTOS iiyak ng dahil sakin magugunaw na yat ang mundo pero ang isang batong katulad ni Jan hinding hindi iiyak ng dahil sa isang tulad ko. . . .
♠ ♥ ♣ . . . Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ewan ko kung bakit nagkakaganito nanaman ako. naglalakad pero wala sa sarili, nagiisip pero hindi ko alam kung anong dapat isipin parang nasanay na ko sa pakiramdam na lagi nalang naguguluhan at nasasktan kaya kahit na anong sakit tinatanggap ko nalang. . . .
. . . muli nakasalubong ko si Ate Lhen, but this time mas masakit na yung sinabi nya parang isang punyal na bagong hasa na isinaksak sa puso ko. Una kina musta nya yung relasyon namin ni Jan nangsinabi kong okei okei na sabi naman daw kasi ni Jan " masyado daw akong selosa kahit wala sa lugar at walang dapat ikaselos at wala na raw akong ginawa kundi ang magselos" owts sakit nun ah. Pero hindi ako nagpahalata kay ate Lhen sa nararamdaman ko. Umalis ako pagkatapos naming magusap. Pero bumuo na ako ng disisyon and i thinks its most better to both of us.. . . . . .
♠+ ♠ +♠ . . . . Tumawag ako kay kuya Jhun sinabi ko kung pweding magkita at magusap kami ni Jan sa bahay nila nukas ng 3pm. OO daw pumunta na lang daw ako roon. Magdamag kong pinagisipan ang disisyon ko, alam kong masasaktan ako at alam kong mahihirapan ako ni hindi ko alam kung kakayanin ko pero mas mabuting mas maaga palang magkalayo na kami kesa naman kung kelan pati pagiging magkaibigan namin hindi na namin kayang isalba eh saka kami magkakagulo. Nakakalungkot lang dapat maging masaya kami bukas dahil 5th monthsarry namin pero sa palagay ko malayong mangyari yun. . . . ahhhh sana naman makaya kong panindigan kung ano man ang magiging disisyon ko. . . . dahil iniisip ko palang parang di ko na kaya pero dapat kayanin ko. Kung talagang kami ni Jan sa isat isa maayos at maayos ang relasyon namin.....
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment