
This is it, ito na yung isa sa mga raw na hinihintay naming lahat. After a six years sa pagkakagawa ng assignment, pagaaral ng lesson, pagpupuyat sa mga project, pagtitiis ng gutom basta makatapos sa pag-aaral. Kahit mahirap, kahit ang daming mga nangyari na hindi maganda, lahat yun naibsan ng isang gabi, nang isang saglit dahil tapos na, hindi nagsisimula palang pala ito palang pala ang simula sa pagtahak para sa kinabukasan namin. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman q that day, of course isa lang naman nagpapasaya sakin yung malaman kong graduate na ko ng Elementary, dahil isa yun sa makakapgpasaya sa mga magulang q. and the sad things si mommy nalang kasama q that day wala na si Daddy. hindi manlang nia hinitay na makita na kahit manlang aq makita niang natupad ko na ang isa sa mga pangarap nia kahit na I know this is just the first step. Higit sa lahat I’m sad kasi I know kasabay nang graduation namin hindi kami makakasiguro kung magkikita-kita pa ulit kami.But I hope some times mangyayari un. I know......
After lunch naghanda na aq para hindi masyadong malate. (I’m not excited okei) auko ko lang ng naghahabol sa oras. Hiniram ko lang kasi yung uniform ko sa pinsan q dahil isang araw lang naman hindi na kami bumili ni mommy ng bago. Yung sapatos ko naman dahil robber shoes ang lagi kung suot sa school dahil mas comfortable ako dun dahil makakatakbo aq ng maayos eh nanghiram nalang kami kay ate Len (cousin q sa father side) ng balat na sapatos. Maluwag nga ng konte kaya kinailangan pang pasakan ng papel natatakot nga ako kasi baka iwan aq sa stages he he he. Yung make-up q naman at buhok si mommy nalang nagayos kasi marunong naman sya. May camera pa naman kami that time uwi ni mommy from saudi. Hay ilang oras nalang piling ko bibitayin aq pero I know I need to face this. Thanks God I will.
Before mag-start ang program nagpa -class picture muna kami. Hay nagawa pa ba naming tumawa that time hindi noh ewan q ba parang lahat kami mga robot that time kung ano yung instruction ng photographer yun nalang ang ginagawa. Look (on the left side) mukha ba kaming gra-graduate nian mukhang kami a-attend sa burol lahat serious. But I understand lahat mix emotion that day. Kasi we don’t know kung ano ang tamang maramdaman ang maging masaya o ang malungkot. maybe the same. After picture taking back kami sa room namin well umpisa na ng yakapan pero of course kami lang sa kapwa babae, nakakinis nga si Kitty umiyak ba naman nung yakapin aq pati tuloy aq napaiyak nakigaya na tuloy ng yakap sina Joanna at iba pa. Gabe ang taas ng emotion namin that time. Pati nga sina Bogs nakiloko narin. That was the first group hug ever kahit hindi lang buong tropa kundi buong classe. kundi pa nagrelamo si Dodie na ang dra-drama daw namin hindi pa kami bibitiw sa isat isa ( kami lang ba madrama eh sya to'ng may luha na sa mata he he he) after that nagkanya kanya na kaming hanap sa nanay namin when mam said na pumila na dahil maguumpisa na yung program. Kaya bumaba na kami and when I’m may way I saw Jun standing sa biranda ng hagdan I don’t know kung may hinihintay sya roon or what basta nginitian ko lang sya at binate q ng congrats then binati rin nia ko. Kundi pa ko tinulak ni Joanna na dalian ko daw hindi pa ko magpapatuloy sa paglalakad (hmp istobo talga to'ng bruhang to') at ang gaga sinadya palang I-interrupt kami. " may bisugo na na umuusok ang ilong sa katitig samin ni Jun " when I found out and saw what she said si Jocelyn pala yun kinakausap si Jun ( hmp care q) " sorry girl, una syang naging akin" he he he kaya kautuwaan nalang kami ni Joaana. kahit papano nawala yung kaba sa dibdib q. Pero biglang bumalik yun when I saw Timothy and Salio sa stage. wew sa dami ba naman ng gagawin ni Sir na assistant audio man sina Salio at Timothy pa. Kaya nung mapadaan sila sa line namin at batiin aq nanlamig aq dahil nandun ang mommy q, Di bali nang si Timothy eh kilala ng nanay q kaya yun dahil classmate ng kinder si timothy nung cousin q kaya minsan nandun yun sa bahay (he he he sorry hindi q na nakwento yun) pero si Salio, naku don’t say anything please not now. Kaya yung binati lang nila aq at ngbigay galang lang kay mommy si Salio at umalis rin nakahinga aq. Then before I knew it naguumpisa na kaming magmarcha.

After the program nagkita-kita kami ng tropa sa room, kuhanan ng picture, (kainis nga yung ibang picture naiwala ko na sayang sana i-aapload q dito) nakakatuwa nga dahil sabay sabay kaming nagtanggal ng doga at sumigaw ng malakas. Nagtinginan tuloy yung ibang mga magaaral samin pero anong paki namin un nalang ang time ng last bonding namin kaya susulitin nanamin. Matapos ang ilang sandali isa-isa na kaming nagpaalam. Yakapan muna bago umalis, gusto ko ngang umiyak muli pero hindi q na ginawa wala na nga kong make-up ng umiyak kami kanina habang kinakanta yung “if we hold on together“. Hmp parang hindi naman kami magkikita ng mga to' bukas aba may isang linggo pa kaming magkikita-kita para sa clearance noh. Nauna ng umuwi si mommy, nagpaiwan aq sabi ko sasabay nalang aq kayna Rica pero ang totoo gusto ko lang mapagisa. Nalulungkot parin aq. Pero isinabay na q nina Ryan umuwi dahil nagpaiwan din pala sila sa mga magulang nila dahil nagusap pa sila ni Gracita. Hinanap ng mga mata q si Jun pero wala na sya. Kanina tita nia nakita qng kasama nia. kahit hindi sya naguusap alam q masaya sya. Sana lang matupad niang lahat ng pangarap nia at kahit na hindi na kami magkita kapag nangyari yun masaya na q malaman q lang nagtagumpay sya.
to be continue.....................
No comments:
Post a Comment