Sunday, March 2, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 67

♠+ ♠ 5th MONTHSARRY. . . 1ST BREAK -UP ♠ +♠

. . . Hintay ko munang magising sina lola para kung sakaling magtatagal kami ni Punggay kayna Kuya Jhun hindi ako hahanapin dahil kung sasabayan ko ng alis ang tulog nila at magising sila malamang hanapin ako kapag nagising sila. Dumating pa rin naman kami ni Punggay sa oras nandun na si Jan, iniwan kami nina kuya Jhun at Pungay sa sala. Mahabang sandali pa ang lumipas bago ako nagkalakas ng

loob na mag-umpisa. Inumpisahan ko iyon sa pagbabalik sa kanya ng regalo nya sakin noong Valentines day. Sinabi nyang bakit daw, ang sabi ko "ibinabalik ko na yang kalahati ng puso mo para hindi ka na mahirapan sa kakaselos ko, dahil wala naman akong ginawa kung di ang magselos." Hindi ko alam kung bakit ng umiyak si Jan wala akong naramdaman pinilit kong kapain ang damdamin ko, hinahanap ko yung pakiramdan na maramdaman kong nagsisisi ako dahil sinasaktan ko si Jan pero wala ni ang pakiramdam na humanga dahil umiiyak sa harap ko ang isang lalake katulad ni Mark hindi ko maramdaman ewan ko kung bakit, hindi ko alam kung paano naging bato ang puso ko ng mga oras na yun. Kaya bago pa muling matunaw ang bato kong puso, iniwan ko na si Jan at nagpaalam na kami ni Pungay kay Kuya Jhun. . . .
♥+♥+♥ . . . Isa man sa Cyber o sa AHO wala akong pinagsabihan ng nangyari samin ni Jan. Kung may nakakaalam man sa AHO maybe si Jan ang nagsabi sa kanila o baka nalaman nila kayna Kuya at Pungay. Basta tumahimik nalang ako kung ano man ang naririnig ko tungkol sa kanya hindi ko na pinansin, ni hindi ko gustong marinig. I make sure na hindi ko babawiin ang naging disisyon ko at hindi ko hahayaan na maging tanga ulit ako,,,,,, pero ewan ko ba kung bakit namimiss ko agad si Jan kung bakit sa tuwing lalabas ako hinahanap sya ng mata ko ahhhhhh baliw na nga talaga ako. Pero pinilit kong labanan ang damdaming un alam kong di ko dapat isipin un.... ayuko na at ayuko na . . . .


♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . halos isang linggo na kaming break ni Jan, well I'm proud to my self dahil nagawa ko yun pero ewan ko kung bakit hindi parin ako masaya. Ibinuhus ko ang oras ko sa mga pinsan ko, minsan pati pagpunta sa halina ginagawa ko na kaya mas lalo kaming naging closed ni Icay, ay naku sira talaga tong' si Icay halos isumpa si Dennis ewan ko kung ano ang pinagawayan ang pagkakaalam ko dahil nalaman ni Icay na nakipaghalikan si Dennis kay Lyca ahh grabe talagang hindi ko pinagsisihang hindi ko sinagot si dennis sakin man nya gawin yun noh hindi ko lang sya isusumpa. . . . Nagpagupit na rin ako ng buhok hanggang balikat nalang yung dating hanggang likod kong buhok. Ewan ko ba wala lang para kasing kapag nagpabawas ako ng buhok pakiramdam ko nabawasan rin yung dinadala kong bigat sa dibdib. Para kasing naalala ko lang si Jan sa tuwing magsusuklay ako. . . . .

♠+ ♠ +♠ + ♠+ ♠ +♠
. . . .. Nagswimming sina Lola at yung mga dragon sa Laguna kaya may time akong tumakas. Iksakto naman at may laban ang Cyber sa basketball kaya nagpasundo ako kay Mark. Naglaban sila sa Phase II kainis nga talo kami banas. Pero okei lang yun madami pang time para bumawi sa July pa naman ang Championship at un palang ang unang talo ng Cyber's. Kyna Vincent na kami nagpahinga after that game dahil masmalapit lang doon ang bahay nila. Nakaramdam yata ng pagod si Mark, kaya nagyayang umuwi na kami buti nalang magaling na talaga ang braso ng tukmol bago nagumpisa ang paliga kaya nakakapaglaro na sya ngayon. Akala ko ihahatid na ko sa bahay dahil sabi nia uuwi na daw kami ayun pala sa bahay nila kami uuwi. Maliligo lang daw sya kaya iniwan ako sa kwarto nia. Mukhang pati ako napagod dahil nakaramdam ako ng antok samantalang nanood lang ako ng tingnan ko yung relo sa dingding mag-aalastres lang pala. Grabe buti may bubong yung gym sa Phase II dahil ang init. Ang balak ko lang sumandal sa cardboard ng kama ni Mark dahil parang inaantok ako pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako ng maramdaman kong may humahatak sa ulo ko si Mark pala yun. Iaayos daw nya kasi ako sa pagkakahiga baka daw mangalo ang batok ko. Ahhh ang tukmol kahit kelan oo lagi nalang ako ang inaalala. Pero imbis na umayos ako sa pagkakahiga sa kama humiga ako sa kandungan ni Mark at humarap sa kanya. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko basta ang alam ko kailangan ko ng isang yakap ng sandali yun and Mark didn't hesitate to give that hug habang nakahiga ako sa katawan nya. Kahit gusto kong umiyak hindi ko ginawa siguro naalala ko lang yung sinabi nyang kapag nakita pa nya kong umiiyak babawiin na nya ko kay Jan, ewan ko ba kung bakit natatakot akong bawiin ako ni Mark kay Jan samantalang puro sakit lang naman ang ibinibigay sakin ni Jan, at saka wala na kami hindi na ko kailangan kunin ni Mark pero katakatakang hindi ko yun masabi kay Mark. Mark asking kung may problema ko pero iniling ko lang yung ulo ko at sinabi kong namimiss ko lang sya, that witch na totoo, na mimiss ko naman talaga si Mark lalo na kung paano nya ko yakapin ng ganung kahigpit dahil ni minsan Jan didnt give that hug to me or maybe kahit na ano mang bagay na makakapag sabi sakin how much he love me, dahil bukod sa holding hands at kunting oras na kasama sya iyon lang ang masasabi kong maganda sa alaala namin ni Jan. Mark told me na kung gusto ko matulog muna ako dahil kung sa Laguna daw nagpunta mga lola ko malamang mamayang gabi pa daw balik nun pero sinabi ko nawala na yung antok ko sa lamig ng katawan nya yakapin ba naman ako ng bagong paligo tapos naka boxer short lang at tumutulo pa yung buhok niya edi nagising na nga ako he he he. Ang tukmol at mukhang iba ang iniisip sa sinabi ko kaya biglang kumalas sakin at sinabing wag daw akong panukso dahil baka daw hindi sya makapagpigil, eh ako namang gaga mangaasar. lumuhod ako sa kama para makapantay ko sya habang nakatayo, ikinawit ko yung dalawang braso ko sa leeg nya at kinuskos ko yung ilong ko sa ilong nya. At sapat na yung ginawa ko para mamula si Mark, pero syempre nagbibiro lang ako kaya after kong makitang natigilan si Mark tumayo na ko at lumabas sa kawrto ni Mark sabi ko hihintayin ko nalang sya sa sala. Hindi ko pa lubusang naisasara yung pinto ng marinig kong sumisigaw si Mark.." Ahhhhhhh KATHY, papatayin mo talaga koh" kaya tawa lang ako ng tawa habang pababa ng hagdan. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko kahit alam kong masama ang ginagawa ko dahil pinaglalaruan ko ang damdamin ni Mark, pinapaasa ko sya pero wala naman akong sinabi sa kanya na kahit ano and i know Mark he knows kung saan ang limit namin. Alam nya ang boundery kung ano mang meron kami. Hindi kami pero hindi lang kami basta magkaibigan. He still know na may BF ako at alam nia kung saan sya lulugar at ako??? ah hindi ko alam dahil hindi malinaw sakin kung sila na ni Haidie pero as long as walang Haidie at walang pumapalit sa pwesto ko ako parin ang nagmamay-ari kay Mark. " selfish no pero iyon ako, ganito ako at alam ni Mark iyon."
to be continue . . .

No comments: