Tuesday, March 4, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 78

♠♥ ♣ . . . Wow its my MONTH, ano kayang mangyayari. fifteen na ko thi year he he he TANDA NA! joke . . . how i wish maging colorful " mas lalo " ang life ko. Kahit naman papano i like what i have now kesa yung time after daddy's death. Hindi pa kami masyadong nakakausad sa trahedya but i know times come tuluyan na rin kaming makakarecover . . . my only one wish every my birthday came " I want to celebrate my birthday to some one that i want to be with me forever, my DAD. i know it is imposible but yet yun parin yung wish ko to be with my DAD forever."

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

♥+♥ . . . . . DISPIDIDA ni MERCY . . July 3, kasi ang alis nya kaya we celebrate her dispidida kahit na may pasok bukas kaya light lang ang inumin " nila " ofcourse malamang painumin ako ni Mark lalo pa ngayon may cold war kami. Si Jaypee ang sumundo sakin kanina eh. Dumating sila ni Lyca ng sabay kaninang Lunch ako naman tumawag kay lola sabi ko birthday ng classmate ko. Kahit sinabing umuwi ako agad, oo lang ako ng oo he he he. . . It's suprise dispidida kaya hindi alam ni Mercy, gulat nga si gaga dahil nalaman namin yung flight nya. Ayaw daw nya kasi ng iyakan pa kaya ayun after noong last na magkausap ang tropa balak nalang daw nyang magpaalam sa phone pero hahayaan ba naman yun nina KAMBAL kaya yun my party kahit na biglaan. Hindi lang CYBER's ang nasa party nandoon rin yung mga kabrod nina Vince na 3G pero yung closed lang sa kanila at naging friend narin ni Mercy, hindi naman ako closed sa mga yun, the first time ko silang makita sa party ni Jen and Janeth at nang gabing yun kung bakuran ako ni Mark talagang di sila makakalapit he he he saka wala sa usapan nila na pweding sumali ang CYBER's na babae kahit anong pilit ni Catherine he he he ewan ko ba dun kay Cath hindi ko talaga alam kung tomboy nga o ano. Saka gusto mo bang patayin ako ni kuya EXOR kapag nalaman nun na magiging 3G ako he he he and Mark didn't agree that idea makikipagpatayan yun kapag may nakahawak isa man sa 3G sa mga babaeng CYBER's. Saka sa pagkakaalam ko iba ang hazing ng mga babae sa lalake sarap o hirap pareho lang hindi maganda kaya wag nalang he he he. . .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣

. . .. Until that time hindi pa kami nakakapagusap ni Mark, aaminin ko humupa na ang galit o tampo ko kaya nga naupset ako na si Jaypee ang sumundo sakin sa school at hindi sya. Sabi ni Jaypee may ginagawa daw si Mark kaya sya na sumundo sakin. Nakita ko na sya kanina kaya lang kausap yung mga brod nya kaya kayna Mercy ako nakiumpok. Until dumating sina Shelvie, Sherwin at Martin "wew gwapo talaga ni Sherwin oo sayang naging TDT ka he he he" inasikaso nung magpipinsan yung mga bagong dating kaya napilitan akong hanapin si Mark, gagong iyon wala yatang balak na kausapin ako. Kay Vince ko sya unang tinanong at sinabi sinundo daw si Haidie, hindi ako nagpahalata kay Vince na nagulat ako o kahit manlang nasaktan kaya nakiumpok nalang ako kayna Cathy, oo aaminin ko nasaktan ako pero ayukong bigyan yun ng ibang kahulugan at hindi ko gustong ientertain yung feelings na yun. Pero hindi rin ako uminum kahit i know i need that. Nasasaktan ako hindi dahil mahal ko si Mark i hurt dahil nagseselos ako mahirap ipaliwag pero iyon na yun, pero hindi ako nagalit kay Mark at wala akong karapatang magalit, una dahil hindi dapat pangalawa siguro time na para sya naman yung maging masaya. And im so glad kasi nagtagumpay akong itago yung selos na nararamdaman ko kahit na dumating na sina Mark at Haidie. After makipag hi and hello inabala ko nalang yung sarili ko sa pagsali sa games nina Cathy. 9 pm na ng magpaalam ako kayna Mercy pero hindi ko na inabalang sabihin kay Mark, mukhang na kay Haidie ang buong attention nya kaya hinayaan ko nalang si Andoy ang maghatid sakin pero binulungan nalang ni Mercy na wag maingay. Andoy asked me kung may problema kami ni Mark but i told him wala. I know hindi maniniwala si Andoy at alam kong mangungulit yun pero inunahan ko na sya na ok lang ako and i think he got the messages na ayukong pagusapan.

. . . . Syempre paguwi ko katakot-takot na mura ang inabot ko he he he sanay na ko doon basta importante nagsaya ko bago ako namura. . . . Hindi ko gustong masaktan pero aaminin kong may bahid na sakit ang gabing iyon. Basta isa lang nasa isip ko ang umasa na pagbalik ni Mercy magaling na magaling na sya at pwedi na syang mabuhay na normal, yung wlaang bawal to' at bawal yan.

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥

. . . . . Nagpunta sina Gerl, Mhaei and Jon sa bahay after class, talagang malaya kami this year dahil nga sa oras ng pasok namin he he he he he ok naman yung lahat nagkwentuhan kami kasama sina Kuya Jhun, kuya Exor, Lole at Makie ( Bosyong pinsan ni AMA). Kaya lang hindi ko alam kung sad nga bang new to' o ano. Nakipagbreak na kasi si Gerl kay Tony i dont know kung bakit basta nalaman ko nalang na yung binigay ni Gerly na notes kanina kay Tony eh break-up notes pala, hindi naman halata kay Tony ang nabroken hearted lalo na kay Gerly kaya ayun wala manlang nagtanong kaya wala kaming alam kung ano ang reason. . . .


♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣

. . . . Araw nang alis ni Mercy pero sina Vince lang ang nasakama paghatid sa Airport tumawag nalang ako kanina bago pumasok, alam mo na hindi ako pweding umabsent Teacher ko kaya si Tita kaya hindi ako makakapagcutting. At hindi ko gawain un noh. At siguro makakabuti narin yung pag-alis muna ni Mercy "para sakin ah" kahit papano may way para hindi ako pumunta sa Villages. Nagpasya na kong iwasan si Mark bago pa may mangyari sakin na hindi ko gusto.

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

. . . . After school ugali ko ng matulog kahit hapon na kasi para may lakas akong magpuyat sa paggawa ng assignment. Paggising ko tinawagan ako ni Vince pumunta daw ako kyna Micheal dahil may ipinaabot si Mercy, nakalimutan daw ibigay nung dispidida. Paglabas ko at pagdaan kyna Abet nakita ko si Jan, nihiram yung Slum book ko sasagot daw kasi si Kuya Jhun, kaya bumalik muna ako sa bahay, malaya ako makalabas kapag ganung time wala kasi ang mga dragon nasa tahian pa. Pagbalik ko Jan asked me kung saan ako pupunta (naku patay) sabi ko may bibilin lang ako, "sama daw sya" pero sabi ko wag na sandali lang naman ako. Alam kong pagmumulan nanaman ng tampuhan namin ni Jan ang ginawa ko pero mas okei na yun kesa naman magkagulo kapag sinama ko sya kyna MICHEAL eh kasama kaya ni Vince si Mark di man nun sabihin narinig ko yung boses sa back ground.

. . . .. Pagdating ko sa bahay nina Micheal hindi lang si Mark at si Vince ang nadoon kasama nila si Haidie at si Cath pero syempre kahit nagulat ako hindi ko pinahalata. After na ibigay ni Vince yung letter sakin nagstay muna ako kahit sandali para hindi naman obvious na umiiwas ako kayna Mark at Haidie. Nakipagbatuhan pa nga ako ng biro kayna Cath at Micheal. Sabay-sabay na kaming umalis sa bahay nina Micheal pero hindi na ko nagpahatid sa kanto ng GDR alam kong nadoon sina Jan baka mamaya sinundan pa ko lalo ng malintikan. Nagawa ko pang kumaway sa kanila kahit na hindi ko gusto. Basta ewan ko . . .

. . . . pagbalik ko wala ng kibo si Jan kahit nang naguusap kami ni Abeth sa harap nia alam ko kung bakit pero wala akong sa mood na makipag agrumento sa mga oras nayun. After noon umuwi ako at ginawa ko ang gawaing bahay tapos nagpahinga ng kunti at tumambay sa tambayan nina Rocel, nakipagkwentuhan ng konti at nang inutusan kaming bumili sa palengke ng itlog nakasalubong namin si Jan pero hindi man lang kami pinansin " ah sabi ko na nga ba" pero kesa ang patulan ko ang init ng ulo nya baka lalo kaming di magkaayus dahil mukhang sumasakit din ang ulo hinayaan ko muna si Jan, saka na ko makikipag-usap kapag clear na ang utak ko.

to be continue . . . .

No comments: