. . . . i dont know kung bakit iba ang feeling ko this day, siguro dahil ito yung monthsarry namin na hindi kami nag-aaway. Tapos inihatid pa nya ko kaninang daling araw at binati pa nya ko ng monthsarry. Tapos mamaya magkikita kami kayna Jon kaya excited ako he he he. .
. . .. After Flag ceremony cut muna ang claase kasi may meeting de Abanse ang lahat ng koponan na naglalaban para sa Student Council Officers kaya may dance number sina Dado mamaya. I dont know kung talagang bwan ko lang ngayon kaya inihahain sa harapan ko lahat ng DYOS ang masasayang bagay. Hindi na kami madalas magaway ni babes, di narin kami parang aso't pusa. hindi na ko madalas pagalitan sa bahay kahit gabi na ko umuuwi basta tatawag lang ako na gagabihin higit sa lahat lalo kaming nagiging closed ng mga bago kong friends na sina Dado, Joey, Ricky at Abe katunayan nga mas lalo nila akong pinasaya dahil ang sinayaw nila kanina sa Meeting de Abanse ng EUGINE may mix ng "SOMEBODY" yung team song namin ng babes ko kaya happing happy ako. . .
. . . . . After ng meeting de Abanse back to normal na ang classes. At dahil nga sumayaw sina Dado, Ricky, Joey at Abe kaya puro mga pawisan ng dumating kami sa loob ng class room. Hay naku kawawang bestfriend Dado ko naiwan daw nya yung towel nya kaya nakiusap sakin na hiramin muna yung sakin, buti nalang ugali kong may extra towel kasi dati si Mark lagi nalang walang towel eh kapag nagprapractise laging pawis kaya nakasanayan ko nang magdala ng Extra. Pinahiram ko si dado ng isa kong towel ako narin nagpunas ng likod nya kasi sa sobrang laking lalake hindi maabot yung likod. . . . after 30 min nagumpisa na sa normal yung classes, of course umpisa nanaman ng kalukuhan nina James, Manuel at Argel buti nalang hindi ako kinakabagan sa kakatawa. he he he nang uwian na nagba-bye na ko kayna Joey, Ricky at Dadong hindi naman kasi sila masyadong closed kayna Jona, Mhaei at kahit kay Gerly. Si Rico naman after beso-beso na una narin kasi alam nia na may usapan kami nina Jon, Gerl at Mhaei kaya di ako sasabay sa kanya.
. . . Nasa 9111 na sina Jan, kuya Jhun at kuya Exor ng dumating kami sa Plaza ng Angono, pero bakit kulang wala si Abeth? may ginagawa daw kaya hindi na nakasama. Ah oo okei umandar nanaman ang katorpihan ng isang un! Naunang maglakad sina kuya jhun at Kuya exor kasunod ako, si Jan at si Jon, Sa likod namin si Mhaei, Gerly, Billy at si Nerry ( magkaaway pala sila ni Rico,) ipinakilala ko narin si Nerry kay Jan para naman malaman nya na totoong wala kaming relastion ni Rico bukod sa pagiging magkaibigan. Naging okei naman yung date namin, as if kung date na matatawag pero oo naman happy kami sa celebration ng 7th monthsarry namin kasi kasama namin yung mga friends namin. Saka mas ok na yung date na ganito atleast mahuli man kami wala silang masasabing ginagawa naming masama dahil grupo kami diba. . . .
. . . 5:30 na kami nakauwi, unang bumaba si Mhaei sa eglesia ni Kristo habang nasa jeep kami kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa mapadako yung paguusap namin ni Jan kay Joy, aminin man ni Jan o hindi i know theres something happened na hindi nya sinasabi sakin sa pagitan nila ni Joy but what ever it is tapos na yun ang importante i know that he loves me and i know na sya ang mahal ko. Paguwi namin may nakitang kaaway si kuya Exor, natakot nga ako dahil baka mapahamak si Kuya dahil pag nagkataon baka gantihan sya nun sapol na sapol pa naman nya sa mukha ng banatan nya. Kawawang pobre na dali sya ng kamao ni Kuya Exor he he he. . . Nagsorry si Kuya exor sakin pagkatapos dahil alam nia natakot ako at di dapat nia ginawa yun dahil bawal ang gumalaw sa kaaway o ang kaaway kung may babaeng kasama... Protocol un ng isang GANGSTER . . .
. . . Pero that day natulog ako na may ngiti sa mga labi he he he HAPPY MONTHSARRY BABES!!!!
♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
. . . .ITS Lyca's BIRTHDAY,.... JULY 25th kaya lang dahil may pasok last 25th ngayon lang ginanap. Syempre complete ang tropa (CYBER's) minus Mercy na sa balita namin last time ok na sya she just wait na mai-schedule yung operation nya. Madami ring taga MAYNILA na kasama si Lyca para i-celebrate yung Birthday nya kaya may nga sira ulo sina Andoy, alam mo na kapag ang lalake nakakita ng bagong babae syempre pasikat. Nalaman tuloy namin na may nangyayri sa likod namin ng di namin alam ( hey not the thing in your mind green minded ka naman agad) kasi may understading na pala sina Janeth at Andoy itong kumag mukhang nagpapaempress doon sa isang classmate ni Lyca sa CEU kaya nag walk out si Janeth dahil sa selos pero hindi naman nakalayo si gaga dahil sinundan naman agad ni Andoy pero hindi muna namin inilagay sa hot seat yung dalawa dahil baka maoffend yung mga kasama ni Lyca pero naku lagot si Andoy kay Jen, nagkataon pa naman na nasa party rin yung gaga tapos nangyari yun he he he lagot sya...... lagot ka sa kambal he he he paiyakin mo ba naman kakambal nia eh he he Patay ka Andoy!!!
. . . . Naging ok naman kami ni Mark kahit na i know minsan nagugulat parin sya sa tuwing umiiwas akong makapasolo kami, kaya minsan nga parang ako yung napapahiya dahil kailangan ko pang warningan si Mark sa ipinakikitang sweetness sakin lalo na at nasa Party rin si Haidie although sinabi sakin ni Vince na hindi naman daw nililigawan ni Mark si Haidie. . . maybe daw si Haidie ang nanliligaw kay Mark, baliw talaga to'ng mga lalakeng to' at akala pa porket yung babae ang laging nagpapakita ng motibo eh nanliligaw na he he he ewan ko hindi ko gawain un eh (talaga lang ha!). Mark want na sya ang maghatid sakin but i told him na sasabay nalang ako kay Micheal tutal naman iisa ang way namin tapos malapit pa bahay nila samin, pero umangal si gago, paano daw ako sasabay kay Micheal eh makikiangkas lang yun kay Ian pauwi, sabi ko edi tatlo kami sa motor gabi nanaman kasi at wala ng manghuhuli. Pero matigas ang mukong saan daw ako sasakay dun kung di daw malamang mahulog ako kung sa dulo ako sasakay o mas lalong di sya papayag kung sa gitna ako dahil masagwa daw tingnan baka daw makapatay lang sya, at sa ayaw sa gusto ko si Mark ang nasunod na maghatid sakin dahil sinigundahan na ni Vince na talagang di ako pweding makiangkas kyna IAN at baka kung hindi maaksidente kami eh magkagulo pa , , , , sabi ko nga. . . . Paguwi ko sa tapat na ng bahay ako ibinaba ni Mark, at kahit alam kong uminit ang ulo nya dahil sa agrumento kanina eh napatawa ko rin yung tukmol nang sinabi kong "yngat sa pagdidrive dahil baka mabangga sya kakaisip sakin . . he he he" biro lang yun but i know totoong ako ang iniisip ni Mark dahil Micheal told me na napagusapan ng Cyber's yung pagiwas ko kay Mark, at kahit sila agree sa naging disisyon ko dahil hindi talaga makakapag move on si Mark kung di ako ang lalayo. Sana nga lang maging madali para sa kaya, , , ,hindi pa tuluyang nakakaalis si Mark ng makita ko sina Owel, 5-6 at Bong na tumambay sa kanto ng GDR kaya sabi ko kay Mark "sige na gabi na". Kita nalang kami sa susunod na may time. I know Mark got the messages na kailangan na nyang umalis dahil hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko yung tingin ni Bong samin, malamang hindi e may sa dimonyo yun eh. Kaya hinintay kong makaalis si Mark hanggang mawala sa paningin ko yung motor niya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman siguro madaldal yung tatlong yun , , , hay buhay!!!!

to be continue . . . .
No comments:
Post a Comment