Friday, March 7, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 91

♥+♥ . . . . . I tought hindi ko na makakasanayan ang suot kong maskara kapag kasama si Jan, hindi ko alam na kaya ko rin palang maging best actress, ang tumawa kahit na nasasaktan. Siguro nasanay na ang puso ko, sumuko na para lumaban, nanging manhid na sa lahat ng sakit kaya kahit halos araw-araw kong nakikita ang mga AHOng babae binabaliwala ko nalang ang sakit, kahit na halos sa tuwing makikita ko sila, sila ang nagpapaalala sakin na TANGA ako pagdating sa PAG-IBIG! na minsan kahit na harap harapan na kong niloloko hindi ko pa nakikita dahil nabubulag ako sa maling pagmamahal. . . .
. . hindi man namin pinagusapan kinausap ko na si Kuya Exor, Abet at Argel wala rin naman, maglit man ako sa kanila di na mababalik ang nangyari. Sabi nga ni Vince try to see to them na hindi ako apektado dahil mas lalo lang daw naglalakas ng loob na saktan ako ni Jan dahil alam niang ako ang unang susuko . . . pero madaling sabihin pero napakahirap gawin . . .

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣
. . . i'm feeling empty, piling ko kapag nasa bahay ako dala ko lahat ng problema ng mundo bukod sa problema kay Jan problema pa sa bahay . . . kaya hanggang maari ayukong uuwi ng maaga at mas lalong ayukong a-absent . . . sa school kasi nakakalimutan ko kung paano malungkot, kung paano magisa. Tuluyan na kong iniwasan ni Jerson, hindi naman iwas na talagang iwas, yun bang di na sya nakikipagusap sakin na kaming dalawa lang, hindi narin nagpapalipad hangin pero sigiro okei narin yun kesa naman lalo syang mapalapit sakin tapos hindi ko naman kayang suklian kung ano ang nararamdaman nya, kahit na man anong galit ko kay Jan hindi ko kayang makipagrelasyon sa iba na kami pa, makipag-flirt oo pero yung magtwo-timer no way, hindi ako hangal, mahal ko sya pero hindi ko sisirain ang sarili ko ng dahil sa kaya. Kung pano ko gaganti, may tamang panahon at may tamang pagkakataon tadhana nalang ang gaganti sakin . .. mararanasan din ni Jan kung paano ang paulit-ulit na patayin at gaano kapait ang mahalin at magmahal . . . Kasabay ng pag-iwas naman sa AHO parang ang GEKAJOM ang nagsakripisyo, dahil hindi na kami nagpupunta sa bahay at sa school nalang kami tumatambay after class mukhang wala ng time para magkasama-sama kami tulad ng dati. . . si Gerl sina Vangie ang laging kasama, si Mhaei syempre yung mga classmate nia, si Jon minsan yung mga classmate nia dahil mukhang lahat ng mga classmate nya may mga kalove team kaya minsan kami ang madalas magkasama lalo na tropa ni ROLLY sina Dado, Rolly is the suitor of JON, sabi nga sa Faculty ang section 9 daw dapat LOVE section ang pangalan kasi puro couples o magsyosyota ang nandoon kaya kapag may naaway ang isa mukhang lahat ng lalake at babae magkakaaway . . hay buhay oo.. pag-ibig nga naman. . buti nalang hindi naman problema yan nina Dado, Ricky, Joey at Abe minsan kasama rin namin si Pio, si ICAD ( cousin ni Dado) at Rolly kaya kami ni Jon patuloy ang bonding . . . . Bilib nga kami ni Jon kayna Dado, Rolly, Icad at Abe biruin nyo after class nagtratrabaho pa sila, sina dado, rolly at icad sa car wash sa hi-way nagtratrabaho pati yata si Manuel pero si Abe ewan ko kung saan.
. . . . Kami ni Rico the same as we are kahit na may Dado na kong bestriend may time kami ni Rico na para samin lang. Minsan nga i told him na kausapin na namin si Nerry na magkaharap para naman mapatunayan naming wala talagang katutuhanan yung chismis, ewan ko ba naman kasi kay Nerry, ipinakilala ko na nga sa kanya si Jan to probe na may bf ako at wala kaming relastion ni Rico hindi pa pala sapat yun para sa kanya . . . I know nahihirapan si Rico hindi man nya sabihin, pero mas mahihirapan daw sya kung iiwasan ko sya, hindi man sabihin ni Rico there something wrong, minsan gustong mainis dahil alam nia kung anong problema ko pero sya minsan lang sya nag open sakin pero kulang-kulang pa.

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
. . . . Nagkayayaan kami ng Party Movers sa bahay, bibilin na daw kasi nila yung telang papagawang costume sa tita ko. May contest yata sa Tayuman next month. Kya nga tinanong ko si Vince kong sasali sila pero i think malabo dahil may problema yata si Jaypee kaya may balak akong pumunta roon one of this day. . .
. . . . nauna akong umuwi kangina dahil mamayang 3:00 nalang daw susunod sina Dado magpapaalam pa yata sila sa Manager nila. Sa lagay pala hindi isa sa kanila ang manager ng Party Movers sa Cyber's kasi si MARK ang manager at si VINCE ang team leader mahirap daw kasi kung di member ang hahawak sa grupo madalas daw kasing di magkaintindihan dahil minsan nasisilip ang ginagawa at di nagagawa. . .
. . . Dumating sina Dado, Joey, Ricky at Rolly ( may work daw kasi si Abe) ng mga 3:30 sayang hindi makakapunta si Jon nung tinawagan ko wala naman daw kasing sinabi na pupunta sina Dado samin. Sabi ko umuwi na ng magkayayaan hindi na daw kasi sya makakatakas dahil nakita na sya sa tindahan nila... Kaya sorry bestfriend hindi you makakasama si Rolly. Una naming pinuntahan ang Record store nagparecord muna kami then naghanap na kami ng costume, nakasalubong namin sina kuya Jhun at Kuya Exor kaya sinamahan na kami dahil si Kuya jhun magaling sa tawaran he he he he. . . , halos nalibot na yata namin ang buong telahan ng taytay bago makapili yung apat hindi dahil wala silang nagutuhan kasi sabi ni Kuya jhun tingnan muna daw lahat saka magdisiyon kung saan mura na may parehong quality ng mahal he he he " good tip kuya Jhun" . . .
. . . Pauwi na kami ng biglang umulan kaya nagtakbuhan kami hindi ko nga alam kung saan sumilong sina kuya Jhun at Kuya Exor pagdating namin sa GDR. Si Joey nga sibukob na sakin yung Polo nya dahil baka daw magkasakit ako pero pinalipat ako ni Dado sa Polo nya dahil mas malaki daw yun. Nagtatakbuhan kami dahil palakas ng palakas yung ulan kaya hindi ko napansin si Jan, narinig ko lang yung boses nya kaya nalaman ko na nasa Video Shop pala sya nina Kuya Roel . . . " sige Sodel magpaulan ka. " sabi ba naman napalingon tuloy kami ni dado pero hindi kami nagtagal dahil yung ulan lumalakas kaya nagtuloy-tuloy kami. Mukhang mainit ang ulo ng gago . . . pero hindi ko yun pinansin malay ko bang mainit talaga he he he. . . After magpasukat ng costume sinamahan ako ni Joey na bumili ng tinapay kayna ka Gonsalo nakasalubong nga namin si Abet pero tiningnan lang kami mukhang mainit din ang ulo. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa mga AHO at ang lamig-lamig ng panahon eh umuusok ang mga bunbunan. Medyo patila na ang ulan pero nagdala parin kami ng payong ni Joey kinuha nga sakin ni Joey yung payong kasi makukuba daw sya kung ako magpapayong samin. When kuya Exor came sa bahay pasimple ko syang kinausap kung anong problema, wala daw yun wag ko daw intindihin pero sabi ko escortan nya kami dahil may naamoy akong di maganda. Nakita ko kasing nakakalat ang AHO at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. Wag na man po sana " ahhhh Jan, wag mo kong sagarin!!."
. . . Pero mukhang hindi nakinig sakin ang langit... nasa sakayan na kami at naghihintay ng Jeep ng magsulputan ang AHO kasama na si Jan. Una nakatingin lang sila samin pero syempre lalaki rin sina Dado at kahit ganun ang mga yun marunong din makipagbasag ulo. Kaya alam din nilang may mangyayari. Dado tell me na iwan na sila pero nungkang gawin ko yun, mapapatay muna ako ng AHO bago nila masaktan sina DADO. Nagsimula si Jan ng komusyon, ewan ko kung ano sinabi nya pero alam ko si Dado at Rolly ang target nya kaya humarang ako at ako yung tinamaan ng Lighter na pinasabog nya para kay Dado, naramdaman ko yung tama ng apoy sa binti at braso ko kaya napaaray ako pero nagawa akong ilayo ni Joey buti nalang umulan kaya basa ang lupa kung di nasunog ako. Gagong Jan yun ah, nakita kong nagulat si Jan dahil ako ang tinamaan pero mas lalo yatang kinagalit ni gago ang nangyari kaya sabi ko kay Ricky pumara na kahit na anong biyahe dumarami na kasi sina Jan, at alam ko kahit ako di ko mapipigil lahat ng AHO, pero humanda sila kapag may nasaktan isa man sa kasama ko. . . Dumating sina Kuya Exor at Boylie " kung totoo ngang nandoon sila para tumulong" pagsakay nina Dado at Rolly biglang lumusot si Jason (baba) at kita ko kung paano may tinamaan kyna Dado sa suntok nayun. Kaya lalo akong nagalit kung di ako na awat ni Kuya Exor ahhhhh papatayin ko ang hayop na yun, hindi ko alam kung si Dado o si Rolly ang tinamaan. Pero hanggang sa pag-uwi nagsisigawan parin kami ni Jan at ang mga Hayop na AHO bigla nagsiwala kaya lalo akong naginit kay Jan, kung ano-anong pinagsasabi keso sina Dado daw ang nauna dahil inangasan daw sya, keso nakakalalake na daw ahhh ewan hindi ko sya maintindihan. . . pagtapat namin sa bahay nina Abet bigla ba namang sinuntok yung bakod nasira tuloy pero wala sa mga oras na yun ang concern ko sa kanya na kayna Dado . Hinayaan kong magwala si Jan, kung ano mang dahilan nya wala na kong paki alam ang alam ko di nya dapat ginawa un dahil sya to'ng bf ko dapat sya to'ng nagproprotekta sakin at sa mga kaibigan ko . . .
. . .pinilit kong kontakin sina Dado sa bahay pero di parin dumarating pati yung cp ng manager nila pero wala rin ahhhhhh grabe na to' di tuloy ako masyadong nakapag-aral salamat nalang at friday at buti nalang rin tumawag si Icad para sabihing ok na sina Dado, si Dado pala ang tinamaan ni Jason kaya ayun galit na galit si Dado sa AHO.... at mas lalo akong nagalit.. . kaya nang lumabas ako binigyan ko ng masamang tingin kung sino mang nakita ko na AHO. . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
. . . Nagkasalubong kami ni Jan pero di ko parin sya pinapansin ni hindi ko sya tiningnan, pero mukhang sya pa tong may ganang magalit sakin at manakit dahil nagsimba ba naman ng kina LINGGOhan kasama si Abet at sina Marivic, ah ganun pala, sakitan ang labanan, kaya imbis na humupa yung galit ko mukhang lalo pa yatang gustong galitin. Pero hindi ako nagpahalatang apektado kahit na nasasaktan nanaman ako dahil imbis na ayusin ni Jan yung gulo mas lalong ginagawang komplikado. . . asa pa ba ako eh ganun si Jan, ako lang ang ayaw tumanggap nun. . . walang alam si Jan kung di ang mahalin at initindihin ang sarili nyang damdamin. . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . . Nagulat ako dahil nung umaga ng lunes nakuha pa kong ihatid ni Jan, pero sabi ko nga sayo kahit gaano kakapal ang maskarang suot ko at kahit gaano pa karaming bakal ang ilagay ko sa puso ko para lang maging matigas o kaya yelo para maging kasing lamig ng bato pagdating kay JAN balewala ang lahat ng yun . . . . pero this time naliliito ako hindi ko pa lubusang napatawad si Jan sa ginawa nia sa Tropa ko pero sinabi kong wag na nyang uulitin hindi ko alam kung para saan ang sinabi ko kung para samin, sa relation namin o para kayna Dado, dahil sa mga oras na yun nalilito ako kung bakit wala akong maramdamang pagpapatawad kay Jan pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil baka sina Dado ang mapaginitan. . . .
to be continue. . . .

No comments: