Tuesday, March 4, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 79

♠♥ ♣ . . . . I'm happy but i am also sad. Happy ako kasi three days pa birthday ko pero ang dami ng bumabati sakin. Syempre yung mga friends ko lalo na si Rico araw araw yata mula ng mag JULY araw-araw na kong binabati he he he he. . . . sad ako kasi wala si Mercy, sayang ito pa naman yung first birthday ko na makakasama ko siya. Grabe no ang bilis ng panahon next month siguro kung di kami nagbreak ni Mark 1 year na kami he he he and speaking of him masaya ako for him wala man silang sinasabi i know masaya sya with Haidie, kahit na i feel some kind of jealous ok lang yun natural lang yun dahil ex nia ko mawawala rin yun kapag nasanay ako. Isa until now may tampuhan pa kami ng babes ko. I know this time ako ang may kasalanan kaya ng ako gumagawa ng paraan para magkabati kami eh.

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . . Hindi ko alam kung talagang bwan ko ngayon at sinuswerte ako ng swerting swerti o talaga lang itinakdang magkita ulit kami ni Love ( LOVE RAVIGAYE ESPIRITO) although tuwing pasko simula nang grumaduate kami ng Elementary eh nagkikita naman kami. But this time talagang sinadya nia ko. Ang dami naming pinagkwentuhan at maniwala ka at sa hindi classmate pala sya nina Icay at Lyca pero ang masama eh kasama nya si Joy at kasama pa yung boyfriend daw na ANGEL ang pangalan. Syempre naman hinarap ko si Joy di man ako bastos no saka tapos na yun bestfriend na nga kami ni Icay pero hindi kasali si joy dun napilitan lang akong kausapin sya dahil kasama sya ni Love.
. . . . Hanggang ngayon may L.Q pa kami ni Jan pero nagsosorry nanaman ako ah ayaw lang nyang tanggapin ewan ko ba dun he he he naloloka na nga ako kung anong gagawin ko para mapatawad nya ko eh tuloy iniisip ko di na nya ko mahal ( bakit naramdaman mo na bang mahal ka nya).
. . . . . Nagkwentuhan kami nina Kuya exor, Argel and Bong sa bahay tapos sumunod sina Jon, Gerl and Mhaei nauna na kasi akong umuwi dahil ang sama ng pakiramdam ko. Nakasabay ko nga si Chris kanina. Nabanggit nya na may practise yata sila mukhang nakabawi na si Vince sa mga nangyari kaya naguumpisa na ulit na bumangon ang Cyber's. Buti naman yun para naman hindi masayang yung halos apat na taon na pinuhunan nila. tinanong ko kay Kuya Exor kung nasan si Jan nagtratrabaho daw kasama si tony at itinuro pa sa akin na nasa bubong yung dalawa, napairap tuloy si Gerly dahil nag hi si tony. ewan ba sa dalawang to'. sabi ko kay tony gusto kong makausap si Jan , mamaya nalang daw dahil may pinagagawa pa sa kanila.
. . . . Paguwi ng three bestfriend ko kasama kong maghatid sina kuya Exor, Tony, Argel at Jan. nang makasakay na sina Jon tinanong ni Kuya exor kung maguusap pa kami ni jan pero nagbago na isip ko dahil nakita kong nakasimangot si Jan. Kaya sinabi kong wag nalang alam mo ba na hindi ko inaasahang sasagutin ako ni Jan na pabalang patawag daw ako patawag wala naman daw pala kong sasabihin. Sabay layasan ako. hindi ko alam kung paano ko napigilang wag umiyak pero talagang maiiyak na ko sa galit at sama ng loob. . . pero hangal, gago at tanga nga ako dahil matapos akong saktan nasabihan lang ako ng "SORRY" kinabukasan wala tapos na bati na ulit kami. ahhhhhhhh ewan. . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . Disperas ng birthday ko, kanina sa school binati nanaman ako ni Rico, halos araw araw na kong binabati ng tukmol nayun, then sina Carol, James, dadong, Manuel, at iba pa. Kaya ang saya ko nga eh. Inimvite ko sila para sa kunting paryy bukas pero hindi sure yung iba kaya kung sino nalang ang makakasama edi ok. . . . Sa Cyber's naman sinabihan ko nalang si Chris na sya na magsabi kayna Janeth, pero tatawag na rin ako para mag invite din kaya lang wala yata kahit isang available sa kanila dahil may gig daw sa Tayuman ang mga mukong. May sinagutan daw kasing booking si Vince kaya mukhang malabo pero try daw nila kahit titatira nalang daw ok na sakanila. Ugok talaga yung mga yun' I try to call Mark pero sabi ng maid nila nasa labas daw at di pa bumabalik ah siguro kasama si Haidie. . . kaya pinasabi ko na balikan nalang ako ng tawag pero nakatulog na ko kakabantay sa phone wala akong natanggap na tawag mula kay Mark bigla tuloy sumama yung mood ko. . . .
. . . . but napagisip isip ko siguro nga mas ok na tong' nangyayari samin ni Mark ang magkaroon ng rason para hindi kami magusap, siguro nga ok na na magalit kami sa isat isa para tuluyan ng maputol ang ugnayan namin. Para kasing kung magiging magkaibigan kami at malapit parin sa isat-isa hindi kami parehong makakapagmove on lalo na sya. Ayukong ikulong si Mark sa isang relasyong walang kasiguraduhan atleast kung kay Haidie sya alam nya kung saan sya nakatayo at makakasiguro syang mahal sya, hindi katulad ko nagmamahal ng iba pero natatakot na mawala sya... ahhhhhhh Mark bakit ba hindi nalang ikaw?????????????????
to be continue,. .

No comments: