♠+♥+♣ . . . HAPPY FIFTEEN
. . . . Kasabay ko ng umuwi sina Mhaei, Jon Gerly, Jolen, Raymond, Ryan, Eric, Juanito, Billy, Regie, Migs and ofcourse my bestfriend Rico . . sa dami ng invited sad to say sila lang ang available dahil may pasok bukas hindi ko naman pweding ganapin bukas dahil may PE friday kasi kaya malamang gabi na uwi namin baka lalong walang pumunta. . . Pero okei narin kasi naging masaya naman puro nga kalukuhan sina Rico feel at home na agad. Nang dumating kami wala akong nakita kahit na isang AHO maliban kay OWEL ng tinanong ko kung nasan sina Jan hindi daw nia alam. " wew nasan na yung mga kuya ko at si babes ko . ." Sabi ng tita ko kanina daw may tumawag na classmate ko na lalake inisip ko kung sino kasi hindi naman nag-iwan ng pangalan. Baka naman si Mark? pero nakapag usap na kami nun at malamang nasa biyahe na sila para sa gig nila ngayong gabi. . .
. . . . Nagsisimula na kaming kumain ng dumating sina Kuya Jhun, Kuya Exor and Jan pero yung dalawa lang ang pumasok sa bahay, you know na bawal sya dahil baka yung Party ko eh maging Halloween, pero i know naiintindihan yun ng babes ko. May ibinigay na gift si Kuya Jhun yung isa na frog na may message about sa birthday ko bigay nya at yung isang gift na dalawang duck na magkakabit yung mga tuka galing kay babes. After na magsikain kami nagkuhanan kami ng Picture ( sorry ha yung ibang pic hindi ko na nasave ng bumaha at lumipat kami ng bahay kaya yung iba nalang natira) ang saya nga eh ang daming bloopers kasi sina Rico at Jolen patawa ng pataw. Bago ko ihatid ang lahat ng una kong kasama including GEKAJOM dahil gabi na dumating sina boylie, bong at owel kaya iniwan ko muna sila sa bahay. Kasama kong naghatid si Jan kaya napakilala ko na rin sya sa iba pera lang kay RICO kasi nasa likod sila tapos nakapara na agad si Jolen ng jeep kaya nawalan na nang time. Nagusap muna kami niJan sandali bago ako bumalik sa bahay, nag thanks ako sa gift niya dapat nga may thanks kiss kaya lang ang mga kumag na AHO dumating kasama si LOVE " kaya pala may ine-scortan" talaga tong' mga AHO makakita lang ng nakapalda nagkakandarapa agad. . . After Love sina Icay naman at mga pinsan ko ang nakipagcelebrate sakin kaya nga buong buo na ang araw ko. Thanks GOD for another year he he he he. . . Tumawag si Mercy pero nakaalis na yung "friend" nia after ng konting batian at kwento nagpaalam na rin sya, bigla tuloy akong nalungkot dahil wala sya at ang Cyber sa birthday ko pero iyun ang akala ko dahil 9 pm nagulat ako ng tinawag ako ni Shera sa kwaro may naghahanap daw sakin na naka motor bigla tuloy akong kinabahan. Buti nalang tulog na si lolo at lola at yung mga dragon after ng handaan nagsibalikan na sa tahian pero hindi naman sa kanila ako kinabahan kasi i know ok lang na may bisita ako kung sino man yung nasa labas dahil birthday ko pero sa AHO at kay Jan doon ako natatakot, Kay agad agad akong lumabas nakalimutan kong nakapang tulog na ko na spagetti strap at maikling short. " pagmamadali ko nakalimutan ko, gulatin ba daw kasi ako." Nanglumabas ako nasa tapat ng bahay namin sina Micheal, Andoy, Ian at Mark mga naka costume pa ang pangbabang damit. Tatawid sana ko para puntahan sila pero inawat ako ni Mark sya na raw ang tatawid saka ko lang naalala kung ano ang suot ko ibinigay tuloy sakin yung suot nyang jacket pero kahit na suot ko yun hindi nun natakpan yung mga hita ko kaya nang lumipat yung mga kumag sa bahagi ng karsada kung san ako at si Mark nakatayo pinagbabatukan ni Mark yung tatlo kasi ginagalit nila si Mark, " ready to sleep na raw" alam ko namang nagbibiro lang yung tatlo kaya di ako napikon kahit na kakapikon yung mga green joke nina Andoy he he he. Si Mark naman pikon tuloy nagyaya agad, sabi ko wala na kong ipapakain sa kanila dahil alam naman nila hindi ganun katagal yung party sa bahay namin although kakauwi lang nina Icay bago sila dumating. hindi naman daw sila makikikain babatiin lang daw nila ako, gusto nga daw sumama ni Vince at nung iba kaya lang may mga exam daw bukas pati ihahatid nila si Micheal kaya tumuloy muna sila sa bahay. I asked them kung gustong pumasok pero sabi ni Mark wag na daw gabi na. halos isang oras din kaming nagusap-usap lalo na tungkol kay Mercy bago sila magpaalam. Sabi ni Mark bukas ko nalang daw isauli yung jacket nia hahantayin daw ni ko sa bahay nila. Tututol sana ako dahil na ngako na ko sa sarili ko na iiwasan ko na si Mark para hindi na kami mahirapan pareho, pero natakot akong masaktan ko nanaman sya kaya wala akong nagawa. Before they left lumayo muna yung mag kumag siguro para makapagpaalam si Mark ng sarili. Mark kiss me in my cheeks at binati ulit ako bago ipinaalala sakin yung usapan bukas. Habang papaalis sina Mark saka naman dumaan sina 5-6 at Ama kaya buti nalang grabe pinagaadya parin ng pagkakataon na walang makakita samin ni Mark naku kung di patay nanaman ako. . .
♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
No comments:
Post a Comment