Tuesday, March 25, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 140

♣ ♥ ♠ . . . . Inalis ko muna sa isip ko ang kung ano man ang nararamdaman kong di maganda kay Gretch, tama si Vince naprapraning lang siguro ako, kung may gusto man si Gretch kay Mark, alam kong walang gagawin si Mark na makakasakit sakin dahil kung may isang tao man na mananakit sakin si mark ang pinakhuling tao sa listahan . . . sabi ni Vince alam daw nyang hindi ko type ang panahon ng vacation pero e-enjoy ko nalang daw ang bakasyon kesa kung ano-ano ang iniisisp ko kaya iyon ang ginagawa ko kesa nga naman mapraning ako kakaisip sa Gretch na yun' .. . . .

>>>>>> Naging busy naman sa ako sa SKSK dahil ilang araw nalang dakip na, si Mark naman busy sa soccer nya dahil sa nalalapit na laban nila sa May, nakakapag-usap man kami gabi na at minsan hindi pa nga dahil sabi ko magpahinga na sya dahil alam kong pagod sya . . . . pati nga yung pagsisimba namin tuwing sunday apektado na ng sched nya pero may promise nman sya sakin na magkakasama kami sa prosisyon sa Friday . . . .dahil kahit gustuhin ko na makasama sya sa holly week hindi pwedi dahil lalabas kami ng SKSK . . .

♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣+♣

>>>>>> its a busy day, kagabi nagdakip bukod sa inayos namin nina rocel lahat ng kakailangan para sa palabas ng SKSK mula pagkain, sobre at mga costume inayos pa namin yung altar namin, may dalawang altar sa GDR isa sa bahaging karsada doon sa dating house nina Abet at yung isa samin kaya okei narin dahil hindi namin kailangan magkita ni Jan kung sakaling magbabasa kami sa altar . . . 5:00am palang gising na ko dahil nagpunta pa kami ni Rocel sa palengke para bumili ng isdang ibabaon, after nun nagluto at saka chenick namin kung okei na ang lahat . . isa-isa ng nagdatingan ang grupo namin, nina Kuya JR bangaw at ang AHO dahil sa lugar namin may tatlong samahan na nagsisinakulo, dahil kami ang unang kumilos kami ang unang nakaalis sa tatlong grupo . . .
>>>>> the first destination sa Angono, pero nagbago ang isip dahil mas marami daw tao sa muzon kaya ayun mula muzon pauwi sa GDR ang inuna naming sakripisyo, lunch break ng tinawagan ko si Mark like what I promise to him dahil iyon ang usapan pero ng tinawagan ko si gago maaga daw sinundo ng ka team mate nya kanina sabi ng mama nya, pero sabi ko sabi nya sakin wala silang practise ng holly week sabi ng mama nya may swimming daw, kaya nagtaka si tita dorothy kung di ba daw nasabi sakin, sabi ko magkausap kami kagabi ni Mark but he didnt say anyting na aalis sya at lalong walang sinasabi about sa swimming . . kaya sinabi ko kay tita na kung sakaling maagang umuwi nasa bahay na ko ng 3pm at kung pwedi na patawagin si Mark sakin . . . . kahit na hindi naging maganda yung pakiramdam ko dahil kay Mark pinilit kong ipagpatuloy yung obligasyon ko sa ginagawa naming sakripisyo . . . hindi naman ako nabigo dahil nawala sa isip ko si Mark dahil sa kaulitan ng mga kasamahan ko . . ah ewan ang kukulit palibasa puro pa kasi mga bata he he he . .
>>>>>> pag-uwi namin after na maiyos lahat ng gamit na ginamit namin nagsipag-uwian muna ang grupo then kung sinong gustong bumalik mamaya para sa pabasa bumalik kung hindi naman bukas ng 5 am magkikita na dahil malayo-layo ang destination namin . . . 8pm na ko lumabas ng bahay after kong magising ng 6pm kanina I try to contact Mark pero hindi parin daw dumarating sabi ng maid nila, nagluto ako at kumain na kami ng hapunan pero ni isang ring ng phone wala akong narinig hanggang makapagligpit ako at makapag-urong wala parin, doon na nga ako tumambay sa tapat ng pintuan namin para pag nagring yung phone alam na naroon lang ako pero gabi na at alam kong kung dumating man si Mark pagod na siguro kaya punmunta na ko sa latar para makihalubilo sa mga kasamahan namin sa SKSK kesa magmukmok ako . . .

♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠+♠
>>>>>> Kinabukasan ganun parin ang nangyari maagang gumising, naghanda ng babunin at mga kailangann then lumarga na kami, at gaun rin ang nangyari kanina sa huling araw ng sakripisyo yun nga lang tanggali na kami kumilos dahil hindi naman kami dadayo dito lang kami taytay . . . at hanggang ngayon hindi parin kami nagkakausap ni Mark, kahit na mamaya na yung prosisyon. . . sabi ni Tita may tumawag daw sakin kagabi noong nasa labas ako, i think sya yun pero ng binalikan ko ng tawag walang sumasagot baka tulog na kaya naka mute na yung phone sa kwarto nya .. . kaya hindi na ko nagpaalam na magproprosisyon naisip ko magbibiyahe pa ko papuntang angono tapos baka mamaya wala naman si Mark kaya after ng closing, tapos na ang sakripisyo kaya kainan na . . . mamaya-maya manonood nalang kami nina Rocel ng amba sabi nina kuya exor mag-aamba sila pero sa dami ba naman ng magaamba makikita namin sila he he he . . .

>>>>>> sa pwesto nina Icay kami nagpunta nina Rocel kaya ayun chikahan kami ng best mare ko, baliw nga si gaga nagkausap daw sila ni Jan nung naghatol ang AHO sa tapat nila kaya tinanong sakin kung wala na ba daw talagang pag-asa yung relastion namin, sabi ko kay icay wag syang pasaway dahil nanahimik na ko, ayuko ng guluhin ang buhay ko kaya kung ano man yung sinasabi nya about Jan na gusto pa naman daw nyang sabihin sakin sabi ko keep it nalang sa sarili nya dahil ok n ko sa buhay ko . . . huling araw ng altar kaya okei lang sa mga lolo ko na umagahin kami sa altar kaya kahit ala-una na nandoon parin kami nina rocel at alam mo ba kahit kanina pa namin pinag-uusapan yung nangyari kyna odessa hindi parin mawala sa isip ko dahil kaninang dumating kami nakasabay namin ang grupo nila hindi naman namin sinasadya na matawa nina rocel dahil naalala namin yung nangyari kahapon dahil mula sa deep bumaksak yung krus nila kahapon at sina odessa at jamaica yung nabagsakan dahil sila naman yung maykasalanan dahil alam nilang nagbaba ng krus nandoon sila sa tapat parang mga tanga si abet naman piling hero akala yata si super man sya ayun kasama syang binaksakan ng krus dahil kala mahahabol nya yung pagbasak ng krus kaya kanina napatingin samin yung mga sobre girl ng AHO dahil bigla kaming nagtawanan . . . well I dont care kung magalit uli sila sakin after naming mag-usap nina Laarni sa lagay nakakatawa sila eh . . .
♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠ ♠

>>>>>> gabi na ng black Saturday kami nakapag-usap ni Mark, he say sorry dahil hindi sya nakapagpaalam dahil sinundo lang daw sya ni Jonathan at pinilit sumama, gabi na daw sila nakauwi kaya nakatulog sya at di na nakatawag, tumawag naman daw sya kinabukasan nasa labas daw ako, ganun din daw kagabi, hinihintay daw nya tawag ko dahil akala nya magproprosisiyon kami pero hindi naman ako tumawag, kahit na may konting tampo parin ako, inisip ko wala namang mangyayri kung papairalin ko na naman ang katigasan ng ulo ko kaya ayun inayos nalang namin kesa matapos kaming mag-usap na magkaaway parin. he asked me kung gusto kong sumama sa paranque dahil may reunion sila sa father side nya every Easter Sunday, sabi ko alam nyang may paskuhan rin kami every easter sunday kaya gustuhin ko man hindi pwedi . . ay ewan ko ba, may kung anong bumabangon na takot sa dibdib ko na di o alam kung para saan. . . sa mga nangyayari samin ni Mark, sa hindi namin pagkikita ng madalas piling ko may mangyayring di maganda sa relastion namin, pero ng sinabi ko yun kay Cath katulad ng sinabi ni Vince praning lang daw ako, dahil alam kung hindi mangyayari yung nasa isip ko dahil mahal na mahal ako ni Mark, ilang beses ko ng napatunayan yun at alam ko hindi parin nagbabago kahit sa paglipas ng panahon. . . . .kahit nang dumating si Jan sa buhay ko still nanjan parin si Mark at alam ko this time hindi na ko nagkamali sa pagpili . . sana????
to be continue . .

No comments: