♥+♥ . . . Today iba ang feeling ko , noong first year ko tila ayaw umapak ng paa ko sa ANHS, noong Second year medyo nakakadjust na ko, may kunting usad hanggang unti-unti ko nang tinanggap na ito na yung bago kong pangalawang tahanan at ngayon 3rd year na ko, hindi pa man tumutunog ang alarm clock ko sa bahay excited na kong pumasok kasi makikita ko na yung mga Friends ko ay syempre may laya nanaman akong tumakas although minsan hindi ko na kailangan dahil basta tungkol sa school at nagpapaalam ako pinapayagan ako ng lola ko unless may toyo at walang pera. . .. ahhhhhh sana lagi nalang may pera.
♥+♥+♥+♥+♥+♥
. . . . . Kasabay kong pumasok yung dalawa kong pinsan na First Year sina Ashlee at Ardie pati narin yung bestfriend ni Ash na si ANDOY. Una kong nakita sa school si Jerson (JERSON ABAO) thanks God magclassmate parin kami. Tiningnan ko yung school list section 9 ako, nakakainis alam mo ba kasali ako sa top 10 last year tapos ako nasa section 9 samantalang yung mga ugok kong classmate nasa section 6 at 7 ahhh ayuko na talagang maniwala sa grading sheet asar . . . Pero ok lang classmate ko naman si Billy eh ( remember yung tropa ko ng Elementary) saka mukhang marami rin akong kakilala sa section ko pero hindi ko closed pero malamang maging closed ko... ako pa!!! Bago mag-flag ceremony nakita ko na ang GEKAJOM, si GERLY classmate ko pala hindi ko lang napansin ang name nia he he Jerson kasi eh nagsisimula nanaman. si Jon section 10 and si Mhaei section 5 kitams si Mhaei section 5 eh masmataas yung averages ko sa kanya kainissssss talaga . . . .wish ko lang may magandang hatid sakin ang pagbaba ng section ko katulad last year kahit bumama ang section ko naging happy naman ako. aanhin ko yang taas ng section na yan number lang yan importante masaya ako. he he he he. Si Rico section 8 kasama yung bestfriend Billy nya kaya nga sad eh pero okei lang magkakalapit naman kami ng room eh ayus lang yun diba Bestfriend!!
. . . . After flag ceremony syempre hindi pa regular ang classes pero nasa loob na kami ng calssroom. Magkakwentuhan kami ni Billy.. kasi kapit bahay din nya sina Icay kaya nasa GDR ang utak namin until pumasok si Mam Santiago ( un ang pagkakatanda ko na adviser ng section 9 ah di ko sure) tinawag yung matataas ang averages para lumipat sa kabilang room and sad to say isa ko roon he he he hindi kasama ko si Gerly and Jerson, ( hmp sayang ang dami pa namang gwapo sa section 9 he he he he) Paglipat namin sa section 8 wew ang hinayupak kong bestfriend ang sayasaya kayalang medyo maypagka strikta yung teacher kaya hindi ako nakalapit kay Rico. Kaya doon ako tumabi kay CAROL (CAROL CUBELIO) sa last row si Gerly naman doon sa mga classmate nia last year sa harapan. Kaya tahimik lang ako dahil hindi naman kami masyadong closed ni Carol pero like ko syang friend pareho kaming may sayad nun eh. . . .
♣+♣+♣+♣+♣
. . . naging okei naman ang first day ng school sabay nga kaming nagrecess ng GEKAJOM classmate pala ni Mhaei is MIGS (Andrew Tagle). Tapos si Jon nalipat pala sa section 9 sayang he he he sana tatlo kaming magkaklase diba?!!Sa tagal naming di nagsamasama kahit na minsan nagkakausap kami sa phone ang dami paring kwento he he syempre naman. Kaya lang hindi kami sabay sabay umuwi dahil alam mo na si Jon mukhang may paguusapan yung dalawa ni GARY, si Mhaei naman kasabay yata si Ronald at si Gerly kasama yata ni Jon. si Rico naman after beso-beso nauna na kasi may lakad yata sila ni Nerry. Ako at si Billy ang nagsabay sa paguwi habang nagkukuwentuhan kami about Icay and Dennis mukha kasing nagiging reval enemy yung dalawang mag ex. Nagulat ako dahil may biglang bumisina sa likod naman napamura tuloy ako akala ko may dadaan lang, eh nasa tabi naman kami ni Billy tapos maririnig ko nagtatawanan sina Chris at Ian, ang mga hinayupak naalala ko nga pala pangumaga rin pala sina Chris dahil 4rth year na sya pero si Ian at Andoy bakit nasa ANHS? nagcuting daw sila sumakay na daw ako kay Andoy pupunta daw kami kayna Mercy? pero sabi ko sabay na namin si Billy hanggang kanto kasi nakakahiya namang iwan ko noh! Sa kanto na ng Villages namin ibinaba si Billy after na makasakay si Billy pumunta na kami kayna Mercy and guest what sino ang nadatnan namin at nakasimangot pa. (hmp Jelly nanaman) si Mark nauna na pala kayna Mercy at ang sama ng tingin kay Andoy kasi nagtatawanan kami ng dumating pano puro green jokes ang binabato ni Andoy kainis...... baby pa ko no he he he..... pero hindi ko inintindi yung kumag na si Mark selos baliw lang yun. Kinamusta ko si Mercy, ok na ok na sya nakakabawi na kaya lang hindi pa talaga sya pweding magkikilos dahil sariwa pa ang sugat nya. May laro pala ang team ng basketball bukas ng 7 pm pinapaunta ako ni Mark, hello malamang ang aga pa kaya nun para tumakas. . . . Tinanong ko si Mark kung bakit nandoon na eh alas 2 palang. Nagbigayan lang daw ng classcard kaya maaga sya. Tapos tinanong nya kung anong sched ko sabi ko 7 am to 3:30 pm iniba na kasi ang sched ng third year dahil may sarili naman kaming building. Kaya mas malaya na kong makakalaboy kasi may dahilan akong matraffic he he he he. . . .
♠ ♠ ♠ ♠ ♠
. . . . 3pm na ako hinatid ni Mark sa GDR. Buti nalang nakaalis na agad si Mark dahil pagliko ko nakasalubong ko si Jan pero hindi ko pinansin kahit na ilang beses na nya kong tinawag. Ang ayuko ko kasi sa lahat pinagmumukha akong tanga ( gaga matagal ka ng tanga) ah basta wala akong samod na pansinin sya sana nga hindi na sya bumalik katulad ng pagbalik nya sa buhay ko. . . ewan ko ba kahit na hindi ako masaya hindi ko parin sya kayang iwan at mawala sana matutunan ko ng walang JOHN RAMOND sa buhay ko para naman maging masaya na ko . . .
to be continue . . . .
No comments:
Post a Comment