Sunday, March 23, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 137

♠♥ ♣ . . . Its so sad two weeks nalang end of school year na, three weeks from that Holly week naman kaya I'm Sad kasi male-less lalo yung time namin ni Mark to each other saka I dont know kung yung mga bestfriend kong Party movers mga classmate ko pa next year kaya sad talaga ako . . . . .


♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥


>>>>>> Kuya Exor and Abet visit me, nandoon lang naman kasi sa tapat ng house namin nagkukuwentuhan kaya okei lang sa mga olds ko, na miss ko nga ang ganitong tyms eh, hindi ko na kasi binubuksan yung mahiwagang pinto ewan ko kung bakit siguro kasi kapag nakabukas yun parang naaalala ko lang si Jan, and speaking of him, i know ba na kaninang pagpasok ko sa school nakasabay ko pa sila ni Kuya Olan sa pag-alis buti nalang hindi Binangonan yung unang dumaang jeep kung hindi mapipilitan pa kong makasabay sila. . . Abet asking me kung bakit di na ko napapadalaw sa Pantok, hinahanap na daw kasi ako ng mga admirer kong sina Rian at Chris and you know what may padala pang love letter si Rian ahhh gosh hanggang Pantok ba naman nakakrating ang kamadag ko he h ehe well i told kuya Exor and Abet na nagkabalikan na kami ni Mark, una nagakit sina Kuya dahil baka gabihin na naman daw ako lagi kung umuwi but I told them na i know the limit of my time at saka kung kelan nga nainlove ako na as in inlove kay Mark saka naman naging busy kami pareho lalo na si Mark dahil sa soccer nya minsan nga di na sya nakakapagpractise ng sayaw, ayyyyyy sana nga lang sa soccer sya busy . . . .


♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣

>>>>>> Gusto ko na sanang manahimik, hanggat maari ayuko ng makabangga ang AHO na babae dahil for me tapos na ako sa kanila, pero hindi ko alam kung ano ang gusto ni Laarni dahil after ng practise ng SKSK dahil sa GDR kami nagpractise sa tapat ng bahay nina Jeff bulok gusto ko mang iwasang mapadaan sa bahay nina Jan dahil nakatambay sina Odessa at Laarni hindi pwedi dahil yun lang ang way pero nagpantig ang tenga ko dahil nagparinig sina Jam at Odessa at kahit na ayuko ng gulo hindi naman ako umaatras sa laban kaya sinagot ko kung ano man ang pinaririnig nila sakin at pinagmalaki pa ni Odessa si Laarni na new GF ni Jan kaya sinabi kong ano naman paki alam ko kung may bago na si Jan bago pa ba yun sa AHO eh halos lahat naman sila napagpasahan na ng mga AHO at mukhang napika si Laarni at sa unang pagkakataon kami ang nagtuos tigilan ko na daw ang boyfriend nya dahil hindi na daw makikipagbalikan sakin si Jan what ever happened aba ako pa hinamon nya kaya sinabi ko baka kainin nya ang sinabi nya saka ako??? tigilan ko na yung bf nya edi saksak nya sa baga nya dahil wala akong pakialam sa relasyon nila . . sa asar ko sinabi ko na "sanay naman kayo sa mga pinagsawaan ko eh" pero bago pa lumala ang gulo inawat na kami nina Bong at lole pero nakakapikon ni isa sa mga kuya ko wala roon para tulungan ako . . . at kahit hindi ko gustong masaktan nasasaktan ako sa mga sinabi ni Laarni dahil hindi dapat sinasabi ni Jan sa girlfriend nya kung ano man ang pinagsamahan namin dahil samin lang dapat yun' tuloy may bumangong galit sa puso ko para kay Jan kahit ayukong maramdaman . . umiiyak ako kay Lole ng dumating si Kuya Exor at galit na galit dahil bakit daw hinayaan nina Bong at Lole na magkaaway pa at magkasagutan pa kami nina Laarni bago kami awatin . . . mas lalo ko tuloy minahal si kuya Exor dahil he show me how he cared and he love me as his sister . . .

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣♣

>>>>>> Itinuon ko mula sa pagrereview ang isip ko kahit na hindi mawala sa isip ko si Jan dahil sa mga sinabi ni Laarni at sa hindi ko malamang dahilan bakit lagi nalang nakabuntot ang pangalan ni Jan at anino nya sa buhay ko kahit na halos iwasan ko ng dumaan sa GDR para wag lang syang makita . . . . . hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na magpunta kyna Abet at doon ilabas ang sama ng loob ko kay Jan pero kamalasan ko naman nauna yatang magsalia si Laarni at Jan kay Abet dahil sinabi ni Abet sakin na galit na galit daw sakin si Jan dahil inaway ko daw si Laarni. . . anak ng tokwa ako ngayon ang nang-away . . . kaya sinabi ko kay Abet na sabihin kay Jan na hindi ako ang nanguna kundi yung gf nyang hukot . . . . ah mas lolo tuloy akong na badtrip kainis. . . .

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
>>>>>> Last week na ng school dahil periodical test na namin this week the next week pirmahan na ng clearance pero malamang pasulpot sulpot nalang ang iba sa school sa isang linggo . . Ngayon palang nalulungkot na ako dahil malamang hindi na kami magkakaklaseng lahat sa isang taon pero sana naman hindi maputol ang friendship dahil sa tooo lang kung masaya ako noong 2nd year mas maligaya ako ngayon kahit na mas madami akong trial na pinagdaanan sa taong ito' . . . Dahil maaga lagi ang uwi parati akong nasa Villages di narin ako masyadong nagpyupunta kyna Abet dahil I feel something different about Abet ewan ko ba para kasing balewala sa kanya yung pagiging kuya nya sakin ahhhhhh ewan . . . kaya madalas nauuna pa kong umuwi sa bahay nina Mark kesa sa kanya and you know what natakot yata sina Vince at Mark kay Mercy kaya ayun hindi natuloy ang pagiging Cyber's ni Gretch he he he he . . katulad ng nakaraang araw dahil sanay na sakin si tita Dorothy after ng konting kwentuhan pinataas na nya ko sa kwarto ni Mark para daw makapagpahinga muna ako dahil sya naman daw ay tatawid sa kabilang bahay para makipag chikahan sa mga amiga nya. . . dahil puyat ako sa kakareview mas ginusto kong umidlip kesa ang manood ng TV o Movie na bagong hire ni Mark sa video shop dahil alam nyang iyun ang ginagawa kong libangan habang wala pa sya . . . dahil sanay naman ako na natutulog doon madali akong nakatulog . . . . pero sa lahat naman ng mapapanaginipan ko si Jan pa, ahhhhh hanggang panaginip ba naman dala ko ang hinayupak na yun ' pero kung ano man ang napanaginipan ko that time ayuko ng maalala dahil mas lalo lang akong sinasaktan ng ala-ala ni Jan, then I weak up when i feel Mark kiss me at my forehead, ayaw daw nya sana akong gisingin kaya lang baka wala na daw akong itulog mamayang gabi, ng tanungin ko sya kung anong oras na he said quarter to four . . . bigla tuloy akong napabalikwas dahil halos magaala una lang ako natulog kanina . . I asked him kung ngayon lang sya dumating hindi daw kanina pa daw 1:30 at ibig sabihin kakatulog ko lang pero i asking him bakit hindi nya ko ginising, ang sarap daw kasi ng tulog ko at saka alam nyang puyat ako sa pagrereview.. . . then Mark told me na mag-ayos na ko dahil magmimieryenda na daw kami sa baba at ihahatid na nya ko, pero nahiga uli ako at yumakap sa kanya ewan ko siguro na kukunsensya ako dahil sabi nya ang himbing ng tulog ko kaya di nya ko ginising paano kaya kung malalaman nyang si Jan ang laman ng panaginip ko hayaan pa kaya nya kong mahimbing sa pagkakatulog? ahhhhh dumali na naman si Kathrina . . . . after snack nagpunta muna kami kyna Mercy para mag hi kung sino man ang tao sa tambayan. . . . nadatnan namin roon sina kambal, kasama ni Vince, Cath at Jaypee ng tinanong ko kay Janeth si Andoy may test daw kaya mamayang gabi pa daw yun pupunta. . . . kunting chikahan then hinatid na ko ni Mark sa harap ng bahay. . . ayaw na kasing pumayag ni gago na magdadaan pa ako sa GDR pero sa Victoria kami dumadaan at sa harap nya ko binababa para walang makitang mga dragon dahil sina lolo at lola naman laging nasa likuran. . . . syempre good bye kiss muna bago umalis at kunting biruan pa. . . ahhhhh kung minsan praning na ko dahil iniisip ko bakit sa tuwing magmamahal ako sa ikilawang pagkakataon sa mga nagiging boyfriend ko saka ko lang nararamdaman yung totoong happiness sana lang wag tulad ng kay Jan ang maging ending namin ni Mark ... . . .

♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠
>>>>>Katulad ng payo nina Kuya Exor at Kuya Jhun iwasan ko nalang daw ang babeng AHO lalo na si Laarni dahil ako lang ang mapapasama dahil sa nakaraan namin ni Jan kaya iyon ang ginawa ko but I think iwasan ko man ang mga bruhang iyon sila ang gumagawa ng way para kami magkabangga lalo na ng tila pagkaisahan ako ng pagkakataon dahil nandoon din si Sandra, at sa hindi ko inaasahan Sandra talked to me about Bong and I told her kung ano talaga ang nangyari nandoon pa nga sina Kuya Exor at Lole kaya kahit papano mahinahon kaming nakapagusap ni Sandra at nagkaintindihan kami na kung anong meron kami noon ni Bong tinapos ko na at higit sa lahat labas ako sa ano mang issue nila dahil hindi ako kasama sa relastion nilang dalawa. . . pero tila naghahanap yata talaga si Laarni ng gulo ng gabing yun dahil nagparinig nanaman sila nina Odessa pero kung ako nakapagpigil yung mga pinsan ko hindi kaya sa ayaw at sa gusto ko nakiaalam ako at saksi mismo si Jan na yung GF nya ang nagsimula ng lahat . . at sa galit ko hindi ko na iwasang umiyak kahit na ang daming AHO ng time na yun' nakakinis lang wala si kuya Exor ng oras na yun dahil dumating si Shiela kanina . . lole and kuya olan try to calm me pero hindi ko na napigilan talaga yung mga sinasabi ni Laarni dahil hindi nya dapat alam yun dahil samin lang dapat ni Jan yun' at tila na kunsensya naman ang hayop na si Jan dahil pagkaalis ng GF nya binalak din nya kong kausapin pero nagkasigawan lang kami dahil galit na galit na ko sa kanya . . . kaya sinabi ni Lole na umuwi na daw ako at sinamahan naman akong umuwi pero hindi kami pumasok hanggang doon lang kami sa tambayan dahil hindi ako makakapasok sa loob ng bahay ng di ako kumakalma. . . . kasama si lole at ang mga pinsan ko binuhos ko lahat ng galit ko kay Jan sa pag-iyak ahhhhhhh hanggang kelan ba ko sasaktan ni Jan . . . kung pwedi lang hilingin na sana hindi na talaga nag krus anglandas namin sana hiniling ko na nung una palang . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣
>>>>> Sa huling araw ng periodical Test alam naming iyon na rin ang huling araw na maaari kaming maging kompleto ng tropa sa school dahil next week sulian na ng libro at pirmhan nalang ng clearance . . . we bonding sa pamamagitan ng kainan sa canteen ang saya nga eh talagang nilubos namin ang huling araw sa school sayang walang camera he he he. . . after nun kanya-kanya ng uwi at sa huling pagkakataon nag yakap kami ni Rico at nagbeso-beso dahil we not sure kung magclassmate pa kami next year pero pinagako namin we syill best freind at walang magbabgo roon kahit na anomang mangyari. . . kanina rin hindi man kami nagusap ni Manuel sa simpleng tanguhan at ngitian alam na namin sa isat-isa na iyon na yung sign na nagpapaalam na kami sa isat-isa. . . ang daming nangyari sa taong ito at masaasbi kong di naging madali para sakin ang hird year life dahil ang daming mga pangyayring nagpabago sa takbo ng buhay ko but ganun pa man masaya man o malungkot na ala-ala hindi ko malilimutan ang III-8 siguro hindi lahat maalala ko ang pangalan pero alam ko magkalayo-layo man kami sa susunod na taon nasa puso ko parin ang ala-ala ng pagiging- III-8 no matter what happen . . . . . .
>>>>>> Huling araw ng test kaya maaga rin akong sinundo ni Mark dahil wala naman syang pasok kaya nagstay kami sa room nya, nagtulog at nanood ng movie, kaya naikwento ko sa kanya yung nangyari samin ni Laarni, kaya pinaglitan nya ko dahil sinabi na daw nya sakin kasi na tigilan na yung sa sinakulo dahil yun lang daw nagiging reason ko para tumambay o dumaan sa GDR pero symepre I promise him na hindi na mauulit yun, sabi naman ni gago dapat lang daw dahil kung di susugurin daw nya yung mga nagpapaiyak sakin . . . at dahil sa sinabi ni Mark na sobrang nagpataba ng puso ko pinugpog ko ng halik si gago sa mukha hanggang sa magkalandian kami . . . . . ahhhhhhhh sana nga laging ganun nalang ang buhay . . . .

♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥+♥
>>>>>> gumawa kami nina Kuya Exor at Weng ng sulat para kay Shiela dahil magmi-migrate na pala yung GF nya sa chicago kaya nga nagpatulong sakin gumawa ng goodbye letter at dahil bestfriend daw yun ni Weng pati si weng nagpatulong narin . . . .
>>>>>> after gumawa ng love letter with kuya Exor and Weng nagyayang magstrol si Bong kaya naiwan ako sa tambayan kasama si Punggay, dumating si Laarni at Odessa kinausap ako para makipag-ayos at dahil gusto ko naring magkayaus kami pumayag akong makipagkita sa kanila bukas para magkausap-usap pero binilin ko na walang JAN na kasali sa usapan man o sa pagkikita . . . .

♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
>>>>> Maaga kaming nagsimba ni Mark dahil may meeting mamaya sa bahay nina Vince kaya imbis na pumunta ako kyna Laarni katulad ng napag-usapan kagabi nagpabigay nalang ako ng sulat dahil sa totoo lang wala naman kaming dapat pag-usapan dahil maliban kay Jan wala na kaming koneksyon at ngayong wala na kami ni Jan i dont think may dapat pa kaming pag-awayan dahil para sakin ang katulad ni Jan hindi dapat pinagaawayan dahil wala namang kwenta kung sya lang ang magiging ugat ng pagsikip ng mundo ko sa GDR . .
>>>>>> Hindi na tuloy ang hiking sa katapusan dahil hindi pinayagan ang mga graduating katulad ni Cath dahil malapit daw sa disgrasya kaya suggest ni Vince kay Mark mag-outing nalang sa birthday nya para kasabay narin yung graduation party na ibibigay ng grupo para kyna Cath, Ian, Chris, Randy at Andoy .,. . . sabi ni Mark wala naman daw problema kung payag ang lahat kaya lang magdodoble celebration nya dahil hindi naman papayag ang mama nya hindi maghanda sa bahay dahil taunan ng ngapupunta ang mga ninong at relatives nila kapag birthday nya. . . . so ang naging resulta night swimming sa mismong araw ng birthday ni Mark at friday yun at saturday nalang sya maghahanda sa bahay nila . . . . After the meeting hinatid na ko ni Mark sa bahay, sunduin nalang daw nya ko sa bukas, monday after kong magsubmit ng libro sabi ko samahan nalang nya ko dahil wala na rin naman syang pasok tuwang-tuwa naman si gago . . . .

♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
>>>>>> Kinausap ako ni tito Joseph, tito ni Jan ang sabi mag-aanak daw ako sa linggo sa anak niya syempre umu-oo nalang ako pero pag-uwi ko sa bahay naalala ko na linggo yun at malamang sa simbahan ng taytay binyagan yung bata kaya bigla tuloy akong natakot dahil after Jan and I broke up ngayon lang yata ako ulit makakapsok sa simbahan ng Taytay kung pupunta ako . . . after practise ng SKSK nagyaya sina Punggay at Rocel na maggala nagkataon naman nakasalubong namin sina Athan at Bong kaya nagkakwentuhan kami habang naglalakad at sa malas nga naman dalawang beses pa naming nakaslubong sina Abet at Jan pero hindi ko nalang pinansin paki-alam ko ba sa kanya . . pag-uwi namin nakita kami ni Kuya Exor kaya napagalitan tuloy ako pero okei lang yun galit galitan lang yun he he he . .

♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣ ♣♣
>>>>>> Sad to say hindi ko nakasama sa school ang mahal kong boyfriend dahil maaga daw ang practise nya ng soccer kaya susunduin nalang daw nya ko. . . kaya nag stay muna ako sa school after magsaulian ng libro dahil hindi ko naman kailangan magpapirma ng clearance dahil si Tita naman ang nageenrol sakin . . . but sad to say sinabi sakin ni Mam gabriel na sana daw makakatanggap ako ng Honor kaya lang kinulang ako ng ilang puntos kaya naging top 4 lang ako at si Ivon ang naging top 3 eh hanggang top 3 lang ang umaakyat sa recognition kaya syang hindi ako kasali pero ayus lang iyon kahit na nakakapaghinayang alam ko naman na ako ang may kasalanan saka worth it naman yung naging kapalit ng medal naging maayos ang buhay ko sa pamilya ko at sa love life ko . . .
>>>>>> hindi na ko nasundo ni Mark dahil naunahan ko pa syang dumating sa bahay nila. . pinag-usapan narin namin na di kami makakapgsimba sa Sunday dahil mag-aanak ako, sabi ko nga sumama sya pero ayaw ng malamang anak ng tito ni Jan ang aanakin ko basta binilin lang nya na wag akong mag-iinum at wag na wag ko daw kakausapin si Jan . . . as if naman makakainum ako doon at makakausap ko ang gagong X ko . . .
to be continue . . . .

No comments: