Thursday, March 6, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 89

Why do we faLL for someone who isn't reaLLy for us? ShouLd we bLame our seLves for faLLing for the wrong one? Or shouLd we bLame the one we feLL for Because they made us beLieve that they are the one. .......

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠

♥+♥ . . AUGUST 16, . . 8TH MONTHSARRY . . ♥+♥
. . . . may usapan dapat kami ni Jan kayna Jona pero sa kamalasang palad may Program sa school " LINGGO NG WIKA " kaya maaga ang uwi at walang pasok ng hapon kaya uwi agad ako kahit na nagyaya sina Dado na pumunta sa kanila, kahit gusto ko tumanggi ako dahil baka pumunta sina Jan kayna Jona na wala naman ako doon pati malamang malaman samin na walang pasok dahil pauwi narin si Tita Bubz . . .

. . . . Paguwi ko nakabangga ko ang mga MERALCO girl, mukhang nagsumbong ang inaway ko kahapon sa mga kasamahan nya kaya nagsipiyok ang mga dimonyita, naku pasalamat sila at naawat kami ng AHO at nina Grace kung di baka nagkabasagan na kami ng mukha. Sinabi ko kay Jan na paalisin nya yung mga babaeng yun dahil oras na lumabas akong may nagkalat pa sa karsadang mga langaw sya malilintikan sakin. Buong akala ko talagang pinauwi na ng mga herodes yung mga babaeng iyon pero itinago lang pala ni Argel sa bahay nila. Minsan tuloy gusto ko nang maghinala ng tuluyan kay Jan, ewan ko kung bakit takot na takot syang makaharap ko ang mga babaeng yun, hindi ko tuloy maalis sa isip ko kung may JOY at JEC nanaman bang darating sa buhay namin ni Jan. . . .

. . . may binili ako sa dulo ng GDR nakabisikleta ako at nakita ko yung babaeng binangga ko kahapon, sa init ng ulo ko balak ko talagang sa gasaan pero naawat ni Jeff yung bike ko, at sinabi ni Indoy na easy lang daw ako, tinanong nung babae na "bakit daw ang init ng dugo ko sa kanya eh si Jan naman daw ang lumalapit sa kanya? " . . "wait lang ha, alam ko kaya mainit ang ulo ko sa kanya dahil isa sya sa AHOng babae pero wala akong alam tungkol sa sinasabi nia about Jan" alam kong nagulat yung babae sa sinabi kong dahilan kung bakit ako galit sa kanila hindi lang sa kanya kundi sa buong grupo nila, alam kong may iba syang iniisp na dahilan pero huli na para bawiin nya kung ano man ang sinabi nya. Kinalma ko ang sarili ko dahil kung hindi di ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaharap ko. Sinabi ko sa babaeng kaharap ko na ipaliwanag nya kung anong ibig sabihin nya na si Jan naman ang lumalapit sa kanya. Ito na nga ba, sinasabi ko na at dapat nga talagang kabahan ako sa unang kita ko palang sa mga Meralco Girl. Habang naglitanya si Odezza, (sa pagkakarinig kong pangalan na sinabi nya), hindi makatingin sina Indoy at Jeff sakin alam nilang ano mang oras sasabog ako. Mismong kay odezza ko nalaman na nililigawan sya ni Jan, i asked her kung alam nia na may gf si Jan, "oo daw" eh bakit ka nagpapaligaw? sinabi nga daw nya kay Jan na baka magalit yung GF nya sa kanya pero makulit daw talaga si Jan, hindi ko na kailang pa ng kahit na anong salita o marinig kung ano pa ang susunod na sasabihin ng impaktitang kaharap ko.. sinabi ko doon sa Odezza na kung kaya ba nyang panindigan kung ano ang sinasabi niya "oo daw" kaya walang sabi-sabing hinanap ko si Jan kayna Abeth kaninang bago ako lumiko kung nasan kami ni Odezza nakita ko syang pumasok kayna Abet kaya kahit na anong sabihin ni Tony na wala daw doon hindi ako naniwala, pero hindi ako tumigil wala akong pakialam kahit na anong awat nina Glenn, Grath, Dennis, Abeth, Tony at Indoy na cool lang daw ako, sumigaw ako sa bahay nina Abet kahit na wala sa bukabularyo ko ang maging iskadalosa, hindi ko alam kung ako pa nga yung taong nagsisigaw sa mga oras nayun, sinabi ko na " kapag hindi ka lumabas JanJan makikita mo kung sino talaga ang niloloko mo" dahil siguro alam ni Jan na sagad na sagad na ko lumabas rin ang herodes, for the first time in my life ngayon ko lang naramdaman kung paano magalit ng ganong kataas na galit, pero nagpasalamat ako dahil kahit na halos buong dugo ko nasa ulo ko na that time hindi ako umiiyak kahit alam kong gusto kong umiiyak sa galit. Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko lahat ang sinabi ni Odezza mula una hanggang sa huli. Si Argel pala ang nagreto kay Odezza kay Jan, hindi ko alam kung paano nakaya ng puso ko na patuloy tumibok habang tinatanong ko si Jan kung totoo ang lahat ng narinig ko, gusto kong uniyak, sampalin si Jan o kahit manlang itulak para maramdaman nya kung paano ilang beses na nya kong pinatay dahil hindi manlang sya umimik habang kinukwento ni Odezza ang lahat, pero imbis na umiyak ako nagpakatatag ako dahil hindi ko bibigyan si Jan ng kasayahang makitang nasaaktan nya ako. bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko umalis na ko, iniwan ko si Jan at si Odezza, habang pauwi ako sinabi ko sa sarili ko " tama na, hindi ko na kaya."

. . . Pagdating sa bahay kumilos ako na parang walang nangyari, inalis ko sa sistema ko kung ano mang sakit at lungkot ang nararamdaman ko. Nanood ako ng TV kasama ng mga pinsan ko, hanggang maari ayukong ipasok sa utak ko kung ano man ang nagyayari, pero kahit na anong gawin kong pagkukunwari at pangloloko sa sarili ko sa huli talo parin ako. Umiyak ako ng umiyak yung iyak na wala akong makialam kung magtanong man sina lola kung bakit, inibos ko lahat ng sakit at pait kasama na ang galit sa pagiiyak hanggang napagod na rin yata ang mata ko at nasagad na ang luha ko at kusa ng tumigil sa pag-iyak. Sa pinagsamang galit, poot at sakit at sama ng loob kay Jan, nagdesisyon ako na hindi ko sya palalayain, mula sa araw na iyon hindi ko sya bibigyan ng kaligayahan para lumaya pero hindi ibig sabihin nun ako parin ang hahawak sa relasyon namin. Gusto nya ng laro pwes maglalaro kami. Minsan na akong nagpatalo kay Jec, kay Joy at kay Doyet pero this time hindi ko bibigyan ng laya si Jan, matira matibay samin pero sisiguraduhin kong sya na mismo ang gagawa ng paraan para pagsisihan nya na sinaktan nya ako . . . .

. . . Nang dumating si tato sa bahay na dala yung regalo, saka ko lang naalala Monthsarry nga pala namin, iwasan ko mang masaktan hindi ko nagawa pero ipinangako ko sa sarili ko na iyon na ang huling pagkakataon na masaaktan ako, at kung masaktan man ako ni Jan sisiguraduhin kong maibabalik ko yun sa kanya, sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon. . . ipinatawag nya ko kay Abet at para maipakitang balewala sakin ang mga nangyari nagpunta ako, He asked me na kung yung binigay ni Granth na drawing eh yung sinasabi kong gift kung pwedi ko lang sanang bawiin binawi ko na pero dahil gusto kong umarte na parang balewala ang lahat sinabi kong oo tapos umalis na ko dahil hindi pa ako ganun kagaling na actress pero malapit na JAN, hintayin mo makikilala mo na ang isang bahagi ng pagkatao ko . . . . .

. . . Nang umuwi ako binuksan ko yung regalo nya, laman nun yung unang stafftoys na binigay nya sakin, dalawang bear na magkayakap, at may kasama pang tula, dapat masaya ko dahil iyun yung first letter na binigay ni Jan sakin since na maging kami... pero wala nang saysay sakin kung ano pa man ang regalong iyon, hindi na mahalaga dahil wala ng kwenta . . . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

. . . Alam mo ba yung piling na maging Zombie, ako naranasan ko na.. . . . mula ng malaman ko yung tungkol kayna Odezza at Jan piling ko patay na yung puso at kaluluwa ko pero buhay pa yung katawan ko. Masakit parin sakin kung ano man yung mga nangyayari pero sabi ko nga sayo hindi ko bibigyan si Jan ng kasayahan para lang makitang nasasaktan ako. At kung inaakala ng mga babaeng iyon na bibitawan at isusuko ko si Jan ng ganun nalang nagkakamali sila pero hindi ko bibigyan ng kalayaan si Jan dahil sa mahal ko sya kungdi gusto ko munang iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa nya sakin. Bago ko sya bigyan ng laya dahil mula sa araw na yun, isinusumpa ko na si JOHN RAYMOND SANTOS naman ang magmamahal sakin ng sobra-sobra at mararanasan rin nya ang sakit napinararanas nya sakin, hindi lang doble kundi tripleng sakit . . . ( iba ba yung nabasa mo, sorry pero peking Diary yata yun!! try mong tapusin malalaman mo kung sino ang babaeng minahal mo at sinaktan mo)


♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥

. . . . . Nagkausap kami ni Kuya Jhun sa phone about Jan, masakit parin sakin ang lahat pero hindi ko iyon ipinakita kahit na kanino, siguro sawa na akong makita nila akong nasasaktan, na-immune na yata ng puso ko yung pakiramdam na masakatan. . . katulad ng ginawa ko sa mga AHO tinanong ko rin kay kuya Jhun kung ano ang alam nia about Jan and Odezza, at katulad ng nalaman ko binubuyo nga daw ng AHO si Jan kay Odezza pero hindi naman daw nya alam na liligawan daw ni Jan yung babae dahil alam naman daw ni Jan na imposibleng di ko malaman, at iyon ang pinakamalaking katangahang ginawa ni Jan dahil isang libo at kalahating tanga sya para isiping di ko malalaman ganung pinsan ko pa ang nagreto sa kanya kay Odezza. kung may napagbuntungan man ako ng galit ko kay Jan, kay Argel at kayna kuya Exor at Abet ko yun ibinunton dahil sila yung pinagkatiwalaan ko tapos ito ang ginawa nila sakin. Buong akala ko totoo silang mga kaibigan, pero ngayon ko lang naiisip ang babaw nga pala ng pinagsamahan namin para isipin kong hindi nila kayang gawin sakin ang ginawa nila. . . .

. . . I didnt tell any one kung ano ang nangyayari, kung may binanggit man ako kayna Jon, Gerl at Mhaei iyon yung pagkakaroon ng sorority ng AHO, syempre nagtampo rin yung tatlo at katulad ng naramdaman ko nagalit din sila kaya nagpasya kaming wag munang pumunta sa AHO, at kung pupunta man sila sa bahay maliban kay kuya Jhun wala na kaming kakausaping iba. . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣

. . . Sa saturday na ang birthday ni JON kaya naisipan naming i-celebrate yun kasama ang PARTY MOVERS, dahil mula ng umiwas kami sa AHO nakasama kong madalas sina Ricky, Joey, Abe at Dado kaya gustong makabonding rin nila JON, MHAEI at si GERL din dahil hindi naman sila closed kahit na classmate din namin si Gerl. Problema bawal ang lalake sa bahay nina JON, at kung samin gaganapin hindi pwedi sina Kuya Jhun at Jan na sya lang imbitado sa mga AHO kaya i talk kuya Jhun kung pwedi sa kanila and i'm glad pumayag naman . . . .

. . . . Nagpunta si Icay sa bahay at nagpasama sakin kayna Dennis, nasa bahay nina Abet si Dennis kaya doon sila nagusap, nandoon rin si Argel at dahil hindi ko pinapansin ang AHO mismong si Argel na ang nagtapat sakin na totoo naman daw na binibiro nila si Jan kay Odezza pero wala naman daw balak si Jan na seryosuhin saka hindi naman daw naging "sila" odezza at Jan, " so sapalagay pala i should thanks papala sa inyong lahat at hindi humantong sa naging "SILA" bago ko nalaman" pero naputol ang paguusap namin ni Argel ng dumating si Jan at hatakin ako palabas ng bahay nina Abet at ilayo ako pauwi. Wala akong nagawa kesa pagmulan ng away sumunod nalang ako, dahil kasama sa plano ko ang maging sunod-sunuran. " sige lang patigasan tayo, darating ang panahon lahat ng nararamdaman ko ngayon mararamdaman mo rin" . . .

to be continue . . .

No comments: