♠+♥+♣ . . . Isinama ko sina Ricky, Joey, Dadong at Abe sa bahay. Gusto daw nilang malaman yung bahay namin saka alam daw nila na madaming telahan sa Taytay kaya magpapasama narin daw sila. Ipinakilala ko rin sila sa Tita Adie ko dahil doon kami nagpapatahi kapag kailangan namin ng costume . . . Himala ng dumaan kami walang mga babeng pakalat kalat, buti nalang baka kasi maaswang pa yung mga kasama ko. after ng mieryenda naglibot na kami para mamili ng tela. Pati nga pagrerecord nakapag parecord na kami, hindi ko tuloy maiwasang maisip ang Cyber's biruin mo dati ganto rin ang ginagawa namin ang magcambas ng tela for costume at magrecord ng kung ano-anong kanta para sa sayaw nila. Yun nga lang sa mga high profile na telahan at record store kami nagpupunta hindi katulad ngayon sa Party Movers jan lang sa tabi-tabi pero okei lang as long as masaya kami pare-pareho. Puro biro ba naman sina Dado at Joey, okrayin ba daw lahat ng panindang mahal he he he baliw . . .
. . . Nang ihatid ko sila nakasalubong namin sina Jan at Abet, nginitian ko lang si Jan then pagbalik ko nakipagkwenthan ako ng konti, nagtatampo nga at hindi ko manlang daw sila pinakilala sa kasama ko. oo nga pala nakalimutan ko kasi dahil ang dami naming pinaguusapan ni Joey about doon sa pinsan nya na taga kabilang karsada lang daw . . .
. . . . kinagabihan dumating si Icay, chitchat talk kami about Dennis at alam mo ba na talaga palang na broken hearted sakin yung ungas na yun' inamin daw ni Dennis kay Icay yun' pero imbis daw na magselos si Icay hinangaan padaw nya si Dennis dahil alam nya kung paano daw magmahal ang isang IPIs este Dennis pala he he he. ( wow sweet naman) Masaya ako dahil i know nabigo ko man at nasaktan si Dennis at least now he found ICAY at alam ko magiging masaya sila dahil they both love each other wag lang magloloko si Dennis he he he . .
♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
. . . Pagdating ko sa school kwentuhan kami nina Ricky, Joey at Dado about sa nangyari kahapon sa bahay okei daw siguro madadalas daw sila roon. Buti naman, naiinggit nga sina Teresa dahil hindi nakasama umuwi kasi sila kaagad. Ewan ko kung bakit di ko nakasabay sa recess ang GEKAJOM, si Gerly nakita ko sina Vangie ang kasama si Jon at Mhaei hindi ko parin nakikita. Pero sandali ko lang ako sa loob ng classroom may inatinand kasi akong seminar about sa mga anak ng OFW at DH kaya nagkita pa kami ng kapatid ko sa seminar.
. . .Paguwi ko nabadtrip ako dahil nalaman ko sa mga pinsan ko na naghizing kahapon ng mga babaeng AHO at ang masaklap ang mga babaeng MERALCO pa ang mga bagong AHO, hindi ko man gustong magalit pero nakaramdam ako ng pagtatampo kayna Abet, Kuya Exor lalo na kay Kuya Jhun dahil sya yung founder, bakit ganun kami nina Jon, Mhaei at Gerl ang una nilang nakilala dapat samin nila unang inalaok na magtayo ng sorosity ang AHO pero ang masaklap magtatayo lang sila ng Female version ng AHO puro mga walang kwenta pa ang member eh kung ganun rin lang okei lang wag maging AHO hindi namin kailangan ang title nila noh! Kaya pala walang umaaligid na mga langaw kahapon ng dumaan kami ng Party Movers dahil kasalukuyang naghahazing sila. Ang tanong anong klasing Hazing? HIRAP O SARAP? pareho rin namang di maganda kahit anong piliin nila, pero hindi sila ang concern ko si Jan kaya kasama sa mga nagbigay ng hazing??????? ahhhhhh naku wag ko lang malalaman talaga naman malilintikan ka sakin JOHN RAYMOND SANTOS..........
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . . This morning napansin ko na hindi na ko masyadong nilalapitan ni Jerson, kahit na noong nagdaang linggo, lagi ko nga syang nakikitang nasa section 7 kasi nandoon sina Patpat at yung iba nyang kaibigan. Kaya nung break time lumapit ako sa kanya dahil nakihiram ako ng pensil dahil alam ko sya lang meron dahil draftting sya. we talk for a while at napansin ko na hindi sya makatingin sakin ng diretso kaya i told him kung bakit parang ilag sya sakin this past few days at mukhang iniiwasan pa nya ko. He say na wala lang daw. Pero i know there something wrong kaya kinulit ko ng kinulit si Jerson malay ko bang naririnig kami ni Juanito at pobreng gago ginalit ba naman kami na ang sweet daw namin ayan tuloy biglang namula si Jerson pati tuloy sina Manuel at Argel makisali narin sa panggagalit samin. Si Rico naman nakatingin lang alam ko kung nakakamatay yung tingin na yun kanina pa kami bumulagta ni Jerson. Natigil lang ang pangaalaska samin ni Jerson ng dumating na si Mam UNO teacher namin sa Math. . . . ayan tuloy di ko nalaman yung sagot ni Jerson dahil halata namang iniiwasan na nya ako fater that . . .
♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . Pag-uwi ko nakasalubong ko sina Dennis, Indoy Glenn at isa sa mga Meralco girl.... umandar nanaman ang pagiging maldita ko kasi hanggang ngayon asar parin ako kayna kuya sa paglalagay ng sorority ng AHO kaya ng dumaan ako sa harap ng mga hinayupak sinadya kong banggain yung babae na pa ARAY nga yung gaga dahil talagang sinugurado kong tataman sya sa gilid ng katawan at maapakan ko pa sya. Pero ni hindi ko nga nilingon kahit ng sinabing masakit daw iyon, lihim nalang akong tumawa sa sarili ko. At kahit na di ko lingunin alam ko natahimik sina Dennis, Indoy at Glenn. Sapat na siguro yun para maging sign na hindi ako agree sa mga ginagawa nila hmpppp di pa kami tapos umpisa pa lang yan , , , ,
. . .. pagkabihis ko lumabas ulit ako para bumili ng pambalot ng regalo malapit na kasing matapos ni Rico yung pinapadrawing kong monthsarry gift para kay Jan bukas 8th monthsarry na kasi namin. Sinubukan kong hanapin si Jan kayna Abet para magpasama pero hindi sya yung nakita ko kung di yung girl na binangga ko kanina at sina Gleen, Dennis Indoy at Granth parin. Nagtaka nga ako dahil nagpaparinig si Indoy ng "ARAY... ARAY... " bigla tuloy akong natawa alam pala ng mga herodes ang ginawa ko. . . sabi nga ni Diko (Glenn) ulitin ko raw aba chinachalange nyo yata ako, edi gagawin ko nga pero hinawakan ako ni Diko sa braso at inawat dahil susugod nga ako. Tumulong narin si Dennis at sinabing sya nalang daw sasama sakin sa Ever para bumili ng bibilin ko. . . .
. . . . Habang naglalakad kami ni Dennis papunta sa Ever Food Mart syempre nagusap kami, nagkwebtuhan about ICAY alam kong iniwasan ni Dennis na mapunta sa mga babaeng MERALCO ang usapan. Pero mahigpit ang bilin kong wag sasabihin kay Jan yung tungkol sa gift ko dahila napilit nya kong aminin kung ano ang ibabalot ko.
. . . . Pqag-uwi namin nasa tambayan na si Jan pero nakasimangot malay ko kung bakit, kaya di ko nalang pinansin baka kasi may "SOMETIME o TOYO " kaya ganun he he he. . .
to be continue . . . . .
No comments:
Post a Comment