Sunday, March 2, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 70

( this picture was taken last march 99, graduation day nina Vince and Mark, i wish marami pa kong picture na natago from CYBERs pero ilan lang ang natira mula ng lumipat kami ng bahay nawala na yung iba)


♠♥ ♣ . . . . Buong akala ko ang pakikipagkaibigan simpleng pakikisama, pakikitungo at pagmamahal sa kapwa. Sa buong buhay ko iyon lang ang paniniwala ko sa salitang pakikipagkaibigan bukod sa pagtutulungan at pagdadamayan sa isat-isa. Pero hindi ko akalain sa CYBER ko mararanasan kung paano lahat na yata ng uri ng emotion mararanasan ko, ang matakot, ang magdasal at kung maari lang pati ang pakikipaglaban kay kamatayan. Humanga ako sa turingan at samahan ng tropang ito. Hindi ko kayang i-explain kung anong damdamin meron ako para sa kanila dahil wala akong maisip na sapat na salita para maibigay sa napakaganda at napakasolid na samahan nila. Kahit na sabit lang ako sa tropa nila ni minsan hindi ko naramdaman na ganun ako. They feel me that im one of them. "They dance for laughter, they dance for tears, they dance for madness, they dance for fears, they dance for hopes, they dance for screams, they are a dancers, a dancer who create the dreams." dahil para sa kanila Dance...can make u feel happy.... Dance...can let you forget all the problem & stress in life... definately...dance is an enjoyable hobby...^_^ pero bukod sa pagiging dancer CYBERs are also a people, who can love to be loved, who can care to be cared and be your friends for ever. Kaya napakasakit isipin na may mga bagay na kailangan mangyari at pagdaan para lang mapatunayang "they'll FRIENDS till the END".

. . . . Ilang araw akong di nakadalaw kay Mercy dahil ayaw akong payagan ng mga lola ko kaya kahit galit na galit ako nagpakatino ako para paytagan akong dumalaw ng sabado. Nagkahusto nalang ako sa pagtawag tawag ni Mark para ibalita sakin kung anong lagay ni Mercy, kaya nga tuwing nagrorosaryo kami ng 6pm lagi kong ininasama si Mercy sa panalangin ko. Mark told me na hindi maganda ang lagay ni Mercy dahil lumalaki daw yung isang ugat sa puso nia but stable naman ang lagay nia she need lang na magpalakas ng konti at gagawin yung unang operasyon pero hindi payun yung operasyon na totally kailangan ni Mercy. Kailangan lang gawin yun to make sure na pagdating sa Calgary hindi magkakaroon ng kahit na anong abirya.
. . . hindi ko alam kung dapat akong magalit sa "FRIEND" ni Mercy nasa tindahan kasi kami ng Tita ko nandoon din SYA he asked kung kamusta na si Mercy i know alam nia kung ano ang kalagayan ni Mercy dahil updated naman sya kahit na ay sakit yung isa she sure na alam ng Friend nya ang nangyayari sa kanya. I dont say anything dahil hindi ko kaya pero mas hindi ko kinaya ang sinabi ng "FRIEND" ni Mercy. Baka daw nagbibiro lang kami sa totoong kalagayan ni Mercy, baka daw may iba lang mahal si Mercy kaya tinatapos na kung ano man meron sila. Hindi ko lam kung ano gagawin ko that time ni hindi ko alam kung ano iisipin ko. Mahalaga sakin si Mercy at yung Friend nia mahalaga rin sakin pero that time totoo nasaktan ako, dahil sa lahat lahat ngayon ko lang narealized parang ewan pero sana nga laro nalang lahat, sana totoo nalang ang hindi totoo ang lahat at sana DRAWING na nga lang si MERCY para naman wala nang emotion kaming kailangan na labanan at wala na kaming kailangan ikatakot kung sakaling mamatay si Mercy. Sana nga Drawing na lang sya na pweding burahin para wala ng nasasaktan ng dahil sa kanya. That time hindi ko alam kung kanino ako magagalit. kay "friend" na lagi nalang umaasa at naghihintay, at lagi nalang nabibigo. o kay Mercy na hindi ko alam kung ano ang intensyon nya kung bakit nakipaglapit sya kay Friend pero lagi lang naman nyang pinapaasa at binibigo o sa sarili ko dahil ako yung naging daan para magkakilala sila at masaktan pareho. Siguro kung may hindi man ako gusto sa mga nangyayari at nagyari iyon yung part na to' dahil kahit kilan mabago man lahat isa lang ang mananatili yung sakit, sakit na di na kayang burahin ng kahit na anong tagal.

♠+♠+♠+♠+♠+♠
. . . . Sinundo ako nian Janeth at Mark sa kanto ng GDR nagpaalam ako sa mommy ko kaya ako napayagan ng mga Dragon. Pero payagan man nila ako o hindi aalis parin ako wala akong pakialam sa kanila. Dala namin yung kotse ng papa ni Mark at si kuya Aaron ang driver kaya kami ni Janeth ang nasa passenger seat sa likod habang si Mark sa tabi ng Kuya nia. Nagulat kami nang dumating kami roon at nagkakagulo ang tropa si Vince nasa nurse station at ginagamot yung kamay. For the first time i meet kuya Kevin ang kuya ni Mercy masaklap lang nagkakilala kami sa ganun pang sitwasyon. Nalaman namin kung bakit umiiyak ang lola ni Mercy kasama narin sina Mitch at Jen pati si Janeth na kasama namin kanina nakikiiyak narin. Mercy was in the ICU dahil nahirapan huminga at nawalan na nga daw ng heart beat kanina. Ayuko sanang panghinaan ng loob because i know hindi ako makakatulong pero hindi ko narin kinaya ang emotion na bumabalot sa lahat ng taong nandoon. Napakapit ako sa braso ni Mark and he instantly hug me. Ayuko man umiyak wala na kong nagawa naaalala ko si Daddy sa mga ganitong sitwasyon at Dios ko po sana wag naman po humantong sa ganun. Inilabas muna ako ni Mark sa Hospital nagpunta kami sa parking lot hindi ko alam na nanginginig na ko kaya inilabas ako ni Mark. i dont know kung bakit kailangan maranasan ni Mercy ang lahat ng hirap na dinaranas nya ngayon, ang mabait bait naman nya at alam ko sa maikling panahon na nakilala ko sya ni IPIS o Langgam ni hindi nya kayang patayin pero bakit ganun bakit ang dami namang masasamang tao sa mundo bakit yung katulad nya at katulad ng daddy ko ang kailangan nyang paranasin ng ganun. Hindi ko alam kung kailan ako humintong umiiyak ang alam ko lang hindi ako iniwan ni Mark at hindi sya pumayag na pumasok kami sa Hospital ng di ako kumakalma hindi daw kasi makakabuti yun para kay Mercy at sa Pamilya ni Mercy we need to be strength hindi lang para kay Mercy at sa pamilya nia kungdi para narin sa buong tropa.....
to be continue. . . .

No comments: