Sunday, March 2, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 68

♥+♥ . . . . Naglaboy kami nina Rocel isang hapon, nakaslubong namin sina Dennis, may bagong Video shop sa Halina kaya madalas kami roon tumatambay kasama sina Icay. Sira ulong Dennis at tulungan ko daw sya kay Icay pero tumanggi ako sabi ko "ayuko kong maging tulay at baka matulayan ako. " I know alam ni Dennis ang tinutukoy ko ay yung nangyari saming tatlo ni Jan. Biniro ko nga si Dennis sabi ko " hindi ka naman ba kasi gago bakit bigla mo kong isinuko ayan tuloy nasaktan lang ako" gagong IPIS kung gusto ko daw pwedi naman daw ituloy yung hindi naituloy pero humindi ako dahil sabi ko " ngayon pa eh bistado ko na karakas mo, mamaya nyan hindi lang magkaakibigan ang pagawayin mo kundi buong palengke na" dahil nag-away sina Icay at Lyca dahil sa KISS issue ayan magkakaaway tuloy yung magtrotropa, natatawang umalis lang si Dennis, bigla kasing lumabas si Icay at kinuwento ko kung anong sinabi ni Dennis sakin. ah... tingnan mo nga naman halos kelan lang muntikan na kaming magkabasagan ng mukha ni Icay pero ngayon see daig pa namin ang ang mgabestfriend hindi mapaghiwalay. Minsan sya ang nagpupunta sa bahay namin, kaya madalas kaming nagkakasama.
. . . . . Pauwi na kami ng makasalubong namin si Jan, nagkatinginan nga kami and sad to say nakaramdam ako ng kirot sa puso ko pero i think mas okei ang ganito kesa naman halos sa isang linggo walang araw na di kami magaaway. . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣
. . . . This past few days i admit namimiss ko si Jan pero nilabanan ko ang nararamdaman ko dahil ayukong sumuong nanaman ako tapos iiyak nanaman ako ewan ko kung ilang beses kong sinubukang sabihin kay Mark na wala na kami ni Jan pero sa tuwing iniisip ko na masasaktan ko si Mark kung sakaling hindi ko mapaglalabanan ang nararamdaman ko para kay Jan umamatras ako. Kaya nagpasya kong ganito muna, okei naman ako kahit na sa tuwing makikita ko sya nasasaktan ako, nahihirapan dahil kahit gusto ko syang kausapin hindi ko magawa. At sa tuwing magiiwasan kami hindi ko maintindihan kung bakit sumisikip ang dibdib ko dahil nasasaktan ako. Minsan tinatanong ko si Jan sa isip ko kung bakit maging kami o hindi nagagawa parin nya kong saktan. . . . ahhhhhhhhh baliw ka na nga KATHRINA baliwwwwww!!!!
♠+ ♠ +♠ + ♠+ ♠ +♠
. . . . . Why love is so unfair?, bakit hindi nalang tayo mahalin ng mga taong mahal natin, o di kaya matutunang mahalin natin ang mga taong nagmamahal satin. . . . Hindi rin ako nakatiis na di sabihin kay Mercy ang kalagayan ko ewan ko ba kung bakit nakasanayan ko na yatang gawing vacuum cleaner si Mercy, na tuwing may problema ako sya parin ang labasan ko ng sama ng loob kahit na alam kong mas mabigat ang problema nia kesa sakin. Ako masakit ang puso ko dahil nagmamahal ako pero si Mercy, may sakit sa puso dahil may sakit sya. ahhhhhhh ewan ang gulo ng mundo , ang gulo ng buhay unfair. . unfair and unfair. . ., Mercy advice me na kung mahal ko daw si Jan, balikan ko daw but sure to it na kaya kong tanggapin kung sino at ano si Jan. Wag ko daw hanapin si Mark kay Jan dahil kung si Mark ang hinahanap ko kay Jan malamang ako daw ang may problema at hindi si Jan. At kung ganun rin lang daw na hinahanap ko yung mga bagay na ginagawa ni Mark sakin kay Jan baka maybe si Mark ang mahal ko at bakit hindi nalang daw ako bumalik kay Mark. Inaaamin ko tama si Mercy, maybe i was so unfair not only to myself but also to Mark and Jan. Natatakot akong pumili dahil natatakot akong mawalan i'm so selfish, stupid and bastard.Hinahanap ko si Mark sa katauhan ni Jan hindi dahil mahal ko si Mark kundi gusto kong maging kasing sweet ni Mark si Jan at dahil sa ginagawa ko niluluko ko na ang sarili ko niluluko pa si Jan at si Mark ahhhhh stupid talaga ako,,,

♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . I try to clear my self. i try to make a decision na sana this time tama na ako. Sana this time i know what i want and what i love. Siguro nakatulong sa pagiisip ko ang mga sinasabi ni Mercy, kung may konti man akong pagaalinlangan sa naging disisyon ko maybe dahil sa takot na masaktan but Mercy told me that i dont need to afraid to hurt dahil nangangahulugan lang yun na nagmamahal ako.
. . . . naging busy sina Vince, Mark at iba pang Cyber sa darating na pasukan dahil mga First year College yung iba magdodorm dahil sa Manila magaaral like Lyca and Jaypee. Pero sina Vince at Mark maguuwian daw. I dont know kung bakit mas gustong maguwian ni Mark samantalang may bahay sila sa Sta.Mesa at mas malapit ang FEU dun. Anuhin ko na si Vince na isang oras lang ang biyahe mula Angono hanggang sa JRU. sabi ni Mark sya na ngalang daw ang anak ng mama nia hindi pa sya uuwi araw araw. Lalo na daw ngayong may balak mag L.A ang kuya Aaron nia para daw makatulong sa mga tunay na kapatid nito. Kaya madalas tuloy naghahanap ng makakausap si Mercy dahil hindi naman araw-araw nasa bahay nila yung tatlong pinsan nya. At isa na siguro ang hindi namin masyadong paguusap at pagkikita ni Mark para magdisisyon ako. Ewan ko kung baliw lang talaga ako o nagmamahal lang....

♣+♣+♣+♣ +♣
. . . . Nagkausap kami ni Jan sa telepono na nga lang dahil hindi ako makatakas. Wala kaming pinagusapan tungkol na sa kahit na sino o kung ano ang nangyari sa nakaraan. Basta ang importante masaya kami dahil kami na ulit. I give myself a chance na mapatunayang mahal din ako ni Jan. I just hoping nalang na hindi ako mali sa naging pasya ko, at kung may pagsisihan man ako sa naging desisyon ko kailangan kong harapin yun at alam ko na kasama sa dapat kong harapin ay ang tanggapin si Jan bilang sya at hindi bilang boyfriend na gusto ko para sakin....
to be continue . . . .

No comments: