Wednesday, March 26, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 147

♥+♥ . . .. Hindi ko man gustong kabahan at maghila kay Mark at sa mga nangyayari samin hindi ko maalis sa isip ko ang namumuong pagkabahala at naguumpisang pangangamba dahil lately may mga bagay akong napapansin na nagbabago kay Mark lalo na tungkol sa mga bagay na dati nyang ginagawa at hindi ginagawa . . . kagabi lang pinagtalunan namin yung Party ni Chris, hindi daw nya kasi tiyak kung makakapunta sya dahil saturday bukas at my practise sya ng soccer, kaya sabi okei kayna Cath nalang ako sasabay pagpunta kayna Chris, inaasahan ko na mapipilitan syang pumunta o ipagpaliban yung soccer practise nya dahil yun ang dati nyang ginagawa kapag nagtatampo ako dahil inuuna nya yung ibang bagay kesa makasama ko pero instead na marinig ko yun sa kanya sabi lang nya sige try ko nalang makapunta. . . kaya kahit pigilin ko ang sarili kong wag masaktan pilit paring kumakawala ang sakit at hinanakit sa puso ko pero syempre sinarili ko nalang yun at itinago dahil alam kong lalabas lang na napakitid ng utak ko kung pati sport ni Mark pagseselosan ko. . . .
>>>>>> Kahapon inisip ko na dumaan muna kyna Leonard at Gerl para batiin sila ng happy Birthday kaya lang nalibang ako kanina sa panonood ng TV kaya 4pm na ako nakakilos para umalis kaya 6pm na ko nakarating kyna Cath buti nalang magkasunuran lang kami ni Jaypee na dumating . . . Iniwan nalang ni Jaypee yung motor nya sa bahay nina Cath para magkakasama nalang kami sa kotse ni Ryan . . . Nang dumating kami roon kami palang ang Cyber's na bisita ni Chris mga classmate nya at tropa sa kapitbahay ang nadatnan namin roon . . . sa labas nalang ng gate namin piniling pumuwesto dahil mainit naman at maliit yung space sa loob kung makikipagsiksikan pa kami kaya naglagay nalang ng mesa at apat na mahahabang bangko sina Jaypee at Ryan para pagdating nina Vince okei na ang lahat. .. . kumakain na kami ng sunod-sunod na dumating sina Lyca kasama si Dianne at ang bestfriend ni Cath na si Anne, magkatabi lang kasi yung bahay nung tatlo kaya sila ang nagkasabay-sabay muntikan pa ngang matumba yung motor ni Lyca dahil nasabit yung takong sa clatch ng motor . . at nakompleto ang tropa ng dumating sina Vince, Andoy, Jen at Janeth at ang mga kulokoys na sina Micheal, Ian at Randy na galing pa daw sa paglalaro ng basketball . . . Vince asking kung nasan si mark I told him na hindi makakapunta dahil sa practise, hindi ko alam kung bakit lahat sila napatingin sakin ng sabihin ko yun' pero alam ko nasa isip nila na magkaaway kami kaya inunahan ko na na hindi kami magkaaway dahil kung may tampuhan kami sana ako ang wala sa umpukang iyon' thanks to Ian dahil iniba yung usapan dahil kung may magtatanong pa di ko na alam ang isasagot ko . . nag-umpisa na ang inuman pero yung mga lalake lang ang uminum ng Hard bumili nalang sina Vince ng Calie at San Mig Light para saming mga babae . . . Calie nalang ang ininum ko dahil hindi ako pweding umuwi ng lasing, sa pagmamadali ko kanina hindi ako nakapagbaon ng extra t-shirt at pabango kaya bawal ang mangamoy . . .
>>>>>> Nanging okei naman ang Party ni Chriz, nahihilo na nga yata yung isang yun dahil hindi malaman kung saan makikiumpok dahil dalawang grupo kaming inaasikaso nya. . . kahit papano nawala si Mark sa isip ko, maliban nalang kapag nababanggit yung pangalan nya bumabalik yung kirot na nararamdaman ko. . . . . 9:30 na nang sabihin ko sa kanila na hanggang 10pm na lang ako dahil baka mapagalitan ako sa bahay humirit ang mga hinayupak na kahit 11 lang daw para sabay-sabay na kaming magsiuwi pero bago ako makasagot narinig namin yung pagparada ng isang motor sa tapat namin . . si Mark at halatang kararating lang galing sa pagprapractise dahil hindi pa nahuhubad yung sapatos na panglaro nya . . . nang magkatinginan kami napansin kong pinagkunootan ako ng nuo' kaya imbis na matuwa ako dahil mukhang pinilit talgang makarating ni gago eh bigla akong nabadtrip kaya tumahimik nalang ako. . . Niyaya ni Chriz na kumain si Mark pero sabi ni Mark mamamaya nalang daw, kusa namang umurong si Micheal na katabi ko para makaupo si Mark sa tabi ko . . . he asking kung umiinom ako pero umiling lang ako at tinaas ko yung calie na hawak ko, kahit na konti lang yata ang dosages ng alcohol ng calie tila timaan ako dahil sa nararamdaman kong inis para kay mark. . . . .niyaya ako ni Mark na samahan syang kumain sa loob kaya nagpaunlak naman ako kahit masama ang loob ko dahil alam kong way lang yun ni gago para makausap ako . . . He asking me kung galit parin ako, pero umuling ako .. . alam ko na alam nya na hindi totoo ang sagot ko kaya after kumain nagyaya syang mag-usap muna kami kaya imbis na sa umpukan kami tumuloy naglakad kami ng konti at sa di kalayuan sa tapat ng bahay nina Chriz sa may malaking puno kami nag-usap . . . sumandal ako sa puno at sya naman umupo sa garder ng karsada . . . halos ilang minuto pa ang lumipas pero walang naglakas isa man samin ang magsalita . . . kaya para matapos na yun' inumpisahan ko na . . I asked Mark kung ano ang nangyayri? he back to me the question . . . ano nga ba daw ang nangyayari? I told him sakin wala, hindi ko lang alam sa kanya. . . he silence for a seconds tumayo sya at lumapit sakin . . . dahil nakatungo ako at nilalaro lo yung bato sa paanan ko, hinawakan ni Mark yung mukha ko at sinabing tumingin daw ako sa kanya. . . I do that pero mas lalo akong nasaktan dahil sa lahat ng sinabi nya hindi ko yun nakita sa mga mata nya .. . " he told me na pagod lang daw sya, sana naman daw intindihin ko sya, at wag daw akong mag-isip ng kung ano-ano dahil hindi daw nya ko lolokuhin. . . . he also say na give him some trust dahil hindi naman daw nya magagawang saktan ako. . . . pilit mang umaapaw sa puso ko na lahat ng sinabi ni Mark at totoo sa isip ko may bahaging nagsasabi na hindi. . . ewan ko kung bakit hindi ko nakita sa mga mata ni Mark yung dating tingin na ibinibigay nya sakin, at nasasaktan ako na makitang may lungkot sa mga matang yun' na parang nagsasabing Mark only say what he say dahil he dont wanna hurt me. . . . pero imbes na intindihin ko yun' ngumiti ako ng mapakla at sinabi ko sa kanya na "okei, but please isa lang hihilingin ko Mark, be honest with me" hindi ko alam kung ano ang magiging pakahulugan ni Mark sa sinabi ko pero hindi ko na yun hinintay dahil na una na kong lumakad sa kanya pabalik sa umpukan. . . .
>>>>>> pinilit kong inignore kung ano naman yung nararamdaman ko, tinakpan kung ano man ang sugat na unti-unting lumalaki ang pinsala sa puso ko . . pinilit kong maging masaya sa harap ni Mark at ang tropa . . sinubukan kong palawakin ang isip ko at buksan ang puso ko sa lahat ng sinabi ni Mark . . . sabay-sabay narin kaming nagsi-uwi . . si Mark ang naghatid sakin at sumabay narin si Micheal . . hindi narin kami nag-usap matapos kong bumaba sa motor kahit na yung goodbye kiss wala na rin ewan ko kung ako ba ang naghihintay o sya ang unang kikilos kaya hindi pa man sila nakakaalis ni Micheal umuna na ko sa pagpasok sa bahay . .
>>>>>> sa ikalawang pagkakataon naramdaman ko kung paano saktan ni Mark . . . at hindi ko yun napigilan na iinda pagdating ko sa bahay . . . umiyak ako ng umiiyak at siguro nakatulog ako ng umiiyak. . . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
>>>>>> I admit na hindi naging madali para sakin ang pagtakpan ang nararamdaman kong takot at sakit para kay Mark sa mga tao sa bahay lalo pat namamaga ang mata ko ng gumising kinabukasan pero lahat ng tanong lahat ng sinasabi nila tungkol sa pamamaga ng mata ko hindi ko nalang inintindi, kumilos ako ng normal at ginawa ko ang dapat kong gawin at dahil Sunday naman nagkulong lang ako sa kwarto after gawin yung mga assignment ko nagbasa nalang ako ng pocket book . . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
>>>>>> dahil maaga na naman ang pasok ko kaya madilimpalang umaalis na ko sa bahay, hindi ko alam kung bakit mas lalong nadagdaggan yung lungkot at sakit na nararamdaman ko dahil na mi-miss ko si Lolo at isa pa inisip ko kung bakit kaylan may pagkakataon na halos araw-araw pwedi akong ihatid ni Jan saka naman hindi na kami. . ahhhhhh pinilit kong alisin ang pangalawang dahilan ko dahil alam kong ang sama-sama ko para isipin yun' saka mas okei na yun at least tahimik sa bahay. . . may problema man kami ni Mark i know malalampasan din namin yun' . . .
>>>>>> Katulad sa bahay pinilit kong takpan ang totoong damdamin ko, dahil tiyak magtataka ang mga loko kong classmate kung tatahimik ako eh isa ako sa maiingay sa classroom lalo na sa discussion sa Filipino mapa EL Fili man o yung lesson sa libro, matatahimik lang siguro ako kung English time na dahil sina Lezzeth, Jaja at Trace ang nag-iingay sa subject na yun' pero minsan nakikisingit din ako kung alam ko rin lang yung sagot, si Mam Capistrano naman teacher namin. . . you believe that parang bumalik ako sa first year dahil halos lahat ng teacher ko ng first year teacher ko ngayon kaya madaming nakakakilala sakin. . . . una si mam Capistrano nga bukod sa English teacher namin eh adviser pa namin nung first year, si Mam Pagatpatan na PEHM teacher namin noon PEHM teacher din namin, kaya ako ang pinagche-check ng attendance lalo na sa flag ceremony dahil sya yung first subject namin, kasi dapat si Trace dahil sya secretary eh laging wala kung di absent nagcucut ng classes kaya ng tanungin kung sino pinakmaagang pumasok itinuro ko si Jason pero ibinalik sakin ng mga siraulo kong classmate kay ayun ako taga check ng attendance sa PEHM . . sa T.H.E naman alam mo bang nagalit si Sir Diaz dahil dapat pala lahat kami kukunin nya sa drafting dahil advisory class nya kami dahil yun lang yung time nya na makakausap kami kaya ayun nagalit kasi sina Modesto, JaJa, Ramil at Stephen lang yung lumipat sa kanya last week ng mag-umpisa yung calsses puro section 3 at 8 ang napunta sa kanya na kasabayan namin sa T.H.E kaya sinabi ni Sir na magingat daw kami sa paggawa ng katarantaduhan dahil mas malilintikan kami lalo't hindi nya kami hawak sa ano mang subject, may mga tao syang inassign para sa pagche-check ng attendance sa lahat ng subject at si Trace yun pero may umangal sa likod na lalake " hindi ko na sasabihin kung sino" kaya nabuko si Trace na nagcucut ng classes bukod sa napagalitan na si Trace eh lahat kami nasistensyahan dahil ang dumi ng room pati lahat ng officer napagalitan mula sa super linis sa katawan na si President Errol na sabi nga ni Sir puro mukha at polo lang ang alam linisin hanggang sa Muse na si Lizzet na dapat daw nagpapasimula ng paglilinis . . kaya hinati yung group namin sa five groups mula Monday to Friday syempre Wednesday kami dahil kami nasa gitna at ka group naming apat nina Mean, Gerl, at Alma yung mga kulokoy sa likod na sina Rolando, Micheal C. Arthur, William, Ramil Stephen, Nante, Vinson at Rogelio . . at after noon sinabi na pumunta sa Drafting room yung pweding tumulong sa pagleletring ng mga Officer at cleaners at iba pang decoration para sa room . . . at bago umalis si Sir Diaz nabalik kami sa attendance at dahil tuluyan nang nabadshot si Trace ayun ang mga hinayupak sa likod ako ang tinuro dahil ako naman daw nagche-check ng attendance sa flag ceremony . . niloko pa ko ni Sir, baka daw makalimutan kong chekan yung sarili ko dahil hindi ako makita sa pila . pero tumawa nalang ako, feeling ko magkakasundo kami ni Sir . . at alam mo ba na after makaalis ni Sir ang mga damuhong lalake na nagturo sa pangalan ko na maging all over attendance sa lahat ng subject naguumpisang magpalakasan para daw hindi ko sila makalimutan at I know kung ano yung meaning nun hindi ko tuloy maiwasan maalala sina Bogs at yung tropa ko ng elementary kasi remember ibinoto akong president at pinilit manalo dahil para daw malakas yung haswak nila sa taas pero hindi ako konsintedora ano!! kaya i know kung anong dahilan ng pagpapalapad ng papel sakin ng mga hinayupak lalo na ni Arden na ang sabi sakin " oh Kath closed tau ah!" kay sabi ko "sorry nalang kayo walang closed closed sakin" at ang mga hinayupak sabi ba naman sana daw hindi nalang ako ang tinuro nila para magcheck ng attendance, sabi ko sige bawiin nyo he he he he . . pero biruan lang iyon. . pero alam mo parang may nasesence akong di maganda dahil yung mga babae sa unahan sa gurpo nina Nerry, Catherine, Carla, Joan, Trace, Feli, Dhalia, at Betty pera lang si Jaja eh mukhang hindi maganda ang timpla sakin pero inignore ko lang sila ako pa tarayan nila eh hindi naman ako umaatras siguraduhin lang nila na walang maduming laban, balita ko kasi pailalim tumira ang mga babaeng yun' pera nalang si Trace dahil magkatropa naman kami nung isang taon kaya kahit papano I know icoconsedared na yun' . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
>>>>>> Mark call me mga bandang 9pm kararating lang daw nya kasi, he asking kung kamusta yung araw ko then i told him what happened sakin buong araw, pinilit kon alisin kung no man yung sama ng loob ko sa unti-unting pagbabago ng relasyon namin ni Mark. . pinilit kong intindihin lahat because i know ako lang naman ang masasaktan. . . but when I asked Mark hows his day simpleng ganito at ganyan lang ang sinagot nya sakin . . . hindi ko nalang inungkat kung ano ang namumuo sa isip ko kaya ng sinabi nyng inaantok na daw sya kung ako daw hindi pa matutulog sabi ko may ginagawa pa kong assignment hindi man lang ako pinilit na matulog na he just say good night at simpleng I love you na parang walang buhay then the line was cut out. . . ahhhh ewan ko sana naman wag po . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
>>>>>>Sa nakaraang araw wala akong ginawa kung di ang magpanggap na masaya sa harap ng mga tao sa bahay at sa mga classmate ko sa school at aaminin ko napagaling kong artista dahil nagtatagumpay akong takpan ang sakit na bumabalot sakin dahil sa nangyayari samin ni Mark . . sa tuwing tatawag sya sa bahay iniiwasan ko nalang magdamdamam o ipahalata sa kanya na may iba akong nararamdaman dahil sa totoo lang hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi na yung dating Mark na tinuruan akong mahalin sya ang Mark nalagi kong kausap sa phone, simula ng birthday ni Chris hindi pa ulit kami nagkikita. . . pero sabi nya babawi raw sya kapag off season na and when I asking him kung kelan yung off season nila by september and october pa raw binuro ko nalang sya na "tayo pa kaya nun" but Mark didnt say anything kaya maslalo akong nasaktan kaya bago pa mahalata ni Mark yung unti-unti kong pagluha ng tahimik I told him na matulog na sya dahil kailangan ko ng ibaba yung phone dahil gagamitin ng utol ko but the truth i want to cut the line bago pa may masabi si mark na tuluyang hihiwa sa puso ko. . . after kong ilabas yung luha at sakit mula s apuso ko pinilit kong ibalik yung konsentrasyon ko sa pag-aaral ayaw ko ng ulit maulit yung nangyari last year na dahil lang sa isang lalake masisira lahat ng pinaghirapan ko at buong buhay ko . . kaya at that night bago ako matulog I told myself hinhintayin ko nalang si Mark ang magtapos ng lahat katulad noon kay Jan hinayaan ko na rin kay Mark na sya ang kusang bumitiw para kahit na masakit may matitira sakin at iyon ang awa mula sa iba. . . . .
To be continue . . .

No comments: