♠♥ ♣ . . .
MAY 16, 2000. . .
> > > New tragic came to our family < < <
. . . . . hindi ko alam kung bakit pag-gising ko pang hindi na ko mapakali kaninang umaga parang ang bigat ng pakiramdam ko . . . piling ko tra-trangkasuhin ako na hindi ko mawari. . . nagligpit ako sa kwarto and I saw my diary, binuklat ko ng konte' then I read sa part na May 16, saka ko lang naalala na May 16 din sa araw na to' kaya pala ganun ang pakiramadam ko, pero bakit sa mga nakaraang araw ng 16 hindi naman ako apektado lalo na ng maging kami uli ni Mark . . ahh siguro nararamdaman lang na puso ko yung lungkot dahil sa mga nagyari noong isang taon dahil kung tutuusin ito yung araw ng 5th monthsary namin ni Jan last year at ang araw din ng unang breakup namin kaya siguro ganun lang ang pakiramdaman ko, kaya bago pa ko kaining deepresion ko lumabas na ko ng kwarto at nanood ng TV, wala naman kasing tao samin maliban sakin at sa apat na chikiting na sain shera, ina, arquel at cheenee . . . yung dalawa ko kaisg kapatid malamang nas biliard nanaman kay ka roel kahit masama nag panahon, si lola naman nagpamanicure yata at sina tita nasa tahi'an at si lolo nasa mga lolo lidya nagmamadjong . . then the phone ring at si cheenee ang sumagot, ibinigay sakin dahil ako daw ang inahanap. . . it was mark after two days na di pag tawag sakin nagsosorry dahil madalas daw pagod na sya sa paglalaro kaya nanatulog sya agad . . . I told him okei na yun pero ayaw maniwala ni gago dahil bakit daw iba yung tono ng boses ko itold him what i feel kanina pang umaga kaya sabi nya pahinga na daw ako at mamaya tatawag sya to check me. . . . tinapos namin yung usapan namin sa lambingan at kulitan kaya kahit papano gumaan ang pakiramdam ko . . .
>>>>>> Tanghalian tapat when Lola back home, then naghain ako, kumain kaming lahat ng salo-salo pero si lolo mukhang masakit ang tiyan kaya konti lang ang kinain. . . nakapag-urong na ko at pumasok sa kwarto then I heard something na mukhang nagsisigawan kaya napalabas ako then I saw lola crying na sinasabi sa tita ko natawagin si doctora Elena, agad namang sumunod ang tita, then nagiiyakan na silang lahat dahil si lolo iba na ang itsura, then doctora arrive and check lolo's pulse may kung anong ginagawa habang tumatagal lalong dumadami kami sa bahay, nandoon na lahat ng apo ni lolo at lola pera lang anak ni tita Emy dahil sa bagong sibol sila nakatira, nag-iiyakan na kami at tila pati langit nakikisama dahil umuulan, una doctora relieve lolo, ihahanda na mga ni tito Alex yung Tricycle para isugod sa hospital si Lolo pero suddenly lolo said something na tangging sina lola at mga tita lang ang nakarinig dahil nasa may hagdan kami at sila sa kwarto ni lola at lolo then nag-iyakan na naman sila ang tangging naintindihan ko lang when tita Adie said na " tatay naman wag kayung magsalita ng ganyan" then nakita namin kung paano itinirik ni Lolo ang mata nya at pimikip again lahat kami sabay sabay na tinawag yung name ni lolo . . nag-iyakan habang tinitingnan ni Doctora si Lolo, at nasa ganun kaming lahat na sitwasyon ng dumadaan naman ang labi ni Lolo shano, halos hinarang ng mga tita ko ang karo ni Lolo shano na dumaaan sa harap ng bahay namin dahil may pamahiin na kapag natutulog ka o may sakit ka hindi ka pweding madaanan ng karo o patay dahil sasama ang kaluluwa mo sa inililibing pero huli na dahil hindi na pweding iliko ang karo dahil bawal naman iatras ang karo, then iksaktong pagkalakpas ng gulong ng karo ni lolo shano, doctora declared Lolo's gone, nagsimula na ang komusyon, sabi ni tita baka may magagawa pang paraan to survive lolo pero umiling na si Doctora kaya mas lalong naglakasan ang palahaw bawat isa may kanya kanyang pwesto sa pagluha, hindi ko alam kung anong gagawin ko that time, pumasok ako sa room ko at doon ako umiyak dahil parang di ko kaya ang nakikita ko, naalala ko yung araw na kami ng mga kapatid ko ang nasa kalagayan ng mga tita ko at si mommy sa pwesto ni lola at ang daddy si lolo. . . katulad ng una kong naramdaman kay daddy i take all happen is just a dream pero habang dumarami ang tao sa paligid, dumarating ang mga nakikiramay at nagsisimpatya sa aming nawalan lalo lang lumilinaw na totoo at hindi isang panaginip ang nangyayari . . tumulong ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailang ipanik dahil kinuha na si Lolo ng funeralya para imbalsamuhen, sina tita ang sumama kaya kaming magpipinsan ang naiwan para ayusin yung mga gamit. . . si lola hindi na umiiyak pero tahimik parin, at halos lahat yata ng dapat na makipaglibing sa lolo shano na kamag anak ni Lola nasa bahay na at di na yata tumuloy sa pakikipaglibing kaya madami ring kausap si lola at bawat dumating paulit-ulit ang kwento ni lola about sa mga nangyari. . . then lola Essy hipag ni lolo told lola na magpakatatag sa una lang daw masakit ang lahat pero mamaya o bukas hindi pa man tanggap ng lubos pero hindi na ganun kasakit. . . I remember that world dahil tumimo yun sa puso ko, tama si lola Essy, dahil sa una masakit ang mawalan, iiyak ka hanggang kaya mong umiiyak pero sa pagdaan ng oras unti-unti mong nakikita at nararamdaman na nababawasan ang sakit at kahit papano natatanggap mo ang nagyayri. . . Nang dumating ang labi ni lolo lahat kami nandoon wala ng umiiyak maliban sa lola pero hindi man kasing lakas ng iyak kanina ang pagtangis namin alam naming lahat na isa na namang dagok sa pamilya ang pagkawala ni lolo lalo na sa lola. . . but lola Essy talked all of us at sinabing makakaya namin yun' sa tulong ng POONG may KAPAL . .
>>>>> nang maayos na ang lahat una kong tinawagan sina JON, MHAEI and GERL sabi nila bukas na sila makakapunta, sa Cyber's naman si Cath lang ang matatawagan ko dahil nasa davao nga sina Kambal at si Lyca paniguradong nasa dorm . . si Cath na daw ang bahalang magsabi kyna Ian at sa iba pa . . . tumulong kaming lahat na magpipinsan sa bawat gawain pero sa dami ng kamag anak ni lolo na na nandoon wala na kaming magawang mga bata kundi ang utusan lang kung may bibilin kaya nagkwekwentuhan nalang kami sa labas dahil may habong naman kaya kahit umuulan may proteksyon, at dahil may patay naman kaya isinarado yung daan . . . then Kuya Jhun and Kuya Exor talked to me sympre nakikiramay, konting kwento tapos nakipag laro na ng tong-itz sa mag naglalaro doon . . . kanina kasabay ng pag-iyak namin ang pagbuhos ng ulan ngayon naman tila sa paghupa ng bawat hinagpis namin unti-unting gumaganda ang langit dahil sa dami ng bituin . . ng pumasok ako sa kwarto dahil doon naglalagi yung mga makukulit kong pinsan at pamangkin kong si Yeye muli kong nakita yung diary at naalala ko nadagdagan na naman ang memorable sa araw ng 16 para sakin . . . saka ko lang nabigyan ng dahilan kung bakit sa paggising ko ang bigat na nang pakiramdam ko si lolo pala ang dahilan nun . . . Hindi naging mahirap yung unang gabi samin dahil hindi pa naman masyadong matao dahil nga bukod sa umulan kanina malamang bago palang nalaman ng ibang kamag-anak namin ang nangyari . . napagkasunduan kanina nasa Tuesday ililibing si Lolo pero kung makakauwi si lolo Yeye na kapatid ni Lolo na nasa Saudi hihintayin pa yun at saka babaguhin ang araw ng libing . . . sa buong gabi nasa malapit lang ako ng phone para hintayin ang tawag ni Mark but sad to say tila tumilaok na yung manok at nagsimula ng antukin ang mga pinsan ko na kalaro ko sa cards games walang Mark ang tumawag pero iniisip ko baka pagod na naman si gago kaya hindi na katawag . . .
♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
>>>>>> Kahit na halos umaga na ko nakatulog maaga parin akong nakabangon, dapat nga sasama ako kyna Lola at tita adie magsimba para pagdasal si Lolo kaya lang pinatulog muna kami ni lola dahil paalis sila bago palang kami magsisitulog na magpipinsan . . hanggang sa mga sandaling iyon hindi ko parin maiisip na kahapon lang ng umaga kausap ko si Lolo dahil may iniuutos sakin sa palengke, tapos ngayon ito na sya nakahiga sa kabaon, wala ng buhay. Ewan ko ba kung bakit kailangan may kamatayan pa, pero inalis ko sa isip ko ang mga iniisip ko dahil I know hindi iyon ang time para magquestion ako o wala akong karapaan para magtanong sa KANYA dahil lahat ng nangyayari alam ko sya ang may gawa at alam kong may dahilan SYA kaya nangyayari ang lahat ng iyon. . . . aftrer kong mag-almusal tumulong ako sa pag-aayos ng mga pinamili nina Tita sa palengke, naggayat din ako ng ilang gulay bago sinabi ng mga kamag-anak ni lolo na mula pa kagabi sila na ang nagaasikaso ng lahat sa kusina sila nalang daw doon. . kaya lumabas ako at tila yata nagkaktulog pa ang mga pinsan ko kaya tumambay nalang ako sa labas at umupo sa isang mesa ng madjungan. . . ahhh isa nanaman dagok para sa pamilya namin ang pagkawala ni Lolo dahil after daddy si lolo lang ulit ang nawala samin, then I remember kaya pala sabi ni lolo sana kasama pa namin sya sa pasko. . . hindi ko man gustong maluha pero naalala ko kung gaano ako sauwail na apo sa lolo ko. . for the first time I asking myself kung naging mabuti ba kong apo kay lolo, sa dami ng katarantaduhan ko at pagsaway sa gusto nya sa pamamagitan ng pagkausap ko sa isip ko sinabi ko kay LOLO na sorry sa lahat ng nagawa ko, at sana kapag nagkita na sila ng daddy ko sabihin nya na MAHAL na MAHAL KO ang daddy ko at MISS na MISS ko na sya. . . ngayon dalawa na silang magbabantay samin sana wag nila kaming pababayaan. . . . Mga bandang tanghali ng tumawag si Mommy, ako pa nga ang nakasagot kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin kaya bago pa ko tuluyang maiyak ipinasa ko na sa tita ko yung phone, then after non si Lola ang kinausp ni Mom saka ulit ako. . . Mommy said kaya pala kahapon daw ang bigat-bigat ng pakiramdam nya dahil pala yun kay lolo pero ako hindi ko na sinabi kay mommy na pareho lang kami ng nangramdaman . . .
>>>>>> hapon na ng dumating sina Mhaei at Jon, si Gerl daw nasa Laguna nagbabakasyon kaya hindi nakasama . . . konting kwentuhan at kamustahan dahil the last time na magkita kami ng GEKAJOM birthday pa Mhaei ( hindi ko na naisulat sorry) after four hours siguro umuwi narin sina Jon at Mhaei dahil lumalakas ang ulan. . . . tatawag nalang daw sila dahil baka di na sila makipaglibing dahil bawal sa religion ni Mhaei at di naman makakpunta si Jon na mag-isa . . . Nang gabing iyon hindi rin tumawag si Mark, pero sina Jen, Janeth at syempre sina Andoy at Vince na kasama nung dalawa sa Davao nakiramay sakin, baka daw kasi sa katapusan pa ang uwi nila doon kasi gaganapin yung 19th birthday nung kambal dahil hindi nakapunta yung lola nila last year sa 18th birthday dahil mahina na daw. . . . si Mercy rin tumawag pero hindi katulad nina Kambal hindi pa alam ni Mercy ang nangyari dahil una syang tumawag sakin kysa kyna Jen. . . si Cathy naman nagpasabi na bukas na makakapunta dahil umuulan nga at mataas daw ang tubig sa angono. . . . kaya lumipas ang pangalawang gabi mga pinsan ko parin ang kasama ko. . .
♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
>>>>>> Third Night ng Lamay ni Lolo . . . medyo maganda ang panahon dahil umaraw kanina kaya madaming tao bukod sa friday na kaya wala ng pasok ang ilan bukas. . . Karamihan ng Tao at may nagdadasal pa ng dumating sina Cath, Jaypee, Ryan, Ian, Micheal, Cris at Randy kasama si Dianne at Anne, kaya di ko na sila na papasok sa loob, kaya nasa karsada kami naka pwesto sa may habong. . . . nakita ko pa nga si Jan na nakatingin samin ng dumaan sila nina Tato pero hindi ko nalang pinansin. . . Ryan asked me kung Okei na ako, I told him not yet but mas okei kesa sa unang gabi, lahat sila nagbigay ng sympathy at wisdom para sa mga katulad kong nawalan ng minamahal. . . naglaro kami ng ilang games card at kumain ng sopas, kahit papano nawala yung bore dam ko at lungkot habang nandoon sina Cath, then Ian asking kung alam na ba daw ni mark, bigla kong naalala halos tatlong araw na mula ngsabihin nya na tatawagan ako pero hanggang sa mga sandaling iyon walang mark na naghahanap sakin sa phone imposible namang di ibinigay sakin yung tawag nya kung tumawag man sya dahil nasa malapit lang ako sa tuwing oras na maari syang tumawag. . . I told Ian na hindi pa dahil last nga nagusap kami buhay pa si Lolo ng umaagang yun. . . Then Cath told na malapit lang sa baranggay nila yung paglalaruan nina Mark next week at baka makapanood sila ni Ryan dahil uuwi na sila sa Sunday doon kaya nag-sorry sila na baka di na makipaglibing, sabi okei lang yun ska baka di ko rin sila maasikaso sa libing sa dami ng pamilya namin, siraulong si Randy hindi lang daw bilang ng pamilya namin ang malaki kundi naglalakihan pa pati katawan, sa unang pagkakataon mula ng mamamatay si lolo nung makalawa noon lang ulit ako nakatawa kaya kahit papano lumuwag ang dibdib ko sa biro ni Randy . . halos alas-dose narin sila nagsialis kung di pa inantok at nagyaya si Diane. . isang kotse at isang motor ang dala nila na pinarada sa Victoria, si Ryan ang driver ng kotse kasama si Cathy, Anne, at Jaypee si Randy, Micheal at Ian sa motor dahil ibaba naman nila si micheal sa calehon . . . after ko silang maihatid nakihalubilo na ko sa mga pinsan kong puro pulbos at lipstik ang mga mukha dahil naglalaro ng ungoy-unguyan . . .
♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
>>>>>> Habang papalapit ang huling lamay lalong dumami ang mga tao, tuloy ang libing ni lolo bukas dahil hindi na mahahantay si Lolo Yeye, kaya kanina bumili na kami nina Tita ng white t-shirt at black pin para samingmga magpipinsan at sila naman mga anak black an white na damit . . . naging busy rin sa paghahanda ng mga gagamitin para sa pakain after ng libing . . huling lamay kaya dagsaan ang mga tao at sa di ko inaasahan sa huling araw pa ni lolo ko matutuklasan at mabubuksan ang issue samin ni Jan pero i know hindi yun sinasadya ni Lola dahil dumating doon yung tita yata ng papa ni Jan at sya ang nagpatunay sakin na magpinsan kami ni Jan at sa pagkakaintindi ko 5th cousin na kami kung tutuusin pero sabi nga nung matanda na kausap ni lola magkadugo parin kami kahit na anong sabihin, after ng rebelasyong yun pinilit ko munang isinangtabi yun, dahil hindi yun ang time para isipin ko yun ,kaya tumulong ako sa pagdadala ng pagkain sa labas, tinapay, sopas at kape . . . halos mag-uumaga na rin ng umidlip kaming magpipinsan at matapos ang mga sugal na binabantayan namin ang mga tong'. . . .
♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
>>>>>> Times came to say Goodbye to LOLO, tila buong kalangitan katulad ng inilibing namin si daddy ay nakikisama sa pagluluksa samin, for the fisrt time I saw tito Alex crying ng inilabas yung ataol ni Lolo sa bahay at nagsimulang umiyak sina tita at lola . . . nasa unahan kaming lahat na mga bata si Arquel nga nakasakay pa sa bamper ng karo, syempre mga bata pa kaya parang laro pa samin ang lahat kahit na umiiyak kami . . . kahit na malakas ang ulan ang dami paring nakipaglibing kay lolo patunay lang na isang mabuting tao at magaling makisama si lolo ng nabubuhay pa. . ewan ko ba, sabi nila ganun raw yun' kapag maraming nakiramay at nakipaglibing sayo it means nanging mabuti ka sa kapwa mo noong nabubuhay ka. . . . pero nakisama naman yung panahon after na mabindisyunan si lolo at nang makalabas kami ng simbahan papunta sa private cementary namin kung saan doon din nakalibing si Dad, halos lahat ng bata inihakbang, niloloko nga ako ng mga tito ko kung ihahakbang din daw ako, kahit papano unti-unti ng natatanggap ang lahat, nagiyakan lang ulit ng magpaalam si Lola sa lola at sabihin " dalhin daw lahat ng sama ng loob na bumabalot sa pamilya namin at sana si lolo na daw mamagitan si lolo sa mga di pagkakaunawaan sa pamilya at patawarin kung sino man ang nagkasala kay lolo" lola say that dahil before mamatay si lolo may hinanakit si lolo sa mga kapatid nya dahil sa tuwing hihingi ng pambili ng gamot kailangan pang magmakaawa si Lolo kahit na sya ang pinakamatanda sa lahat pero ng si LOLO Boy nang maospital at maoperahan walang sabi-sabing bawat isa sa magkakapatid binawasan ng sampung pursento sa dibidendo bilang hati sa operasyon ni lolo boy, kaya kahit kami hindi namin maalis na di magtampo sa mga kamag-anak ni lolo lalo na ng sabohin ni doctora na siguro daw kaya di dumaing si lolo sa lola na may nararamdaman dahil madalas nilang pag-awayan yung pagsasawalang kibo ni lolo sa tuwing hinihindian ng mga kapatid sa pambili ng gamot. . . pero wala na kaming magagawang lahat dahil magalit man kaming lahat wala na si lolo, at sana nga dalhin na ni lolo kung saan man sya papunta ang lahat ng samaan ng loob sa pamilya namin at sana patawarin din ako ni lolo bilang isang suwail na apo sa kanya noon . . .
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment